SANDRYNNE'S POV Palabas ako sa banyo, nagpupunas ng buhok nang marinig ko ang pagtunog ng cell phone ko. Nakalapag lang 'yon sa kama kaya agad kong pinuntahan at dinampot. Unregistered number. Saglit pa akong nag-isip bago 'yon sagutin. Baka kasi emergency. “Hello. Sino 'to?” Ako ang unang nagsalita. "Pitchie." Bahagyang nagsalubong ang kilay ko dahil matamlay ang boses niya. Nakakapanibago. May sakit ba s'ya? At saka saan n'ya napulot ang number ko? “Oh, ano na naman ang binabalak mo? Iiyak ka na naman tapos sasabihin mong wala na ang kuya mo?” This is my time to shine. Ako naman ang magtataray sa kaniya kahit na parang naaawa ako. "No. Hindi gano'n." “E, ano pala? Panibagong drama na naman?” "Hindi nga! Makinig ka muna kasi!" Bigla siyang nagtaas ng boses pero kasunod no'n ay

