KABANATA 7

2631 Words
Okay lang Hinatid ako ni Maximus sa condo. I gave a quick glances at him while he is putting down my things on the floor. Pumasok muna ako sa kwarto para doon na ipagpatuloy ang pakikipagusap kay mama sa phone. "Babalik na po ako sa work tomorrow. Kaya ko na, ma. Don't worry about me. Nakausap niyo na rin naman 'yung doctor 'di po ba?" Naupo ako sa kama. "Make sure you're okay na ha? I can't sleep at night because I'm worried sick about you." Nagaalalang wika ni mama. "Mama naman. Kayo naman po nagturo sa'kin how to be independent. Rest assured that I'm all good. I love you, ma. Paki kamusta niyo na lang po ako kay papa." I ended the call. Nanatili saglit ang titig ko sa screen. Huminga akong malalim bago muling tumayo at lumabas ng kwarto para tignan kung nandon pa rin si Maximus. Nadatnan ko siyang prenteng nakaupo sa sofa, hawak ang magazine at nagbabasa. Tumikhim ako. Isinara niya yung magazine, nilapag sa lamesa saka tumingin sa akin. "I ordered pizza for you. Peperoni. Gusto mo ba 'yon? Hindi ka kasi nakakain ng ayos kanina." Tumango ako. Lumakad na ako papalapit at naupo sa tabi niya. "Hindi naman ako maarte. Ayos sa'kin kahit ano." I assured him. "Great!" He exclaimed, puffing his chest. Tinapik niya ang mga kamay sa hita. "I'll go ahed, Lite. You need to rest at papasok ka na sa work bukas." Tumayo na siya. Nakasunod ang mata ko sa kilos niya, kunot ang noo. "Sorry, I overheard your conversation with your mom. Magpapaalam na sana ako kanina." Paliwanag niya. I stood up. "Okay. Pero mamaya ka na lang umalis. I mean... samahan mo na lang akong kumain." I said casually. Sandali siyang natahimik. Halata sa mukha niya na may iniisip sa mga sandaling iyon. I licked my lips and sighed to myself. I shouldn't stop him if he wants to leave. Nagmumukha lang akong kaawa-awa. Baka naman kasi may pupuntahan siyang importante, Lite. Don't act like you're seeking attention! He cleared his throat at napatitig ako. "Sige." Tipid niyang tugon sabay ngiti. I smiled back. Halatang napilitan lang siya. I shook my head to myself. Hindi na dapat ako magisip pa ng mga bagay na alam kong masasaktan ako. Dapat ay matuwa pa ako at nanatili siya. Tama! Iyon ang dapat kong isipin. "Excuse me.." I trailed off and went to the kitchen to get some juice. Ang totoo ay gusto ko lang siyang titigan sa malayo. Kumuha akong dalawang raspberry sola at nilapag sa island counter. Inakala kong nagbabasa ulit siya nang tumingin ako. Hawak na niya 'yung phone at seryosong tinitipa iyon. Wala akong makitang kakaiba sa reaksyon niya sa ginawang pagtitig sa phone matapos iyong patayin. But, he's in deep thought... May minessage kaya siya? At sino naman? Hindi kaya si... I don't think so. I shook my head to myself again. Dinampot ko ulit ang juice at lumakad na pabalik sa sofa. Palabas pa lang ako ng kitchen nang tumunog ang doorbell. Tumayo si Maximus at nilapag ang phone sa lamesa. "Ako na.." Ani Maximus habang naglalakad na para buksan ang pinto. Tumango na lang ako . Naupo na ako at pinatong ang dala sa lamesa. Baka 'yung pizza delivery na 'yon. I clutched my hands together, waiting for him to come back. Bigla akong nagutom nang maisip na pizza na nga yung damating. Umilaw ang phone ni Maximus dahilan para maagaw ang atensyon ko. Gulat na gulat ako nang makita ang mukha ni Tori na lockscreen ni Maximus. Who am I kidding? Syempre, mahal niya! Gumapang ang lungkot sa dibdib ko. Maximus's phone lit up again. Curious, I tilted my head and absentmindedly look at it. Naningkit pa ang mata ko sa maliit na letra. It's a text message from Tori! "I need you, kuya. I need you. Please, come here." Namilog ang mata ko. So, si Tori din ang kausap niya? Kaya ba mukhang nagdadalawang isip siya kanina nang pigilan ko siyang umalis dahil kailangan siya ni Tori ngayon? I'm on the verge of crying when Maximus suddenly showed up... and he's with Stella and Jenica, my childhood friend. Gulat akong napatingin sa kanila. "Oh? Bakit pararang nakakita ka ata ng multo, Lite." Natatawang ani Stella, pabiro niyang siniko si Jenica. Wala akong naging tugon sa kanya at ganoon din ang mukha ko. Bahagyang kumunot ang noo nito. "Sumakit na naman ba ulit ulo mo? G-gusto mo dalhin kana namin ulit sa hospital?" Nataranta si Stella. Mabilis nilang dalawa ako dinaluhan. Dinampi ni Jenica yung likod ng palad niya sa noo ko. "Wala kang lagnat. Baka gutom lang 'yan?" "Are you sure, Jenica? Tabi nga." Ani Stella. Kinabig niya yung kamay ni Jenica at pinalit ang kanya. "Dumbass. Hindi naman lagnat ang dahil bakit siya na hospital, eh." Pumameywang si Stella, iritang tumingin kay Jenica. "You're dumber. You checked her temperature, too. Tsk!" Asik ni Jenica at umikot ang mata. Napangiwi na lang si Stella, napahiya. "Oo nga. Gutom lang siguro." Tumawa siya sa dulo para maibsan ang hiya. Tulala ako sa kawalan, walang imik. Maximus's phone lit up once more. Mata ko na lamang ang pinagalaw ko. In a short period of time, I already memorized if it's Tori who texted. Nag text siyang muli pero hindi ko na magawang mabasa pa kung ano ang laman non. Sinapo ni Jenica ang mukha ko at inangat sakanya. "You're spacing out again!" Mariing sabi nito habang pinisil pisil ang pisngi ko. Nakaramdam akong kaonting kirot. Ngunit, hindi na ako nagreklamo pa. Tinampal agad siya ni Stella. "Stop that, Jen! My gosh! Kunin na nga lang natin yung pizza and chicken wings." "Fine..." Binitawan na niya ang pisngi ko. "Lite, for you." Malalim ang boses ni Maximus. Nakatayo siya sa gilid ko, hawak ang plato na may lamang pizza at iniaabot sa akin. Damn! I was too preoccupied because of her, I even forgot that he's here! Tinignan ko iyon bago iniangat ang tingin papunta sa mukha niya. Ngumiti siya agad nang magtama ang mata namin. "Thanks..." Wala sa sariling sabi ko, pagod na ngumiti. I already lost my appetite after seeing Tori's angelic face. Naalala ko na naman kung gaano kalaki ang agwat at pagitan naming dalawa. Kung ano ang meron siya na wala ako, and that is Maximus's heart. Naupo muli siya sa tabi ko. Kakabalik lang ng dalawa galing kitchen dala-dala ang malaking box ng yellow cab pizza at chicken wings, may pasta pa itong kasama. Umingay ulit ang silid sa tawanan at hagikgikan nila. Pinilit ko na lang kumain kahit na wala na akong gana. Para lang pigilan ang sarili kong magsalita. "Bakit naman dinala mo pa sa kitchen 'yung pizza, Maximus? Dapat dito na agad, eh. Pinagod mo pa ako." Reklamo ni Stella habang kumukuha ng pizza. Umupo na lang si Jenica sa tabi ng lamesa. "As you can see, hindi rin naman kasya rito eh." Katwiran ni Jenica. Sumangayon din naman si Stella nang titigan niya ang lamesang wala nang space pa. Itinabi na lang niya sa dulo ang juice na pinatong ko roon kanina. Nakikinig lang ako sa usapan nila at ganoon din si Maximus. Inusog ni Jenica 'yung pizza box kaya biglang nalaglag yung phone ni Maximus na nasa ilalim nito. "Hala! Sorry, Max." Dinampot iyon ni Jenica at inabot kay Maximus. "Okay lang." He simply said. Malumanay na nagkibit balikat si Jenica at itinuloy lang ang pagkain at kwentuhan nila ni Stella. Ang atensyon ko ay na kay Maximus na. I laugh automatically if the two girls laughed. Para hindi nila mahalatang wala sa kanila ang huwisyo ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Pinaikot-ikot ni Maximus yung phone sa palad niya. Nakatingin siya sa dalawa pero pinindot niya ang menu button ng phone kaya umilaw ito. I saw Tori's face again! Bago pa man magbaba ng tingin si Maximus ay nagsalita na ako. "Xim!" I exclaimed. Agad siyang tumingin sa akin, gulat. Kumunot ang noo niya. Natigil ang kwentuhan ng dalawa, nakatingin sa akin at hinihintay kung ano ang sasabihin ko. Pinagpapawisan na ang palad ko at lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko. Tumikhim ako. "T-try this.. Uh, charlie chan pasta nila, Xim." Taranta akong umabanta papalapit sa lamesa. Kumuha akong pasta at nilagay iyon sa platong hawak ko. Mabuti na lang at naubos ko na ang pizza bago pa mangyari ang lahat ng ito. The girls looked at me suspiciously. Nagpatay malisya na lamang ako at pinagpatuloy ang kilos. "Maanghang 'to." I offered it to him. I sighed in relief when he gladly took it. "Salamat, Lite. Sige susubukan ko." Ani Maximus, bakas sa mukha niya ang pagtataka sa kinilos ko. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Umayos akong upo at tumingin sa dalawang tahimik pa ring nakatitig sa akin. "T-try niyo rin!" I said. Naging aligaga ako bigla sa kilos ko. Mapanuri ang mga titig nila, pawang may ideya na pero hinayaan na lang muna ako. "Nah. We're good. I like their chicken wings better. Ikaw ba, Jen?" "I'll try it, later. I'm not a fan of spicy food, eh." Tumango-tango na lang ako. Ipinagpatuloy nila yung naudlot na usapan. Thank god! Mabuti na lang talaga at hindi slow ang mga kaibigan ko. But this isn't me at all. I don't seek attention. I don't compete on anyone! Hindi ako clingy at needy! I hate to do this... pero ayaw ko lang na maramdam na wala lang ako sakanya. Ayokong mapatunayan yung iniisip ko na kapag nabasa niya 'yung text ni Tori na kailangan siya nito, walang anu-ano'y aalis agad siya para puntahan si Tori. At maiiwan ulit ako. Pipiliin niya si Tori kahit na anong mangyari, alam ko iyon! Kaya kahit ngayon lang... kahit ngayon lang gusto kong maramdaman na ako ang pinili niyang samahan. Kahit hindi totoo. Ilang beses pa niyang tinangkang tignan ang phone pero ginawa ko rin ang lahat para hindi na niya matuloy pa. Sinasadya kong agawin ang atensyon niya kay Tori. Hindi ko inalis ang mga titig kay Maximus. Saka lang ako nakahingang maluwag nang sa wakas ay hindi na niya sinubukan pang tumingin doon. Naubos na naming tatlo 'yung mga pagkain. Sa totoo lang ay pinilit ko na lang kumain. Hindi ko rin kasi malasahan lahat. Higit dalawang oras na ang lumipas at nandito pa rin sila Stella. Tingin ko, hinihintay nilang umalis si Maximus para masabon ako ng tanong. When he decided to go, agad akong nalungkot pero sinubukan kong wag ipahalata sakanya. Nagiwas akong tingin nang tumayo siya. "Aalis ka na?" Ani Jenica. Ngumuso siya at umarteng nalungkot. Nagpalipat lipat ng tingin si Stella sa akin at kay Jenica, kinakalkula niya ang impormasyong naiisip. Nginitian kong binalingan si Maximus. "Uuwi ka na?" Usisang tanong ko. He shook his head slowly. "Hindi. May pupuntahan lang." Nagtaas ng isang kilay si Stella sabay pinag ekis ang kanyang mga paa. "Importante?" Napaawang ang labi ko. Maximus chuckled at Stella's question. Importante nga? Bumilis muli ang t***k ng puso ko. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil naghahabol ako ng sariling hininga. Inangat ni Jenica yung kaliwang braso niya at tinignan ang relos. "10 PM. Mag ba-bar ka 'no? Sama!" "Yeah. We'll join you. Matutulog na rin naman 'tong si Lilou. Sama kami." Gatong ni Stella. Natawa na ng tuluyan si Maximus at napasapo sa noo. "Girls, hindi ako magba-bar. Personal ang lakad ko." He explained. "Girlfriend?" Agap ni Jenica. Natigilan si Maximus. Gusto kong tadjakan si Jenica kaso hindi ko magawa. Ano bang pinagsasabi nito? Baka mainis si Maximus sa amin. Sa akin! Ugh! Umiling siya. "No." Payak niyang sagot. Napabuntong hininga na lamang ako. As if he needs to tell us. Hindi naman din siya sasabihin, eh. He's aware that I'm in love with him. Maingat siya sa mga ikinikilos niya. Oo, sinabi niyang gusto pa rin niya manatili kaming magkaibigan pero mas tumaas pa ang pader na ginawa niya sa pagitan namin. Hindi ko na matanaw ang dulo sa sobrang taas noon. "Ingat ka, Maximus. Salamat sa paghatid at sa pizza." I said, nangibabaw ang boses ko. Nasa akin na naman ang atensyon nila. Jenica and Stella's face are both unfathomable. Tinigilan na nila ang pangungulit kay Maximus. "Bye, Max. Sabihan mo kami kapag magba-bar ka, sasama talaga ako." Pabirong sabi ni Jenica. "Sure!" Bumaling din ng tingin si Stella pabalik kay Maximus. "Me too! Daya." He chuckled. "Of course." Then smiled. Naglakbay ang mata niya at inangat iyon papunta sa akin. Napatikhim ako. Damn that eyes! Ang mga mata niyang puno ng lungkot ay nakatitig na naman sa akin. "Magpahinga ka na, Lite. I'll see you tomorrow." He said. Hilaw na ngiti lang ang iginawad ko. Hinintay naming tatlo makaalis si Maximus. At nang marinig namin ang pag-click ng pintuan... tumayo si Stella papunta roon at sumilip. "O, umiyak ka na. Wala na si Maximus." Mataray na ani Stella, nakapamaywang. Gumapang si Jenica papunta sa akin, ipinatong ang baba sa hita kong nakatingala sa akin. Agad namang nanlabo ang paningin ko sa pamumuo ng mainit na luhang dama ko sa pisngi ko. "Obvious ka, girl. Sinasadya mo siyang kulitin para hindi niya tignan 'yung phone niya. What's the problem?" Malungkot ang boses ni Jenica. Hindi ako sumagot. Humihikbi na ako at patuloy ang pugpunas ng luha gamit ang palad. Lumapit pabalik si Stella sa amin, kinuha niya 'yung tissue na galing sa delivery at inabot sa akin. "Kahapon ka pa may hindi sinasabi." Humingang malalim si Stella at naupo sa tabi ko. Tinanggap ko ang tissue na hawak niya at pinunas agad sa pisngi ko. Napalunok ako nang ilang ulit sa panunuyot ng lalamunan. "Sinabi ko kahapon... na mahal ko siya." "What?!" Sabay pa sila. Umahon si Jenica at naglipat ng pwesto papunta kay Stella para matignan akong maigi. "No! Seryoso?!" Nakangangang gulat si Stella. Tumango ako. "And? What happened next?" Ani Jenica. "Manatiling magkaibigan na lang daw kami... forever." Humihikbing sagot ko. "What?!" Mas lumaki pa ang pagnganga ni Stella. Nagpalitan sila ng tingin ni Jenica bago muling ibinalik sa akin. "Tangina! Sabihin mo marami ka nang kaibigan." Galit na ani Jenica. Umiling si Stella. "No, Jen. Hindi iyon eh. Pero that's bullshit, Lilou! Anong sabi mo?" "O-okay lang..." Nanginig ang labi ko. "Huh? Okay lang? Okay lang na friends kayo? Okay lang sa'yo? Seryoso ka?" Hindi makapaniwala si Jenica. "I told you, Lite. Pa-fall lang iyan! I warned you so many times, don't get too close to him." Umiling si Stella. "Anong magagawa ko? Mahal ko, eh. Kaya kahit magkaibigan lang kami. Okay lang talaga sa akin. Kung ayun lang ang paraan para makausap at makasama ko pa siya, okay lang. Kahit ano okay lang." I burst into tears again. Inalu nila ako. I hugged them to tight. Kahapon ko pa bitbit ang mabigat na bagahe na 'to sa puso ko. Masakit pero gaya ng paulit-ulit kong sinasabi at tinatanim na puso't isip ko, okay lang. I love him so much even if it hurts. Who am I to demand? Isa akong tuyong disyerto na sabik sa ambon. Kung ano lang ang ibigay, bukal sa loob kong tatanggapin iyon. "Kanina... anong meron sa phone niya?" Tanong ni Jenica nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila. Suminghot ako at kinlaro ang lalamunan. Habang iniisip ko ulit iyon, hindi ko mapigilang wag mapaluha. Seeing Tori's face makes me want to cry until I got knocked off to sleep. "Do you something you shouldn't... see?" Maingat na tanong ni Stella habang hinahaplos ang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanila dalawa. "Si Tori 'yung lockscreen niya. Ang sweet 'diba?" Nanginig ang boses ko. Nagiwas ng tingin ang dalawa at tahimik lang na nakinig. "Nabasa ko 'yung text niya. She needs Maximus. Pinapapunta niya si Maximus. Kaya pinigilan kong mabasa 'yun ni Maximus para... dito lang siya. I also need... Maximus. Kita niyo naman na hindi siya tumingin sa phone niya. Pero, saan ba siya pupunta? Hindi ba sakanya? Kailangan man siya ni Tori o hindi, pupunta pa rin siya doon. Kasi...." Natigilan ako. I cried harder. Hindi ko kayang bigkasin. Masakit! "Kasi mahal niya." Dugtong si Jenica. Mariin akong napapikit sa sakit. Inalu ulit ako nilang dalawa. "Look at you, Lilou. Kung magkakapera ako sa tuwing sasabihin mo pangalan niya, yayaman ako. Bukambibig mo na siya. Hindi 'yan maganda. Hindi ka ganito." Stella's voice cracked. Nagangat ako ng tingin sakanya at bakas sa mukha ang pagpipigil na maluha. "Putanginang pagibig 'yan! Ginagawa tayong tanga." Gigil na wika ni Jenica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD