Cake
Our friendship started the night he gave me a keychain with a word 'light' on it. Kayamanan ang turing ko ro'n. Inilagay ko iyon sa susi ng condo unit ko. It brings smile on my face whenever I see it, or even thought of it. Never in my wildest dream na mararating ko ang ganitong sitwasyon. We've been friends for almost 3 years. I saw how he changed and keeps on changing.
Nakakataba ng puso na isa ako sa taong tinatawag niyang kaibigan. I witnessed how his love for Tori grew. Masakit, oo. Pero tanggap ko na iyon umpisa pa lang. His happiness is all that matters to me.
"Aalis ka na naman?" Pumameywang si Stella sa gilid ko.
"Yah. Susunduin niya nga ako eh. Gusto mo sumabay?" Aya ko. Nagfo-focus ako sa pagme-measure ng asukal na ilalagay sa ginagawa kong cake.
"No thanks." Iling niya. "Saan kayo pupunta? Umamin ka nga sa'kin." Kinalabit niya ako sa tagiliran. "Ano ba kayo?" Mapanuri ang mata niyang tinitig sa akin.
"Friends." Sagot ko habang tinutunaw naman ngayon ang white chocolate.
"Luh! Friends? Weh? Friends, pero hoping ka na maging kayo?" Nanunuyang paratang niya.
Binalingan ko siya ng tingin at pinandilatan. "Stop it, Stell. Tapusin mo na lang kaya 'yang binibake mo kesa kulitin ako." Sabay irap ko.
"3 years na kayong friends ha. Wala bang chance na maging.... jowa mo?"
"Wala!" Nagkunot ako ng noo.
Patuloy pa rin siya sa pangungulit, nakalimutan na atang nandito kami sa workshop ng paggawa ng cake.
"Ms. Romero? Is there a problem with your cake?" Tanong ng instructor namin.
Natatawa akong lumipat sa kabilang table para hindi ako madamay sa paninita ng instructor namin. Dinig ko ang paninitsit ni Stella, nanghihinging tulong. Pero hindi ko siya nilingon pa.
"Nothing, Ms. Blessy." Umiiling tanggi nito. Tumango si Ms. Blessy. Nakangiti ang labi niya pero ramdam ko ang pagtitimpi sa kakulitan ni Stella.
After ng graduation namin, naging busy na kaming dalawa sa career namin. I didn't take the psychometrician board exam. Wala na rin kasi akong planong ipagpatuloy ang med. I enjoyed working in the office. I love dressing up kaya ganado akong pumasok everyday. Maganda rin naman ang environment ng company na napasukan ko. So far, wala akong problema sa officemates ko.
Ang pagpapatakbo ng toy company nila ang pinagkaabalahan ni Stella. Hobby na namin ang mag enroll sa mga workshops. Ganito na kami mag bonding. Gayumpaman, palaging napapagalitan si Stella dahil mas marami pa siyang reklamo imbis na sundin ang utos ng instructors namin.
Ang paggawa ng marble plate 'yung pinaka favorite ko. I watched a video on youtube on how to make a cake roll, kaya naisipan kong mag enroll sa baking class. Next naman 'yung barista training class, since nahiligan ko na rin ang pag-inom ng coffee.
"Hindi mo sinagot tanong ko kanina. Saan nga?" Nangusisang muli.
Nasa locker na kaming dalawa, nagpapalit ng damit. Sobrang nakakapagod pala talagang mag bake ng cake. It takes so much time and effort! Hindi ko pa natitikman 'yung gawa ko. I hope masarap ang gawa ko, ibibigay ko kasi 'yon kay Maximus.
"I don't know. " Tugon ko, nagkibit ng balikat. Tumuwid ako mula sa pagkaka-squat nang makuha ang box ng cake sa storage.
Naglalakad na kami pababa sa lobby ng building. Ngunit hindi pa rin niya ako tinantanan.
"Kilala kita e. Umaasa ka pa rin 'no? Sinasabi ko sa'yo, Lilou Nicolette, tigil-tigilan mo na pagsama sa lalaki na 'yan. Nako!" Pasulyap-sulyap siya sa'kin habang dinuduro ako. Patawa-tawa lang ako sa ekspresyon ng mukha niyang nangigigil, gusto ata akong sabunutan para matauhan.
"Wala namang masama sa ginagawa ko ah?" Sinakyan ko na lang ang trip niya, pero seryoso, wala akong nakikitang masama. Mag kaibigan lang talaga kami at tanggap ko na 'yun. Subalit, kahit na ganon ang turing namin sa isa't-isa, may malaking pader pa rin ang namamagitan sa'ming dalawa. Mailap siya pag tungkol sa pamilya at kay Tori.
He never tell and... I never ask anyway.
Nasa labas na kami ng building. Lumipat siya sa harap ko, tinaasan ako ng kilay at ngumuso.
"Wala? Sus. Pero mahal mo?"
"Kailan ba nahinto?" Pag amin ko, tipid akong ngumiti.
Namilog tuloy ang mata niya. "Ayan! 'Yan ang sinasabi ko sa'yo, eh. Lalo kang nafa-fall sa lalaki na 'yon. College pa lang tayo, alam mo na may gusto na 'yun sa pinsan niyang mukhang anghel." Lumaylay ang balikat niya at nagkamot ng ulo. Iiling-iling siyang tinalikuran ako.
"Alam ko 'no. Ano tingin mo sa'kin? Ulyanin?" Nakangising hirit ko. Tila balewala na lang sa'kin 'yung bagay na 'yon.
"Hindi." Humarap siya ulit, salubong ang kilay. "Hindi ka ulyanin. Tanga ka." Pinagdiinan ang huling sinabi.
"Aray..." Humawak ako sa dibdib ko, umarteng nasaksak doon.
"Tinamaan ka 'no? Kasi totoo? My gosh!" Asik niya, umirap muna bago ulit ako tinalikuran. Dinig ko ang malakas niyang buntong hininga.
Binuksan ko na lang 'yung tote bag ko, kinuha ko ang salamin at tinignan kung haggard na ba ako.
"Uy! May gwapo oh!" Tinapik niya ang braso ko, nataranta.
Nakangisi akong nag angat ng tingin. "Saan?"
Umatras siya, kinikilig na pumantay sa'kin at nginuso ang diretsyon ng gwapong sinasabi niya. Sumunod ang mata ko papunta roon. Naningkit ang mata ko nang wala akong makitang gwapo.
"Saan?" Sumimangot ako, dismayado. "Wala naman eh!"
Sinapo niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay. At pinihit ang ulo ko sa bandang kaliwa, nakita ko ang lalaking papalabas pa lang ng fortuner.
"Pogi ba 'yan?" Hinawi ko ang kamay niya.
"Oo, pogi 'yan! Palibhasa 'yang Maximus Chance Rizaldo lang ang pogi sa mata mo eh."
"Oh, pogi naman talaga siya ah?"
"La la la! Akala ko ba friends lang kayo? Ba't kilig na kilig ka?" Nagpamaywang siya, ngiting tagumpay akala mo'y nabisto ako sa tinatagong sikreto.
"I'm just saying the truth." Ginusot ko ang ilong ko, ngumuso. Hindi ko na nga alam kung anong reaksyon ba ang ginawa ko basta natatawa ako. Kilig? Ayoko munang magsalita.
"Mas malaki pa ang chance mo sa iba, kesa sa Chance na 'yun." She quoted in the air.
Bahagya akong nakaramdam ng kung anong kakaiba. "I only need one Chance, Stella. And that is enough." Pangungumbinsing anas ko.
Napansin siya siguro ang pagiiba ng timpla ko. Lumungkot ang mata niya sa pagitan ng pagtitig sa'kin. Nakahalukipkip na ako nang huminga akong malalim. Nilipat ko na lang ang mata sa daan, naghihintay sa pagdating ni Maximus. Pinigilan ko ang sariling mag-isip. Not now, Lite.
Napangiti ako sa biglaang pagyakap ni Stella sa'kin. Inalu ako kahit na hindi naman ako umiiyak.
"There, there, piggy." Bulong niya, tinatapik ang ulo ko. Kinurot ko ang tiyan niya. "Aray! You're so violent. Grr!"
"Para kang bata, Compostella Marie." She hates it when I call her full name. Ang baduy daw kasi pakinggan. Hawak ang magkabilang braso ko, tinulak ako para suriin ang mukha. Humagalpak ako sa kakatawa. Ginaya niya na lang ang tawa ko, asar talo na.
I teased her even more. Nahinto lang ako nang pumarada sa harap namin si Maximus. Nanumbalik ang mapaglarong ngiti ni Stella, nakakainis actually.
"What's up." Bati ng kakababa pa lang sa sasakyang si Maximus. Maangas na tumango si Stella bilang tugon.
Nakasuot siya ng aviator sunglasses. He looks hotter than usual! Napako ang mga mata ko sakanya habang papalapit sa'min. For some reason, bumagal ang paligid nang alisin niya ang sunglasses. Tinupi niya 'yon at sinabit sa button down short sleeves. It's color black, vertical striped ang design. Babagay ang kahit anong suotin niya, maging basahan pa 'yon. Ugh!
"How was your class?" He asked.
"Okay naman. Medyo nakakapagod." Sagot ko. Naglakbay ang mata niya papunta sa nakasimangot na si Stella. "I'll leave you two, lovebirds. Anjan na driver ko."
"Gago!" I mouthed, tinago ko ang mukha ko kay Maximus. Hilaw na ngiti ang ginawad ko kay Maximus nang humarap ako sakanya. Kumindat pa siya bago tuluyang umalis. That silly girl!
Pagkapasok, binaba niya ang bintana. "Enjoy, bestfriend!" Masayang sigaw niya. Napahilot tuloy ako sa sentido nang wala sa oras.
Hiyang-hiya ako sa ginawa niya. Wala tuloy akong mukhang maiharap kay Maximus. Namumula pa rin ang pisngi ko hanggang sa makasakay na akong sasakyan. I can sense his eyes on me! Tiyak na matutunaw ako kapag nilingon ko siya. Batid kong nailang siya sa sinabi ni Stella, not sure though.
Una pa lang ay ayaw na ni Stella na kaibiganin ko si Maximus. It's bad for my mental health, she says. A part of me agrees with her. And the other... I don't know. Ayaw tanggapin? I already accepted the fact that we can't happen. Basta nakikita, nakakausap at nakakasama, masaya na ako roon. Swerte kung tawagin.
Bumaba ang tingin ko sa box na nasa hita ko. Saka ko lang naalala na para sakanya nga pala ito. Kinagat ko ang pangibabang labi sa kaba. Thinking about what Stella said kanina, she's right. I kept on falling for him. Hard. Deep. Yung tipong hindi na ako buo kapag umahon pa ako. That feeling scares me.
I shook my head, clearing my mind. "I baked a cake for you, Xim. Uh... But it's not your favorite." Batid ang pait sa boses ko. Ako mismo nakalimutan na hindi nga pala 'to yung paborito niya. Wala nang bawian, I already said it.
"I don't mind at all. Kahit ano, basta gawa mo." Malumanay ang boses niya. I shifted my gaze on him.
"Cheesecake. Sure ka? Okay lang? I haven't tasted it yet. I'm not sure if it's edible... or not."
"I like cheesecakes too." He assured me.
"You sure?" My brows almost touched.
He softly chuckled, "Bakit parang ayaw mo yata ibigay sa'kin?"
Namilog ang mata ko sa gulat. "Hindi! I baked this only for you!" Marahas ang paghinga ko sa biglaang buhos ng emosyon. I wasn't expecting that! My reaction... Halata ako masyado! My feelings for him was lowkey, before! Bakit habang lalo kong pinipigil, lalo akong nanggigigil? I just couldn't keep up with myself anymore.
Sandaling natihimik ang loob ng sasakyan. Siguro'y nakaramdam din siya ng pagkailang kaya binuhay niya ang music. It was loud. I noticed that he always kept on playing 'Wild' by Troye Sivan. Tuwing nasa condo niya ako, hindi mawawala iyon sa playlist niya. I guess he's a secret fan of Troye Sivan? May nabasa ako sa twitter, malalaman mo raw ang nararamdaman ng isang tao based sa playlist niya.
I heard him silently humming along with the song. May ngiti sa labi kong inihilig ang ulo sa bintana. Aaminin ko, kinikilig nga talaga ako. Assuming na kung assuming, pakiramdam ko ay kinakantahan niya ako, e.
"Do you also like this song?" He looked at me.
Tumango ako, abot tenga ang ngiti. "Leave this blue neighborhood. Never knew loving could hurt this good,
Oh, and it's drive me wild" I sang happily as an answer to his question.
He smirked.
"'Coz when you look like that, I never ever wanted to be so bad. Oh, and it drives me wild." He continued.
Nagtanawan kami at sabay kumanta. "You're driving me wild, wild, wild.
You're driving me wild, wild, wild...
you're driving me wild..."
We were laughing and singing the whole time. I hated the traffic so much, but now is different. Tanging ngayon lang ako natuwa at ipinagpasalamat ang bumper to bumper na traffic. Paunti-unti lang ang pag abante ng bawat sasakyan. At dahil do'n, andami na rin naming napagusapan ni Maximus.
Oh god, sana ganito na lang muna kami. For the first time, he opened up a lot of things about his family. Iba ata talaga ang epekto ng traffic. Thank goodness! He told me about the love story of his parents. Sa totoo lang ay parang katulad ng mga nababasa ko sa books ang kwento nila. Kinikilig ako samantalang kinikilabutan naman siya sa reaksyon ko tuwing humahagikgik ako.
"Mama used to hate my papa. Mayabang kasi ang tingin niya kay papa noon. Maybe kasi dating artista si papa kaya in-assume niya na agad na mayabang. Kwento pa nga niya nung niligawan na siya ni papa, ang dami raw niyang excuses para layuan na siya. She even faked her fever. Sabi niya matutulog na siya kasi masama ang pakiramdam and later that night, nagkita sila unexpectedly sa iisang party!" Pagkukwento ko, umirap ako sa ere nang maalala na naman 'yon. That must be a really awkward situation.
"Bakit ka natatawa?" I asked, natatawa rin.
"I can imagine your dad's reaction when he saw your mom at the party. That was hilarious and epic!" Pailing-iling siya.
"Ah. Pero tignan mo naman. They still end up together." Mayabang na sabi ko at tinaasan siyang kilay.
Nagtawanan na naman kaming dalawa. Totoong saya ang naramdaman ko. Hindi kami parating ganito, kadalasang usapan namin ay tungkol sa trabaho o di kaya'y sa disenyo ng bahay na gusto namin. Nakahiligan na rin kasi naming tumingin ng iba't ibang designs ng bahay. Marami kaming napagkakasunduan pagdating sa ganon kaya ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng inip.
Also, para kaming mag boyfriend-girlfriend na handa nang magpakasal. He hates it when people teases us as a couple. Hindi siya tumatangi, respeto marahil sa'kin pero naiilang siya. Kaya ayaw ko ring tinutukso kami. Mas nalulungkot lang ako sa nagiging reaksyon niya pag ganon.
Natigil lang ang tawanan namin nang lumuwag kahit papaano ang kalsada. Ramdam ko na ang ngalay ng hita ko sa kanina pang nakapatong na cake sa hita ko. Ayoko naman kasing ilapag at baka bumagsak, sayang naman kung masira.
Inilapag ko na lang ang tote bag ko sa paanan ko para mabawasan ang bigat sa hita ko. I sighed in relief but it's not enough.
Inihinto niya ang sasakyan sa gilid. Nagaantay lang ako sa paglabas niya kaya tahimik lang ako. Ilang minuto rin ang tinagal pero hindi naman siya naalis o kung ano bang gagawin niya ba't niya iginilid.
Napaigtad ako nang kunin niya ang cake. "Nahihirapan ka na." He said. Inalis niya ang seatbealt na suot at nilagay ang cake sa likuran.
"B-baka kasi mahulog eh. Masisira. Sayang." I said. Nakatingin ako sakanya.
Humarap siya sa'kin at matamis na ngumiti.
"Trust me, it wont."
"Okay." I shrugged. "Pero hindi naman ako nahihirapan eh." I pursed my lips.
Nakasandal ang isang siko niya sa manibela at nakaharap pa rin sa'kin.
"But you're not comfortable. Kanina ko pa napapansin."
"Eh bakit ngayon mo lang inalis?" Nangungulit na biro ko.
Suminghap siya nang malalim na hangin, binaling ang tingin sa daan at dumiretso nang upo habang tinatapik ang mga daliri sa manibela.
"Ayaw kong pangunahan ka sa gusto mo kaso mukhang balak mo talagang tiisin hanggang mamaya eh." Ibinalik ulit ang mata sa'kin.
"Am I right? Tsk tsk." Iling niya.
"O-okay lang kasi... ako." Katwiran ko. Pinamulahan ako ng pisngi sa kakaibang titig sa'kin.
I don't want to assume things. Ano ba kasi, Lite! Kalma.
"Says someone who's fidgeting." Mapaglarong aniya.
"Ako?"
"May iba pa ba?"
"Hay nako!" Inalis ko ang seatbelt. Tumagilid ako para abutin ang cake sa may backseat.
"Get back on your seat, Lady!"
Natigilan ako sandali sa pagtawag niya. I licked my lips and continue doing what I'm doing.
"Lilou." Ma-awtoridad na aniya. Binilisan ko ang kuha sa maingat sa paraan.
"Chill!" Natatawa akong umiling. "Maaga kang tatanda at magkaka-wringkles niyan." Inangat ko ang kamay ko. I poked his head fast.
"See? Hindi na kunot noo mo." I gigled.
"Just... wear your goddamn seatbelt." Naiinis na siya.
"Okay.. okay." Pasukong sabi ko, natatawa pa rin.
I wrinkled my nose. Ano kayang nangyari sakanya ngayon? Madalas nakangiti lang siya. Pero pinagsasabihan na niya ako ngayon. Sa tatlong taong pagkakaibigan namin, ako lang naman 'tong nangungulit. Hinahayaan lang talaga niya ako. I sometimes feel na baka napipilitan lang siyang pakisamahan ako. Ewan!
Pasuot na ako nang seatbelt. Nga lang, biglaang may bumangga sa likod ng sasakyan ni Maximus. Malakas ang impact no'n. Humampas ang ulo ko sa unahan. It hurts so bad, it made me dizzy. Nandilim ang paningin ko sa panghihina.
I looked at the box na nasa paanan ko na. Tumilapon at nadurog ang cake na pinaghirapan ko gawin. I felt the tears on my face. I then heard Maximus screaming and shouting some curse words. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Wala na ako sa huwisyo.
Alam kong hinawakan ako ni Maximus sa balikat, inalalayan. May pants turned red from the blood streaming down my head. Nahihilo na talaga ako.
"Lilou! Lilou! Fu-- Lilou?!" His voice was shaking. "Hang on there, Lite! Malapit na tayo!"
Ayokong pumikit pero bumibigat na ang talukap ng mata ko. Halos tumirik na ang mata ko sa pakikipaglaban sa sarili. I couldn't feel anything... aside from Maximus's hands na nakakapit at kinakapitan ko...
"You'll be fine. Andito lang ako, Lite. Hindi ako aalis." His soothing voice was the only thing I heard before I surrendered to darkness.