KABANATA 8

2712 Words
Quincy "Magaling ka na?" Tanong ng katrabaho kong si Jimmy na nakasalubong ko sa elevator. Palabas na ako at siya naman ay papasok. Humakbang akong limang beses bago ako makalapit sa kinatatayuan niya. "Kaya nga ako pumasok, eh. Teka... sa'n ka pupunta?" Balik tanong ko. Tinagilid niya ang kanyang katawan at bahagyang inangat yung mga papers na yakap yakap ng kaliwang braso niya. "Ibibigay ko lang sa accounting... alam mo na." Sumimangot siya. "Bakit ikaw? 'Di ba dapat si Kare---" "Nag resign na." Pag putol niya. "Nag resign?! Hala, kailan pa?" Gulantang na tanong ko. Humingang malalim si Jimmy, halatang mahabang kwento ang sasabihin niya. Sayang naman kung umalis siya. She was about to get promoted last week before I got into accident. Bakit biglang nag resign? "Mawalang galang na ho, ma'am, sir. Mamaya na ho kayo mag kwentuhan. Sir, sasabay po ba kayo?" Magalang at mahinahong wika ng babaeng operator ng elevator. Jimmy mouthed some words. I nodded immediately kahit na hindi ko iyon naunawaan. Nagtinginan ang mga katrabaho ko nang makapasok ako sa glass door ng office. Dalawang klase ng emosyon lang ang nakita ko sa kanila, nagaalala at nagtataka. Isang oras akong maaga ngayon. Tambak na ang trabahong kailangan kong ayusin, paper works at reports. Sisiguraduhin kong sa loob ng isang linggo, kung makakaya, tatapusin ko na lahat para hindi na ako mamroblema pa. "Coffee ho, ma'am." The janitor offered. Tinigil ko muna panandalian ang pag o-organize ng lahat ng files sa table ko. "Ay salamat po, kuya." Umalis agad yung janitor pagkakuha ko ng kape sa kamay niya. Naging routine ko na ang pagsimsim ng mainit na kape tuwing papapasok akong opisina at si kuya, na janitor, ang palaging nagtitimpla ng kape ko. Hindi naman 'yon kasama sa job description niya bilang janitor, nagkataon lang na napagtimpla niya ako isang beses at nagustuhan ko ang lasa. Wala siyang hinihinging kapalit pero nagkusa akong bigyan siya ng gift check kada linggo at malaking tulong na 'yon para sakanya. I stared blankly at the screen of my computer. Nalulula ako sa dami ng kailangan kong tapusin na madadagdagan kada araw. Hilot-hilot ko ang sentido at sinimulan na ang trabaho. Kahit gaano ko kalalim iburo ang sarili ko sa pagtatrabaho, pahapyaw pa ring sumusulpot si Maximus sa isip ko. Ang isa pang dahilan bakit ako pumasok ng maaga ay para iwasan siya. All I need is to be honest, right? Pati sarili ko lolokohin ko pa. It was all about him. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko matapos ang nangyari kagabi. My friends noticed, obviously, he noticed it too! He's not stupid, Lite! Ako ang stupid at hindi ko naisip ang bagay na 'yon. Alam niya marahil na nasasaktan ako kaya sinakyan niya lang ako, ganon ba? Parang.... mas masakit naman ata 'yon tanggapin. While in deep thought, bigla ko naalala 'yung sinabi ni Lunaria sa akin nung nasa hospital pa ako. Kung hindi niya ako type, then I must turn myself to be someone his type. That sounds crazy and immature... pero, what if mag work? Should I use this as an option? And there's another option... Move on. Like what Stella always told me, move on. Move on. Move on. Move on--- f**k! Madaling sabihin pero mahirap gawin. Kung kasing dali lang ng pagmo-move on ang pag didilig ng halaman, hindi na sana ako nasasaktan ng ganito. But it's not easy. Never! Lalo na't naranasan kong makasama na siya. I want more. Eto na nga ba ang hirap sa mga tao, kapag nakatikim na ng saya at ligaya, hihiling pa sila ng mas engrande, mas higit sa nauna. They will continue to ask for more because we are all greedy in our own different way, tayo na nga lang magdedesisyon kung sa tama o maling paraan. That's... nature. Aminin man natin o sa hindi. Kaya tayo patuloy na lumalago, dahil hindi marunong makontento ang tao. We always want something we don't and can't have but when we finally have it, we crave for more. We thirst for more! Palagi kong sinasabi na sapat na sa akin kung ano ang binigay niya pero ang totoo? I want him more than just a friend. I want to stay by his side forever but