KABANATA 6

2145 Words
Hope I really thought I'd die because of what hapenned. Swerte nga talaga ako. Almost hit by a car... na minamaneho ni Maximus. And another car incident with... Maximus. My head hurts so bad. Nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo. Ang sabi ng doctor na kaibigan nila mama at papa, bukas ay maari na akong makauwi. I already talked to them, nakiusap ako na huwag na silang bumalik ng Pinas dahil ayos naman na ang lagay ko. Mama's stubborn at pinilit pa rin ang gusto. Thank God at napakiusapan ko si papa na pigilan ito, after all, pumayag na rin sila. Stella is here to take good care of me... and Maximus, too. Hindi niya ako iniwan hanggang sa magising ako. Isang linggo na akong naka-admit sa St. Luke's, silang dalawa ang nagasikaso ng mga kailangan ko. I instantly look for him when I woke up. Lutang pa ang isipan ko sa mga nangyari. I saw some bruises on his arms and shallow cut on his face. Malala ang natamo ko sapagkat hindi ako nakasuot ng seatbelt nang mangyari ang pagbangga sa amin. Nasa kulungan na 'yung bumangga. Drunk driving. Dumating din ang Tita Diana at ang pinsan kong si Lunaria para alagaan ako. I always hated the ambiance of the hospital. Ang lungkot. Sa tuwing naiisip ko ang hospital, kamatayan ang sunod kong maiisip. Kaya I stopped pursuing med. Sinubukan ko lang naman maging katulad ng propesyon nila papa, but it's not my calling. Ayoko namang habang buhay na magtrabaho sa propesyong wala ang puso ko. I enjoyed doing paper works. Gusto ko ang numero. Andaming pre-med courses pero psych ang pinili ko dahil mas flexible ito kumpara sa iba. Nakaismid ang mukha kong nakamasid sa pinsan kong seryosong hinihiwa ang mansanas. She has no idea how to do it! Gustong gusto kong kunin iyon sakanya. Minabuti kong tumingin na lamang sa bintana. May mga ibong nagliliparan sa kulay kahel sa kalangitan. I can't wait for tomorrow to come. Malamang ay tambak na ang trabahong gagawin ko sa office. Matinding overtime na naman ang gagawin ko nito. "Ate Lite, oh." I shifted back my gaze to Lunaria. "Hindi ka naman maarte, e. Okay na 'to ha?" Kaonting mansanas na lang ang natira. Tinigilid ko ang ulo ko at dinungaw ang lamesa na tinatakpan niya. Mali talaga ang pagbalat niya. I can't even consider this as... peeling. Wala nang natira, eh. Tumingala ako sakanya at banayad na nginitian. Nawala ang problemado niyang mukha nang kunin ko ang mansanas sa kamay niya at sinimulang kainin. As if I have a choice. I appreciate it anyway. "Ayaw mo talaga sa bahay? Maasikaso ka ro'n more than sa condo. You're all alone... wala ka rin namang jowa." Simpatya niya. I snorted a little. Jowa? Boyfriend? Naupo siya sa paanan ko saka humalukipkip. She sighed in distress. "Sa amin kana kasi, ate! I'm bored." Ngumuso siya. I smirked at her. Nilunok ko ang mansanas saka nagsalita. "I can take care of myself, Lunaria. You can visit me sa condo if you're bored." Kumunot at umasim ang ekspresyon ng mukha niya. "Luna, ate Lite. Luna." She corrected me. I chuckled, nagdadalaga na nga pala ito kaya iba na ang gusto. Dati Aria tapos Luna naman ngayon. I shook my head slowly. "Okay, Luna. Again, I can take care of myself." Paninigurado ko. Ngumuso na naman siya. "Boyfriend mo ba 'yung lalaking bumibisita sayo? Ang gwapo kasi. Wala pa akong nakikitang kasing gwapo niya na kakilala ko. I like him.... for you, syempre." Mapaglaro ang ngisi niya. "Si Maximus? He's not." Umiling ako, "Friends lang kami." I said. "Sure? Aagawin ko siya sayo?" Aniya na akala mo'y sinuradong makukuha ang gusto niya. "Luna, friends lang kami. Ang bata mo pa boyfriend na agad?" "That's a part of growing up. I have 3 boyfriends as of the moment. Nabo-bored na nga ako sa kanila, eh. I want someone new." She said casually, may bahid iyon ng pagkainip. Napaawang ang labi ko, shocked. Nakakagulantang para sa akin na NBSB. I pursed my lips at binantaan siya ng tingin. "What?" Dumipensa agad siya. "17 na ako. 3 months na lang 18 na ako. Hm, I have a list of boyfriends nga, eh. I have 15 exes na magiging 18 na kapag hiniwalayan ko 'yung tatlo." She's checking out her nailarts over and over. Napagiiwanan na ata ako ng panahon. I listened to her rants about her so-called-boyfriends. I can't help myself to adore her more. My baby girl is no longer a baby. Malapit kasi kami sa isa't isa dahil nanirahan din ako sa kanila ng ilang taon. At sa tuwing may medical mission sila mama, sakanila ako tumutuloy. "Advice ko lang sa'yo, ate. Akitin mo kaya? Hindi ka type? Edi be the person na type niya! Galaw galaw, ate! Baka maunahan ka pa ng iba. Mawawalan ka ng... chance." Humagikhik siya sa huli. Alam ko ang pinupunto niya kaya natawa na rin ako. Dinampot ko ang natitirang mansanas sa platito at kinain. Tumayo na si Lunaria para kunin iyon. Nakarinig ako nang marahang katok, agad naman itong bumukas at iniluwa nito si Maximus at Stella. Lukot ang mukha ni Stella. Marahil ay nagkasalubong na naman ang dalawa sa elevator. Masama ang loob nito kay Maximus. Hindi man niya sinasabi, alam naming dalawa na sinisisi niya si Maximus sa nangyari. Sinuyod ko ang kabuuan ni Maximus. Nanatili ang pagod at pangamba sakanyang mukha. Malalim ang dahilan noon. I think... dahil bumalik ang multo ng nakaraan. Yung trauma niya sa nangyari. Wala akong planong sabihin kay Maximus ang totoo pero dahil nga sa nangyari, nanumbalik ang sakit at pagsisisi na ibinaon niya sa limot. Palagi ko siyang pinagmamasdam mula nang magising ako. He's not saying anything. Ngumingiti lang siya kapag napatingin ako. Guilty. I want to remove that pain and guilt on him. I tried. Pero hindi ko maabot ang pader niya. "Speaking of the devil..." pabulong lang itong sinabi ni Lunaria, sapat na ako lang makakarinig. Ngumiwi siya bago lumingon sa dalawang bagong dating. "Hola, amigos!" Automatic naman ang reaksyon ni Stella. Nakangiwi, kunot ang noo'ng nawi-weird-uhan sa pinsan ko. "Pinagsasabi mo?!" Sita ni Stella. Nag peac sign lang ang isa. Samatalang hindi naman siya pinansin ni Maximus. Dumiretso siya sa couch, nilapag ang dalang take-out foods. Naamoy ko agad ang paborito kong lasagna. Lihim akong napangiti. Nagtatalo na naman si Stella at Lunaria habang parehas na nakatayo sa gilid ng kama ko. "Ate Stell, pilitin mo nga si ate Lite na sa bahay na muna. Akala mo naman may jowang magaalaga. Tsk!" Humalukipkip siya. Parang anak na nasusumbong sa nanay. Pinilantik agad ni Stella ang kamay sa ere. "Strong independent woman ang peg ng pinsan mo. Hayaan mo 'yan." Aniya at inikot ang mata. Nakabusangot ang mukha kong nakikinig. Kung makapagusap parang wala ako rito ha? Gumanting inikot din ni Lunaria ang mata sabay iling. "Sus! Kaya ayaw niyang umalis sa condo kasi andun si kuya Maximus, eh." Nakangiwi siyang bumaling ng tingin. "I feel you, ate. Ang gwapo kasi ni kuya Maximus, eh!" Nilingon niya si Maximus. Namilog ang mata ko. "Lunaria!" I exclaimed. Nagtiim ang bagang ko sa pagkabigla at pagpipigil, gusto kong kurutin si Lunaria para magtanda. Pero hindi ko naman pwedeng gawin iyon sa harap ni Maximus. Oo nga! He's here! Kabado akong sumulyap sakanya para tignan kung ano ba ang reaksyon sa sinabi ng pinsan ko. My jaw dropped when our eyes met. His mysterious eyes pierced right through me. Tumititig siya sa akin! Gaano katagal? Hindi ko alam na. Kanina pa kaya? Yumuko ako upang sadyaing ilaglag ang maayos kong buhok para tumakip sa mukha ko. My face heated. Napansin iyon ni Stella kaya hinatak niya palalabas si Lunaria at sinara agad ang pinto paglabas nila. Kinindatan niya muna ako bago iyon isara. She's wishing me a goodluck! We were silent the whole time. Tinitimpla ko ang paligid. Gumalaw ang anino ni Maximus sa gilid mo. Lumakad siya sa gilid papunta sa akin. Pinadausdos ko ang katawan pababa sa kama at humigang maayos. "Kumain ka muna, Lite." Nilagay 'yung table sa harap ako. Ngumiti ako sakanya. Inilalayan niya akong makabangon muli at inilipag ang mga pagkain sa doon. "E ikaw?" Nilingon ko siya. Pabalik na sana siya sa pagkakaupo. "Do you need anything else?" I shook my head. "Please, join me, Xim. You can seat beside me." Iminuwestra ko ang maluwag na space sa harap ko. I was desperate to talk to him. Gusto kong alamin kung ano ba ang nasa isip niya. He may be here physically ngunit ang isip niya ay nasa ibang mundo. Malungkot siya, I can tell. Sumunod siya sa paanan ko. Ipinagkiskis niya ang palad at inilagay sa magkabilang hita. Tahimik akong kumakain pero ang atensyon ko ay nasa kanya lang. Mabigat ang bawat hinga ko. Nadidinig ko ang malakas na t***k ng puso ko na parang tambol. "Makakauwi na raw ako bukas." I pursed my lips after. Inangat ko ang tingin sakanya. Mata lamang niya ang gumalaw na tumingin sa akin. Naguguluhan ako kung ano ba ibig sabihin ng mga tingin niya at nahihirapan akong huminga. "I'm sorry." May bahid ng pagsisisi ang boses niya. "I-I failed to protect you." Gumalaw ang adams apple niya sa ginawa niyang paglunok. Inusog ko ang table at umabante papunta sakanya. Ipinatong ko ang kanang kamay sa balikat niya. "We never saw this coming, Maximus. Hindi mo kasalanan 'yun. At okay na ako. Makakauwi na ako bukas." I assured him. He smiled for real. "May masakit pa ba sa'yo? Nahihilo ka pa ba?" Naging ayos na rin siya kahit papaano. Mabuti naman at bumabalik na siya sa dati. Yung kinakausap ako at nagagawang tumingin muli sa akin. Umiling ako. "Wala na." Payak na sabi ko. Hinaplos ko ang pisngi niyang may kakaonting sugat na nanatili. "Mabuti na lang hindi ka nasaktan." Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at mariin akong napapikit. Wala sa isip kong sabihin ang nararamdaman ko pero gusto kong ipaalam na sakanya iyon. I had this little light of hope on reaching the top of his walls. Sana maabot ng nararamdaman ko ang puso ni Maximus. Matapos ang nangyari, walang kasiguraduhan ang bukas. It's now or never. Simula pa lang noong minahal ko siya, talo na ako. Naisugal ko na ang puso ko, kaya kung masaktan ako, uulit-ulitin kong isugal ang natitirang meron ako. "I am in love with you, Maximus." I said softly. Natigilan siya saglit, shocked. Lumuwag ang kapit niya sa kamay ko. Hindi maipinta ang mukha niya, inilihis niya rin iyon dahilan para maalis ang kamay ko. I was hurt by his reaction. Gaya ng inaasahan ko. Hindi niya magawang tumingin sa akin. Nabalutan na naman kami ng nakakabingin katahimikan, habang tumatagal dumidiin ang sakit ng puso ko. Minasdan ko ang mariin niyang pag iling. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko. Kinuyom ko ang palad at hinigpitan ang kapit sa puting kumot. Kinusot ko ang mga mata ko sa pamumuo ng luha at pinigil ang pagbagsak no'n. "You don't have to say anything... I know, Maximus. Gusto ko lang sabihin sa--" "That's enough, Lilou." He cut he off. Kumunot ang noo kong tumitig sakanya. Still, nanatili ang mata niya sa ibang direksyon. Marahas akong umiling. "W-what? Enough with what?" Nalilitong tanong ko. Marahas din siyang umiling. Nang sa wakas ay nagawa niyang balingan ako ng tingin, madilim at malalim ang ekspresyon nito. Nadudurog na ako nang paunti-unti. Kahit pala alam kong masasaktan ako, hindi pa rin ako handang maramdaman iyon. Ang sakit sakit! "Forget your feelings for me, Lilou. Hindi ko masusuklian 'yan. I don't want you to get hurt because of me." Nangungusap ang mata niya. Kusang tumulo ang mga luha kong hindi namalayang nabuo. Nanlabo ang paningin ko dahil doon. Suminghap ako ng hangin at kinlaro ang lalamunan. Pinawi niya ang luha sa mata ko at hinaplos ang magkabilang pisngi ko. "Look at me, Lite. I'm sorry but... I can't accept your love." "Alam ko nga, Max. Matagal na. Don't shut me out dahil lang sinabi kong gusto kita. Okay lang kahit magkaibigan lang tayo. Basta wag mo akong iwasan." I pleaded. Kumapit ako sa palapusuhan niya at nagbaba ng tingin. Hindi na siya sumagot. Lumapit pa siya sa akin at niyakap akong mahigpit. I cried over his arms hanggang sa makahingang maluwag. Hinahaplos niya ang ulo at likuran ko. Sinusubukan niyan aluhin ako ngunit mananatili pa rin ang sakit sa puso ko. I cried in sorrow but I never regret anything. Minahal ko siya ng ilang taon, sa dulo, talunan pa rin ako. Is this the end for me? Should I continue? Hindi ako napapagod na mahalin siya. As long as I'm welcome in his life, ipagpapatuloy ko ang pagmamahal ko. Marahan niya akong iniharap sakanya. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat. "Thank you for loving me truly. Ayoko ring mawala ka sa akin. Kaibigan kita. Can we just stay like that... forever?" Nanungumbinsi ang tono niya. Masakit at mahirap lunukin ang bagay na iyon. Pero kung ayun lang ang kaya niyang ibigay at para manatili sa tabi niya.... I'll be his friend forever. I swallowed really hard and look at him fiercely. "If that's what you want me to." I answered then smiled wearily. I guess, I will be loving him deeply.... but as his friend only.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD