SIMULA
SIMULA
Gaano na nga ba katagal yung huling nagkita kami? Hindi ko na kasi maalala, e. Bigla kasing nagtanong si Stella, bestfriend ko, sa akin. Two? Three years? Hindi ko na talaga maalala.
Hindi ko na rin gugustuhin pang maalala. Siguro, ganon talaga kapag natauhan ka na. Kapag natanggap mo na lahat, na kahit anong gawin mo para sa taong mahal mo, walang silbi 'yun kung iba naman ang mahal niya.
Mahirap pala talaga magmahal kapag 'baka sakali' lang ang pinairal. Nakakapagod. Nakakaubos.
"Tanda mo na? Mabuti ka pa natauhan na. E ako? Umaasa pa ring magbabago 'yung boyfriend ko. Bakit ba kasi mahal na mahal ko 'yun?" Frustrated na wika niya matapos sumimsim sa kanyang mainit na kape.
Pinagmasdan ko muna siyang maiigi, kinuha ang kopita sa lamesa at sumimsim.
"Don't ask me, Stell. Just leave him. Hindi ka pa ba napapagod umasa? 3 years na kayo. 3 years na rin siyang nambababae habang kayo. You're too precious to be with that asshole." Ibinaba ko ang hawak sa lamesa at inangat ang tingin sakanya.
"Tsk. Coming from you ha. Pero... you're right. I don't know... I need to think it over. That boy! Ang daming nagkakandarapa sa'kin, way better than him, but I still chose him. Urgh!"
"Exactly, he's still a boy. For heaven's sake, he's 35 already pero utak tahong pa rin? No wonder bata lang ang pumapatol because the woman her age sees the loser in him."
"Urggh! What should I do, Lite?"
"Break up with him. That's it."
"That's it?"
"Yeah. That's that. Iyak ka na lang later." Kinuha ko ang phone ko sa bag at inilapag sa harap niya.
"Here, call him."
Gusot ang mukang tinitigan niya 'yon, naguguluhan. "Tsk. Stop pressuring me. Later... Maybe."
Napabuntong hininga na lamang ako. "I'm not. Noon mo pa nga dapat ginawa 'yan e. Gusto mo bang matulad sa'kin? Gusto mo pagawan din kitang rebulto katabi si Jose Rizal?" Sarkastikong sabi ko, I snorted a little to sound more sarcastic.
"Silly. No wonder were bestfriends. Parehas tayong bobo sa pagibig." Sabay tawa niya. I guess, nalinawan. I hope so.
"Yeah. Alam mo, sabi nila, bobo daw sa love ang mga matatalino. We're the living proof of that." Bumuntong hininga muli ako at binaba ang tingin sa kopita habang nilalaro ang kutsara sa gilid nito.
"Pero sabi ni Jim, mahal niya ako. Aminado naman siyang babaero pero ako lang ang mahal niya."
Nag angat akong tingin, annoyed.
"At payag ka? Do you really believe he'll change? Kung mahal ka niya, magbabago siya para sa'yo. Dumating ba? Don't settle for that kind of love. I can't even call that love. If you really, truly love someone, you won't hurt and treat them like trash." Kunot ang noo kong nagpapaliwanag sakanya, I'm starting to get pissed by that guy again.
She looked shocked from what I have said. Biglang lumitaw ang ngisi niya na unti-unting lumapad.
"You really changed for the best, Lite. I'm so proud of you. Thank you ha? Kahit papaano, kinakaya ko because of you. Kakausapin ko na mamaya si Jim. Actually, I'm tired of all his excuses."
"No worries. That's what friends are for. Mas malala pa kagagahan ko pero hindi ka nagsawa. At least, I am okay now. Well, I'm free now." Napangiti na lang din ako.
Yes, I am free from the shackles of love. Kapag talaga babae ang sumuko, wala na. I could have love him even more pero binalewala niya lang iyon. Past is past, though.
Napasarap pa ang kwentuhan namin ni Stella but not about our personal tragic lovestory anymore. Kakauwi niya lang kasi galing Japan, for her toy business. Half a month din siya nawala kaya sobrang miss ko na siya. My life is as simple like before. Ang pinagbago lang, hindi na ako umiiyak because of heartache.
I'm 30 years old now. Single, free, confident and I can say, happy. It took me 9 long years para marealize ang halaga ko. I wasted 9 years chasing and begging someone to love me back. Masyado akong nabaliw sa pagmamahal kaya napabayaan ko ang sarili ko, kaya heto ako ngayon, bumabawi.
Palagi akong tinatanong nila mama at papa kung kailan ako maga-asawa. Malapit na kasi akong mawala sa kalendaryo, natatakot sila na baka hindi na ako magka-anak. Normal lang naman sa kanilang hilingin na magka-apo, ako lang naman nagiisa nilang anak at tumatanda na rin sila. They're both neurologist pero retired na.
Sa states na silang dalawa nag stay dahil lahat ng kamaganak namin ay nandoon na rin. Ako na lang ang naiwan dito. Hindi ko na rin mabilang mga blind dates na sila ang nag set-up.
I'm not ready to be in a relationship yet. Ibabalik ko muna 'yung mga nawala at ipinamigay ko sa ibang tao, kapag buo na ulit ako, saka na ako magmamahal ulit. Everyone deserves an unconditional love. Kaya bubuuin ko muna ang sarili ko for me and for my future. Kung meron nga talaga.
Tatapusin ko muna ang contract ko and after that, maninirahan na ako sa states for good. Siguradong mami-miss ko ang Pilipinas. I'll miss the traffic in EDSA, poluted air, street foods such as kwek-kwek and isaw, the warmth of the people and the memories.
"It's Jim! Magkita raw kami." Natigil ang usapan namin sa natanggap niyang text.
"Pupuntahan ko muna siya, Lite ha? Don't worry, hindi na ako magpapakatanga." Pagpapaalam niya. Bumeso muna saka umalis na mag ngiti sa labi.
Tumango na lang ako habang nakangisi. I know her too well. Hindi naman agad natutunan ang paghinto sa pagiging tanga. Matagal na sana akong matino kung may seminar pala para doon.
Love really is a sickness.
I went to wash room first to freshen up before leaving the cafè. Iniiwasan ko talaga ang mga cafè na. Parating na lang may nangyayaring hindi maganda everytime na nasa cafè ako. Sumpa ko ata ito. It brings back a lot of awful memories.
Palabas pa lang ako ng cafè nang tumunog ang phone ko. I stopped walking to pick it up inside my bag. Tumatawag kaagad si Stella. If my hunch is correct, baka talagang nag break na sila. I hope na si Stella ang nakipag break not that loser.
Sinagot ko ang tawag at tinapat ang phone sa tenga ko then I continued walking.
"Stell? What is it?" Tanong ko, I can hear her sobbing.
Binuksan ko ang pinto pahila. "Where are you? Pupunta--" Someone bumped into me, nabitawan ko ang phone sa pagkabigla.
Nakatingin na lamang ako sa phone ko na nasa sahig na ngayon, it's broken. The screen turned black, completly broken.
"Miss, I'm so sorry. Papalitan ko na lang, sorry..." The guy who bumped into me was panicking, saying sorry multiple times. As if sorry can change the fact that its broken.
Yumuko ako at pinulot ang phone, pinagpagan then slide it inside my bag.
"It's okay. I can buy a new one. Just please, next time, tignan mo na lang dinadaanan mo." I said calmly while standing up.
"Lilou?" He called my name with confusion. I froze for a moment. Nanatiling nakatayo at nakatitig sa loob ng bag, scared to know who's behind that familiar voice.
"Lilou." Sounded more sure. Bumigat ang pakiramdam ko, siya nga talaga ang taong nasa harapan ko. The person who shattered me into tiny million pieces. Isinantabi ko muna iyon.
I smiled and slowly lifted my face to look at him.
"Hi, Maximus." I said, staring confidently at him.
Ngumiti rin siya pabalik, looking at me with his eyes full of mystery.
~~~~~~~~~~~~
A/N: Hello, sana suportahan niyo ang gawa ko. Sana ay mag comment & vote rin kayo, malaking tulong po iyon para sa akin. Salamat! Let's support each other. ♡
RAW & UNEDITED
Inspired ang kwentong ito sa kantang EX ng CALLALILY.