KABANATA 10

2600 Words
Taxi Jimmy was on the dance floor, flirting with some men. Hindi ko maatim na titigan siya sa paraan ng paghahanap ng lalaki. You can't kiss someone you just met. Ininom ko ang tequila na kanina pa sa harap ko. Usually, sumasama ako sa bar at rave parties na pinupuntahan nila Jimmy pero hindi ako umiinom. I hate alcohol in general. Though, I drink occasionally but not when I'm clouded by my thoughts. Mahirap pagsamahin ang alak at problema, disaster ang kalalabasan. I've seen one before. I experienced it... bad experience. "Pupunta sila Jenica?" Art asked. "Uh, oo. Friday naman, eh. Walang pasok 'yun bukas." Art continued drinking. I must say, this guy loves alcohol too much. Kapag masaya, iinom. Kapag malungkot, iinom. Kapag bored, iinom. Palagi na lang alak ang nasa isip. Pero kahit kailan ay hindi siya nalasing. I remembered when Jimmy, Karen, Art and I were all wasted. Magically, nakauwi kami sa sarili naming bahay, buo ang katawan at humihinga. Nalaman na lang namin na si Art ang nag hatid sa'min pauwi. Speaking of Karen... I should invite her too. Ilang beses ko pang sinubukang i-contact ang number niya kaso ay cannot be reached. Ibinalik ko na lang ang cellphone sa bag. May iilang babae at promo girls ang lumapit kay Art; lumalandi at nag aalok. Tinaboy lang naman sila ni Art. Once na may alak na sa harap niya, lahat ng atensyon niya ay naroon. "Nakakapagod! Come on, Lite. Lets dance!" Hinatak agad ako ni Jimmy sa dancefloor. Sinubukan kong bawiin ang braso ko hanggang sa na-trapped na akong tuluyan sa gitna. "Dance, Lite. Sige na!" "I hate dancing, Jimmy!" Bago pa man ako mawala sa eksena, hinawakan niya ang dalawang kamay ko, isinayaw at marahan akong inikot. "Jimmy!" I yelled again, laughing. "O 'di ba! Magaling ka na sumayaw." Tumatawa rin. Hinanap ng mata ko sa buong dancefloor yung lalaking kahalikan niya kanina. Ipinatong ko na lang ang maliliit kong braso sa balikat niya na parang sweet at slow dance ang sinasayaw namin kahit na nakakabinging EDM ang dumadagundong sa bar. "Where's your guy, Jim?" I snorted. "Gago! He's not my guy. Mayabang, eh. You know me, galit ako sa mayabang dahil mayabang din ako." Humalakhak siya. Malakas ang boses naming dalawa. "We look like a couple. Yuck!" Sabay alis niya sa braso ko. Tumigil ako sa kunwaring pagsayaw at tumindig. "Ano naman?" "Anong ano naman?" Tinaasan niya akong kilay. "E 'di wala akong makikilalang gwapo dahil nakapulupot ka sa'kin." Umiindak pa rin siya. "Ikaw kaya nag hatak sa akin dito! Tse! Good luck sa guy surfing mo!" Saktong pagtapos kong magsalita ay pasayaw siyang umalis at dinikitan ang lalaki sa unahan. I rolled my eyes. Nahirapan pa akong makaalis sa pagiwas na hindi ako makaapak o hindi ako maapakan habang paalis sa dancefloor. Dumami pa lalo ang alak sa table namin. I frowed. "Uubusin mo talaga lahat?" Tanong ko at naupo sa dating pwesto. Hawak niya sa kaliwang kamay ang baso na may lamang kung anong alak at marahang inaalog. Sinandal niya ang likod saka ako binalingan. "Dipende kung iinom ka." "Hindi ako iinom." "Edi ako nga talaga ang uubos." Nilagok niya ng diretso ang alak at muli akong tinignan. Nagkibit na lamang ako ng balikat. Pabor naman din iyon sakanya. Nagaalala lang ako dahil masama ang alak kapag sobra na. Saglit kong tinignan ang phone kung nag text na ba sila Stella kung andito na sila kaso ay wala pa ring reply. "Fresh fruit cocktail," Agad namang tinugon ng bartender ang nais ko.  I ordered my self a drink. Tequila is not my taste. Iniwan ko muna panandalian si Art at kasama na rin niya si Jimmy... with another guy. Pasulyap-sulyap ako sa kanila kung dumating na ba si Stella at Jenica. Lumalim na ang gabi at dumarami pa ang dumadating ganon din ang umaalis. "One maritini." Umikot ang ulo ko sa kung sino ang um-order. I knew it! No wonder his voice is familiar! Tatlong high chair lang ang pagitan naming dalawa ni Villanueva! My lucky stars are not so lucky today I guess. Or maybe he followed us here?!    "Naniniwala na talaga ako sa destiny." Nagtama ang mata namin. That cheeky and playful smile showed up again! Nilapag na ng bartender ang cocktail ko. Kinuha ko iyon. Bumaling ulit ako kay Quincy para irapan. Nawa'y maintindihan na niyang nasisira ang araw ko tuwing nakikita ko siya.  "Ako kasi hindi. Bye!" Pagalit kong sinabi. Tumaya siya kasabay ko at hinarangan ang daanan. Nagtiim ang bagang ko. Seriously?! Sumimsim ako sa hawak ko at mariing napapikit.  "You can't leave now. I won't let you, baby." Nakatitig siya sa akin habang tinunga ang martini shot. Humagalpak ako sa tawa. I salute this guy for being this confident! Humalukipkip ako at nakipagtitigan din.  "Sinundan mo ako 'no?" Paratang ko. Maloko ang halakhak niya. "Ayan ba ang tingin mo? Sorry, mali ka."  "Really? Ipagpatuloy mo lang iyan." I nodded. My phone rang just in time. Sinagot ko iyon na hindi inaalis ang mata sakanya. "Is that Quincy Villanueva?" Tinignan ko ang phone. It's... karen! Napakurap kurap ako at lumiban ang tingin sa pwesto. Andoon na sila Stella at Jenica na hinihintay ako. And there's Karen, matatalim ang titig direkta sa akin. Ibinaba niya ang phone. Marahan kong inalis sa tenga 'yon. Galit siya alam ko. Sa akin ba? Para sa akin ba ang matatalim na titig niya? Binalik kong muli ang tingin kay Quincy. "Wag mo na akong kulitin ha? Kasama ko si Karen. Kilala mo naman siya di ba? Yung... kaibigan ko na sinaktan mo lang naman." Sarkastikong sabi ko saka siya nilayasan. Natameme lang siya. Hindi na ako lumingon pa para alamin ang lagay niya. Kulang pa nga iyon, mas maganda kung naisaboy ko sakanya ang cocktail na hawak ko para magtigil. "Why are you with him?" Galit na bungad ni Karen sa akin. Napahinto ako sa pagkilos at tumingin sakanya, nabigla. "Who's with Lite?" Mataray na ganti ni Jenica kay Karen. Tila hindi nagustuhan ang inasal nito sa akin. Karen, like I have said, she's a nice girl. Masayang kasama, madaldal. Nga lang, mabilis uminit ang ulo. Well... Jenica never liked her anyway. Tumayo si Karen para harapin ako at lapitan. "Didn't you think I wouldn't hear what Quincy did for you?" Mariing sabi niya. Palipat lipat ang tingin ng lalaking kasama ni Jimmy sa amin, naiilang. Si Stella, nakahalukipkip at kinakalkula ang nangyayari bago magsalita. Same as Jimmy and Art. "Huh?" I said innocently. "Don't use 'friends lang kami' as an excuse, Lilou. Nililigawan ka niya 'di ba?" Tikom ang bibig ko. Napunta na sa akin ang titig nila. Bumababa ang tingin ko kay Stella at Jenica na gulat. "I'll go ahead, Jim... Uh, later.." Bulong ng lalaki kay Jimmy. Tumingin siya sa akin bago umalis. I shook my head to myself. "Who told you?" I asked. "Don't ask me. I'm asking you!" Tumaas ang boses niya. Tumayo si Jimmy. Hinawakan sa magkabilang balikat si Karen, pilit na pinapakalma. "Siguro nililigawan niya nga ako. Sino nga ang nagsabi sayo?" I asked again, calmly. "Si Shiela. Alam kong alam mo na kung anong ginawa niya sa akin. From the looks of it, ikaw ang nakinabang sakanya. My gosh! Tayo ang magkaibigan dito. Gaano ba kahirap na iwasan siya? Unless, natutuwa ka rin sa atensyon!" Naningkit ang mata ko. Exactly! Kami ang magkaibigan dito. Bakit sa akin siya galit? Kilala niya ang ugali ng lalaki na 'yon. Siya dapat ang nakakaalam na wala akong pakealam sa Quincy na 'yon. Si Shiela ang nagsabi sakanya? That woman! Plastic! Kasabwat nga siya sa nag set up sa akin kay Quincy, eh. Malamang hindi niya sinabi iyon kay Karen. "Calm down, Karen. Walang gusto si Lite roon." Ani Jimmy. Nilingon siya ni Karen at bahagyang tinulak. "Kunsintidor ka kasing bakla ka! Kahit kanino naman binabagay mo si Lite!" Nalaglag ang panga ko. Lumagpas na siya sa linya! "Oh my god, Karen!" Asik ni Stella. "Stay out of this, Stella. Hindi kayo kasali ni Jenica rito!" Sigaw nito. I looked around. Lumilingon ang ibang nakakarinig sa amin. Of course, wala kami sa VIP room. Malakas lang ang music kaya't napagtatakpan pa rin ang mga sigaw ni Karen. "Ang babaw mo, Karen! Aawayin mo si Lite para sa lalaking 'yon?! At paparatangan mong nakikinabang siya?! Ang sabihin mo naiinggit ka lang dahil totoong nililigawan ni Quincy si Lite. E ikaw? You're just a booty call!" Sigaw ni Jimmy. Lumipad ang kamay ni Karen sa pisngi ni Jimmy. Napasinghap ako ng hangin sa gulat at napahawak sa bibig. Tumayo si Jenica at tinulak si Karen pabagsak sa couch. Dinaluhan ni Stella si Jenica at inawat. "Wag mong idadamay si Lite sa selos mo ha? Subukan mo lang. Hindi mo magugustuhan ang ganti ko." Pagbabanta si Jenica. Umiiyak sa si Karen, yakap ang sarili. Inalu siya ni Art. "I hate you, Lite! Didn't know you're such a slut!" Humihikbi na siya. Nagpanting ang tenga ko. Bago pa man ako makakilos at masampal si Karen ay sinugod na siya ng dalawa. Mabuti na lang at naharangan sila ni Art. Nakangisi lang si Jimmy na papalapit sa akin. Ibinaba ko ang basong hawak ko sa table. Nasaktan ako. How can she say that? Parang hindi kami magkaibigan kung sabihan ako ng masasamang salita. Iniling ko ang ulo ko. Kinuha ko ang bag at dismayadong iniwan sila. "Lite." "Uuwi na ako, Jimmy. Pagod na ako." Utas ko. Naunawaan naman niyang gusto kong mapagisa. Imbis na umuwi na ay tumungo muna ako sa wash room. I need to breathe. Tinitigan mo ang repleksyon ko sa salamin. Kakalabas lang ng isang babae at ako na lang ang magisa sa loob. Nasaktan talaga ako sa sinabi ni Karen. May mga tao talagang masakit magsalita at hindi man lang iniisip ang mararamdaman ng ibang tao. Is she really my friend? I washed my hands and dried them with tissue. I sighed heavily. Tumambad si Quincy sa daanan palabas ng bar, kausap ang isang lalaking foreigner. Wala sa sariling nagtago ako nang lumingon siya. Ayoko namang bumalik kila Jimmy, madaanan ko pa rin si Quincy. I had to stay away from him. He's bad news! No choice-- Umakyat ako sa second floor kung nasaan ang VIP rooms. Dumungaw ulit ako at naroon pa rin siya! Gumagana na naman ba ang radar niya? Lalo pang lumalim ang usapan nila at may lumapit pang dalawang foreigner. Huminga akong malalim at hinilig ang likod sa pader. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko. I really need to go home. Pagod na ako! Kailangan ko ring makausap si Maximus. Sana nga lang ay umuwi siya. Tahimik dito kumpara sa baba. Tinitignan ko ang mga babaeng paakyat na may kaakbay na mga lalaki. Iniiwasan kong mapatingin sa mata nila. Inip na inip na talaga ako. Baka kapag dumungaw ako ay saktong mapatingin siya. Tinignan ko ang relos at sinasabayan ang kamay ng orasan ng pagbibilang. Bahagya akong napatingin sa VIP room na tinapatan ko nang makarinig ng mahinang pagkabasag ng gamit. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang tignan kung ano ang meron doon. Sinigurado ko munang walang taong paparating bago lumakad papalapit doon. Pinakinggan ko ang loob. Kinabahan ako bigla habang marahan kong binubuksan ang pinto. Nang umawang, isang mata ko lamang ang ipinansilip ko at baka mahuli ako ng tao sa loob. I heard a soft moan. Tumindig agad ang balahibo ko. Itinulak ko pa ang pinto. Nakita ko si Maximus... I know it's him! Nakapatong ang babae sa hita niya, idinidiin ang katawan sakanya habang malalim at mainit ang halikan nila. My heart breaks into tiny little pieces and I can ever hear it. Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko. It hurts so much. Sobra. Sobra... Ipinikit ko ang mata ko. Lumuluha akong umalis doon. Marahang tumatawa ang babae sa ginagawang pag haplos ni Maximus sa hita niya. I can picture it in my mind! Ang sakit! Bahala na. Wala na akong pakealam sa kung sino ang makakita sa akin. Nanlalabo na ang paningin ko kahit na anong punas ang gawin ko, umaagos iyon na walang patid. Nakabangga pa akong babae sa pagbaba ko roon. "Watch your step b***h! Ano ba!" Singhal nito sa akin. Dirediretso lamang ako, caressing my chest. I cried so hard. The pain is just... too much for me to handle. Basta ang sakit! Nadudurog ang kalooban ko. Ang kaninang pinoproblema ko ay naglaho na. Kung makita ako ni Quincy o ng mga kaibigan ko, so what? I'm hurt. I'm hurting and that's all that matter to me now. Pumasok ako sa nakaparadang taxi sa harapan ng Avenue. Humihikbi pa rin. Kinlaro ko ang lalamunan ko. "Kuya sa Skyhill po." I said. Hindi agad ito umalis. "Kuya Skyhill po." Paguulit ko, medyo naiirita. Umandar na ang taxi. Nilugmok ko ang sarili sa gilid at iyak lang nang iyak. I don't care what the driver thinks. Natatawa ako ng kaonti sa sarili ko. Oo, marami na siyang naging flings. At kasama na roon ang pakikipag momol niya o baka f**k buddy pa. Tatlong taon ko siyang naging kaibigan, ni minsan hindi ko na naisip na ginagawa niya pa rin iyon. Sino ba ako para malaman pa iyon hindi ba? Nasasaktan lang ako na nakita ko ang bagay na 'yon. Bakit yung babae na 'yon pa? Bakit hindi si Tori? Bakit ginagawa iyon ni Maximus. Well, baka mas lalo lamang akong nadurog kung si Tori ang babaeng kahalikan niya. f**k it! Masakit pa rin. Paikot-ikutin man ang mundo, masakit na makitang may kahalikang iba ang taong mahal mo. Pinawi ko na ang luha sa pisngi ko nang tumigil na ang taxi sa tapat ng Skyhill. Kumuha akong one thousand sa wallet at inabot ko sa driver. "Kuya oh. Keep the change." Hindi niya iyon tinanggap. Napatingin ako sakanya, may kinakalikot na kung ano sa manibela. Umahon ako sa pagkakasandal at inabot ulit ang pera. "Kuya bayad." Iritado na ako. Hindi niya ulit tinanggap. May inabot siyang maliit na pakete sa akin. Inis kong kinuha iyon at sinuri. Tissue? Aba! Bakit niya ako binibigyan ng tissue?! "Aanhin ko 'to? Here's the money and keep the change." Nilapag ko na lang iyon sa passenger seat kasama ng pakete ng tissue. Kinuha ko na ang bag at umusog para buksan ang pinto. Dalawang beses ko pang inangat ang bukasan ngunit ayaw pa rin mag bukas. f**k! Bakit ang malas ko naman sa araw na 'to?! Ngayon pa talaga na basag ang puso ko. "Sira po ang pintuan. Pabuksan naman ho." Mariing sabi ko habang patuloy lang sa pagbukas. "Sabihin mo muna kung anong dahilan bakit ka umiiyak." "Quincy Villanueva?!" Bulalas ko. Lumapit pa ako at dinungaw para kumpirmahin. Siya nga! Shit! What the hell?! Binagsak ko ang sarili pabalik sa upuan, nakaawang ang bibig at naluluha na naman. Sa sakit mula kanina at sa pagkairita sa kaharap ko. Inalis niya ang seatbelt at pinihit ang katawan paharap sa akin. Kinuha niya muli ang tissue sa passenger seat at inabot sa akin. "Use this, Amores." He offered. Tinitigan ko lamang ang tissue, kinuha rin kalaunan. Binuksan ko iyon at ginamit agad. "Are you okay?" Marahang wika niya. "Paano ako magiging okay, eh, nandyan ka." Anas ko. Natawa siya. "Of course. It's my car afterall." "Suma-sideline ka rin pala sa pagiging taxi driver." He snorted. "You're unbelievable, Lilou Nicolette Amores." Sumama ang titig ko sakanya. Nawili na ata siya sa pagbanggit ng buo kong pangalan. "Ikaw na nga itong biglang sumakay, pinagkamalan mo pang taxi ang BMW ko." He added. BMW? Tinagilid ko ang ulo ko. May tatak na BMW  sa manibela. Hindi nga talaga siya nagsisinungaling. Humalukipkip na lamang ako. "Puti kasi ang kulay, eh. Akala ko tuloy taxi." Napailing siya at aliw na aliw sa pangyayari. "Sige, sa sunod hindi na ako bibili ng puting sasakyan." "Alisin mo na lang yung child safety lock para makaalis na ako." Utos ko. Humarap muli siya sa daan at sinuot bigla ang seatbelt. Kinabahan akong muli. Teka... may mali rito ah! At pinaandar niya nga ang sasakyan tulad ng nasa isipan ko. "Hoy! Saan mo ako dadalhin?!" Kinakabahang sigaw ko. "Hoy Villanueva! Itigil mo!" Hinapas ko ang balikat niya. "Itigil mo! Kikidnappin mo ako!" Nabalot ang kotse ng malakas niyang halakhak. "You and your crazy mind never failed to make me laugh." "Anong sabi mo?!" "Calm down, baby. We'll just have some coffee."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD