KABANATA 13

2104 Words
Chain It really is a tiring day for me. Ginabi kami sa daan. Tulog lang naman ako buong byahe ngunit hapo pa rin ang pakiramdam at kusang pumipikit ang mga mata ko. "S-sorry hindi kita napansin." Tarantang sabi ko sa nabanggang babae. Kinuha ko ang bag na nabitawan niya at inabot sakanya. Kaming dalawa lang ni Maximus ang naninirahan sa 20th floor. Ibig sabihin, nandito si Maximus. Pero, hindi naman siya 'yung babaeng nakita ko noon. Pinagmasdan kong maigi ang kabuuan niya. Nakuyo at sumisinghot, mukhang kakagaling lang sa pag-iyak.... o umiiyak pa rin? Hinaklit niya ang bag sa kamay ko at doon ko naaninag ang mukha niya. It's Tori! She's freaking Tori Rizaldo! Magsasalita pa sana ako nang dali-dali siyang patakbong umalis. Nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan. Siya nga talaga iyon! Sigurado ako. Umiiyak at pulang pula ang pisngi. Sa picture ko siya nakikita pero sigurado akong siya iyon! Malakas na kalabog ang narinig ko sa unit ni Maximus. Mabilis ang t***k ng puso kong tumakbo papunta roon at paulit ulit na kumatok. Pinihit ko ang pintuan at hindi iyon naka-lock kaya naman pumasok agad ako kahit na walang pahintulot. I don't have any idea what the hell happend to them but his condo was such a mess! Basag na vase ang sumalubong sa akin. Lahat nang maaring mabasa ay nasa sahig. Everything was broken. Kabaligtaran na ito ngayon ng malinis at maaliwalas. Maingat akong humakbang paiwas sa mga bubog para puntahan si Maximus. Nasa kwarto siya, nagwawala. "Maximus!" Bulalas ko. Marahas niyang sinusuntok ang pader kahit na duguan na ang kanyang kamao. Tumakbo ako papalapit at niyakap siyang mahigpit upang awatin. "Tama na, please. Tama na..." umiiyak na wika ko. "I need her. I need my Tori..." basag ang tinig niya, sapo ang noo at puno nang panghihinayang. Inaapoy siya sa lagnat. Hinatak ko siya pahiga sa kama at binalutan ng makapal na kumot. "Where's Tori?" Tila wala siya sa sarili. Kahit na nanginginig na ang katawan ay si Tori pa rin ang bukambibig. What's so good about her? Ako ang nasa harap mo pero iba ang hinahanap mo. Hindi ito ang oras para isipin pa yung sarili kong nararamdaman. What I need to do is to take care of him. Iyon ang dapat kong gawin. "I need to say sorry to her. I need her..." "Ano ba kasing nangyari?" I bit my lower lip to control my emotions. Pinupunasan kong maigi ng malamig na bimpo ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilan ang sarili kong alamin ang problema. Nagtiim ang bagang niya. Siguro ay hindi niya rin naman sasabihin sa akin? Tumikhim ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. "Mahal ko si Tori, Lilou." Seryosong aniya. "P-pero... Mag.. pinsan kayo 'diba?" Nahihirapan akong buoin ang mga salita, nagaalangan. "We're not. I'm adopted." Nalaglag ang panga ko sa rebelasyong nalaman. Naunawaan ko na kung bakit ganoon na lang ang kumpyansa ni Shaun para sa kanila ni Tori. Hindi sila magkadugo! "Pero hindi iyon sapat para mahalin niya rin ako. All I ever wanted was to be the right man for her. Ayaw na niya akong makita pa. Biruin mo iyon, yung nagiisang taong kailangan ko... hindi naman ako ang kailangan." Nagiwas akong tingin at mariin napapikit. I'm hurting too. I feel the same, actually. Ang lalaking mahal ko ay ibang babae ang minamahal. Ang labo talaga ng disenyo ng mundo para sa mga nagmamahal. Nagmamahal tayo ng taong hindi tayo mahal. At kahit na nasasaktan ay patuloy lang. Baka mas matatanggap ko pa kung sakaling mahal din siya ni Tori. Magiging maligaya na akong makita siyang masaya sakanya. Pero, hindi naman ganoon ang nagyayari. Parehas kami. Umaasa na mamahalin din. Nagbabaka-sakali sa bagay na walang kasiguraduhan. "Gusto niyang kalimutan ko na siya. Paano?" He said. Minasdan ko ang mukha niyang lugmok na lugmok sa nararamdaman. Ipinatong ko ang bimpo sa gilid ng lamesa at hinawakan ang kanyang kamay. "Use me, Maximus. Use me to forget her." I said. Bingi ako sa sarili kong salita. I don't even know myself anymore... I want to help him. Gusto kong makitang muli ang mga ngiti niya. Kahit na hindi iyon para sa akin, basta maging masaya lang siya. "No! You don't deserve that, Lilou. Ano--" "I'll help you forget her. Mahal kita, Maximus." Agap ko sa kung anong kakalabasan ng sasabihin niya. The confusion on his face was visible. "And that makes it even worse. Hindi kita gagamitim para lang sa kapakanan ko. Masasaktan ka lang." "Matagal na. Kasing tagal na ng pagmamahal ko sa'yo. If you choose to hurt me, that's okay. Because I choose to continue loving you." I assured him. Banayad na ngiti ang iginawad ko sakanya. Ipapaintindi kong desedido ako sa gusto ko. Isn't that stupid? I guess, it is. I am. Nilalamon ako ng inggit. Nilalamon ako ng lungkot. Gusto ko lang din naman maranasan na mahalin niya. Kahit kaonti lang. Kahit hiram lang. Kahit saglit lang... I want to be loved by him. Hindi siya umiimik. Niyakap ko siyang mahigpit. Pinigilan ko ang sariling maiyak sa balikat niya. I hope for better days to come. Sa kanyang kama at kwarto na ako inabutan ng umaga. Kusot-kusot ang mata habang papalabas. Naamoy ko na agad ang nilulutong pagkain. Nabawasan na kahit papaano ang kalat. Dinaluhan ko si Maximus sa kusina at tumulong na rin sa paghain. We're both silent. Parehas naming naalala ang nangyari kagabi. Ang mga sinabi ko. Nanatili lang kaming ganon hanggang sa matapos kaming makakain ng niluto niyang agahan. Kaba at takot ang nanatili sa dibdib ko. Wala naman siyang klarong sagot sa lahat ng sinabi ko, eh. Iniisip niya ba iyon? Sumagi ba sa isip niyang tanggapin ang alok ko? "I'm leaving." Sambit niya. Mabilis akong napalingon. "Where are you going?" I asked. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Nakatayo ako sa tapat ng pintuan, paalis na sana nang bigla niya akong kausapin. "I don't know... Somewhere.." He sighed. Ismid ang kanyang mukha. Tumikhim ako at nilapitan siya. "I'll go with you." Payak na sabi ko. Nagtiim ang bagang nito. "Sinabi ko 'to hindi para sumama ka. Please, don't make this difficult for me. Mahalaga ka sa akin, Lite. Kaya hindi ko gustong masaktan ka ng ganito. I'm not going to use you." Siguradong sigurado siya sa kanyang sinabi. Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ko. Tama naman siya, lalo lang siyang nahihirapan at mahihirapan. I'm so selfish. Bakit niya ako kakailanganin kung marami naman siyang babaeng pwedeng gamitin. Mga babaeng walang gusto sakanya. Kaya madali lang iwan pagkatapos. Unlike me, kulang na lang pumalit nang anino sa pagsusumiksik sa bakanteng pwesto sa puso niya. "I'm sorry, Maximus. That's so cheap of me." Mapaklang sabi ko. He sighed. Tinalikuran ko na siya at naglakad paalis. Agad namang tumulo ang luha ko kasabay ng pagsara ng pinto. Wala na talaga akong pagasa pa. I broke down as soon as lay down in my bed. Ang desperada ko! What am I saying? Matagal kong pinlano lahat ng sasabihin ko na nauwi rin sa lahat. No matter what I say or do, his feelings wont change. Niloloko ko lang ang sarili ko. Napabangon ako sa kama sa narinig kong pagtawag sa akin. I wiped away my tears and breathe heavily. "Max..." Natigilan ako sa pagsasalita. Walang ano ano'y pumasok si Maximus sa pintuan ko, seryoso ang mukha at malalim ang iniisip. "Maximus..." I paused. Tinatantya ko ang paligid. "Are you okay? You need something?" Alangang wika ko. Mabilis siyang tumitig sa akin na para bang nasabi ko ang salitang nais niyang sabihin. "Do you really love me?" Diretso niyang tanong. Namilog ang mata ko. I didn't expect him to ask me that. "Y-yes. I love you." Sinserong sabi ko pero nanatali ang pagtataka ko sakanya. He nodded. "I'm going to break the chain. Be my girlfriend, Lilou." "What?!" Gulat na sabi ko. "I know what I've said a while ago. I want to forget, Tori. And if I ever love someone else, I want it to be you." "What if you can't forget her?" Batid sa boses ko ang bitterness. Hindi siya sumagot. Huminga akong malalim at nagiwas ng tingin. Obviously, he doesn't know the answer. I don't even know if he really wanted to forget Tori or he's just being nice again. Tumingkayad ako para maabot ang labi niya at masuyong ginawaran ng halik. Sa una, nagaalangan, ngunit kalaunan ay sinuklian niya rin ako ng halik. It is my first kiss. Kaya hindi ko alam kung papaano ang tamang paraan ng paghalik kaya saglit lang din iyon. Enough to make my whole body shiver. May kung anong kuryente ang dumaloy sa bawat sulok ng katawan ko. Dapat ay hindi ko iyon ginawa lalo na sa ganitong pagkakataon. Naramdaman ko lang ang kagustuhang halikan siya. Nanatili pa rin siyang tahimik matapos ang halik. Nakokonsensya ba siya sa ginawa ko? Gusto na ba niyang bawiin ang sinabi niya? In the end, we stick to his plan. Naging girlfriend niya ako. Siya ang unang boyfriend ko. I am very happy to call him that. But the gap between us didn't lessen at all. Para kaming nakatayo sa magkabilang dulo ng kahoy at kapag lumapit kami sa isa't isa, masasaktan ang isa. "You what?! You resigned!" Pagalit na wika ni Jimmy. Isa isa ko nang nilalagay ang gamit sa desk ko sa malaking box. One week akong hindi pumasok para lang makasama si Maximus. At sa pagbalik ko, naghahakot na ako ng gamit dahil sa nag resign na nga ako. "May ginawa bang masama si Quincy sa'yo? Gago 'yun a!" Konklusyon niya. Nakakuyom na ang kamao ni Jimmy at akmang aalis para hanapin ito. Mabuti na lang ay nandoon si Art para pakalmahin siya. "f**k! Bakit biglaan? Ano bang nangyari sainyo?!" "Wala." I said. Tinapik ko ang balikat niya pagkatapos kong mailagay ang gamit at binitbit na palabas. "Walang nangyari sa amin, Jim. Aalis lang ako." I smiled to them. Umiling si Art, dismayado ang mukha pero bakas ang pagalala. "Make sure you're doing the right thing, Lite." Ani Art. Mabilis ko siyang nilingon at umiling. Wala siyang alam sa nangyayari sa akin. But somehow, his words are perfect to what I am going to do. Nakita ko si Quincy na nakatayo sa labas ng office namin at naghihintay. Office hours pa naman at bumalik din sila Art at Jimmy sa trabaho kahit na gusto pa nila akong makausap. "I-- Are you sure about this? Biglaan. Do you have a problem? Maybe I can help..." Sinserong aniya. I smiled a little then shook my head. "Nothing. Naisip ko lang na mag bakasyon muna. I need some fresh air." I lied. He didn't buy it at all. Sumunod siya sa akin palabas ng building. He also offered to drive me home but I refused. "If you don't want to share it, I'm always here for you, Amores. Keep that in mind." Malambing ang boses niya. Bahagya akong napangiti at nilingon siya. I appreciate him now that I'm leaving. Buong panahong nakasama ko siya, nakakainis man, totoong tao naman siya. "Thanks, Qen. Sabi ko naman sayo, eh. You don't have to be in a relationship with me for me to know if mayabang ka nga talaga." Lumuwag pa ang ngiti ko. "Mayabang ka nga talaga. Sobra!" Tumawa ako. "Mami-miss kita, Amores. Oh--- Hindi pala." Mabilis na bawi niya. Kukunot ang noo ko at napailing. "What I mean is, bakit kita mami-miss kung pupuwede naman kitang punatahan. 'Di ba?" Pataas baba ng kilay niya. Marahan akong natawa. Hanggang sa huli maloko pa rin siya. But it doesn't bother me anymore. Somehow, magically, natutuwa na ako sakanya. Banayad akong bumuntong hininga. "I have a boyfriend now, Qen." I said. "R-really? Yung someone mo?" Salubong ang kilay niya. Tumango ako.  "I-I'm shocked but... why don't you look happy?" Tumalim ang titig niya. Nag iwas agad ako ng tingin. Do I really look like that? Nagiisip ako ng isasagot. I should be happy right? Boyfriend ko na 'yung lalaking pinapangarap ko pero... bakit hindi ako ganon kakampanti? Na bukas, makalawa, magiging na lang ako na ayaw na niya. "Kung hindi ka na masaya sakanya, sabihin mo lang sa akin." Napabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya. I cleared my throat. "I know I shouldn't be saying this since you have a boyfriend now. Also... you don't feel the same way. Mahal kita, Amores. Huli na nga lang nung narealized kong mahal na kita." "Thank you, Qen. For real." I smiled. Inabot na niya sa akin ang box pagdating ng grab na sasakyan ko. I waved him goodbye. Ibinaba ko ang gamit sa loob at muling binalingan si Qen na nagaantay na makaalis ako. "If we ever meet again, I hope hindi ka na sobrang yabang. Baka maging magkaibigan pa tayo!" I wrinkled my nose. Ibinaba ko ang bintana pagkapasok ko at kinawayan si Qen. "If we ever meet again, I'll make you fall for me!" Sigaw niya. I shook my head to myself. Ipinilig ko na lang ako ulo ko. Sana nga ay tama ang desisyong ginawa ko. I love Maximus so much and I'm willing to sacrifice my heart for his own good. If he's okay, I'll be okay too. Tanga na kung tanga. At least, naging masaya 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD