Dinner
Ibinuro ko ang sarili sa pag-aaral. Sa isang linggo na ang finals namin at marami pa akong kulang na requirments na kailangang ipasa. Isama pa ang minors na wala naman talagang kinalaman sa kurso ko pero kailangang aralin. Naisakaso ko na rin ang subject ko kay Sir Jimenez, kaonting pakiusapan at pambobola, wala na akong problema.
Noong isang gabi, noong sinabi ni Maximus na babawi siya sa akin, umasa talaga ako na mangyayari pa iyon. Naghintay talaga ako sa pagkatok niya sa pintuan ko ngunit hindi iyon nangyari. Bigo akong tumutumungo sa kama habang pilit na pinapasok sa kokote ko na sinabi niya lang iyon pampalubag loob sa biglaan niyang pagalis.
At sino ba ako para mag-amok? Magkapitbahay lang naman kami.
Kinailangan kong pumasok ng umaga para asikasuhin ang thesis ko. Nagkaroon kasi ng problema sa pagpapapirma sa dean at panels. Hindi ko na sana trabaho pa iyon. I already did my part. Ako na nga ang mag-isang gumawa at tumapos ng thesis namin pero ako pa rin yata ang tatapos ng pagpapapirma ngayon.
Minalas ako sa mga groupmates ko sa thesis. Tatlo kami pero ako lang mag-isa ang nagawa. Palagi silang may excuses tuwing mago-overnight at may kailangang i-revise. Ako na nga ang umisip ng title, ako na gumawang questionnaire, ako na rin ang nagpa-survey, ako na lahat. Ang hirap talaga mag buhat ng thesismates! Maaga yata akong makukuba nito, e!
Naaawa naman ako sa kanila kung tatanggalin ko. Ngayon pa na tapos na ang defense at for book binding na? Kapag natapos na talaga itong lahat, magkakalimutan na kami!
Sa lobby lang ako naghintay sa grab na binook ko kanina. Mabilisan ang ligo ko sa pagkataranta tapos maghihintay lang din pala ako ng matagal dito. Naupo muna ako sa couch malapit sa pintuan habang tinititigang maigi 'yung mga pictures ni Maximus from last night at paulit-ulit na pini-play 'yung IG story ng kapatid niyang si Matrix kasama ang pinsan niya at si Tori.
Nakasandal ang siko ko sa armrest at pumangalumbaba. Nagsimula na akong mairita sa sobrang tagal. Thirty minutes na akong nagaabang ngunit wala pa rin. Inalis ko ang IG app at tumungo sa grab para i-cancel iyon. Iritado akong tumayo at lumabas sa condo para magabang na lang ng taxi sa labas. Tumawag pa ang isa kong thesismate pero hindi ko sinagot. Bahala silang mag-antay sa akin, tutal pinahirapan nila akong hanapin sila tuwing kailangan ko ang tulong nila.
Mabigat ang buntong hininga ko pagbukas ang glass door at umihip ang mainit na hangin. Ang init! Huminga ulit akong malalim at napailing na lamang. Wala naman akong magagawa pa. I don't own a car, also I don't know how to drive. Ugh!
Tinakbo ko ang distansya mula sa hagdaan papunta sa lilim at hintayan ng taxi. Dati naman ay marami ang nakaparadang taxi rito, a? Bakit biglang wala na? It's not even rush hour. Ala una pa lang at ganito kadalasan ang oras kung kailan lipana ang taxi sa labas ng Skyhill. Pasulyap-sulyap ako sa relos ko at sa daan. Mabilis kong inangat ang kanang kamay ko para parahin ang taxi'ng paparating.
Dismayado kong ibinaba ang kamay nang lagpasan ako nito. Dalawang taxi pa ang dumaan pero tulad kanina, nilagpasan din ako. Nawalan ako ng gana kaya umupo ako sa steel chair habang nakatitig sa kalsada. Lumilipad ang utak ko kasabay ng paglipad ng buhok ko sa hangin. Nakisali pa ang phone ko na kanina pa tumutunod.
Kaonting kalabit na lang ay magwawala na ako sa inis!
"Hey!" Sigaw ng kung sino kasabay ng ilang beses na busina. Wala akong lakas na i-angat pa ang ulo ko para tignan kung sino man iyon.
"Hey! Lite?"
Nagkibit akong balikat matapos bumuntong hininga. Ang ingay naman! Nilagay ko ang dalawang kamay sa steel chair, binaba ang tingin sa paa na hindi umaapak sa semento at pinag-swing iyon.
Naaninag kong may naglakad sa gilid at naupo sa tabi ko. Malalim at matagal ang buntong hininga ko saka ito pinakawalan. Dapat pa ba akong pumunta o hayaan na lang mga abusadong thesismates ko? Paulit-ulit iyon tumabko sa isip ko. I shouldn't be here. Dapat ay nagaaral ako hindi nagaabang ng taxi'ng ayaw naman ako pasakayin.
"Ang lalim naman ata niyang iniisip mo?" Wika nito.
"Oo. Baka nga malunod ka pa, e."
Mahina at pilit niyang tinago ang tawa niya. "I'm not joking."
Tumaas ang isa kong kilay at nanatiling nakatitig sa paa.
"I see... Then tell me what you're thinking. I'm a good swimmer though." Kampanteng aniya.
Ako naman ang natawa sa sinabi niya. "Talaga lang ha?" Nanunuyang sabi ko. Tumuwid ako ng upo at humalukipkip.
"Ano ako, sira? At bakit ko naman sasabihin sa'yo?"
"Try me."
Pigil ang mga tawa ko. Sumingkit ang mata ko at binalingan siya ng tingin.
"Will you tell me now? Makikinig ako." Ani Maximus sa mahinahong tono.
Nanlaki ang mata ko, suminghap ako kasabay ng pagawang ng labi ko. s**t!
"K-kanina--Kanina ka pa?!" Bulalas ko.
Tumango siya, "Yeah. Kanina pa rin kita tinatawag kaya nilapitan na kita."
Tama! Kanina pa nga may tumawag sa pangalan ko kaso lang hindi ko pinansin dahil masyado akong okupado ng pagkainis. Mula sa mukha niya ay nilihis ko ang mata ko papunta sa tapat kung saan may nakaparadang itim na Porsche.
"Ano ba kasing iniisip mo?" Tumatawang aniya.
Nagkibit-balikat ako at humalukipkip.
"Ah, kasi... walang humihintong taxi, e. Kanina pa ako rito. Tatlong taxi na 'yung nilagpasan ako." Pagmamaktol ko.
"Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita." Presinta niya.
Namilog ang mata kong tumingin pabalik sa kanya, seryoso ang mukha. "T-talaga?"
Umangat ang gilid ng labi niya, "Yeah. Saan nga?"
"Sa school.”
Nakapamulsa siyang tumayo "Alright. Halika na." Naglakad siya papuntang sasakyan at binuksan ang passenger's seat.
Bahagyang niyang tinagilid ang kanyang ulo nang humarap sa akin, senyales na sumakay na ako. Wala sa sariling tumayo ako at lumakad papunta roon. Inalalayan niya pa akong makasakay, siya na rin ang nagsara ng pintuan. Nakatitig lang ako sa kanya paikot, papunta sa driver's seat.
Lutang ang isipan ko sa bilis ng pangyayari. Kanina lang ay mainit ang ulo ko tapos bigla siyang sumulpot at ngayon ay nakasakay na ako sa sasakyan niya. Bumilis ang t***k ng puso ko pagpasok niya. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa pagpipigil ng hinga.
"Thank you, Maximus ha?" Panimula ko. Kinlaro ko ang aking lalamunan at ilang beses pang lumunok sa panunuyot nito.
"No worries." Tugon niya.
Pinatakbo niya ang sasakyan sa direksyon papuntang school. May riot na nagaganap sa isipan ko. Kinurot ko ang hita ko para alamin kung totoo nga ito. Nakaramdam akong sakit, patunay na hindi ito panaginip! Naka sakay nga talaga ako sa sasakyan niya! Matapang ang amoy ng kiwi scent sa loob nito pero hindi masakit sa ilong.
"Anong gagawin mo pala roon? Hindi ba dapat nag-aaral ka?" Tanong niya, nakatitig pa rin sa daan.
Tumikhim ako. "Right. I should be studying right now but my thesismates needs me."
"Let me guess... pabuhat ang mga iyon 'no?"
"Paano mo nalaman?" Ngumisi ako. "Naranasan mo rin ba?"
"Nah. Ako lang mag-isang gumawa ng thesis ko to prevent having severe headaches caused by lazy thesismates."
"Sabagay... may point ka."
"Drop them, Lite. Kaibigan mo ba ang mga iyon?" Bahagya akong nagulat nang balingan siya akong tingin.
"I-I can't do that, kawawa sila eh, saka hindi ko sila kaibigan. Nagkataon lang na sila ang nakasama ko." Nilihis ko ang tingin, minabuting sa bintana ko na lang iyon itiuon.
"E, ikaw? 'Di ba graduating ka? Dapat nagre-review ka 'di ba?" Pagiiba kong tanong.
"We're done with our final exams." Tugon niya.
Tumango na ako nang maalalang una nga pala nage-exam ang mga graduating students sa non graduating.
"By the way, Lite, are you busy after school? Mag re-review ka ba ulit?" Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Uhm, depende. Bakit?" Nalilitong tanong ko. Nagkagulong muli ang utak ko, ano ba ibig niyang sabihin? Yes, I was planning to study again after this whole thing pero tinanong niya ako. Hindi kaya....
"Do you still remember when I asked you out? Hindi na kasi kita nakausap ulit kaya hindi tayo natuloy. Pero kung ayos lang sa'yo, anytime, basta puwede tayong dalawa."
"Later? Ah... Okay lang ba?" Tanong ko.
"Alright. Aantayin na lang kita sa carpark hanggang sa matapos ka."
Gulat at nagsalubong ang kilay ko. "Huh? B-bakit? Huwag na, Maximus. Magta--"
Pinutol niya agad ako. "It’s okay, Lite. I insist."
"Pero... baka kasi matagalan ako. Maiinip ka."
"I won't." Utas niya.
Pagbaba ko sa sasakyan ay pinuntahan ko na 'yung dalawa. Masama ang mukha nila parehas nang dumating ako. Pinagsawalang bahala ko na lang ang masama nilang tingin. Sadyang may mga tao talagang makakapal ang mukha at walang utang na loob. Tama, silang dalawa ang tinutukoy ko.
"I've been calling you a thousand times. Uso kayang sumagot." Nanunuyang ani Jessa na humalukipkip at patagong inirapan ako. Nonsense, nakita ko rin naman. Pagod akong bumuntong hininga saka sinagot ang sinabi niya.
"Thousand times? Kahit lima lang iyon?" Nakangising ani ko. Hindi makapaniwala ang mukha niya, umawang ang kanyang labi. Mataray ko siyang tinaasan ng isang kilay dahilan para magiwas siya ng tingin.
Magsasalita pa sana siya nang sumingit ang isa ko pang ka-grupo na pinaggigitnaan namin.
"Thank goodness, you came! Sorry talaga, Amores ha? Ikaw kasi ang hanap ni Sir Bermudo, e." Stressed na wika ni Klaire.
Maasim ang mukha ni Jessa'ng tinignan si Klaire. Umiling ako habang iritadong umirap sa hangin. Malamang ako ang hanap, ako gumawa, e.
"Whatever." Utas ko.
Kinuha ko kay Klaire 'yung folder kung saan nakalagay 'yung papers na kailangang papirmahan kay dean. Binilisan ko ang kilos para matapos na agad at makaalis na kami ni Maximus. Sa kabila ng inis sa mga kasama, masaya pa rin ako tuwing papasok sa isip kong nagaantay siya sa akin.
'Yung taong hinanap ko ng dalawang taon, minahal kong patago, naging kapitbahay ko, siya namang nagaantay sa akin sa parking hanggang sa matapos ko ang agenda ko ngayong araw dahil may date kami... friendly date. Still, masaya pa rin ako sa sunod-sunod na magandang nangyayari. Alam ko namang wala lang sa kanya ito, kasi nga may iba na siyang mahal, pero nakakalimutan ko 'yung mga bagay na iyon tuwing kasama ko na siya.
Ganon ba talaga? Nakakalimutan mo 'yung nararamdaman mo kapag kasama mo na 'yung mahal mo? Delikado pala talagang magmahal kapag komplikado.
Imbis na patulan ang mga patutsada ni Jessa, inalisan ko na sila. Ang mahalaga naman ay naresolba na ang problema. Malapad ang ngiti kong naglalakad pabalik sa carpark. Malayo pa lang, kita ko na si Maximus, may kausap siyang dalawang lalaki na pamilyar ang mga mukha.
Nagtagpo ang mata namin, tumango siya at kumaway. Sabay lumingon ang dalawa nitong kasama sa direksyon ko. Tipid na ngiti lang ang ginawad ko sa mga iyon bago tuluyang umalis paglapit ko.
"Tapos na." Bungad ko. Umalis siya sa prenteng pagkakasandal sa sasakyan.
"Let's go." Nakangiti lang ako nang binuksan niya ang pintuan.
"Thanks!"
Katulad kanina ay wala na akong masabi pa o maikwento man lang. Kinakabahan na naman ako. Pinagiisipan ko muna ang sasabihin, takot na akong magkamali.
Pakiramdam ko ay nakasakay ako sa bisekleta habang tumatawid sa lubid. Isang maling galaw ay ikamamatay ko. Parehas kaming walang masabi sa isa't isa. Tinatansya ko ang paligid, hanggang sa sa tuluyan na akong napipe.
Patago ko siyang tinitigan. Ang malimit na pagtagis ng panga niya ang pumupukaw sa atensyon ko. Napaisip ako bigla, saan kaya siya galing kanina bago niya ako nakita? Malamang pauwi pa lang siya noon.
Eksaktong alas cinco na rin iyon ng hapon nung dumating kami sa Laz Coleza. Gutom na rin ako kaya tama lang na kakain na kami. Unang beses ko pa lang makapasok dito, mangha ako sa interior design ng buong restaurant. Magandang desisyon talagang na nagsuot akong black knitted top at mustard skirt na lagpas tuhod, kahit papaano'y presentable akong tignan.
Hinawi ko ang mga takas kong buhok papunta sa likod. Dumating ang waiter para kunin ang orders namin, kung ano ang kay Maximus, iyon na lang din ang order ko.
"Nainip ka ba kanina? Sorry ha, medyo natagalan ako." Sabi ko matapos kumain.
Kaswal lang ang kilos ko at pakikipagusap sa kanya. Nahihiya pa rin kasi ako sa tuwing titingin siya sa akin.
"I told you, Lite. Hindi ako nainip."
Kabadong ngumiti ako. "Okay... Maximus."
"Quit calling me Maximus. Call me Xim or Max instead. Isa pa, magkaibigan naman na tayo, 'di ba?" Kampanteng ngumiti siya sa akin.
Napakurap ako. "O-Oo. Magkaibigan na tayo." Nauutal na ani ko. Gumalawa ang labi ko, nagpipigil ng salita.
Umubo ako para maalis ang bara sa lalamunan ko. Kinuha ko ang malamig na mango shake at ininom iyon. Bahagya akong tumingin sa mukha ni Maximus na nakatingin pala sa akin.
Muntik ko nang mailuwa ang ininom ko. Hinaplos ko ang dibdib ko sa bigla.
"You okay?" Alalang tanong niya at mabilis na inalok ang tissue na hawak. Sumensyas akong 'okay na.' Sabay ngiting naninigurado.
"Ang bait mo pala 'no?" Manghang komento ko. Siya naman ngayon ang muntik mailuwa ang ininom. Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya.
"Why? Akala mo ba masama ang ugali ko?" Humalakhak siya.
Umiling ako. "Sabi lang nila. Parang hindi naman, e."
"Hindi talaga. Ano pang mga narinig mong balita tungkol sa'kin?" Naghahamong aniya.
Napahagikhik ako at humalukipkip, nagiisip. "Hmm, I heard... you're a certified heartbreaker." Mapagbiro ang tingin ko, tumaas baba ang kilay.
"They're not lying. I am. But, I'm not a playboy. Sila ang lapit nang lapit sa akin kaya sila nasasaktan." Humalukipkip din siya at lumaban ng titigan sa akin.
Huminga akong malalim saka nagiwas. I can't stare at his eyes too long... I just can't.
"So... really? And another thing, marami kayang nakakakitang papalit palit ka ng babae."
Humalakhak siyang muli. Nanikip ang dibdib ko, pakiramdam ko naghuhurumentado ang sikmura ko sa kasiyahan. Ang gwapo gwapo niya talaga!
"f**k them all. Ikaw ba? Ano bang tingin mo? Do you agree with them?"
"H-hindi."
"Wala pa akong nagiging girlfriend."
Napahinto ako sandali. What?! Tama ba ang narinig ko.
Gulat akong napatingin. "Are you serious?"
"Yep. Flings, marami. Girlfriend? Nah. Wala pa."
Itinagilid ko ang ulo ko, confused na tumitig sa kanya.
"I'm a faithful man, Lilou. Kapag nagmahal ako, siguradong siya lang ang mamahalin ko hanggang dulo. Even if it kills me."
"T-talaga?" Pilit kong tinago ang lungkot sa reaksyon ko. Kinagat ko ang labi ko.
"May nagugustahan ka na ba?" Siya ngayon ang hindi makatingin, nakangisi lamang at may inaalala.
Nasasaktan ko sa sarili kong tanong. May ideya naman ako kung anong sagot niya, e.
Mula sa lamesa ay binaba ko ang mga kamay ko sa aking hita. Kumuyom ang palad kong nakahawak sa palda. Sa mga sandaling iyon ay naghihikahos akong habulin ang hininga ko.
Tumikhim ako ilang beses.
Nagkibit lamang siya ng balikat imbis na sagutin ang tanong ko.
But do I need to know kung narinig ko mismo sa bibig niya? Marahil ay ayaw niya lang ipaalam kung sino ang babaeng gusto niya. Goddammit! Syempre, alam ko. Kaya nga ang sakit sakit, e. The thought of her makes him smile. Totoo ang mga ngiting iyon kumpara sa mga ngiting ipinapakita niya sa akin mula pa kanina. Wala talaga akong panama 'no?
Tahimik lang ako buong byahe pauwi sa Skyhill. Napagod ako sa pagtatago ng nararamdaman. Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko pagkapasok ko sa condo. Binagsak ko ang katawan sa kama at doon humagulhol ng iyak. Kanina ko pa ito tinatago at pinagsasawalang bahala. I can't just ignore this feeling. I'm hurt. I'm deeply wounded.
I want to stop this hurt. Isa lang naman ang paraan; Forget Maximus.
But I can't. There are plently of reasons why I should forget him pero hindi ko naman kaya. Because... I love him. That crazy stupid thing called love did me dirty. Bakit kailangan kong magmahal sa taong imposibleng maabot?
May narinig akong katok sa pintuan ko kaya mabilis akong umahon sa kama. Humarap ako sa salamin at naglagay ng powder sa mukha. I look like a mess pero bahala na! Si Maximus iyon!
"Maximus... what brings you here?" Takang tanong ko nang buksan ang pinto.
Nakasuot na lang siya ng puting t shirt at sweatpant but still looked hot!
"I forgot to give this to you." Bumaba ang tingin ko sa hawak niya.
"Keychain?"
Ginto ang kulay ng keychain na hugis diamante. Sa gitna noon ay may nakasulat na, 'Light.'
Kinuha ko iyon. Inangat ko ang keychain kapantay sa mata ko at paikot na sinuri. Nag-iiba ang kulay nito tuwing natatamaan ng liwanag. Mistulang kaleidescope.
"Ang ganda..." Manghang bulong ko.
"Sa'kin 'to?" Tanong ko, nakatitig pa rin sa keychain.
"Napanalunan ko sa arcade. E, ikaw agad ang naisip ko nung nakita ko 'yung nakasulat." Nakangiting aniya.
Lumipat ang tingin ko sa kanya. Ibinaba ko na ang keychain saka ngumiti.
"L, I, T, E spelling ng nickname ko." Paliwanag ko.
"Oh," marahan siyang tumango, naliwanagan.
Natawa ako bigla. "Pero thank you... kasi naalala mo ako."