not only just a friend... but as a lover, too. I want to hug him, kiss him, touch him. Everything that a lover can do! Pero hindi pwede dahil... wala namang kami. Goddammit! I can't do that if we're just friends. Ang magkaibigan ay hindi pwedeng magyakapan lalo na kung may malisya yung isa, at mas lalong hindi pwedeng maghalikan. We're not friends with benefits, never will. Hindi ako cheap. At hindi rin ganon si Maximus. He's a true gentleman, considerate and caring, these are the few things I like about him. Limang reports lang ang natapos ko pagsapit ng lunch break. Nag inat ako ng likod bago tumayo at kinuha ang shoulder bag sa gilid ng table ko. Hinintay ako ng dalawa kong kaibigan sa opisina para sabay sabay kaming magtungong canteen. "Kung nahihirapan ka, sabihin mo lang. Tutulungan ka ni Art." Tumango si Jimmy sa direksyon ni Art, na seryosong kumakain ng ti-nake out niyang foods sa fast food sa labas ng office.  Art and I were batchmates in highschool. Hindi kami close noon, sapagkat natural na siyang suplado at reserved. He's still the same though. "Thanks but I can do it myself." I said. Napako ang tingin ko kay Art, nagkibit lang ito ng balikat bilang tugon na hindi nagtatapon ng tingin. Palagi naman siyang ganon.  "Ano nga palang nangyari kay Karen?" I shifted my gaze back to Jimmy. Umikot agad ang mata niya. "Yung bruha na 'yon! 2 months na pala silang nag d-date ni sir Quincy. Hindi ko man lang napansin." Si Quincy Villanueva? Yung department head ng accounting? I know him even before. Sa UST siya graduate. College days ko pa lang ay matunog na ang pangalan niya dahil sa pagiging playboy at umabot pa yun sa Ateneo. Like it's something to be proud of. He's 4 years older than me at bibihira ko lang siya makita rito sa company.   "Ikaw ba napansin mo?"  "Hindi." Umiling ako. "Ano ba talagang problema? Bakit umabot pa sa puntong nag resign siya? At biglaan ha."  Luminga-linga si Jimmy saka lumapit para ibulong ang sasabihin. Pinaggigitnaan namin si Art na bahagyang umatras upang magkalapit ang tenga ko at bibig ni Jimmy.Mukha kaming elementary student na nagsasabihan ng sikreto ng bawat isa.  "He took Karen's virginity. After that, iniwan na siya."  Dumiretso na akong upo, lukot ang mukha. Aba, basurang lalaki pala ang tulad ni Quincy! Tumikhim si Art. Nakapangulambaba ako at binalingan siya ng tingin. Bakas sa mukha niya ang pagkairita, hindi sa amin kundi kay Quincy.  "That's too personal, Jim. Wag na natin pagusapan 'yan." Malamig na usal nito.  "Kaibigan natin si Karen. Ang lala ng ginawa niya and I'm also saying this for Lilou's sake."  "My sake?" Sumabat ako. Tinuro ko ang sarili, confused. "Anong kinalaman ko?"  Lumipat ang mga mata nila sa akin. "Maganda ka. Imposibleng hindi ka gawing target no'n." Maganda nga, hindi naman attractive. Wala rin. Don't get me wrong, kung ang katulad lang ng Quincy na 'yon ang papansin sa akin. Salamat na lang. "Bakit ba kasi may mga gagong lalaki?" Iritang baling nito kay Art. Humalukipkip si Art at mas sumeryoso ang mukha. "Baka hindi sila masaya sa buhay nila." "Kaya mga babae ang ginagawa niyang laruan? Ang cheap. Some men are trash." Halos tumirik na ang mata ko kaka-irap. Karen is a sweet girl. Madaldal at pala-ngiti, ano kayang matamis na salita ang ginamit ng Quincy na 'yan at maraming babae ang nauuto niya? Sa huling kita ko sakanya, walang wala naman siya kay Maximus ko. I mean... Maximus. To all Rizaldo boys!   Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ni Jimmy. "Ano nga bang alam ng NGSB na katulad mo? Parang ikaw lang, Lite oh. NBSB. Ba't hindi na lang kayo?"  Biglang tinulak ni Jimmy si Art, dahilan para ma-out of balance siya. Agad kong hinatak ang dalawang braso niya at kumapit siya roon. Nangisay si Jimmy sa kilig. Matalim ang titig ko sakanya kaya naglaho ang ngiti nito. Bumitaw na ako sa braso niya at sumimsim ng tubig. Pati ako ay nagulat sa muntik na pagkahulog ni Art. Siraulo talaga 'tong si Jimmy.  "Bagay kayo!" Ani Jimmy, hindi pa rin natinag.  Nakangisi akong umiling sakanya. "Baka kayo ang bagay?"  Nagkatinginan ang dalawa. "Yuck!" Umasim ang mukha ni Jimmy.  At siya pa talaga ang nandiri ha. Jimmy and Art are both handsome. Ang kaibahan lang, lalaki rin ang hanap ni Jimmy. Hindi ako makapaniwalang NGSB si Art. Marahil... masyado siyang misteryoso at suplado? Kaso imposible namang wala siyang niligawan. Bakit ko ba iniisip 'yon, labas na ako roon. "Kung ayaw mong matulad kay Karen, stay the f**k away from Quincy." Payo nito sa akin. Sumangayon doon si Art.  Babad na naman ang mata ko sa dagat na files sa harap ko. Tapos ko na iyon ma-organize kanina, by date at by urgency. Sumakit ang ulo ko matapos namin kumain sa canteen. Nakisuyo pa ako sa kanila na bilhan ako ng gamot sa sakit ng ulo. I'm fine after taking meds. But seeing all these papers again, sumasakit ulit ang ulo ko. Dalawang oras din akong nag overtime. Unang araw ko pa lang matapos akong maaksidente, binubugbog ko na ang sarili ko. Kanina pa umuwi ang dalawa. Ako na lang magisa rito sa opisina. Inayos ko na ang ibang gamit ko papabalik sa bag, nag inat at humikab. Dapat na talaga akong umuwi at nagugutom na ako. Nagmamadali na akong lumakad palabas ng building. Kasi naman, mag g-grocery sana ako at wala na akong stock ng kahit ano sa bahay. As much as possible, gusto kong ako ang nagluluto ng kakainin ko imbis na bumili na lang sa labas. Tumigil ako sa pagmamadali nang tignan ko ang relos ko. 8:30 PM na at pasarado na ang supermarket ng mall. Wala na akong pagpipilian pa. Mukhang sa restaurant na talaga ako kakain nito. Bagsak ang balikat at hawak ko sa kamay ang shoulder bag, naglalakad na parang inaway ng buong mundo. I feel bad when I don't do what I planned to do. "Ms. Amores?" A strange voice called. Tumigil ako sa paglalakad para hanapin ang pinagmulan no'n. I was shocked, annoyed. Manghuhula ba si Jimmy at naisip niyang lalapitan ako ni Quincy? Palihim kong inikot ang mata sakanya. I sighed heavily and fake a smile. "Sir." I froze when he got off his car and went up to me. Sa pagitan namin, amoy ko ang pabango niya. "Pauwi ka na ba?" Preskong tanong niya. His broad shoulder blocked my view as I look inside his car. I couldn't hide my disgust anymore. "Ano naman sa'yo?" I laughed a little. He chuckled and combed his dark hair. "Nalaglag mo." May inilabas siya sa kanyang bulsa at inabot sa akin. Ang titig ko ay nasa kanya pa rin. I raise a brow and he didn't mind at all. Slowly, sinuyod ko ang katawan niya pababa sa kung ano ang hawak. Gulat ako pero hindi ko pinahalata. Sinuri ko siya pabalik, na umiiling iling ang ulo at preskong ngumiti. Hindi ko kinuha ang company ID ko na hawak niya, instead, binuksan ko ang bag ko at hinalungkat kung nahulog ko nga ba talaga iyon. Malinaw naman na akin 'yon. That's my face and name printed on it. I just have to make sure, baka ganitong technique ang ginawa niya kay Karen. Not me, Villanueva! My heart belongs to a Rizaldo. Tumawa siya nang malakas ng mapansing desperado ako sa ginagawa ko. "Kunin mo na kasi 'to. Nalaglag mo pagbaba mo ng building." I look at him suspiciously. Sumuko na ako sa paghahanap, hinaklit ko iyon sa kamay niya at agad na pinasok sa loob ng bag. "Salamat, sir." "Qen. You can call me Qen." He corrected me. Tinapunan ko na naman siya ng matalim na tingin at tumawa siya. "Kung nakakamatay lang ang tingin, double dead na ako kanina pa." I cringe. Ang kapal ng mukha niyang kausapin ako at umasta na parang sinugo siya ng langit para sa aming mga kababaihan. I admit, totoong maganda ang kanyang mukha, tindig at pangangatawan. Too bad I knew how disgusting he is. "I've gotta go, sir." I said firmly, nagsimula na akong maglakad palayo sakanya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko, narinig ko na ang mabigat at mabilis niya hakbang papalapit sa akin. Hindi na ako naghintay pang kalibitin niya ako o ano. "Ano ba?!" I said over my shoulder, pissed. Nalaglag ang panga ko nang makitang hindi si Quincy iyon kundi 'yung mani vendor na tambay sa labas ng building. "Ma'am... dadaan lang ho ako." "S-sorry... Manong, pasensya na po. Akala ko kasi--" Narinig ko ang impit na tawa ni Quincy, nakasandal ang likod sa bmw niya, hawak ang tiyan at nahihirapang magpigil ng tawa. "Sorry po." Sambit ko sa paalis na vendor. Right after the vendor left the scene, he burst into laughter as if there's no tomorrow. Pinamulahan ako ng pisngi. Hindi ako nagiwas ng tingin kahit na hiyang hiya ang kalooban ko. "Akala mo siguro ako? Don't worry. Kunwari hindi ko nakita." Nanunuyang aniya sa pagitan nang pagtawa. Nalaglag ang panga ko. Seriously? Ang yabang niya, presko at ang taas ng tingin sa sarili! "Antipatiko ka talaga 'no?" Hindi makapaniwalang wika ko. Inirapan ko agad siya. "Woah. Bakit parang galit ka? Kasalanan ko bang inakala mong ako 'yun?" "Nayayabangan ako sa'yo." "Saan banda ako naging mayabang, Amores?" Tanong niya, mayabang ang dating. See! Sumisigaw ang buong pagkatao niya ng kayabangan! Mataray ko siyang tinaasan ng kilay, sinuri mula ulo hanggang paa, tinuldukan iyon sa kanyang mata. Hindi ko siya sinagot. Instead, mapanglait ang ngising iginawad ko. Natigil siya sa pagtawa at mabilis na naglaho ang ngisi. Umihip ang malamig na hangin kasabay ng pagseryoso niya. "Hindi ako mayabang." He declared. Humagikgik agad ako. Pagtingin ko sakanya ay kunot na ang noo niya, nanliliit ang mata. "Talaga? Parang sinabi mo na rin na patag ang mundo, hindi bilog." Malakas at mapanguyam ang tawa ko. Kung sa ganitong paraan niya nakukuha ang babae niya, masasabi kong walang kwento iyon. Dapat pasalamatan na lang niya mga magulang niya at nagkaroon siyang gwapong mukha. Maliban doon, wala nang maganda sakanya! He snapped his fingers. "I have an idea." Sabi niya, tipong may natuklasang bagong imbensyon. I frowned. "Liligawan kita. Para... malaman mong hindi talaga ako mayabang." He said in full confidence. Base sa sinabi ni Jimmy, kinuha niya ang virginity ni Karen at iniwan siya. Ganon lang. Does he have a radar that tells him who's virgin and who's not?! Damn, ibang klaseng aso 'to. Iba ang pang amoy! "Hindi ako pinag-aral ng parents ko sa magandang university para maging tanga tulad ng inaakala mo." "At sino bang nagsabing tanga ka?" Seryoso ang mukha niya, luminga sa paligid niya at sa akin, na parang may naririnig at nakikita akong kakaiba. "Wala naman ah." He said, innocently. I shook my head in distress. God knows how badly I wanted to punch his arrogant face! "There's no need to prove yourself to me. Wala akong interes kilalanin ka." "Ako meron." Sandali akong natahimik. Kumurap kurap ang mata ko sakanya. I can't even feel my face anymore. I did not saw this coming... I.. I must say... pinagisipan maiigi ang plano, kung meron man. "S-shut up! Wag ako..." I said, trailing off. It sounds like a roar in my head but comes out differently than I mean it to. Marahan siyang natawa, amused. "Deal?" "No deal!" He grinned. "Oh.. you want a higher offer?" I gritted my teeth. "No. Bahala ka sa buhay mo!" Asik ko. Mabigat ang paghinga ko kada hakbang ng paa ko papunta sa waiting shed. Luck is in my corner this time. Diretso akong pumasok sa kakatigil lang na taxi sa harapan ko. Lumilipad na naman ang utak ko sa alapaap, naalala ko lang kung gaano kayabang, ka-over confident si Quincy. At yung mga ngisi niyang akala kinagandang lalaki niya? He's good with words. He knows how to attack girls, and caught them off guard. I'm giving him credits for that. Before I knew it, I found myself smiling. Oh my god?! Tinampal ako ang magkabilang pisngi ko. No! No! Wag kang ngingiti na ang dahilan ay 'yung lalaki na 'yon! Manloloko 'yon! Mariin kong pinikit ang mata ko at marahas na iniling ang ulo.  Dammit! Iniliban ko na lang ang atensyon ko sa nagdadaanang sasakyan at restaurants. Oo nga pala! Kakain dapat ako sa restaurant bago umuwi. Ugh! Another plan was ruined. Di bale na, wala na rin akong gana. However, magpapa-deliver na lang ako at masamang matulog na walang laman ang tiyan. Humalukipkip na lamang ako habang inip na naghihintay makauwi sa condo. Nahuli kong palihim na sumusulyap ang driver sa akin. Hindi ko rin siya masisi. Kanina nakangiti ako, sinampal ang sarili at nakasimangot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD