KABANATA 15

2217 Words
Lite & Love "Maganda ba sa Dakol falls?" Tanong ko kay Maximus. "Hmm, ikaw na lang humusga." He smiled. Kanina ko pa siya tinatanong tungkol doon. Kasama namin si Andoy papunta dahil kabisado niya ang daan patungo roon. Kada araw ay hindi kami nawawalan ng gagawin. Planado na kasi ni Maximus ang lahat. Sa sunod naman sa dagat na kami pupunta. "Tourist spot 'yun?" Curious kong tanong. "Nope. Para lang yun sa mga taga rito. Saka baka pumangit at dumumi yung lugar kapag naging tourist spot." Aniya. Humalukipkip ako. "Lagi kang nagbabakasyon dito?" Umiling siya. "Nah. Tumira ako rito ng isang taon kaya marami akong kakilala." Kaya pala maraming bumabati at nangangamusta tuwing aalis kami. Nakikita ko rin kung paano siya tignan ng mga kababaihan dito. Kulang na lang ay maglumpasay na sa harap niya mapansin lang. I used to look at him like that. Sorry na lang sila. He's mine now. Tinuro ni Andoy kung saan ang papasok sa Dakol falls. Walang kahit anong sign board na nagsasabi na Dakol falls nga ang nasa loob no'n. Mga tabas na damo at bakas na laging nilalakaran ang palatandaan papasok. "Let me help you." Ani Maximus, inalalayan ako sa paglalakad. Basa at maputik ang lupa kaya medyo madulas. "Ate Lite malapit na tayo." Masayang wika ni Andoy, pumapalakpak. Sinita ko siya sa biglaan niyang pagtakbo. Delikado baka madapa siya o ano. "Sorry, ate. Pinagbabawalan kasi ako ni lolo pumunta rito, eh." Sinabayan niya kami sa paglalakad at humawak sa kabilang kamay ni Maximus. Natuwa naman ako sa itsura namin. Pinag-swing pa ni Andoy ang kamay nila, mukha tuloy kaming isang buong pamilya. "Talaga? Bakit daw?" Tanong ko. Humagikgik siya. "May elemento kasi sa ilalim ng talon, eh. Nangunguha raw ng bata." Nananakot na sabi niya. Napailing na lamang ako sa tinuran niya. Maximus smiled at me. Kaonting lakad pa ay narating na rin namin ang Dakol falls. "Wow..." Manghang sabi ko sa sarili. Napaka ganda ng buong paligid! Mataas ang talon at malawak ang lawang binabagsakan nito. Nakapaikot naman yung mga puno kaya ang sikat ng araw ay direkta sa tubig. "Ang ganda rito, Max. Ang ganda!" Hindi ko na maitago ang excitement sa boses ko. Bukod sa amin, may grupo ng mga kababaihan ang nandito. Panakaw-nakaw tingin pa sila kay Maximus, humihiyaw sa kilig nang tanguan sila nito. I hate it! Naka shorts lang siyang tumalon sa tubig at lumangoy papalapit sa akin. Nasa ilalim ako ng falls, sinadya kong pumwesto roon para matago ang nakasimangot kong mukha. Ang abs niya ay talaga namang agaw pansin. Mas maganda pa ang katawan niya kumpara sa mga nakikita ko sa magazine! Damn. Ako lang dapat pwedeng makakita niyan! Ang daya! Ang tagal kong in-imagine ang abs niya tapos sila ganon ganon lang? Ang daya talaga! "Are you jealous?" Nanunuyang aniya paglapit sa akin. Namilog ang mata ko. "N-No! Do I look jealous?" Giit ko. Umalis ako sa batong inuupuan at lumangoy papunta sa gitna. Damn him! Nanadya ata! "Hey... saan ka pupunta?" Niyakap niya ako mula sa likuran. "Max!" Bulalas ko. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko. I can feel his hot breath on my neck. Godammit! "May nakakakita sa'tin, Xim!" Tinampal ko ang kamay niya. He chuckled. "Kapag wala na lang?" "No!" Matigas na sabi ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka lumangoy papalayo.  Nakakahiya sa mga nakakakita. Hindi ako sanay sa ganitong trato. He's my first boyfriend after all. Ayoko rin ng PDA. Kapag nakakakita ako ng couples na PDA, 'di ko mapigilan sarili kong mapa-irap at bumulong-bulong. May tamang lugar sa ganong bagay.  "Boyfriend mo ate?" Nakangiting tanong ng babaeng lumapit sa akin. Tinignan ko pa siya at kinilala bago sinagot.  "Sa kabilang kubo ako," Agap niya nang mapansin ang pagkilatis na ginawa ko.  "Ahh." I nodded. "Yeah. He's my boyfriend." Sagot ko.  "Talaga po? Anong pangalan niya? Uhm... Apelyido? Ilang taon na?" Inulan niya ako ng tanong.  Napangiwi ako. Seryoso ba? Tinatanong niya ako ng mga personal na bagay tungkol sa boyfriend ko? Anong use ng pagtatanong niya kung boyfriend ko siya kung ang tanong naman niya sa pangalawa ay personal? Tingin ko nasa edad 15 or 18 siya. Sila ng mga kasama niya.  "Sorry, ate ha? Ang gwapo gwapo kasi niya, eh. First time kong makakita ng ganyang ka-gwapong mukha. Artista ba siya o model?" Tanong pa niya at naupo sa tabi ko.  I laughed a little. This girl is cute. Nag sorry pa? Natawa na lang din ako sa huli. Tumingin muli ako kay Maximus na nasa tubig pa rin, kasama si Andoy at mga bagong dating na bata.  I sighed. "He's Maximus Rizaldo, 25 at... Hindi siya artista or model. Sadyang gwapo lang talaga siya." I smiled.  Kalaunan, nakipag kwentuhan na lang din ako sakanya. Di hamak na mas interisado siyang tumitig kay Maximus kesa makinig sa kwento ko. Umalis din siya pagkatapos, kasama ng mga iba pa niyang kaibigan. Nilagay ko na sa lamesa rito sa kubo yung mga pagkain at prutas na binaon namin.  "Maximus! Andoy! Kain na muna tayo." Pagtawag ko.  "Opo, nay!" Ani Andoy, kumaway sa akin sabay tawa.  Napailing ako at nagpatuloy sa pagaayos ng lamesa.  "Ang dami! Kaya pala ang laking bag yung binitbit ni kuya."  "May bico riyan. Sabi ni papay George paborito mo raw 'yon?" Tanong ko.  "Opo!" Magiliw niyang sagot.  "Anong para sa akin?" Ani Maximus na kakarating lang.  "Oh." Sabay abot ko ng manga. "Paborito mo 'yan." Sabi ko.  Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at kinuha ang manga. Napatitig na lang ako sa magandang ngiti niya.  "Thanks, Lite."  "Wala kayong tawagan? Diba kapag mag kasintahan dapat may tawagan?" Nangibabaw ang boses ni Andoy, kunot ang noo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Maximus.  "Mahal yung tawag ni tatay kay nanay. Ganon din nga tawag ni lolo kay lola nung buhay pa siya, eh. Ano inyo?"  Marahan lang akong tumawa para maitawid ang tanong niya. Ano bang sasabihin ko, eh, wala naman talaga kaming tawagan? Pati si Maximus ay wala ring nasagot. Nasulyapan ko pa ang pag igting ng panga niya. Nag patay malisya na lang kami. At wala rin akong maisip na pwedeng itawag sakanya. Love? Mahal? Babe? Darling? Sweetheart? Hmm, mas gusto ko pa rin ang Maximus. Inayos ko na ulit ang mga gamit at siniguradong walang kalat na naiwan. Pahapon na rin no'n, may mga lamok nang lumilitaw na wala naman kanina. Nakapag bihis naman akong pamalit sa kabilang kubong may pinto. Mas naging mas madulas pa ang daan dahil basa ang mga tsinelas na suot namin.  "Be careful, Lite. Baka madu--"  Hindi na niya natuloy yung sasabihin dahil nadulas ako sa damuhan. Malambot ang lupa kaya hindi ako nasaktan sa pagbagsak. Ang paa ko ang kumikirot sa pag pihit no'n nang ma-out of balance ako.  "Hala!" Bulalas ni Andoy nang iangat ako ni Maximus. Namaga agad ang paa ko.  "s**t! Ano pang masakit sa'yo?" Sumakay ako sa likuran ni Maximus hanggang makalabas kami sa gubat. Sa totoo lang ay nahihiya ako. Dumagdag pa ako sa pasanin niya, mabigat na nga yung bag tapos nasa likuran niya pa ako. Nag pigil akong paghinga para makabawas man lang sa bigat ko. Kung makakatulong ba 'yon.  "Kumakain ka ba ng tama?" Tanong niya. Nasa unahan at malayo ang lakad ni Andoy sa amin kaya malamang na ako ang kinakausap niya.  "Huh?"  "Ang gaan mo masyado, Lite." Aniya at inangat ako. Obvious naman na hindi iyon totoo. Nakailang ulit na siyang angat sa akin. Kumapit akong maayos at isinandal ang mukha sa balikat niya.  "Mabigat ako, Max." Mahinang sabi ko.  "Magaan ka." He declared. "Do you crave for something? Kahit ano para mabilhan kita sa bayan." Humigpit ang yakap ko. "Wala, Max. Just don't leave me."  "Bibili lang ako, Lite." He chuckled. "Baka kasi hindi ka na bumalik, eh."  "Babalik ako." He assured me. "Hmm, wala. Wala akong kahit na anong gusto." I said. Siya lang naman ang gusto at kailangan ko wala ng iba. Syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin iyon. Masasaktan lang din ako. Nilapatan agad ni papay George ng yelo ang paa ko, nag simula na rin kasi iyong mamaga. Tahimik na nakabantay si Maximus sa tabi ko. Kung ano ang gusto ko ay agad niya iyong tinutugunan.  "Magiingat ka na sa sunod, Lite ha? Laging maputik doon kasi lagi ring may dumadayong taga ibang lugar." Paalala ni papay George pagpasok sa kwarto, dala ang sopas na kanina ko pa naamoy.  "Opo. Salamat po." Sabi ko pagkalapag nito ng sopas sa ibabaw ng drawer. "Totoo po ba yung sabi ni Andoy na may elemnto raw pong nangunguha ng bata sa ilalim ng tubig?" Natatawang tanong ko.  Sinadya ko iyon kasi palihim na nakikinig si Andoy na nasa labas ng pintuan, nagtatago. Napansin din siya ni Papay George kaya sinakyan ako. Halata namang sabi-sabi lang niya 'yon para hindi pumunta si Andoy sa Dakol falls. Medyo delikado kasi ang daanan. "Ay oo. Buti nga't hindi siya kinuha kanina."  "Syempre hindi na ako bata!" Singit ni Andoy na pumasok na rin sa loob. Nagtawanan kaming lahat. "Talaga? Ilang taon ka na ba?" Ngising tanong ni Maximus. "Mag wa-walo na ako. Matanda na ako!" Sabay nguso niya, naasar.  Nag kamot ulo muna si Papay George bago hinatak palabas ang batang nagrereklamo. Nanatili lang ang ngiti sa labi ko. Naglipat ng pwesto si Maximus, naupo sa kama, kinuha ang sopas at hinalo para mawala ang init.  "Masarap mag luto si Papay." Inihipan niya ang kutsara bago itinapat sa bibig ko. Hinayaan ko na lang siyang subuan ako. Sa huli, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong ngumiti sa pursigidong pag ihip sa kutsara. Napansin niya ang pagtawa ko, binalingan niya akong tingin at kunot noong nagsalita. "What are you laughing about?" Nanliit ang mata niya sa akin.  "Paa ko lang yung may sprain kaya kaya ko namang gamiting kamay ko." Tatawa-tawang sabi ko.  Natawa rin siya at pinagpatuloy ang pagihip sa sopas. "Gusto ko lang alagaan yung girlfriend ko tulad ng pagaalaga niya sa akin." "Ako?" He smiled. "Sino pa ba? Andami mo ring sinakripisyo para sa akin, para makasama ako." "Kasi nga... mahal kita!" I said as I pinched his cheeks. Pagkatapos kumain ay uminom na akong gamot at nagpahinga na. Sinunod ko ang payo ni Papay George na 'wag munang kumilos para mabilis na gumaling ang paa ko. Gustuhin ko man tumulong sa gawaing bahay ay hindi pupwede.  Dalawang linggo na kami rito sa mansion nila Maximus. Pansamantala, dumito na rin nanuluyan sila Papay George at Andoy para may kasama kami. Dadaan lang saglit si Inang Isay at paglulutuan kami at pagkatapos ay aalis na. Mas nakilala ko pa si Maximus, araw araw ay may bago akong nalalaman sakanya.  Blue ang paborito niyang kulay, mahilig siyang sumayaw, manuod ng movies, fan siya ng eraserheads at mag basketball. Well, given naman na iyon dahil naglalaro siya sa UAAP. Kahit na curious ako, iniiwasan ko pa ring itanong ang tungkol sa kanila ni Tori. Parehas kaming hindi magiging komportable.  "Sinabi mo ba kila Stella na mag kasama tayo?"  Umupo siya sa tabi ko pagtapos niyang turuan yung mga bata na maglaro ng basketball. Nasa court kami ngayon sa bayan, namili din kami ng mga bagong damit at gagamiting panluto para mamaya.  Umiling ako. "Hindi mo ba sila nami-miss?" Tanong ulit niya.  Kinuha ko sa sling bag yung panyo at pinunasan ang pawis niya habang iniinom yung C2 na binili ko kanina.  "Syempre miss. Magkikita pa naman kami, eh."  "Sabagay... Teka.. 'Di ba 'yan yung binigay ko sa'yo noon? 3 years ago?" He tilted his head to check my sling bag.  "Ah, eto ba?" Sabay pakita ng key chain. "Tanda mo pa?"  "Of course. I gave that to you... Ngayon ko lang napansin."  "Ngayon ko lang kasi ulit ginamit, eh." Sabi ko. Tumayo siya agad at kinuha ang kamay ko. "S-saan tayo? Akala ko uuwi na tayo?" Inayos ko ang paldang suot ko pagtayo.  "May nakita lang kasi ako kanina." Sabi niya na hindi ako nililingon.  Kumunot ang noo ko. Dinala niya kami sa loob ng simbahan at pinaupo. Galing na dito kanina, tapos na rin yung misa. "Anong gagawin natin dito?" Kinunutan ko siya ng noo. "Stay here for a while, Lite. May naiwan lang ako." "Naiwan? Nadala natin lahat ng supot ah?" Sabi ko. "Nakalimutan pala. Sorry. May nakalimutan akong bilhin." Paglilinaw niya. I nodded slowly while looking at him suspiciously. Ano na naman ang balak nito? Ayaw kong bitawan ang kamay niya. Natatakot ako na hindi na siya bumalik. "I'll come back, Lilou. Promise." Sabi niya, na parang basang basa niya ang nasa isip ko. "Promise?" Itinapat ko ang hinliliit ko. He smiled. "Promise." Pagkatapos namin mag pinky swear ay hinayaan ko na siyang umalis. Naniniwala pa rin talaga ako sa ganoon. Sa tuwing mag p-promise ako, laging may pinky swear. Matamis ang ngiti niya pabalik sa akin. Wala naman siyang hawak na suot o ano. Akala ko ba bibili siya? "Anong binili mo?" Usisa ko pag upo niya sa tabi ko. Umusog siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Natanga ako sa pananatili ng titig sakanya. Minsan talaga may mga bagay siyang ginagawa na hindi ko maintindihan. Nasa mukha niya ang buong atensyon ko, namalayan ko na lang na may isinusuot na siya sa kamay ko. "Ano--- Bracelet?" Gawa iyon sa sintas na halo ang kulay ng pink at white at may itim na kahoy sa gitna na may nakasulat na Lite & Love. "Salamat dito, Maximus. Sobra sobrang saya ko. Salamat talaga!" Sabay yakap kong mahigpit. Ilang segundo lang iyon. Kahit na gaano ako kasaya, aware pa rin ako sa paligid ko at sa simbahan pa. "Thank you so much!" Nakatitig pa rin ako sa bracelet, kinikilig! "Pasensya na kung simple lang." He said. I looked at him then smiled. "Hindi lang 'to simple. Malaking bagay na 'to para sa akin, Maximus." "Bakit pala Lite & Love?" Kunot noo kong tanong. "Basta..." He held my hand as I leaned on his shoulder. Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon. Simple moments with is just perfect. Sana ganito lagi. Please?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD