KABANATA 11

2686 Words
Deal "Your coffee." Inabot niya iyon sa akin pagkabigay ng cashier sa drive thru ng starbucks.  "Thanks.." I said.  "Now tell me. Bakit ka nga umiiyak?" Tanong niya nang mai-park ang kotse.  Nasa backseat lang ako. Paulit-ulit na niyang tanong iyon at nadadagdagan ang inis ko sakanya. Chismoso rin, eh.  "Hindi tayo close. Wag ka nang umasang magkukwento ako sayo." I rolled my eyes. "Dahil kay Karen?" He asked but it's sounded more like a statement. At sigurado talaga siyang si Karen nga ang dahilan.  Well, magandang 'yun na lang ang isipin niya. Sa rearview mirror lang kami nagtitinginan.  "Ano naman sa'yo? Alam mo ang sama sama kasi ng ginawa mo sakanya."  "Masama ba ako sa kwento niya?" Sabay tawa niya. "Bakit hindi ba?" Tinaasan ko siyang kilay at muling inirapan. Binuksan ko ang takip ng kape at inihipan bago sumimsim.  "Hindi ko talaga maintindihan takbo ng utak niyong mga babae. Ang gulo gulo niyo. Siya naman 'tong nagbigay ng motibo, eh. Pinagbigyan ko lang." Marahan siyang umiling, natatawa. Sumimsim din siya sa kape animo'y hindi mainit ang iniinom. "We had s*x because that's what she wanted. Me too, that's what I want. Malinaw ang usapan namin, no strings attached. Tapos sasabihin niyang mahal niya ako? Hell no!" He snarled. Natahimik ako. Hindi ba parang parehas lang kaming dalawa? We'll do anything for love. "Mabait naman si Karen ah."  "Hindi porket mabait sayo ay mabait na rin sa iba. She's manupulative. At hindi ang lalakeng katulad ko ang nagseseryoso sa pagibig." He stopped to drink his coffee again. "Hindi ngayon at mas lalong hindi sakanya." Mariing dagdag niya. "So... pagtitripan mo lang talaga ako sa panliligaw mo?" I asked casually. "Sabi ko nga sayo, liligawan kita para lang malaman mo na hindi ako mayabang." "Ganon? Ang babaw mo naman pala." Nagkibit akong balikat. Nilingon ko ang kotseng paalis sa parking lot. Ang kotse na lang ni Quincy ang naririto. Open space naman ito kaya ayos lang kahit magtagal.  "Pero... nagbago na ang isip ko. Liligawan na kita for real. I like your personality. Tingin ko bagay tayo." Bumaling ang tingin ko sa rearview at masama siyang tinignan. I can only see his eyes, but that was enough for me to know that he's smiling from ear to ear.  "Ang kapal mo! Iuwi ko na nga ako." Marahas akong bumuntong hininga at humalukipkip. Uminit agad ang ulo ko. "Maaga pa at saka wala namang pasok bukas." Muli na naman niyang ininom ang kape.  "Inaantok na ako! Mamaya gawan mo pa akong masama."  Halos maibugha niya ang kape at tumilapon sa manibela sa pagkabigla. Mabilis ang kilos niya. Kinuha ang box ng tissue sa unahan, pinunasan ang kaonting tapon at saka ako nilingon. His brows furrowed.  "Hindi ako rapist 'no. I know how to respect girls. Bastos ako pero hindi ako nananamantala." Mariing aniya. "Okay.." Tumikhin ako. "Subukan mo lang din. For your information, may dala akong tinidor sa bag at hindi ako magdadalawang isip na itarak 'to sa lalamunan mo kapag ginawan mo akong masama." Pagbabanta ko.  Malakas ang tawa niya at nakakaloko. Bumalik na siya sa prenteng pagkakaupo at sa salamin na lang ako tinitigan.  "That's scary. Wala naman akong gagawin. Maliban na lang kung gusto mo..." Sabay kindat niya. I snorted. "Ha! Wag kang umasa!"  "Why not, baby?" He chuckled softly. "Stop calling me baby. Nakakairita!" Angil ko. "Then call me Qen. Masakit sa tenga tuwing tinatawag mo akong Quincy, eh. I hate my name. It sounds like a girl's name." "Will you stop calling me baby if I call you... that?" I asked. Tumango siya. "Okay. Just... Just take me home, Qen. I'm tired." I looked away as I bit my lower lip. Naiilang ako. "As you wish, Amores." Namilog ang mata ko. Pinaandar na niya ang kotse. Sinasadya ba talaga niyang inisin ako?! Kung magulo ang mga babae, mas magulo siya! Sakanya lang ako nainis ng ganito sa talambuhay ko. May kung ano pa siyang pinagsasabi sa harap. Abala lang ako sa pagtitig sa daang araw araw kong tinatahak papasok sa opisina. Sabado bukas at wala akong pasok. Umuwi kaya si Maximus sa condo kasama 'yung babaeng kahalikan niya? Nanlabo agad ang paningin ko sa luhang nagbabadyang mamuo. Pinunasan ko iyon. Kung sakaling wala si Quincy, paniguradong humahagulgol na naman ako sa iyak. Bumaba agad ako nang ihinto niya ang kotse. I sighed. Pakiramdam ko ay saka lang ako nakahingang ayos nang hiwalay na kami ng hanging hinihinga. Ganon ko talaga siya kaayaw.  "Amores!" He yelled. I walked fast instead.  "Amores!" He yelled louder.  Mariin akong napapikit sa konsomisyon saka siya binalingan.  "ANO!" Pagalit kong sigaw. Malapad ang ngisi nito sabay tango. Sa pagkakatanda ko ay isang araw pa lang ang lumipas nung nagkausap kami, bakit feeling close na siya? Halos tumirik ang mata ko sa pagirap sakanya. Tumalikod na ako at inangat ang kanang kamay sa ere at nag dirty finger. Humagikgik siya.  "See you tomorrow!" Huling sigaw niya bago ako tuluyang makapasok sa lobby.  Hindi maipinta ang mukha ko sa inis. Matagal na rin akong naninirahan dito at pamilyar na sa akin ang mukha ng mga staff ng Skyhill, ganoon din sila sa akin, kaya laking gulat nila nang makita akong inumaga na ng uwi. Alas tres na ng madaling araw pagtingin ko sa relos. Tinapon ko na ang kapeng kanina ko pa hawak sa basurahan sa gilid ng elevator. Muli ko na namang naalala yung nangyari kanina. Naluha agad ako. Pinawi ko iyon nang makarating na sa 20th floor. Napatigil ako sandali sa pagbukas ng pintuan ko upang tignan ang unit ni Maximus.  I pursed my lips. Napatingala ako sa itaas sabay hingang malalim. Nacu-curious ako kung umuwi ba siya. Nilapitan ko ang pintuan niya. Matamang tinitigan ko lang iyon. Hindi mapakali ang kamay ko, napigilan ko rin naman ang sarili kong kumatok sa pintuan niya.  Sasaktan ko na naman ang sarili ko, eh. At isa pa, kung nasa loob man siya't pagbuksan ako, anong sasabihin ko? For god's sake, alas tres na! I shook my head. Pumasok na lamang ako sa kwarto ko at iniyak ang bigat sa dibdib ko. Inaamin kong nawala panandalian 'yon kanina nung kasama ko si Quincy.  I guess... my hatred from him was bigger than this pain. Meaning, this too shall pass. Pagod akong huminga sa kama at niyakap ang unan. I feel so sad and lonely tonight. Tumitig na lamang ako sa liwanag mula sa lampshade hanggang sa dalawin ng antok.  I woke up to a loud noise coming from the telephone. Napabalikwas ako sa kama at nahulog sa pagmamadali, gumapang ako papunta sa drawer at sinagot iyon.  "Yes?" Pupungas pungas pa ako.  "Good afternoon, ma'am Lite. This is Roger, from the front desk of Skyhill. I would like to inform you that there's someone waiting for you here. Gusto po kasi niyang malaman ang room number niyo but we cannot do that. His name is Quincy Villanueva, kilala niyo po ba siya, ma'am?" "Wha--WHAT!" Bulalas ko at nawala na ang antok.  "Papapuntahin po ba namin si--" "NO! NO! DON'T!" Sunod sunod na sigaw ko. Huminga akong malalim at kinalma ang sarili. "I mean... pakisabi na lang na maghintay siya diyan at bababa ako."  Pagbaba ko ng tawag ay napatitig muna ako sandali sa kawalan, nagiisip. What the hell is he doing here?! Inangat ko ang tingin sa alarm clock sa tabi ng lampshade. Kinse minutos na lang at ala una na. Dapat ay natutulog pa ako, eh! Padabog akong tumayo at nagasikaso ng isusuot. Binilisan ko na ang kilos at baka bigla na lang siyang bumungad sa labas ng kwarto at malakas na kumakatok.  Kinuha ko lang ang phone at lumabas. Tinititigan ko ang susi ng condo ko kung saan nakasabit iyon sa keychain na ibinigay ni Maximus sa akin noon. Time flies so fast. Mapait ang ngiti ko. I wish I could turn back time and make it stop. Sana nanatili na lamang kami roon. Magkausap, magkaharap sa labas ng pintuan ko at masayang ninanamnam ang oras. Inip na inip na nag iinatay si Quincy sa lounge. His hair was more darker than I used to remember, o baka ngayon ko lang 'yon pinagtuunang pansin. "Oh? Anong kailangan mo?" Mataray sa bungad ko. Tumayo ako sa harap niya. "Mag da-date tayo." Pinulupot niya agad ang braso sa leeg ko at hinatak papalabas. Siniko ko siya sa tagiliran kaya napabitaw siya. "Ginulo mo ang araw ko para lang sa kalokohan mo! Imbis na natutulog pa sana ako!" "Huh? Pinapasaya nga kita." Ngumuso siya. "Makita lang kita, nasisira na ang araw ko. Umuwi ka na." I gritted my teeth. Tumingin ako sa front desk. Nagiwas sila ng tingin nang mahuling tinitignan kaming dalawa ni Quincy. Syempre magtataka sila. Unang pagkakataong may bumisitang lalaki sa akin, alam na rin ata nilang may gusto ako kay Maximus. Halos araw arawin ko na ata ang pagtatanong sa kanila kung umuwi ba o hindi iyon. "I don't care." Walang emosyong aniya at tuluyan na akong hinatak palabas. Nagbunuan pa kami sa daan kung saan maraming taong tumitingin bago niya ako maisakay sa kotse. "B-bakit itim na kotse mo?" Binalingan ko siyang tingin at kunot ang noo. Binuksan na niya ang makina at pinaandar. "Baka kasi mapagkamalan na namang taxi ang kotse ko." Nginisian ako. Napairap na lang ako at umayos ng upo. "Saan mo ba ako dadalhin?" "Amusement park." He said. And we really went to amusement park. Nakasimangot lang ako buong tatlong oras na kasama siya. He was enjoying every ride while I almost threw up. Takot ako sa matataas na lugar, takot ako sa extreme rides. "You should've told me, Amores." Aniya habang hinahaplos ang balikat ko. I can't take it anymore! Sumuka na talaga ako matapos kaming sumakay sa roller coaster. I shrugged my shoulder. "Okay ka na?" Nagaalalang tanong niya. Huminga akong malalim matapos ubusin ang bottled water na binili niya. Wala akong dala bukod sa phone at susi. Nakadipende ako sakanya. And I hate it! "What are you doing?!" Asik ko nang lingunin siya. "Taking pictures of you." Kaswal na sagot nito. Tinakpan ko agad ang mukha ko. "Hey! Hindi pa ako tapos. Remove your hands, please." Tumayo na ako at naglakad sa kung saan man ako dalhin ng paa ko. At nakasunod naman siya. Binalingan ko siyang tingin sa seryosong sinusuri ang mga kuha niya. Tahimik lang ako. Pinapanuod ko kung ano ba ang gagawin niya. Namilog agad ang mata ko at napahinto nang i-post niya ang mukha ko sa IG niya. "Hoy!" Sigaw ko. "What?" He said innocently, confused. Nakaawang ang labi ko. "Y-you! Why did you post my picture!" "Because... I want to?" Nanatili ang inosente niyang mukha. Naluluha na ako sa inis ko. "Delete it now! Baka isipin nila tayo." "Maganda kung ganon." Tumunog ang phone ko sa notification. Ti-nag niya pa talaga ako sa post! It was a picture of me, drinking. The irritation was visible on my face. "Ang pangit ko!" Reklamo ko. He started walking. Napatanga lang ako roon at sinundan siya ng tingin. Pawis na ako't naiinitan sa suot. I'm wearing a knitted sweatshirt and a ripped jeans. Ang lagkit na ng pakiramdam ko. Makulimlim, kaso naman ay malagkit ang simoy ng hangin. Pumasok siya sa restaurant sa di kalayuan. Hindi man lang ako inintay! Sa loob loob ko ay gusto kong tumili sa inis. Padabong akong sumunod habang pinapaypay ang dalawang kamay sa leeg ko. Nahanap agad nang mata ko si Quincy na akaupo sa dulo habang kinukuha na ng waiter ang kanyang order. Umalis agad iyon paglapit ko. "Naka order na ako." He said. "I know. The waiter just left." Mataray na tugon ko. Isa isang dumadating ang order. Nagsimula na akong kumain ng salad. Bawat dating ng waiter, parami nang parami ang bitbit nita. At nang dumating ang huling order, tumigil ako sa pagkain at tinignan si Quincy. Nakahalukiplip at mukhang kanina pa ako pinapanuod. "Bakit ang daming pagkain? Ano ka bibitayin?" Nakasimangot ang mukha ko. Marahan siyang natawa at nagsimulang kumain. Hindi ako sinagot. Umiling na laman ako at pinagpatuloy ang pagkain. Isang buong manok ang huling nilapag ng waiter. Binaba mo ang tinidor na hawak at kinuha ang kutsilyo pang hiwa ng manok. Hinayaan lamang ako ni Quincy. Mabuti at nanahimik na. "Ano pa lang part ang gusto mo?" Tanong ko, naghihiwa pa rin. "Ang maging part ng buhay mo." He replied. Natigil ako sa maghihiwa at tinapunan siya ng tingin. "Nang iinis ka na naman ba?!" Asik ko. Kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ko at pinagpatuloy ang paghihiwa. Naglagay siya ng manok sa plato ko at nilagyan niya rin ang kanya. Kumukulo na ang dugo ko! Pinilit ko na lang kumain. My stomach was so full! Hirap na akong maglakad sa busog. Napuno nang bangayan naming dalawa ang araw ko. Hindi ko na namalayang pagabi na pala. Lahat ata ng kiosk ay napuntahan namin at naglaro. Luckily, I won. Isang malaking unicorn stuffed toy amg premyo, pinabitbit ko iyon kay Quincy para naman may pakinabang siya. May nagtutumpukang tao paikot sa isang game. Tumingkayad ako para makita kung anong klaseng laro ba iyon. Patagalan lang pala ng kapit sa monkey bar. Kapag tumagal ka ng isang minuto, sa'yo na 'yung life size teddy bear. I alreadly won and my unicorn is was cuter than that teddy break. Nagkibit akong balikat. Lumakad na ako paalis nang bigla akong hinatak sa braso ni Quincy pabalik. "Oh?" Tamad na sabi ko. Nangangat akong tingin sakanya. Direktang nakatitig siya roon, interisado. Agad sumilay ang ngisi sa labi ko. I have a bright idea! "Gusto mo maglaro doon?" Nakahalukipkip ako at tumingin sa lalaking sumubok. "Lets make a deal. Kapag nanalo ako, titigilan mo na ako. Kapag nanalo ka, papayag na ako magpaligaw sa'yo." Dagdag ko at tinignan siya. Nakatitig siya sa akin, pilit hinuhulaan ang nasa isip ko. "Deal?" I raised a brow. Natawa siya sabay iling. "Deal." Nagkamayan pa kaming dalawa bilang tanda ng pagsangayon at lumakad na papalapit doon. "Paano kapag walang nanalo o parehas tayong talo?" Nagpameywang siya. Hinihintay lang naming matapos ang naunang naglaro. "Uulitin natin hanggang sa isa lang ang manalo." I said confidently. I am! My cousin Jake and I used to play this thing when we were kids. Tumatagal akong dalawang minuto o tatlo, lagi akong panalo! It's Quincy's turn. Nakahalukipkip lang ako sa harap niya, nakangiti at inaantay na bumitaw siya. No matter how muscular his body is, tatalunin ko siya. "Sir, isang minut--" "Start na!" Ganadong aniya. I chuckeld. Umarangkada na naman ang kayabangan! Kinindatan muna ako bago kumapit sa bakal. I just rolled my eyes. 30 seconds have passed but it feels like 3 minutes. It seems like... he's going to win! Naglaho ang ngiti ko nang tumunog na ang bell at nanalo nga siya! "Sir, yung pri--" "Paano ba 'yan, Amores? Goodluck!" Kumindat muli. "Tse!" I hissed  Pinausog ko yung staff na bitbit na ang teddy bear at inaabot kay Quincy. "Ma'am, bawal na po. May nanalo po." Pagpigil nito. "Okay lang, kuya. I don't care about the prize. I already have one." Tinuro ko ang unicorn na inabot ko kay Quincy. Napakamot ulo na lang ang staff at binuhay ang timer. "Ma'am--" "Game!" I cut him off. Pinagpag ko muna ang kamay sa pantalon. Don't let me down, Lite. You can do this! I chanted over and over in my mind. Hindi ako pwedeng matalo. Nakasalalay dito ang buhay ko! Kumapit na ako at nagsimula nang tumunog ang timer. Ang tagal ng isang minuto kapag binibilang ko sa isip ko. Almost.... almost. 30 seconds na lang at mananalo na ako. Ramdam ko ang pagpapawis ng palad ko. Everyone's cheering on me except Quincy. His serious face suddenly changed. Tingin ko may plano siyang masama. Tinignan ko ang timer at malapit na matapos. Yes! Ibinalik ko ang tingin kay Quincy. Tinutok niya sa mukha ko yung cellphone niya. "This is my girlfriend, dad." He said. Napabitaw ako bigla para hablutin iyon sa kamay niya. Mabilis ang t***k ng puso ko. "A-asan na?" Takang tanong ko sakanya. Nagkibit lang siyang balikat. Nagloloko lang! Plano niya talaga 'yon! At naniwala ako! I should've known better! Mangiyak-ngiyak ako sa inis nang tignan ang oras. Limang sigundo na lang at panalo na sana ako. Sana... Nanlilisik ang mata kong tiningala si Quincy. Mapangasar ang ngiti niya habang tinatanggap ang malaking teddy bear na napanalunan. "Akin na nga!" Kinuha ko ang unicorn ko at naglakad na paalis sa dagat ng tao. Mas binilisan ko pa ang lakad. May deal kami. Ang taas ng tiwala ko sa sarili dahil alam kong mananalo ako. Dapat talaga nanalo ako! "Paano ba 'yan? Ibig sabihin, pinapayagan mo na talaga akong manligaw?" Nanunuyang ani Quincy. I froze. Mariin akong napapikit at hinilot ang sentido. "Oo. Talo ako sa deal. Pwede mo na akong ligawan. Pero... wag kang umasang sasagutin kita." Tinapik ako ang braso niya saka umalis. Damn him! Hindi ko matanggap na natalo ako. Dinaya niya ako! Sabagay, liligawan lang naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD