KABANATA 1

2110 Words
Cousin "Bilisan mo, Lite! Dali!" Minadali ko ang paghulog ng letter sa locker ni Maximus sa mga sandaling iyon. Nataranta pa lalo ako nang sumigaw si Stella sabay hampas sa balikat ko. "Ano na?! Umalis na tayo! The Rizaldo boys are coming!" "I'm d-done na. Let's go!" Tumakbo na kaming dalawa papalabas sa locker room ng varsity team. Maganda ang araw na iyon. Tahimik ang buong campus, walang event. Abala ang lahat sa kanilang mga lakad, maaliwalas ang paligid, malamig ang simoy ng hangin. Second semester na namin, January. Ibig sabihin, g-graduate na si Maximus at probably, hindi ko na siya makita pa ulit. Malabo para sa magkaibang mundo namin. He's in business course while I'm a pre-med student. Maliban na lang kung magiging magkaibigan kami sa personal pero mas malaki pa yata ang chance ko na grumaduate na c*m laude kesa sa kaisipang magiging magkaibigan kami. I'm too shy to approach him. Every girl in Ateneo swoons over him or his cousins. Sino bang hindi hahanga sa mayaman, athlete, gwapo? Sa libro lang ako nakakabasa ng mga ganyang quality ng isang lalaki, not my ideal type of guy pero may mga ganon pala talaga nage-exist sa real life. I started to like him noong nalaman kong siya ‘yung taong naging dahilan bakit buhay pa ako ngayon, humihinga at nagagawa ang gusto ko. Though, ang swerte ko ay naging kamalasan para sa iba. 16 years old lang ako when that incident happened. Nasa park kami ng pinsan kong si Matteo para sana magbigay ng food sa mga street children. Nakasanayan na kasi namin na kapag uwian, didiretso kami roon. Nagtalo kaming dalawa because of a petty reason. I got pissed and walked away, hinabol niya ako at ayoko pa sanang kausapin siya so I run as fast as I could. Hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng kalsada, last thing I remembered, mababanga na sana ako ng black trailblazer pero mabilis iyong inilihis ng driver... I got lucky. I thought I was lucky... pero may iba siyang nabangga. A young child, a lifeless young child. Nasagaan niya iyon, duguan at bali ang siko at iba pang parte ng katawan. I was guilty. Nawalan ako ng malay. I woke up in my bed at sinabi sa akin lahat ng pinsan ko ang nangyari. Hindi na open ang usapan patungkol doon kaya sinarili ko na lang ang paghahanap sa driver. Gusto ko lang siyang makilala. Nagbunga naman ang paghahanap ko ng halos tatlong taon. Nahanap ko 'yung sasakyan na gamit niya online. Binebenta na. Ako na mismo ang bumili. Unfortunately, iba na ang may-ari pero sinabi naman nito kung sino 'yung unang owner and then... I found him. At sa iisang university lang din kami nagaaral. Mukhang ayos na siya after that. Hero, ang tingin ko sa kanya. Everyday, naghuhulog akong letter sa locker niya. I know he's not even reading it. Gusto ko pa ring magsulat para sa kanya, sinasabi ko lahat ng nangyayari sa buhay ko and how he makes my day brighter. Sometimes I get a little sad and just by simply looking at him makes me happy. Sounds creepy and pathetic, wala naman sigurong masama? Nagustuhan ko siya kahit na alam ko na kung magpalit siya ng babae kala mo ay nagpapalit lang ng damit. Naghintay na lang akong matapos ang klase ko para sa araw na ito. Kinakabahan sa planong naisip, itutuloy ko na talaga, with the help of my bestfriend Stella. Sasamahan niya ako sa bar na palaging pinupuntahan ng Rizaldo boys. I heard sa kanila rin ang bar na iyon. Nang makauwi, nagasikaso na agad ako. Nagayos ng sarili at pinili ang pinaka magandang dress na meron ako. It's a black silk dress and I wore a two inch black ankle strap heels. I think it's enough for me. Light face make-up, smokey eyes and a neutral lipstick. Hinintay ko lang na dumating si Stella para sunduin ako. I'm not allowed to drive yet. Wala rin akong planong matutong mag drive. Matatakutin kasi ako. "Damn, Lilou Nicolette Andrada. Amores! Mabibihag mo na talaga iyang Maximus na iyan. You go girl!" Ani Stella nang lumabas ako sa gate. I made a face. First time kong magsuot ng ganitong klaseng ka-revealing na damit. It fits perfectly in my body. Mas na-emphasized nito ang malaki kong balakang. Nakaka-ilang pa rin naman kahit papaano kaya todo hatak ako pababa sa suot ko, naiiksian ako at hindi masanay sanay. "Stop that, Lite! You look great, okay? Wag mo i-spoil just because you're not comfortable. Mahahalata ka lalo. Relax, okay?" Sita niya nang makababa na kami ng sasakyan. "You think bagay talaga? Not too... sexy? Malaswa?" "Don't worry. Nasa tamang dress code ka tonight. Just calm yourself down." She assured me. May kalayuan din ang bar na itong Seven Bar. Bakit kaya seven ang pangalan ng bar na ito? I wonder why... maybe favorite number nilang magpi-pinsan? Sa labas pa lang ay may mga tao na. By the looks of it, mga mayayamang tao ito. Business men, may iilang sikat na modelo at artista ang mga narito. Sila 'yung kadalasang nakikita kong may malaking billboard sa EDSA. I took a deep breath before going in. This is it, Lilou! I need to talk to him bago siya grumaduate. Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-daming lugar, dito ko pa sa bar naisip na kausapin si Maximus. Bukod sa ito lang ang alam kong tambayan nila, maaring mapansin niya ako rito. Lakas ng loob lang ang kailangan ko! Meaning... I need a shot of alcohol. Iginala ko ang mata ko sa buong bar nang makapasok. May mga nagsasayaw sa gitna ng malaking dance floor kasabay ng malakas na trance music. Mga typical na makikita sa bar. Dumiretso kami ni Stella sa bartender. She ordered me a drink. Mabilis kong nilagok iyon paglagay ng bartender sa harap ko. Tatlong shots pa lang ay halos umikot na ang paningin ko. Sapat na ang tapang na iyon para harapin si Maximus. "I'll look for Maximus now bago pa ako tuluyang malasing. Wish me luck!" I said, tinapik ko ang balikat niya saka umalis. Ngumiti lang siya sa akin pabalik bilang pagsuporta. I shook my head. Inikot ko muli ang buong lugar para hanapin siya o sign na narito nga talaga siya tonight. I saw his cousin na paakyat sa second floor, sumunod ang mata ko at hindi rin ako nabigo. Nakatayo si Maximus sa may railings, kausap ang isa pa niyang pinsan at nagtatawanan. Huminga muna akong malalim at humugot ng lakas ng loob. Wala nang atrasan pa. Maingat akong lumakad papunta roon. Muntik pa akong matangay ng alon ng mga nagsasayawan sa gitna. Lumakas pa lalo ang kanta. Tumigil ako panandalian sa bungad ng hagdaan. Tila naduwag ako sa daming tumatakbo sa isip ko. Paano ko siya kakausapin? Paano ko sasabihin ang gusto kong sabihin? Paano kung hindi niya ako pansinin? Anong gagawin ko kung ganon nga? Ang alam ko, wala siyang girlfriend ngayon... Flings marami. Ah, basta bahala na! Mangyari na ang dapat mangyari, basta itutuloy ko ang plano! Bumibigat ang paghinga ko kada hakbang. Nasisilayan ko na si Maximus. Palapit na ako nang palapit sa katotohanan. Nanlalamig ang buo kong katawan at parang pinagpapawisan ang palad ko sa kaba. May dumaan muli na waiter na may dalang tray ng alak, kumuha ako roon ng isa hindi para inumin kundi para gawing props. Sa gilid ko ay may humahapyaw ng indak. Humina ang music kaya kahit papaano ay naririnig ko ang usapan nilang mag pinsan. Umupo ako sa likuran ni Maximus na hindi gaano kalayuan. Hihintayin ko muna matapos ang usapan nila saka ako lalapit. "Nakauwi na ba si Matrix? I can't believe na pumayag si tito Randall. Akala ko ba ayaw sumama?" Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang boses ni Maximus, kaya lang parang mainit yata ang ulo. Mahinang tumawa naman ang kausap nito. I think si Shaun Rizaldo ang kausap niya. "Bro, you can text or call your stupid brother. Bakit ako pa ang tatanungin mo? You can even call her." "I did. Hindi siya sumagot. Hindi rin nag re-reply!" "Chill, bro. Malaki na iyon. She can handle herself gracefully." "She's only 15, Shaun. 15! Masyado siyang mabait kaya lahat na lang inaalala niya. What if something bad happened to her? Matrix can't do his job properly. Silang tatlo kasama ng kapatid mo. Palagi na lang siya napapahamak kapag kasama silang tatlo. They're useless!" I can feel his anger with his words. Nakakatakot pakinggan ang mga iyon. Parang lion na mabagsik at handang sunggaban ang kalaban. I can't understand what they're talking about. She? A girl? Kasama mga pinsan niya? Sumasakit ang ulo kong pilit inuunawa ang usapan. Patong patong na mga katanungan sa isip ko. "Why don't you go to Coron? Ikaw na mismo ang sumundo sa kanya para makasigurado ka? You're being paranoid." Sarkastikong sabi ng kausap nito. "I'm serious, Shaun. Nagaalala lang ako para kay Tori." Tori? Tori Rizaldo? Pinsan niya iyon ‘di ba? Kumunot ang noo ko, mas naguluhan pa ako. Akala ko kasi... No. Nevermind. Sa dami ng Tori sa mundo, imposibleng 'yung pinsan niya ang tinutukoy nilang dalawa. "I'll call your girl for you para matahimik iyang kalooban mo. It's your fault, in the first place, kaya hindi ka sinasagot dahil inaway mo na naman." Tumawa na naman ito. Teka... tama ba ako ng dinig? Your girl? May girlfriend na ba si Maximus? Nasasaktan ako habang nakikinig sa usapan nila. Kusang tumutulo ang luha sa mata ko, shocked, dismayed and sad. Humigpit pa ang hawak ko sa alak na kanina ko pa bitbit. "Hi, Seven. When will you come back? I miss hanging out with you. Yeah... Sure... wait... here's Maximus, may sasabihin daw sayo." Inabot ni Shaun ang phone sa kanya. He cursed his cousin, Shaun, before talking on the phone. Hindi ko man kita, ramdam kong masaya at nakangiti si Maximus. Nagbago rin ang timbre ng boses niya, mula sa galit ay napalitan ng sigla at sinserong salita. "Hey, birdy, you're not answering my text and calls. By the way, do not forget to bring something for me. I want--- f**k! she ended it. f**k!" "Dapat kasi sinabihan mo na agad ng 'I miss you' para matapos na kakaisip mo." "Now isn't the right time. 15 pa lang siya." "Ano naman kung 15 pa lang ang pinsan ko? Wala ka naman sigurong balak---" "f**k you, Shaun! Wala!" "Mabuti nang nagkakalinawan tayo. Don't treat my cousin like how you treat your hoes. Subukan mo, Maximus, at pagsisihan mong naging magpinsan tayo." "You don't need to remind me. I love her with all my heart. Mamamatay muna ako bago ko siya masaktan." "I'll be the one to kill you if you touched her indecently." Are they in a relationship? That's imposible! That's taboo! Pero bakit parang kaswal lang ang usapan nilang dalawa... na parang walang mali? Mag pinsan sila! Incest! Umalis na sila Maximus, pero nanatili lang ako sa kinauupuan ko habang umiiyak. It hurts! First love, first heartbreak. Sa daming tao sa mundo, bakit sa pinsan pa niya siya na-inlove? I'm disgusted by that thought. I can't imagine myself having a romantic relationship with one of my cousin. Uminom lang ako nang uminom hanggang sa magmanhid na ako sa alak. Sumali ako sa mga nagsasayawang tao sa ibaba, nagpapakalunod sa saya para panandaliang makalimutan ang sakit. Tinawag ni Shaun Rizaldo 'yung kausap niyang Seven. Tori and Seven are the same person, pangalan niya pala iyon and the name of this bar is SEVEN. So... I conclude, si Maximus ang may ari ng bar na ito kaya ipinangalan niya sa pinakamamahal niyang babae. "Come on, L. Let’s go home. Tinawagan na ako ni tito Nicolo and they are worried. Tama na 'yan." Hinatak na ako ni Stella paalis sa dancefloor but I shrugged her off. Bumalik ako roon at hinampas ang ulo sa hangin. "Lilou, ano ba!? Umiiyak ka at sumasayaw. Ano ba kasing nangyari? Nakausap mo ba si Maximus?" Hearing his name made me cry a lot more. Walang talab ang alak sa sakit na nararamdaman ko ngayon. f**k! "Halika na, Lite. Marami pa diyang iba. Umuwi na tayo."    "Ayoko. Ayoko pang umuwi. Gusto ko lang sumayaw at makalimot." Naluluhang sabi ko.   "No! Uuwi na tayo. Nagagalit na ang daddy mo. Ano ba kasing nagyari? Sabihin mo para naman alam ko at nang maintindihan kita." "Ang sakit lang ng nararamdam ko, Stell. Ang sakit!" "Magkaibigan tayo, Lite. Tell me, makikinig ako." I'm silently sobbing when I stopped dancing, then wiped my tears on my cheeks while trying to hold back some tears to fall again. "Maximus... he's in love with Tori. In love siya sa pinsan siya. Tangina!" Mapaklang sabi ko. Bumaling akong tingin kay Stella na walang imik at inilihis ang mata sa ibang direksyon. We have the same reaction when I heard their conversation, gulat, hindi makapaniwala. I don't even care anymore. What matter is... ang sakit sakit na may mahal ng iba 'yung lalaking mahal ko. Hindi pa man nagsisimula ang laban, talo na agad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD