Lunch
I was staring at the top of the building for I don't know how long. I sighed. I blinked. Pagod na pagod ako ngayong araw. Di-nial ko ang numero ng fast food resto na madalas kong kainan tuwing gipit ako sa oras ng pagluluto. Wala sa sariling pumasok na ako sa loob.
Paulit-ulit kong pinindot ang button ng elevator kahit na pababa na iyon. Nakatingala ako sa ilaw ng no'n na nagsasabi kung saan floor na. Hanggang 20th floor ang condo kung saan nandoon din ang unit ko, at nasa 15 floor pa lang elevator. Marahil ay maraming labas masok o baka nag po-power trip lang ng pindot.
Anim na elevator ang meron dito. My luck vanished. Sabay sabay silang gumagana at hindi bumababa. Imposible! Masama kong ibinaling ang tingin sa fire exit. No! Baka maputol ang paa ko kung aakyatin ko iyon hanggang 20th floor!
Finally! May tumunog na elevator, senyales na nagbukas na ito. Ngunit, hindi ang elevator na tinapatan ko. Mula iyon sa likuran. Buo at malalim ang buntong hininga ko habang pagod na pumihit paharap doon.
As soon as I faced it... si Maximus na may bitbit na napakalaking teddy bear costume ang iniluwa noon. My eyes narrowed, eyeing the costume. Tuluyan nang lumabas ng elevator si Maximus at agad itong sumara. Nakalimutan ko na ang pagpasok doon, buong utak ko ay iniisip at pinagtatakhan kung ano ang meron bakit siya may dalang ganon.
"Lite..." Pagkuha niya ng atensyon ko. Tumingin na ako sakanya, nanatili pa rin ang pagtataka.
Hindi ko na inisip pa na dapat ay umiwas ako sakanya. Nakakatawa lang na sa ganitong tagpo pa kami magkakakitaan.
"Xim... goodevening!" Sabi ko, muling bumaba ang titig sa hawak niya.
Nakalagay iyon sa malaking purple na supot pantakip, pero kita pa rin naman kung ano ang laman. Hinatak niya 'yon papalapit sakanya. Tinignan ko ang mukha niya, hindi siya mapakali at pawang nabistong bata na nahihiya.
"Para saan 'yan?" I asked, finally. Tumikhim siya, nag bago ang mukha niya, nagiisip.
He licked his lips before answering my question. "Wala. Sa kapatid ko ito."
Kapatid? Aanhin naman ng kapatid niya 'yan? Kahit lawakan ko ang imahinasyon ko, hindi ko maabot at mahanap kung para saan 'yan. Uh, costume party?
I nodded. "Ah.. anong meron?"
Tumunog pa ang dalawang elevator na pinanggalingan ni Maximus at sa likod ko, umingay sandali ang paligid sa usapan ng mga tao.
"Party." Payak na sabi niya, sa tono ng pananalita ay gusto na niyang tapusin ang usapan.
"Ah... okay. Sige, alis na ako." Ako na mismo ang tumapos sa usapan bago pa siya mamaalam.
Pinindot ko na ang button. Naaninag ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw ng katawan ni Maximus.
"Yeah. Sige. Ako rin... alis na ako." May bahid ng pagaalangan sa boses niya.
Anong ibig sabihin no'n? Naglaro ang mga tanong sa isipan ko. Gusto kong magtanong kaso sa itsura niya, nagmamadali na siyang umalis. Pero bakit nga ganon ang pananalita niya? Dahil ba sa nangyari kagabi? Naawa ba siya sa akin kaya binibigyan niya ako ng simpatya?
Damn!
Suminghap ako. "Ingat, Xim. See you around." I said over my shoulder, trying my best to make it sound casual.
Ngumiti siya at tinalikuran na ako. May mga namumuo ng luha sa mga mata ko. Wala naman siyang ginawa... sadyang naluluha lang ako. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sakanya, lumayo na agad ang pagitan namin dalawa. Ewan ko o baka sa isipan ko lang ang lahat ng ito.
Kung naawa siya, hindi ko dapat siya bigyan ng rason para totoong kaawaan ako. Hinaplos ko panandalian ang dibdib ko at pinunasan ang mata.
Pinilit kong kumain. My sense of taste isn't working when I'm down. Like now. Nakahiga ako sa kama at hindi makatulog kahit pagod, malalim na nagiisip. I miss being with him.
Tumunog ang cellphone ko kaya napabangon ako. Kinuha ko iyon sa bedside table, tinignan bago sagutin. Bumuntong hininga ako. An unknown number's calling me... in the middle of the night? Who's this?
"Hello?" I said, hesitant to speak.
"Magandang gabi, Lilou Nicolette Amores." Buong buo ang boses nito.
Kumunot ang noo ko sa konsumisyon. How did he get my number?!
"Who's this?" Mataray na tanong ko. Syempre, kilala ko na kung sino.
Sigurado akong inilayo niya ang cellphone para humalakhak, obviously, narinig ko pa rin naman.
"Quincy Benzon. Villanueva. Qen for short."
"Whatever. Saan mo nakuha number ko?"
"Secret."
"Wow! Secret? Hindi mo ba naisip na baka nakakaistorbo ka kasi natutulog na ang tao?!" I gritted my teeth.
He laughed. "Sinagot mo nga 'di ba? Ibig sabihin gising ka pa."
"Nakakaistorbo ka! Wag ka na ulit tatawag sa akin!" Sigaw ko at pinatay ang tawag.
Binlocked ko ang number niya para hindi na makapatawag. Pabagsak akong bumalik sa kama. Saan kaya siya kumukuha no'n? Iba ang level ng kakapalan, e! Ganyang lakas ng loob ang kailangan ko sa pang araw araw.
Malinaw pa rin sa akin ang nangyari sa hospital noong umamin ako. Hindi ako susuko. Babawiin ko sa harap niya lahat ng sinabi ko.
That was my biggest regret I've ever made! Nagsinungaling ako sa sarili ko.
Ipagpapatuloy ko ito hanggang sa maisip niya na karapatdapat akong mahalin higit pa sa kaibigan. Ano kung may mahal siyang iba? Ano kung masaktan ulit? Ayokong pagsisihan ang tyansa na hawak ko sa palad.
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. I look neat... simple. Plain, with my pencil skirt na may slit at cream blouse. Bumalik ako sa vanity table at pinalitan ng red lipstick ang nude na kaninang suot ko. Huminga akong malalim. Red lisptick still suits me.
Taas noo akong naglakad papunta sa unit ni Maximus. Masyado pang maaga at baka tulog pa siya... nagbabaka sakali lang. Importante lang talaga ang sasabihin ko.
Sangayon man siya o hindi... Mamahalin ko siya nang higit pa sa kaibigan.
Kanina pa ako kumakatok pero walang nasagot. Inihilig ko ang ulo ko at pinakinggan ang loob, walang tunog na kahit ano. Pumunta muna ako sa front desk ng condo para itanong kung umuwi ba si Maximus o hindi.
"Dalawang araw na pong hindi umuuwi, ma'am, eh."
Nadismaya ako. "Try niyo ma'am tawagan. Di po ba magkaibigan kayo?"
"O-oo. Salamat!" Huminga akong malalim, inayos ang pagkakasuot ng bag sa balikat at nagmartsa na patungong office.
Sumakto ang oras ng dating ko. Punong puno ako ng pagasa, naka ngiti buong araw sa pagtatrabaho at di alintana ang pagod.
"Lilou, pinapakuha raw ito ng accounting dept. May mali raw sa report na gawa mo?" Takang tanong ng katrabaho kong si Shiela. Ako rin.
Pinihit ko ang ulo ko para lingunin siya. May hawak siyang makapal na papeles na nakalagay sa pulang folder.
"Gawa ko iyan?" Tumayo ako at kinuha iyon. Patuloy lang ang pagkibit ng balikat ni Shiela. Salubong ang kilay ko at binuksan ang folder. Paspasang basa lang ang ginawa ko at alam ko agad na hindi ako ang gumawa no'n.
"Hindi ako gumawa nito." Umiiling na tanggi ko.
"Sabihin mo na lang 'yan sa accounting head."
"P-pero..."
"Sige na." Sinenyasan na akong umalis na.
Bago ko buksan ang glass door ay nilingon ko ulit siya.
"Bakit pala ako ang magdadala?" Biglaang tanong ko. Napaigtad si Shiela at nahinto sa pag dial ng number sa telepono na nakatapat na sa tenga niya.
"Huh?" Aligaga ang mata, parang nahuli sa ginawang kasalanan.
Suminghap ako ng malalim na hangin habang mariing pumikit, ilang segundong pinigilan saka ito marahas na inilabas. Dumiretso na ako palabas at hindi na inulit ang tanong.
"Miss Camacho, ito po 'yung maling report na pinapakuha ng accounting." Inilapag ko iyon sa table niya.
Maling report pero kailangan nila? Ayokong magtagal sa pakikipagusap tungkol dito at marami pa akong tambak na trabaho.
"Si sir Quincy may kailangan niyan." Inusog niya iyon pabalik sa akin.
"Po?!" Bulalas ko at laglag ang panga. Tumango siya bilang kumpirmasyon.
"Sige na. Mainit ang ulo ni sir dahil diyan."
My body stiffened. Siya ang huling taong gugustuhin kong makita! Tapos pupuntahan ko siya para ibigay ang maling report na ako raw ang gumawa?!
Kinuha ko na sa desk ang folder at labag sa loob na tumungo sa office niya. For I know, pinsan niya ang nagmamayari ng kumpanyang 'to kaya napaka yabang kung umasta!
Kumatok agad ako. Narinig ko ang boses niya sa loob at dahan-dahang binuksan ang pinto at pumasok.
Nakatalikod ang kanyang swivel chair sa akin. Umikot ang buong mata ko sa opisina niya. Now that I'm thinking about it, this office smells like him.
"You may sit, Amores." Ma-awtoridad ang boses niya, malayo sa malokong pagkakakilala ko.
Baka propesyonal talaga siya kapag nasa trabaho na.
"Heto na po yung report na pinapakuha niyo." I shrugged.
Saka lang siya humarap. Magkasalikop ang palad niya at walang bahid ng kalokohan ang mukha.
"Maupo ka, Amores." He ordered.
Since nasa trabaho kami at mataas ang posisyon niya, sinunuod ko na lamang iyon kahit gusto ko nang umalis.
"Where's the report?"
"Sir..." inabot ko iyun sakanya.
Masinsinan niya iyun binasa. Samantalang hindi ako mapakali sa kinauupan ko. Naninikip ang dibdib ko, nasa iisang silid kami, sa opisina niya at naguguluhan. Bakit niya kailangan iyun kung mali? At paanong niyang nasabi na maling kung binabasa pa lanv niya ngayon? Hindi ba dapat nabasa na niya bago niya nasabing mali?!
Higit tatlumpung minuto na akong nakaupo. Nabibingi ako sa katahimikan. Ugong ng AC at orasan ang namumuo sa tenga ko.
"Okay." Napaigtad ako sa pagbasag niya ng katahimikan.
Ibinagsak niya sa desk ang papel, tumayo, tinignan ang relos at ngumisi. Iyang ngisi na 'yan ang kinaiinisan ko sakanya!
"Lunch break." He said.
Napatingin din ako sa relos ko. Saktong sakto. Alas dose na nga. At may kailangan pa akong tapusin!
Tumayo na ako. "Aalis--"
"Sit down, Amores. Parating na ang lunch natin." His hands are on his pocket.
"Natin?" Umawang ang labi ko. I'm confused.
He nodded. "Yeah. From now on, we'll eat lunch together, here in my office. O kahit saan mo gusto." Bumalik na siya sa swivel chair.
"Sir?" Nagtitimpi akong binalingan siya ng tingin. "Sir... sinasadya niyo po bang papuntahin ako rito?" Konklusyon ko.
He chuckled. "Ah, halata ba?"
"Sir!" I was right!
"What? Sinabi ko naman sayong liligawan kita."
"Hindi ho ako nagpapaligaw." Mariing sabi ko. Nakakuyom na ang mga kamao ko. Konti na lang at bibingo na talaga siya sa akin!
"Cut the formality. Qen nga ang itawag mo sa akin." He leaned his back on the chair.
"Ayoko. Pasensya na sir, pero may kailangan pa po akong gawin. Tambak pa ang trabaho ko na natapos ko na sana kaso pinapunta niyo ako rito para sa wala."
"Okay." Nagkibit siya ng balikat. "Kumain na muna tayo."
"Sir..." Nanghihinang sabi ko. I hate this guy so much! Umirap ako. Ang kamay ko ay pahawak na sana sa knob nang tumikhim siya.
"Kapag lumabas ka, mas lalo kitang hindi tatantanan." He threatened me.
Damn! Wala akong nagawa. Umupo na ako sa harapan niya at saktong dumating yung pagkain namin. It was more like a feast. Maraming putahe ang nakalatag sa harapan ko na ikinakatuwa ng isa.
He's enjoying it! Ganito ba siya kay Karen?
"Eat." Inilagay niya ang plato na puno ng pagkaing kinuha niya... akala ko ay sakanya iyon.
"Amores." Bumalik ako sa huwisyo. Nagiging pangit sa pandinig ko ang sarili kong apelyido tuwing binabanggit niya iyon.
"Amo-"
"Stop calling me by ng surname. Kakain na nga, eh." Naluluha na ako sa inis.
Naiilang ako na siya ang kasama ko mag lunch. I hate this! Bakit ba ang bagal matapos ng lunch break?! Hinahanap na siguro ako nila Art at Jimmy.
Hindi ako makakain nang tama at titig na titig siya sa akin. Hindi niya talaga 'yon tinago ha?
"I'm done. Can I go now, sir?" I asked politely.
"Not yet, Amores." Maloko ang ngising lumitaw sa labi niya.
I frowned. Nangiinis talaga!
"Sir, do not call me--"
"Why? Ang ganda kasing bigkasin. Ano bang gusto mo? Amores or... baby?"
My eyes completely widened. He's.... unbelievable!
"I'm sorry, sir. Please, I need to go. Excuse me.." marahas ang paghinga ko at umalis na.
"See you later, baby." Usal nito bago ako tuluyang makalabas.
Nakatingin ang lahat nang makalabas ako. I walked confidently and didn't mind their curious eyes. Kahit na gusto kong tumakbo. Pagdating ko sa HR department ay mas matatalim ang titig ng kasamahan ko. Lalo na kay Jimmy at Art.
Hinanap ng mata ko si Shiela na nasisigurado kong kasabwat din.
"Anong naba--"
"Si Shiela?" Inunahan ko si Jimmy. Bahagya siyang nagulat at nalito.
"S-Sa pantry. Bakit?"
"May itatanong lang."
"O-okay..."
Lumakad na ako papunta roon. Nakaupo si Shiela at kausap ang janitor na palaging nagtitimpla ng kape ko. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang magtagpo ang mata namin. Based on her reaction, she's an accomplice of that womanizer.
"Lite! May problema ba? N-Nabigay mo na ba yung... report?" Tarantang tanong niya.
I pursed my lips then shook my head. Bumalik na lamang ako sa lamesa ko. Pakana naman lahat ito ng lalaki na 'yon, eh. Hindi ko na dapat isipin pa iyon, iiwasan ko na lang siya at magiging propesyonal.
Apektado ako at nakikita niya 'yon. Kaya mas naaliw lang siya sa akin. I need to focus on the things that really matters. Yun ang pakikipagusap kay Maximus. Binubuo ko na sa isip ko lahat ng sasasabihin ko sakanya.
I practiced it over and over until I get it straight. Dapat ay masabi ko iyon ng diretso. Kailangan kong maabot ang pader niya. Para magawa iyon, kailangan kong maniwala. I have to be confident!
"He's hitting up on you, Lite. At alam ng buong department natin iyon. Pati na rin sakanila. Why?" Nagaalalang tanong ni Jimmy.
Nagsusulat ako sa sticky note ng mga to-do-list para bukas. Nakahalukipkip si Art sa gilid ko katabi ni Jimmy.
"Lite... baka matulad ka kay--"
"Never." I declared. Tapos na akong magsulat at dinikit na iyon sa computer ko.
"Nanliligaw na sa'yo. Anong plano mo?"
"Wala. Papansin lang 'yun." I said. Inaayos ko na ang lamesa ko. Nilukot ko ang mga nagamit na papel at tinapon sa basurahan sa gilid ng pwesto ko.
Hindi pa rin mapakali si Jimmy, pabalik pabalik ang lakad niya sa likuran ko.
"Sabay kayong nag lunch? Ang iniisip ko... paano ka niya napapunta roon?"
"Villanueva, eh."
"Delikado ka roon! NBSB ka pa naman. Kyompalin ko 'yun kapag may ginawang masama sayo!"
I laughed. "Sampal lang? Baka ako pa mismo ang bumugbog doon."
Tumikhim si Art. "Sa Avenue ako mamaya. G kayo?"
Inikot ko ang upuan paharap sa kanila at tinignan si Art. As usual, wala pa ring emosyon ang mukha. Nasa ibang ibayo na naman ang isip niya.
"Tinatanong pa ba 'yan?" Sumigla na si Jimmy at nakalimutan ang kaninang usapan.
"You?" Bumaling si Art sa akin.
I sigh. Ano pa nga ba? I don't need to answer them, it's always a yes.