SANDRYNNE'S POV Pumunta ako sa club na sinabi sa akin ni Ria. Bago kasi ako tuluyang umuwi ay sinabihan niya ako na mag-usap kami at dito niya ako pinapunta. Dumiretso ako sa VIP room kung saan siya naghihintay. Pagbukas ko sa pinto, bumungad agad sa akin ang amoy ng sigarilyo at alak. Pero ang ikinagulat ko ay hindi siya nag-iisa, kaya natigilan ako sa tabi ng pinto. May kasama siyang isang lalaki at korean ang gamit nilang lenggwahe sa pag-uusap kaya wala akong maintindihan. "Nuguya?" sabi ng lalaki habang nakatingin sa akin. [Who is she?] "Harriseu yeojachingu," sagot naman ni Ria, pero sa akin din siya nakatingin. At hindi ko alam na marunong siyang mag-korean. [Harris' girlfriend.] "Ah. Nega malhaettton geu saram?" Bumaling ang lalaki kay Ria. [Ah. The one you told me about?] "

