Honest
Siguro masyado ko lang nilulugmok ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko na dapat iniisip pa. Hindi na talaga umuwi pa si Maximus nang gabing iyon. A month have passed and all I could do is think of him.
I miss our small talk, the laughter we shared. Everything. It may not be important to him as much as it is important to me. I'm scared to ask him. I'm scared to get hurt again.
Siguro pagkakataon din ito na pagisipan pang mabuti lahat ng desisyong gagawin ko. More time to think if I should continue or accept the fact that he'll never see me more than friends.
Nasa La Union kami ngayon para sa company outing. Alam na yata sa buong company na nililigawan ako ni Quincy. At syempre, tutol doon ang mga kaibigan ko. Pinaliwanag ko naman sa kanila kung paano nangyari iyon. Dahil doon, lalo lang nag-alab ang galit ni Karen sa akin. I tried to explain everything to her but she won't listen. Naiintindihan ko.
"Ang hot pala talaga niya 'no? Look at those perfect abs! Girl!" Manghang komento ni Jimmy habang titig na titig kay Quincy na naglalaro ng beach volleyball kasama sila Art.
"Type mo rin, eh." I simlpy said.
"Who doesn't? Gwapo, mayaman, matalino, hot! Saan ka pa?"
"May amnesia ka ba? Parang dati lang halos isumpa mo na 'yon." Natawa ako.
"Past is past, Lite. Also, I realized, bagay pala kayo 'no?"
Papalapit na sila Quincy at Art ngunit patuloy pa rin ang pagsasalita ni Jimmy.
"Perfect match talaga kayo...." Kinurot ko sa hita si Jimmy para hindi niya matapos ang kung anong sasabihin.
"Who's perfect match?" Tanong ni Quincy nang makalapit sa amin.
Kasing talas ata ng paniki ang pandinig niya at narinig niya 'yon? Nagpamaywang siya sa harap ko. Flaunting his truly perfect abs.
"Wala, Qen." Nagiwas akong tingin.
"Wow! Qen na ang tawag mo kay sir Quincy. Anong label niyo?" Nag halukipkip si Jimmy at malaman ang mga ngiti.
"We'll get there. Soon..." Sabay tingin sa akin. "You can call me Qen, Jim. Wala naman tayo sa opisina."
"Sure, Qen! Goodluck sa panliligaw sa kaibigan ko. Be gentle. NBSB 'yan!"
"Jimmy!" Saway ni Art.
Tumayo na ako at umalis. Umakyat na ata lahat ng dugo sa ulo ko sa sobrang pag init ng pisngi ko. I'm confident wearing a bikini but when he looks at me, tumitiklop ako.
I hate how he stare and smile after. Pakiramdam ko ay kung anong imahinasyon ang naglalaro sa isipin niya. Wala rin akong interes alamin pa 'yon.
"No boyfriend since birth o no boyfriend since breakup?" Sumunod si Quincy sa akin.
"Go away, Qen!" Binilisan ko pa ang lakad patungong villa. I need to change!
Lalo akong nako-conscious dahil nasa likuran ko siya.
"I'm just joking. Saan ka ba pupunta?"
"Wala kang pake!" Asik ko.
Thank God at wala kaming katrabahong nakakasalubong. Hapon na at abala ang lahat sa beach. Ang iba ay marahil tulog na sa pagod. Malapit na ako sa villa kaya mas binilisan ko pa ang lakad.
"Amores!" Malambing na tawag nito.
"Pwedeng mamaya ka na lang mangulit? Tatlong araw mo na ako kinukulit, eh. Okay?" Sabi ko.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok. I breathe and sighed heavily. It's true, though. Nakakapagod ang pangungulit niya sa akin. I pretended to be nice to him infront of our workmates and that's too much for me to give.
Tuwing nagiging mabait siya sa akin, si Maximus lang ang nakikita ko. Hinihiling ko na sana... sana ganito rin ang trato ni Maximus sa akin. Paano nga kaya kung totoo? Ako na siguro ang pinaka masayang tao sa buong mundo.
Umidlip na muna ako. Sobrang saglit lang no'n dahil ginising agad ako ni Art para sa dinner. Nag shower at nagayos lang akong kaonti saka lumabas ng villa.
"Pinagsabihan ko na si Jimmy." Malamig na wika ni Art.
Napakurap kurap ako at nilingon siya. "For what? Hindi naman ako galit, eh. Wala 'yun sa akin."
"Alam ko. Alam din niya. Jimmy will always be Jimmy. He's a good person but sometimes insensitive. Masyado ka kasing mabait kaya minsan hindi mo namamalayang naabuso ka na."
"Huh? Ang weird mo ngayong gabi, ah. Ikaw Art, ha! Lasing ka 'no?" Biro ko sabay tabig sa braso niya.
Mahina siyang natawa. Napatingin ako sa maliwanag na bilog na buwan. Wala mang bituin sa kalangitan hindi pa rin iyon naging kabawasan sa ganda ng kalangitan ngayong gabi. Ang villa ko ang pinaka malayo sa lahat at halos nasa dulo na kaya mahaba rin ang nilakad namin.
"Ni minsan hindi pa kita nakitang magalit. Marunong ka bang magalit?" Seryosong tanong nito.
Napangiti ako bigla. Oo nga ano, hindi pa ako nagalit. Madalas kasi iniintindi ko na lang. Lahat naman kasi ng tao may pinagdadaanan kaya pinipili ko na lang umunawa.
But not when I met Quincy. Araw araw akong galit sakanya. Maisip ko lang siya, nainit agad ulo ko.
"Oo. Syempre. May feelings din ako 'no." Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod at pinagsalikop. Ang hirap pala maglakad sa buhangin. Nakakapagod din.
Sinulyapan ko siya saglit bago muling ibinalik ang mata sa buhangin. "Bakit nga pala wala ka pang nagiging girlfriend? Pihikan ka siguro." Pabiro kong sinabi ang huli.
It's obviously none of my freaking business. Curious lang. What if we're on the same page, right? If so, I badly need some advice.
He chuckled.
"Marami namang nagkakagusto sa'yo. 'Diba nga isa ka sa mga heartthrob ng school?"
"Marami nga. Maliban na lang sa babaeng gusto ko."
"May nagugustuhan ka?" Napatigil ako sa paglalakad, gulat. Nakanganga akong humarap sakanya.
Umiling siya at natawa sa reaksyon ko.
"Hmm, matagal na. Hanggang ngayon, gusto ko pa rin siya." He said.
"Ayun naman pala, eh. Bakit hindi mo ligawan? Malay mo gusto ka rin!"
Natawa siyang kaonti at umiling muli. "Believe me, Lilou. Hinding hindi niya ako magugustuhan. Matagal na kaming magkaibigan kaya alam ko."
Naglakad na ulit kami. Pailing-iling ako sa sinabi niya. Ito ang unang pagkakataon na nagkwento siya tungkol sa personal niyang buhay.
"Ikaw ba? Magkakagusto ka ba sa akin?" Sabay baling nito sa akin.
Napatigil muli ako sa paglalakad sa ginawa niyang pag harang sa hagdan papasok ng restaurant. I can't read his mind at all.
The usual Artjon Manalo, wearing a mask to conceal his emotions.
My lips twitched. I know what to answer to his question but too afraid to speak. The answer will always be a NO. Kaibigan ko siya. Biro lang naman ito sakanya, eh kaya lang ay baka masaktan ko ang ego niya.
Again, hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya o kung may pinagdadaanan ba siya kaya siya ganito ngayon.
"Mabuti na lang hindi ikaw siya." Sabay bawi nito.
Pilit akong ngumiti. He's being weird tonight. I don't get it.
"Guys! Kanina pa ako naghihintay. Gutom na ako. Come on!" Lumabas mula sa restaurant ang iritadong si Jimmy at hinatak kami papasok.
Napunta lahat ng atensyon nila sa akin. Tampulan tuloy ako ng tukso dahil alam nilang nililigawan ako ni Qen. Sapilitan nila akong pinaupo sa tabi nito at nabuhay na naman ang hiyawan ng ilan.
I looked at Art to get some help. Nagkibit lang ito ng balikat at nakisali sa pangaasar sa akin.
"This is good for your health, Amores. Famous dish daw nila 'to." Ani Qen. May nilalagay siyang kung ano anong pagkain sa plato ko.
Tinignan ko muna mga katrabaho ko. Kumakain na sila at nakukwentuhan. Mabuti naman at wala na sa akin ang atensyon.
"Kakain ako ng gusto ko. Wag mo akong pakealaman!" Mariing bulong ko sakanya.
He automatically stopped scooping all the foods. Ibinaba niya ang kobyertos at nakangising binalingan ako.
"Ano bang gusto mong kainin? Tell me. Ibibigay ko." Umangat ang gilid ng labi niya at mapaglaro ang mga ngiti.
Namilog agad ang mata ko. Hindi ako bastos pero bakit pakiramdam ko ay may double meaning ang sinabi niya? He's a pervert! Everyone knows that!
I frowed. Nagpatay malisya na lamang ako at binilisan ang pagkain para mawala na siya sa paningin ko. Nakakalimutan ko man ang iniisip ko kay Maximus tuwing anjan siya, napapalitan naman iyon ng inis ko sakanya!
After dinner, we went outside our villa for some night swimming. Imbis na mag two piece or one piece, crop rashguard at high waisted bikini bottom ang sinuot ko. Hindi pa rin ako nakatakas sa mapanuring paningin ni Quincy.
Nakisali rin siya sa aming tatlo. Ipinangangalandakan talaga niya 'yong katawan niya! Binabad ko ang katawan ko sa pool. Mabilis ang irap ko tuwing magsasabung ang mata namin.
Pag talon niya sa pool ay umahon na ako. Pinipilit talaga niyang mapalapit sa akin at ayoko! Kung sakaling nakilala ko siya sa ibang lugar at pagkakataon... No! I will still hate him!
This is the worst company outing I have been to. Dati palagi akong masaya. Ito ang pinaka hihintay ng lahat at kasama na ako roon. Maaga akong gumising para ayusin ang mga gamit. Nagpatulong na ako kay Jimmy sa pag organize no'n.
"Dala mo na ata buong gamit mo sa condo, ah?" Biro ni Jimmy.
Kinukuha ko na yong skincare product na nasa banyo at maingat na nilagay sa pouch.
"Paki abot naman ng pink na pouch sa gilid ng drawer, Jim."
"Hindi na kasya?" Tanong niya sabay abot no'n sa akin.
"Thanks. Hindi na, eh. Kasya naman 'to nung nag pack ako sa bahay, eh."
"Baka pati gamit ng resort dinala mo ha?" Humagikgik si Jimmy.
I just shook my head. Palihim ko ring tinignan ang naempakeng gamit kung may naisama nga talaga ako. Nakahinga naman akong maluwag nang wala akong naisaling hindi akin. Pangit lang talaga ako nag tiklop.
Mostly, si Stella at Jenica ang nag ayos ng gamit ko para sa outing na 'to.
Tig isang leather duffel bag lang bitbit ng dalawa. Samantalang maleta at hand carry ang akin. Kumpleto na kaming lahat sa lobby at iniintay na lang yung sasakyan namin.
"Hindi ka rito, Lilou." Ani Ms. Raquel.
Nasa loob na sila Jim. Paakyat na sana ako nang harangin niya ako.
"P-po?" Kumunot ang noo ko.
Huminga siyang malalim at sinandal ang siko sa pintuan. "Sa kabila ka na lang, Lilou. Puno na kasi, eh. Pasensya na."
"Po? P-paano nangyari 'yon? Dito naman po ako sumukay nung una." Akma akong aakyat ulit nang harangin na naman ako.
Umiling si Ms. Raquel. Pasulyap sulyap sa relos na pawang may hinihintay. Sabay kaming napalingon sa bumusina sa likuran ng sasakyan. Humaba ang leeg ko sa paglingon kung sino ang sakay no'n.
"D-doon ka na sumakay, Lilou. Sige, mauuna na kame." Agad naman itong sumakay.
Bago pa man ako makapagreklamo ay naisara na niya ang pintuan. Kinatok ko pa ng ilang ulit ngunit hindi nila ako pinagbuksan. Bakit nila ako papasakayin sa kung saang sasakyan?!
Umandar na ang van. Hinatak ko ang maleta at sinubukan pang habulin iyon. Mas lalo lamang itong pinaharurot mg driver. What?! Why are they doing this to me?! At kasabwat din ang dalawa kong kaibigan! That jerks! Akala ko ba ay ako ang kaibigan nila rito?
Kinuha ko ang phone sa hand carry. Tinawagan ko si Art, paulit ulit lang iyon nag ri-ring at halata namang sinasadyang hindi sagutin.
Sinilid ko na iyon sa bag at pagalit na hinarap ang sasakyang kanina pa bumubusina sa likod ko. Sumuko na ako. Napatunayan ko ngang sinasadya nilang hindi ako pasakayin para itapon sa sasakyan ni Quincy!
Hininto niya ang sasakyan sa gilid ko saka bumaba. Sa likod ng itim niyang rayban, alam kong nakatitit siya sa akin. Umikot ang mata ko nang papalapit na siya sa akin.
Hindi na ako umangal pa. Nilagay na niya ang maleta ko sa likuran. Ilang sasakyan ba ang pagmamayari niya at iba na naman ito? Kung hindi pa niya binaba ang bintana, hindi ko malalamang siya ang sakay.
Pumasok na ako roon at hinintay siyang makabalik. Pigil-inis kong tinipa ang phone at tinext ang dalawa.
"Iba na naman kotse mo?" Iritang tanong ko.
Tinawanan niya lang ako. Nakasuot akong headphones at kung ano ano na lang ang ginawa ko sa phone malibang lang. Nag stop over muna kami saglit. Bumili siyang makakain at maiinom.
I continued scrolling through IG. Hindi ako mahilig mag bukas ng messages doon. Napansin ko lang na sunod sunod ang nag message sa akin doon. Wala sa sariling binuksan iyon at binasa.
Nanlaki ang mata ko sa screenshot na sinend sa akin. Again, Qen posted another stolen shot of me in the pool! Yung kuha na yun ay bago pa siya lumapit sa amin!
Humakulipkip ako nang makabalis siya. Pasipol-sipol pa! Nanahimik muna ako. Nagtitimpi. Pinakiramdaman ko siya at hinintay na mismong siya ang magsabi noon.
I waited and waited.... nainip na ako! Pagalit kong hinaklip ang headphones at humarap sakanya.
"Stop posting a picture of me, Qen! Ang daming nag ch-chat sa akin if we're a couple. It's annoying!" Singhal ko.
Binagalan niya ang takbo ng sasakyan at pahapyaw ang sulyap sa akin.
"Doon din naman tayo papunta, eh. Masanay ka na." He laughed.
"That. Won't. Happen. My heart already belongs to someone else and that someone isn't you." Marahang sabi ko. Sinandal ko pabalik ang likod sa upuan.
"Ang sakit naman no'n."
"OA! Ikaw? Masasaktan?" Nilingon ko siya saglit "Eh, alam naman natin na biruan lang naman 'to. Wag mo masyadong seryosohin." Natatawang dagdag ko.
"Gusto kita, Amores. Hindi pa kita mahal pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na ako nasasaktan." He said.
"You know what? The only thing that I like about you is your honesty."
Ngiting aso na siya ngayon. He took it as a compliment, well, it is, though. I commented on the post. Nilagay kong hindi ko siya gusto. Period! Andami namang nag reply doon.
An honest man? Hindi na rin masama. Ang akin lang naman ay wag na niya akong kulitin.
"Sino nga pala 'yung 'someone' na tinutukoy mo?" He asked.
Nagsalubong ang kilay ko. Ano naman sakanya?
"Si Art ba?"
"Hindi!" Giit ko.
"Ah, baka one sided lang..." He murmured.
Sinuot ko na lang ulit ang headphone. Pinikit ko na ang mata ko. Itutulog ko na lang muna ito. All his nonsense talk irritates me more.