KABANATA 3

2026 Words
Call  Tamad akong bumangon sa kama, tinignan ang alarm clock sa gilid habang kinukusot ang kaliwang mata. As usual, tanghali na naman akong nagising. Nag-inat pa akong katawan bago tuluyang umahon paalis sa kama. Napuyat ako kakamasid kay Maximus at mga pinsan niya. They're all here at nakikita kong pabalik-balik sila. Some of them brought their flings, si Maximus lang ang wala. I expected Tori to show up pero walang anino niya ang dumating. Basically, napuyat ako kakahintay na magpakita siya. Dumating na rin sila mommy from Nueva Ecija at pinapauwi na nila ako sa bahay but I insisted to permanently live here. Sa loob ng isang buwan, hanggang tingin pa rin ako kay Maximus. Palagi siya may kausap sa phone kaya hindi ko makausap kapag nagkakasalubong kami. Pag may chance naman, pinapangunahan ako ng kaba. Birthday niya kagabi kaya may iilang ingay akong naririnig mula sa unit niya. Minarkahan ko na sa kalendaryo ang date ng birthday niya, February 26. Bakit kaya wala si Tori kung birthday niya? Hindi ba dapat ay nandito siya? Bukod sa espesyal siya sa buhay ni Maximus, mag pinsan din naman sila. Paunti-unti natatanggap kong hindi hadlang ang pagiging mag pinsan nila. Pero, masyado pa yata siyang bata and 22 na si Maximus. Nag asikaso na ako ng brunch habang umiinom ng iced coffee. Kagabi ko pa pinagisipan ang planong lutuan si Maximus ng food para iyon na lang ang iregalo ko. Good excuse para makausap at mapalapit sa kanya. Pero, hindi ba parang weird na regaluhan ko siya? Wala rin naman siyang sinabi na kaarawan niya kagabi pero alam ko. Isang malaking bahala na kung ano ang masabing kong dahilan mamaya kung itanong niya kung bakit. Inabot akong hapon sa pagp-prepare ng food. I'm not very confident sa cooking skills ko kaya I stayed on the safe side. I prepared mango graham for him. I noticed na everytime makikita ko siya sa university palagi siyang may bitbit na mango juice at iyon kadalasan ang order niya sa restaurants. Matapos kong gawin iyon, tumungo na ako sa banyo para maligo. I forgot to take out the clothes that I'm going to wear kaya matagal pa ako sa pagpili ng isusuot. I ended up choosing a turtle neck sweeter and shorts. Aligaga akong nagayos ng sarili para maging presentable ang itsura. Nailipat ko na rin sa mas maayos na lalagyan 'yung mango float. Kumuha akong blue sticky notes sa study table at sinulat ang 'Happy Birthday, Maximus.' instead giving him the birthday card that I bought two days ago. Sobrang suspicious ko na noon, and worst, isipin niyang creepy stalker ako. Kabado akong kumatok sa pintuan niya, mahina lamang iyon dahil sa kabang gumapang sa sistema ko. Sa panglimang katok saka niya binuksan ang pinto. Para akong nalagutan ng hininga nang magtama ang mata namin. Abot tenga ang ngiti niya. Namasdan ko ang pagbaba ng balikat niya kasabay ng pagtikom ng ngiti pabalik sa normal. Tumikhim ako at binaba ang tingin sa hawak. I came here to give this to him, I have to time to decode all the meanings of his gestures. Dammit! "For you, Maximus. Ah... Happy birthday!" Masiglang bati ko nang ilahad ang mango graham na nakalagay sa cake box sa harap niya. Nakatuon ang mata niya roon. Nakangiting tinanggap sabay baling sa akin.    "How'd you know?" Curious na wika niya.    Tumikhim ako. "Ah, ayon ba? Schoolmate kasi tayo. Nakalimutan ko bang sabihin? Some of my friends on f*******: greeted you kaya nalaman ko." Payak na sabi ko, trying to sound cool.    "Really?" Sabay iling niya.  "Come in. Let’s eat this together." Aniya, bahagyang umatras at binuksan ng mas malawak ang pinto. Mabilis kong tinitigan ang loob noon bago tuluyang pumasok. Malinis at maaliwalas ang condo niya na grey tone and theme like how I imagined it to be. I can't believe this is happening! Nasa loob ako ng tinitirhan ng lalaking gusto ko and we're breathing the same air! Kinakabahan pero masaya.    "Ang linis naman pala ng bahay mo..." Wala sa sariling komento ko. I heard him chuckle in a distant. Nag init ang pisngi ko sa kahihiyan.    "So you expected my house to be messy? Because... I'm a guy?" Tumatawa pa rin.   "Hindi 'no." I answered him defensively.  Nasa kitchen si Maximus, samantalang nasa living room ako, amused sa nangyayari ngayon. Walang mapaglagyan ang saya ko. I want to scream and shout. I want to run wildly in the field of flowers screaming at the top of my lungs. I'm smiling like an idiot while checking all the picture frame. May isang picture doon na talagang napako ang mata ko. It's their family picture kaya lang... si Tori lang ang nandoon sa mg pinsan niya. Kuha sa loob ng bahay iyon, nakaupo si Tori at parents ni Maximus sa sofa habang nakatayo naman silang magkakapatid sa likuran nito. Normal happy family. Nakaramdam na naman ako ng inggit kay Tori sa mga sandaling iyon. Bagay na bagay kasi talaga sila, e.  "Did you made this, Lite?" Tanong niya nang makalapit sa kinatatayuan ko. Agad akong lumingon sa kanya. "Oo. Kaninang umaga lang nang mabasa ko 'yung post ng friend ko sa fb." I faked a smile.    Umupo na si Maximus. Nilapag niya ang dalawang plato na may mango graham sa glass table at sumenyas na maupo na ako sa katapat na upuan.    "Wow! This taste really good. Salamat talaga rito, Lite at sa effort mo."  Kinagat ko ang pangibabang labi ko para hindi gaanong lumapad ang ngisi, "You're welcome, Maximus. Mabuti naman at nagustuhan mo. Pinanuod ko lang kasi sa internet kung paano gumawang mango graham, e." Pagkukwento ko. Nakangiti lamang siyang kumakain, nagustuhan nga talaga niya. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig at hangaan siya. Ang lakas ng dating niya sa plain white shirt at khaki shorts niya. How? Marami akong nakikitang ganito rin ang suot pero hindi kasing attractive niya. Where's the justice?!   "Nakita kong titig na titig ka sa pictures ng mga pinsan ko kanina. May nagustahan ka ba sa kanila?" Mapagbirong aniya nang makaupo ako.  "W-wala!" Nakangising giit ko. "Pansin ko lang na may nagiisang babae sa picture. Sino 'yun?" Tanong ko. I know who she is, of course! Napaisip lang ako kung paano niya ipapakilala si Tori.    "Ah, it's Tori. She's the only girl cousin we have sa father side naming lahat."    "Ang swerte pala niya. Meron siyang eigth cousins that'll protect her at all cost. I'm pretty sure walang magtatangkang manakit sa kanya. Takot na lang no’n."  Prenteng sinandal niya ang likod sa sofa. Kinuha ko sa glass table ang plato sabay kain. Uminom agad ako ng coke in can sa harapan ko bago nagsalitang muli.   "Mabait ba siya? Si Tori? Uhm, close kayo?" Sabay baling ng tingin sa kanya.  Kumakain ulit siya nang tumingin ako. "Hmm, not really. Sakto lang. We always fight. It's my own fault anyway. Palagi ko kasi siyang iniinis." Nakangiti siya habang sinasabi iyon at nakatitig sa gawa ko. He really is inlove with Tori. Ilang beses ko bang dapat isampal sa sarili ko iyon? Sa mata pa lang niya na bahagyang nagningning nang mapagusapan siya. Aside from that, mas natutuwa pa siyang si Tori ang usapan. I laughed... eventhough I'm hurting.    "Bakit naman?" Usisang tanong ko.    Nilapag niya ulit pabalik ang plato sa harapan para kunin ang inumin na agad niyang ininom nang buksan.    "Wala lang."    "E, paano iyan kapag may boyfriend na siya?"   Marahang siyang natawa sa tanong ko.   "That won't happen." Paninigurado niya.    Nakangiti akong tumingala, humingang malalim at binalik ang tingin kay Maximus.  "How can you be so sure? She looked so young, paano kapag nag dalaga na? Andami na sigurong nakapila." Nagtiim ang bagang niya. Nakapatong ang siko sa dalawang hita, nakakuyom ang kamo at madilim ang ekspresyon ng mukha na nakatitig sa kawalan. Nanuyot ang lalamunan ko. Didn't expect his reaction to be this... dark. He's damn furious. Sa akin? Sa sinabi ko? Maling salita ang napili ko. I should be more careful next time. Kung meron pa... "Alam ko." Malamig na wika niya matapos ang ilang minutong pananahimik. "Still, I won't let that happen." Sabay pakawala ng marahas na hininga. Sumangayon na lang ako. Humigpit ang kapit ko sa coke in can na hawak ko dahilan para mayupi iyon at umapaw ang laman. Napatayo ako sa gulat nang naramdaman ko sa hita ang daloy ng malamig na inumin at nabitawa. Halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki nang tumilapon din 'yung laman sa carpeted floor.    "s**t! I'm sorry, Maximus! Gosh, I'm so stupid!" I was panicking in the moment. Mariin kong ipinikit ang mata ko habang kumukuha ng tissue na nakapatong sa glass table. "Stop that, Lite!" Lumuhod ako para punasan 'yung natapon na coke. Pero yung iba ay nasipsip na ng carpet. Paiyak na ako nang maramdaman ang dalawang kamay ni Maximus sa balikat ko at marahan akong itinayo.    "I told you to stop. Don't worry about it. Ako nang bahala riyan." Banayad ang boses niyang naninigurado.  Pinunasan ko ang nangingilid na luha sa mata ko bago pa iyon tuluyang bumagsak. Yumuko si Maximus para kunin 'yung box ng tissue sa table. Nakatitig lamang ako sa muscles niya. Mabilis naman akong nag iwas ng tingin nang tumindig siya sa harapan ko at inabot ang box ng tissue.    "Inuna mo pa ibang bagay kesa unahin sarili mo. I mean-- Look at you. Basang basa ang shorts pati na rin hita mo." Nag aalalang aniya. Hinawakan ko 'yung inabot niya, kumuhang iilan saka nagpunas ng hita.    "N-not here, Lite. Sa banyo... andoon ang banyo." Paalala niya sabay turo.  Agad namang namula ang pisngi ko sa inasal ko nang maisip ang ibig niyang sabihin. Tumungo na agad ako papunta roon, habol habol ang mabilis na pintig ng puso at kinakapos na paghinga. Bakit ba nakakalimutan kong kumilos ng naayon!? What if isipin niyang sinasadya ko iyon? Or lampa ako? Or inaakit ko siya?! Damn you, Lilou Nicolette! This ain't you! Nakaramdam ako ng init sa halu-halong emosyon kanina. Kung dahil ba ito sa suot ko, hindi ko na alam pa. Pinatuyo ko muna ang short ko bago lumabas. Paglabas ko pa lang ng pintuan ay may family portrait na naman roon. Sila Matrix at Maxell Rizaldo at pinaggigitnaan nila si Tori na nakaupo sa swing set. Bawat sulok ng bahay na ito, hindi mawawala ang mukha ni Tori. Bahagya akong nairita sa mukha niya. Lahat na nasa kanya. Mabait? Spoiled, I guess. What Tori wants, Tori gets.    "Okay ka na?" Nakatingin si Maximus sa mukha ko. Tumango ako sabay ngiti.    Nakatayo siya sa may gilid ng drawer at mukhang hinintay talaga na makabalik ako.    "Sorry talaga, Maximus ha? H-hindi ko talaga sinasadya. It just... happen."  "Wag mo na isipin iyon." He assured me. Paupo na sana ulit ako nang magsalita pa siyang muli. "I'm sorry, Lite, but I need to go."    "S-sige... Okay ka lang ba?" Alalang tanong ko. He seems... bothered. Saan?    "Yeah." He simply answered, halatang wala siya sa sarili. Lumakad ako papalapit sa kanya habang kinakagat ang labi ko.    I cleared my throat, "Uhm, saan ka pupunta?" Nakakunot ang noo ko, nagaalala, pero naglaho iyon nang iangat niya ang tingin sa akin at ngumisi ng pilit.    "Kay Tori." Sagot niya, humingang malalim saka ulit dinuktungan. "My brother said that she's sick. Bibisitahin ko lang." Sabay ngiti.    Tumikhim na lamang ako at nakangiting tumango. "Right! Sige I'll go ahead na."   "Ihahatid na kita sa unit mo, Lite." Agap nito.    Ngumiti ako bilang tugon. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko habang hinihintay na bumalik si Maximus galing sa kwarto niya. Pagbalik ay bitbit na niya 'yung car keys at wallet.    "Let’s go." Tumango ako at sumunod na papalabas sa kanya.    Tahimik ako sa tabi niya. At hinintay na makarating harap ng pintuan ko.    "I appreciate your efforts for making my favorite dessert. I'll take you out some time... if okay lang din sa'yo? Para makabawi naman ako."   Tumango ako, "Sure!"  Kumawakaway ako habang paalis siya. Saka lang ako pumasok sa loob nung makapasok na siya sa elevator. Damn! Ganito na lang talaga ako. Nakatingin habang papalayo siya sa akin para puntahan 'yung taong mahal niya. Masaya ako kanina. Masayang masaya! Pero, agad namang binawi sa isang iglap. Nakakatakot palang maging masaya kung ganon. Bagsak ang balikat kong pumasok sa loob ng unit, balisa. Marahas kong tinapik ang pisngi ko para matigil sa kakaisip ng kung anu-ano. He asked me out ‘di ba? Iyon ang mahalaga, focusing on the positive things! Nakahakbang muli ako ng isa papalapit sa kanya. Ayos na rin ito kesa wala. Sana maging malapit kami sa isa't isa, pagt-tyagaan ko kung ano man ang maibigay niyang atensyon sa akin. Sapat na sa akin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD