KABANATA 14

2208 Words
Girlfriend "Alice in Amiel's land?" Binasa ko ang nakasulat sa lumang arko na gawa sa kahoy. Nasa ancestral house kami ng mama ni Maximus sa bicol. Kaming dalawa lang. Isang malaking maleta ang dala ko na puno ng mga gagamitin para sa pananatili rito. Ang sabi niya sa akin na wala siyang ideya kung gaano siya magtatagal dito. Dipende. "Bakit ganyan 'yung nakasulat sa arko?" Takang tanong ko. Pinagmasdan ko lang siyang ibaba ang mga gamit mula sa likod ng sasakyan. "Dito kasi nagkakilala sila mama at papa. Originally, sila mama ang may-ari nito. Kaso pilit na binili ni papa. At kahit iba na ang may-ari, hindi pa rin umalis si mama rito. Hanggang sa pinakasalanan na lang niya si papa para mabawi ang bahay." Paliwanag niya. Binuksan ko ang malaking bakal na gate at tinulungan siyang magbitbit ng mga gamit. Lihim akong napangiti. Maging ganon din sana kami. Luma at hindi na naalagaan ng ayos ang bahay. Puno ito ng alikabok sa loob at inaanay na rin ang ibang parte ng bahay. "Bakit hindi na naalagaan itong bahay? Ang ganda ganda pa naman." Sambit ko habang ginagala ang paningin sa loob ng bahay. Balot ng puting tela lahat ng kagamitan. Sa gitna ay may napakalaking painting ang nakadikit doon. "Ayaw ipagalaw ng mama lahat ng gamit. Kung ano ang ayos noon, gusto niya na ganon pa rin hanggang ngayon." He answered. Maya-maya pa ay dumating na rin ang dating katiwala ng mansion. Isang matanda, payat at kalbong matanda na may kasamang batang paslit ang kausap ni Maximus. Tanging mga kwarto lang ang malinis sa loob. Binuksan ko ang maleta at paisa-isang inililipat sa malaking closet ang mga damit. Binuksan ko ang bintana para pumasok ang sariwang hangin. Sa ikalawang palapag ang kwarto ko na katabi lang din ang kwarto ni Maximus. Pagkatango ni Maximus sa kausap ay agad din itong umalis. Nginitian ko siya nang tumingala at tinignan ako. Madaling araw kami umalis at walang hinto ang byahe namin. Mabuti na lang ay hindi traffic patungo rito. Malapit lang din naman ito sa naga kaya hindi naman gaanong mahina ang signal. Tinawagan ko sila mama para hindi magalala. I told them I quit my job and went to naga for vacation. Ganoon din ang pinaalam ko kay Stella at Jenica. Of course, Jimmy and Art doesn't believe me. Si Quincy pa rin ang sinisisi nila at itinuturong dahilan kahit na lagi kong itinatanggi. Wala akong sinabihan ng tungkol sa relationship ko kay Maximus. Hindi naman mawawala yung mga komento ng iba, eh. Gusto kong tahimik at malayo sa gulo ang relasyon namin. Para walang makisawsaw. I never felt this happy before. Yung mga pangamba ko ay nawala rin nang makita at mayakap si Maximus. Yes, finally, nayakap ko na siyang malaya! "Nagugutom ka na ba, Lite?" Tanong niya nang magkasalubong kami sa hagdan. Umiling ako at patalong yumakap sakanya. "Medyo." Sagot ko. Niyakap niya rin ako at bahagyang binuhat bago ibinaba. "Kila papay George muna tayo kakain. Siya yung pumunta kanina at apo niya yung batang lalaki. Pag alis natin saka dadating yung mga pinatawag kong maglilinis ng buong bahay." Kumunot ang noo ko. "Maglilinis? Pagabi na. 'Di ba malas daw 'yun?" He chuckled. "Mas malas kapag marumi ang bahay. 2020 na, Lite. Hindi na naniniwala ang mga taga rito sa pamahiin." "Okay." Matamis ang ngiting sumilay sa labi ko at sininghot ang dibdib niya. "Lite... mamaya na." He said playfully. Agad kong tinampal ang balikat niya at pumanhik ulit sa itaas. Ang bilis ng t***k ng puso ko kasabay ng paginit ng pisngi ko. Halos magtatalon ako sa sobrang kilig! Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang puso kong gusto nang kumawala. All of a sudden, he became so sweet and caring towards me. Sa tatlong taong pagkakaibigan namin, lagi lang siyang seryoso. Kalmado. I never imagined him to be like this! Ang sarap pala magmahal ng mga Rizaldo! Nag shower at nagpalit akong mas maayos na damit. Malamig ang simoy ng hangin sa probinsya kaya nag pantalon ako. Nakahanda na rin si Maximus paglabas ko ng kwarto. Saktong pag-alis namin ay dumating na ang mga maglilinis ng bahay. Tulad ng sabi ni Maximus. "Kayo na hong bahala rito, inang. Doon na rin po kami magpapalipas ng gabi." Pormal na sabi niya sa nakatatandang babae sa lahat. Tumingin ako sakanya, nagtataka. Doon kami magpapalis sa bahay ng papay George niya at hindi rito? Mukhang ganon na nga. "Girlfriend mo ba ang kasama mo o asawa na?" Nakangiting wika nito na nakatingin sa akin. "Good evening po." Sabay tango ko. "Magandang gabi rin, hija. Dati rin akong katiwala rito. Inang Isay na lang itawag mo sa'kin." Tumango ulit ako. Inakbayan ako ni Maximus at inilapit sakanya. "Magiging asawa pa lang po, nang." He said proudly. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi. Did he really said that?! Am I dreaming? Tuwang tuwa naman si inang Isay. Muli na namang nagwala ang puso ko. Hindi na ata kakayanin ng rib cage ko ang pagpupumiglas ng puso ko sa sobrang kilig! I'm still stunned. Naglakad na kami patungo sa bahay ni papay George. Maliit na bungalow ang tinitirhan nila. Pag pasok namin ni Maximus ay napansin ko agad yung tanim na calamansi sa bakuran. "Malamok na, Lite. Pumasok ka na rito." Papasok na si Maximus sa pinto. Mainit ang pagtanggap ni papay George at ng kanyang apo sa amin. Maaliwalas at probinsyang probinsya ang dating. Gawa sa bato ang bahay pero walang pintura at gawa naman sa kahoy ang mga gamit. "Si Lite nga po pala, pay. Girlfriend ko." Pagpapakilala ni Maximus sa akin. Tulad kanina, naakbay uli siya. "M-magandang gabi po, p-papay George.." Nauutal na sabi ko. Pakiramdam ko hihimatayin na ako sa kilig! Nagtawanan naman ang dalawa. "Mas maganda ka pa sa gabi, hija." Sabay apir ni papay George kay Maximus. Tumawa ako at napailing na lamang. Parang planado na nila, ah. "Magaganda talaga mga taga Maynila, 'lo. Balang araw pupunta rin akong Maynila. Doon ako maghahanap ng mapapangasawa!" Punong puno ng kainosentehang wika ni Andoy. "Hay nako, Andoy. Bata ka pa para sa asa-asawa. Mag aral ka munang magbasa!" Natawa ako sa pagbusangot ng mukha niya. Nakakatuwa talaga ang pagiging inosente ng mga bata. Nakakamiss bigla. Nakalatag na sa lamesa ang mga pagkain. Bicol express at laing lang ang pamilyar sa akin na lutong nakahain. Ang iba ay hindi ko na alam. May parang s**o ang pumukaw ng atensyon ko. Sihe raw ang tawag nila roon. Ginataang sihe. Nahirapan pa akong kainin iyon dahil kailangan pang gumamit ng perdible masungkit lang ang loob. Hindi naman ako maarte. Sadyang naniniibago lang ako sa itsura pero nawala rin iyon pagtikim ko. Masarap at malasa! Mas masarap kumpara sa tahong. "Doon na lang kayo matulog sa kwarto ni Andoy. Ayos lang ba kung magtatabi na lang kayo?" Natigilan ako sa pagkain at tinapunan ng tingin si Maximus na tuloy lang sa pagkain. "Ayos lang ho, pay. Sa sahig na lang ako matutulog. Si Lite na sa kama." Nag angat siya ng tingin, tumango kay papay George at saka ako binalingan. "Ayos lang ba sa'yo, hija? Tinali na ni Andoy yung kulambo para hindi ka malamukan." Marahas akong napatango. Ayos lang talaga sa akin iyon. Kahit sa sahig pa ay walang problema. Iniisip lang si Maximus. Sa iisang kwarto kami matutulog? Baka kasi gapangin ako bigla nito. Hmm, wala naman masama roon kasi kami na. Aarte pa ba ako? Nag presinta akong mag hugas ng pinagkainan pero hindi pumayag si papay George. Dadagain daw kasi ang bahay kapag bisita ang pinag hugas. Sino naman kayang nagsabi no'n? Ilang beses ko nang pinaghuhugas ng plato si Jenica sa bahay nila mama pero hindi naman kami dinaga. Pamahiin lang din? Nasa bakuran sila Maximus, nagkukwentuhan. Kasama ko naman si Andoy na nagpatulong sa math assignments niya. "Ate Lite, bakit kayo lang po?" Inaayos na niya pabalik yung mga papel pabalik sa maliit niyang backpack na ben10 ang design. "Ah, mag babakasyon lang kasi kami. Saglit lang din." Sabi ko. "Sana sinama niyo si Ate Tori." Ngumuso niya. "C-Close ba kayo ni.... Ate Tori mo?" Umupo na siya pabalik sa tabi ko at humarap sa akin. "Hindi. Sa picture ko pa lang siya nakita. Sa mansion nila kuya Maximus ko nakita. Ang ganda ganda kasi kamukha ni Cinderella. Crush ko nga, eh. Wag mo ako isumbong kay kuya ah!" "Hindi! Hindi." Maliit lang ang ngiti ko. I sighed. Tumikhin ito, naka busangot. "Tinanong ko nga kay lolo kung pwede kong iuwi, bawal daw. Ilalagay ko sana sa pader sa kwarto. Pero buti lang hindi ko nagawa. Magagalit si kuya Maximus 'pag nagkataon!" Diskumyadong iling niya. "Andoy, baka kung ano ano na namang sinasabi mo sa ate Lite mo. Pumasok ka na sa kwarto at matulog na." Wika ni papay George na papasok ng pinto. Ngumiti ako sa kanila. Sa wakas at mukhang tapos na silang magusap. Inaantok na rin kasi ako. Hinihintay ko lang si Maximus para sabay na kaming pumasok sa kwarto. "Oho, 'Lo." Sagot ni Andoy sabi baling sa akin. "Wag mo sabihin kay kuya Maximus, ha?" Bulong niya. I laughed. Ang bata-bata pa crush agad ang nasa isip. Sabagay, hindi naman kasi pangkaraniwan ang mukha ng Crush niya. Ni hindi pa nga siguro niya naranasan maging pangit. Nauna na sa kwarto si Maximus dala yung extrang unan na pinahiram ni papay George galing sa kwarto nila. Nag hilamos muna ako. Pagbalik ko sa kwarto, nakahiga na si Maximus sa sahig, balot ng kumot ang buong katawan. Wala namang electric fan at tanging hangin lang sa bukas na bintana ang napasok. Malamig pa rin naman iyon. At may kulambo kaya walang lamok. "Tulog ka na?" Tanong ko, inangat ko ang kulambo at pumasok. "Hindi pa." Aniya sabay mulat ng mata. Humiga na ako at hinanap ang mas komportableng pwesto. Medyo masakit sa likod. Manipis na kutson lang naman iyon pero ayos lang din. Ang mahalaga may nahihigaan. Tinagilid ko ang katawan ko paharap sakanya. Mulat at nakatitig lang siya sa akin. I am happy. Really happy. Nga lang, hindi ko maiwasan kumirot ang puso ko sa sinabi ni Andoy. Si Tori. Kahit isang beses ay wala namang sinabi si Maximus na mahal niya ako. Hindi ko na rin ipipilit pa. Tumayo ako at lumipat sa tabi niya sa sahig. Puno nang pagtataka ang kanyang mukha sa ginawa ko na napalitan ng gulat sa bigla kong pagtabi sakanya. Paglapag ko ng unan ay humiga na agad ako, tumitig sakanya. Ngumisi siya. "Takot ka bang matulog magisa? Walang aswang o maligno rito sa probinsya namin." Biro niya. I wrinkled my nose. "Sira! I don't believe on such thing." Mahina akong natawa. "Bakit ka humiga rito sa sahig? Sasakit lang likod mo. Ako na lang lilipat sa kama, Lite." Malamang na aniya. Tuluyang lumapad ang ngisi ko. He's really sweet and caring. I'm speechless. Mas inilapit ko pa ang mukha ko sakanya, nakatitig pa rin. "Gusto ko lang titigan yung mukha ng boyfriend ko bago ako matulog. Para pati sa pagtulog, mapanaginipan kita." I smiled sweetly. "You can stare at me all you want. You're my girlfriend." Saying the word 'boyfriend' made my heart jump out of my chest. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. Napapikit ako at dinama ang init ng kanyang palad. Pinahaba niya yung braso niya at pinaunan ako sa kanyang balikat. I love his smell so much. Sinigurado kong itinatak ko sa alaala ko iyon. "Maximus..." I whispered. Marahan siyang umusog at nagbaba ng tingin sa akin. "Mmm." His facial expression softened. Inangat ko ang sarili para magpantay kami, at hinaplos ang kanyang mukha. Tinitigan ko pa bawat sulok no'n bago manatili na mata. Kinakabisado ko lang. Para kung sakali... maalala ko pa rin siya... nang malinaw sa alaala ko. I can't believe that I'm touching the face of the man that I love freely. Parang panaginip lang. "Kung maisip mong iwan ako... sabihin mo lang ha? Para mapaghandaan ko." Banayad na sabi ko, nakangiti. Gusto ko lang ipaalam sakanya na kahit anong maging desisyon niya sa huli, tatanggapin ko. In this relationship, una pa lang, ako na ang talo. Wala na akong laban. Kung saan siya sasaya, doon ako. Kung para sa kaligayahan niya, iyon ang pipiliin ko. Kahit na kapalit noon ang sarili ko. Ganoon naman sa love hindi ba? Marunong ka dapat magparaya kung para iyon sa kaligayahan ng taong mahal mo. Love is all about sacrifices. "Oh, my Lilou. Why are you doing this? Sobra sobra na ang ginagawa mo para sa akin..." He said huskily. "It's because I love you so much." I said without any hesitations. Hindi siya kumibo. "You don't have to say anything... you know. Being with you is enough for me. And loving me back, I guess... that's too much?" "Lilou... You're important to me, too. Tandaan mo iyan. But... Why me? Bakit ako ang minahal mo?" Wala naman akong balak sabihin sakanya yung dahilan. What matters is now. I slowly closed my eyes and kissed his lips. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko kahit na nakapikit. I'm kissing him with full of passion. Hinawakan niya ang mukha ko , mas naging mapusok ang ganti niyang halik. Halos mapasinghap ako ng hangin pagkatapos. Sa huli, hinalikan niya ako sa noo, gently. Nanatili iyon ng ilang segundo bago ako muling halikan sa labi. "I don't deserve your pure love, Lite. You're too precious for this..." "No, Max." Iling ko. "You deserved it. You deserve to be loved. We all do." I whispered to his lips. Niyakap niya akong mahigpit pabalik sa kanyang bisig. I could hear his heartbeat. Ipinikit kong muli ang mata ko at niyakap siyang mahigpit. My heart aches so much. I think I'm becoming numb for this. I love him so much. So much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD