KABANATA 2

2279 Words
Neighbor Buong araw akong nag-stalk kay Tori. Lahat nga lang ng social media accounts niya ay naka private. Sa accounts ng dalawa niyang pinsan ako nag check, sila Matrix at Harem Rizaldo na schoolmates din niya. Nasa limang pictures lang niya ang nakita ko, kalimitan ay family picture pa. But I admit, she's really beautiful, a drop dead gorgeous for a 15 year old. No wonder nagustuhan siya ni Maximus. Ang amo ng mukha, mistulang anghel na ipinadala ng langit. I bet she's also nice. I zoomed her pictures in and out, lalo lang akong nakaramdam ng insecurities. Hanggang leeg 'yung buhok niya, maputi, maliit ang mukha, matangos at maliit din ang ilong, katamtaman ang kapal ng labi, bilugan ang mata. Parang manikin sa balingkinitan niyang katawan. Ni minsan, 'di ako nakaramdam ng inggit sa kahit na sino kahit na sobrang plain lang ng itsura ko kung ikukumpara sa ibang magaganda. If I compare myself to her, mestisa siya at morena naman ako. Humiga ulit ako pabalik sa kama, nagtalukbong ng unan sa mukha at tumili. Kinuha ko ang phone at tinitigan si Tori bago inilapag sa gilid ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagbibigay ng letter kay Maximus. Sumusunod ako kahit saan siya magpunta. Shaun noticed me watching them, papalapit na siya sa kinauupuan ko kaya nagtakip ako ng mukha gamit ang magazine sa library ng school. Dinig ko ang pag urong ng upuan sa harap ko. Bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba, naghahabol akong hininga habang pinagpapawisan ang noo.    "Hi!" He said in a friendly voice. "Huli ka na, miss. Why are you following us?" Mahina siyang tumawa.  Nanuyot ang lalamunan ko, nagpatay malisya pa rin. "You really think I won't notice? Nakinig ka rin sa usapan namin ng pinsan ko sa bar. It's you, right? The crying lady?" Mapaglarong tawa nito. Pakiramdam ko nilalait niya ako at ginagawang katatawanan. Kunot noo kong ibinaba ang magazine.    "Kung wala kang magandang sasabihin, 'wag ka na lang magsalita!" Madiing sabi ko.  "Ikaw nga talaga iyon." Ipinatong niya ang magkabilang siko sa lamesa at nakangising nilapit ang mukha sa akin. "Hindi ka noon magugustuhan kaya wag ka nang umasa pa."   I raised a brow, "Kasi in love siya sa pinsan niyo? How disgusting. Kinunsinti mo pa." I said, mocking his smile.    Nawala ang ngisi niya at sinamaan ako ng tingin. "You know nothing, miss. Sinasabihan lang kita para hindi ka na masaktan pa."  "Why do you care about my feelings? Takot ka ba na ipagkalat ko? Don't worry, hindi makati ang dila ko."  "Wala akong pakialam kung ipagkalat mo. Ang akin lang, wag ka nang umasa. By the way, ako ang nakakabasa ng letters mo. In love ka talaga sa pinsan kong walang paki sa kahit na sino bukod sa pinsan namin. I warned you, miss." Nanlaki ang mata ko at bahagyang umawang ang labi. How dare him read my letters! Matatanggap ko pa na itapon 'yun ni Maximus kesa basahin ng ibang tao. How dare him! "Alam mo bang hindi dapat binabasa ng kahit na sino ang letter na hindi naman para sa kanya? Hindi ka ata naturuan ng respeto?! ‘Wag mo akong pakealaman. I'm not asking for your compassion. Kung masaktan ako, problema ko na iyon." Nanlilisik ang mata ko.  He faked a laugh, "Don't feel special about it, miss. Hindi lang ikaw ang sinabihan kong ganito." Ani Shaun sabay tayo sa upuan, umiling muna at mapangasar akong tinignan bago umalis. Ang kapal ng mukha niya! Ang bastos ng bibig! Walang modo! The fact na nabasa niya iyon, mas naiirita ako sa kanya at kung paano niya ako tignan na sobra kung makapanlait! I can't believe na ganon pala ang ugali niya. I heard mabait daw iyon among Rizaldo boys. Bakit ganon kung umasta? Ibig sabihin kilala niya ako. Does Maximus knows me too? Inasikaso ko na lang ang pagpapa-hardbound ng thesis ko sa labas ng campus kesa isipin si Shaun. I've been very busy lately kaya naisantabi ko muna pansamantala ang pagiging broken hearted ko. Pabalik-balik din ako sa registrar para magpasa ng mga deficiencies ko para hindi ako magahol kapag graduating na.  "Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba? May pagpatay ka pa ng phone na nalalaman, e." Bungad ni Denise sa akin, nilapag niya ang bag sa table, hinakbang ang isang paa papasok roon at umupo paharap sa akin. Iminuwestra ko ang dalawang kamay ko sa table kung saan busy ako sa pagtapos ng interpretation ng personality test na deadline na next week.    "Hala! Interpretation ka na agad? Magpapa-test pa lang ako mamaya, e." Problemadong aniya habang sinisilip ang gawa ko.    "Oo. Madali lang naman, e. Sa DAP ako nahihirapan kaya bukas ko na lang siguro gagawin."   "Ikaw na talaga! Baka mag magna ka na niyan. 'Wag mo akong kalimutan kapag nangyari 'yon, a!"    "Sira! Malabo na iyon 'no. Critical lagay ko sa minor natin, e. 'Di ba nga nagtalo kami ni Sir Jimenez? Feel ko idadaan niya sa grade." Nakangising sabi ko na hindi siya tinitignan.   "Kiss lang ang katapat no’n. ‘Tamo, baka gawing 100 ang grade mo."   Umiling na lang ako. "Sige alis na ako at magpapa-test muna ako. Nakakaloka ang hirap pa lang mag psych. Magiging patient yata muna ako bago grumaduate. Bye, Siz!" Aniya sa maarteng tono, ibinalik ang ilang gamit sa bag at umalis. I waved her goodbye. Pansin ko parang lahat na lang inaalisan ako. Dadating, aalis. Never na ako ang unang umalis. Napangiti ako sa mga naisip ko at binalik ang atensyon sa pagsusulat. I need to focus on this paper work. Hindi ako sumasali sa extracurricular activities, malaking kabawasan iyon sa grade. Ang katumbas ng isang attendance ay isang quiz sa major. Pamamaraan ng profs para um-attend talaga mga students. That doesn't work for me, gagalingan ko na lang sa exams. After finishing everything, isinauli ko ang lahat ng gamit sa bag. Mabigat na ang bag ko sa dami ng papel na bitbit, niyakap ko na lang ang iba gamit ang kaliwang braso ko. It was really a tiring day, especially mentally. Ang hirap kapag may kailangan kang i-maintain na grade. Baka nga talaga sumablay pa ako sa minor ko na iyon, I’ve been talking to him for weeks but he's threatening me that he'll mark my grade as incomplete. Walang hiyang manyak na prof na iyon! I went some grocery shopping for tonight's dinner. Sa condo unit ko na ako umuwi dahil nasa Nueva Ecija sila mommy for outreach medical program nila at two weeks yata ang itatagal nila. Malapit lang naman ang bahay namin sa University pero binilhan pa rin nila ako ng condo, para daw matuto ako mamuhay mag-isa. It's kind of funny because some parents doesn't want to let go of their child. Protective sila but not that strict. Hindi ko rin naman inaabuso ang freedom ko, sakto lang. Kapag alam kong makakasama sa akin, I'll stop na. Wow! Big words from me na inlove sa lalaking inlove na sa iba. Nakakabusog palang kumain ng mga salita ‘no? Binati ko ang iilang guards na kakilala saka sumakay sa elevator. Nag magandang loob naman sila nang makitang madami akong bitbit pero tumanggi ako sa tulong. Ibinaba ko muna ang groceries para kunin sa bag ang susi.    "Dito ka na ulit titira, hija?" Tanong ni Kuya Erwin sa akin. Head siya ng maintenance office at madalang lang siyang mag ikot kaya nakapagtataka na andito siya.    "Opo, kuya Erwin. May inaayos po ba kayo?" Tanong ko.   "Ah, oo. Doon sa may dulong unit. May lilipat na."    "Talaga po? Sino raw? Babae?"    "Hmm, 'di ko kilala, e, pero lalaki. Magkakaroon ka ng kapitbahay, nga lang, lalaki naman. Matagal na niyang nabili 'yun kaso ngayon lang lilipat."   "Ganon po ba... kailan daw po lilipat?"   "Ang alam ko bukas na kaya chineck ko na agad kung may kailangang ayusin pero ayos naman lahat."    Marahang akong tumango.   "Sige na, hija. Babalik na ako sa baba." Ani kuya Erwin.  Tumango ulit ako, ngumiti saka pumasok bitbit ang dalang gamit at pinamili. Nanuod akong tutorial sa youtube kung paano magluto ng cheesy carbonara. Sinimulan ko na ang paghihiwa ng ingridients na kailangan habang pinapakuluan ang pasta. Sanay naman akong magluto ng kahit na ano basta ba may gayahan at listahan. Makakalimutin kasi ako sa steps ng pagluluto ng pagkain. Pasok naman sa pansala ko ang niluto ko. However, malayo nga lang ng fifty percent ang lasa nito sa hotel restaurants. I did a quick shower and ironed the clothes that I'm going to wear tomorrow. Wala naman akong klase pero pupunta kasi ako sa art gallery ng high school friend ko sa Tagaytay. Naging hobby ko rin magsulat sa bullet journal ko before going to sleep, sinasanay ko lang din isulat 'yung mgay bagay na ipinagpapasalamat ko. Maliit man o malaki, dapat ay ina-acknowledge pa rin natin. Nakaramdam ako ng stomach cramps kaya chineck ko ang cabinet ko para kumuhang sanitary napkin. I think it's that time of the month. Paulit-ulit kong binuksan ang cabinet at nagtingin na rin ako sa iba pero wala na pala akong stock. Mas sumakit pa ang puson ko. Alam kong kailangan mailabas ang maduduming dugo, kaso para naman akong pinapatay kapag may dalaw ako. Lalo na kapag first day, sobrang sakit din sa balakang. Nagiging bed ridden ako for a day dahil doon. I refuse to take meds kasi sabi ni John Green, "that's the thing about pain. It demands to be felt." Another lame excuse to justify my decision. Damang-dama ko talaga ang sakit. Hot compress lang naman ang katapat at pupwede na. Ang malas ko lang dahil may plano ako bukas na mukhang mauudlot pa. Nakasuot na akong light blue terno pajama pero kailangan ko talagang makabili ng sanitary napkin at kung hindi, parang murder scene ang magiging itsura ng kama ko paggising ko bukas. Mahirap pa naman din maglaba! Kinuha ko ang wallet sa bag at lumabas. May alfamart naman sa labas ng condo unit at mabilisan lang naman ang gagawin ko. Pagdating sa store, kumuha agad ako ng limang pack para sa susunod pa na month. Kumuha na rin akong chips at beverages. Tumakbo ako pabalik sa condo kasi pakiramdam ko ay meron na talaga ako. For real! Hindi na rin kasi ako nagpalit pa o nagpatong ng damit. If ever na meron nga, kitang kita ang magiging mantsa noon. Pasara na 'yung elevator kaya kumaripas akong takbo makaabot lang. "Sandali! Wait! Sasabay ako!" Skandalosang sigaw ko. Napangiti ako nang makitang pinindot ng sakay ng elevator 'yung button para hindi magsara.  "Thank you so much! Buti nakaabo---" I stopped talking when I saw who's inside the elevator. Si Maximus! It’s freaking Maximus Chance Rizaldo! Literal na napa-nganga ako sa harapan niya sa gulat ko. Nakapamulsa ang isang kamay ni Maximus at ang isa ay abala sa pagtipa ng phone. Bahagyang kumunot ang noo niya nang balingan ako ng tingin.   "Sasabay ka ba?" Napaigtad ako. Nagkumahog akong pumasok, nakakahiya! Kaming dalawa lang. Nakasandal ang likod niya sa dulo at nakatayo naman ako sa harapan niya. Pipindutin ko na sana 'yung button kung saan ang floor ko pero naka-ilaw na iyon.  Wait. Anong ginagawa niya rito? Saka... isang floor lang ang pupuntahan namin. Hindi kaya... siya 'yung lilipat?! Mabilis lang naman ang pag angat ng elevator pero pakiramdam ko ang tagal tagal. Kinakabahan ako. Nilalaro ng hinlalaki ko 'yung takip ng bote ng sprite na nasa loob ng paper bag na yakap ko. I can hear him breathing. I can also hear my heart beating really loud. Naririnig kaya niya? Inangat ko ang tingin sa pintuan kung saan nakikita ko ang reflection niya. Mabilis akong nag iwas ng tingin nang tumindig siyang diretso. I swallowed hard multiple times. Tumunog ang elevator. Hindi ako mapakali sa mabagal na pagbukas ng pintuan. Binilisan ko ang lakad, nakasunod nga talaga siya sa nilalakaran ko. Si Maximus nga talaga ang kapitbahay ko! What the hell! Is this a sign? May chance na akong maging malapit sa kanya! Dammit! Nilampasan niya ako nang tumayo ako sa pintuan ako. Panakaw ko siyang tinignan habang naglalakad siya papalapit sa dulong unit. Nilabas niya ang susi na mula sa bulsa niya. I know he's not flexing but damn those veins! Ang hot niya tignan! Everything about him is hot. His muscular body, his handsome face with a sharp jaw, his posture, his intimidating presence, even his slickback hair! I think I’m going to hell for fantacizing him too much! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya, huli na para magiwas ng tingin. My face heated because of embarassment. I bit my lower lip, bahala na! Matapang akong tumingin sa kanya. It didn't bother him to see me staring at him, sanay na. "Uhm, excuse me?" Sabi ko pantawag pansin sa kanya. Blanko ang mukha niyang tumingin sa akin. Nakita kong nakaawang na ang pintuan niya, napansin niyang nakatingin ako sa pinto kaya isinara niya iyon at humarap sa akin.    "Yes?" He said flatly.  "Uhh, are you my new neighbor?" I asked, I bit my lower lip. Ang tanga ng tanong ko! Of course he is! Obvious naman 'di ba?! Tipid siyang ngumisi. Oh my freaking god! First time ko lang siyang makita na ngumisi at sa harap ko pa! My lucky stars sure did aligned!   "Yeah." Tumango ako, "I-I'm Lilou. You can call me Lite." Kinalma ko ang sarili pero bakas pa rin ang kaba noong ngumiti ako. Siya naman ang tumango at ngumiting tuluyan.  "Nice to meet you, Lite. I'm Maximus." Naka tanga ako sa kinatatayuan ko, hindi na nakapagsalita pa. Ngumiti siyang muli bago pumasok sa loob. How can a person be this handsome? Wala akong masabi. I went speechless when he smiled at dahil 'yon sa akin. Everything happens for a reason. Baka ang reason kung bakit sa dinami-daming condo ay dito pa siya napadpad ay para magkalapit kami? Maybe we're meant to be? Nagtitili akong pumasok at tumalon-talon. Libre lang naman mangarap kaya lulubusin ko na! Naglaho na ang sakit ng puson ko sa sobrang saya. Kaya lang... posibleng makita ko rin si Tori na dumalaw sa kanya. Nahinto ang panandaliang kasiyahan nang maisip ang katotohanang may may-ari na sa puso niya. Ipipikit ko na lang siguro ang mata ko para hindi gaanong masakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD