Ours Si Maxell Rizaldo ang sumundo sa amin pabalik ng Manila at sa bahay na kami ni Maximus tumuloy. Sumakit bigla ang ulo ko. Hindi ko matiyak kung dahil sa pagod o sa papalapit na dinner kasama ang pamilyang Rizaldo. "Ikaw lang dito?" Pagpasok pa lamang sa burn stained door ay napanganga ako. Napakalaki ng bahay na ito kung siya lang naman ang titira. O kahit pa may kasama siya, malaki pa rin. Tumakbo agad si Lori papunta sa mahahabang couches para mahiga. "Hindi. May mga kasamba--" "Mga kapatid mo?" Paglilinaw ko. Tiningala ko ang high ceiling. Napakataas at nakakalulang titigan. Paano kapag dinungaw ko ang ibaba mula sa itaas? Baka manginig ang tuhod ko. "Wala. It's ours, Lite, kaya wala sila rito." Kumunot ang noo kong binalingan siya. "Ours? Atin?" He smiled as he put his ha

