KABANATA 16

2743 Words
Shooting Star Maaga kaming nagising sa pagaasikaso ng ihahanda para sa pyesta. Pagpapasalamat ng mga taga Ragon para kay Sr. San Miguel. Mahiwaga iyon kung ituring nila. Sabi, nalambat daw ng mga mangingisda yung imahe niya, hiwa-hiwalay at sila na lang nag buo. Panahon pa raw iyon ng hapon. Unang beses ko pa lang kasi makakaranas ng pyesta kaya sobrang excited ako! Nandito ulit si Inang Isay kasama si ate Cassandra at Gela para tumulong sa pagluluto. Marami rin kasing bibisita mamaya sa munting salu-salo. I'm starting to love the province life. Fresh air, genuine people, stress free. Wala kasi kaming probinsya rito sa Pinas. Nag migrate ang buo naming pamilya sa America, maliban kila Tita at Lunaria. I think they'll migrate too after Luna's graduation. Magkasamang pumunta si Papay George at Maximus sa bayan para sa lechon. Matagal na rin akong hindi  nakakain no'n ulit. He'll get pizza and cakes too for me! I can't wait! I miss eating sweets. Meron din namang tindang ganoon sa bayan, sadyang may kinasanayang lasa lang ako. "Ano ka bang bata ka! Magpahinga ka na lang sa kwarto at kami na gagawa niyan." Pag pipigil ni Inang Isay sa akin. Inaamin kong hirap na hirap nga ako sa pag balat at hiwa ng sibuyas, tumutulo nang kusa luha ko, napapapikit na rin sa sakit. "Ako na, Nang! Madali lang naman po, eh. Nag luluto rin naman po ako sa bahay kaya sanay na ako." Sabay hawi ko ng kutsilyo sa kamay niya. I really wanted to help them. Ayokong upong donya lang ako rito habang hinihintay na matapos sila. Though, I'm not into cooking that much and I prefer baking more. Pinanuod niya na lang ang ginagawa ko. "Sige, basta mag ingat ka. Matalim 'ya--- Jusko! Ikaw talaga, Lite! Nako! Ayos ka lang?" Nakatingin kasi ako kay Inang Isay at biglang dumulas ang kutsilyo sa kamay ko't nasugatan ang daliri ko. "Cassandra! Pakikuha ng first aid kit. Dali!" Tarantang sigaw ni Inang Isay. Itinapat ko yung daliri ko sa gripo para matigil ang pagdudugo. "Sabi ko naman sa'yong mag iingat ka, eh." "Oho, pasensya na po. Magi-ingat na po ako sa sunod." Sabi ko. Umasim naman bigla ang mukha ni Inang at napatawa ako. "Wala nang susunod, Lite. Ninenerbyos ako sa'yo. Halos atakihin ako sa puso! Paano na lang kung buong daliri mo naputol?" Patawa-tawa lang ako. Nilapatan niya iyon ng band aid matapos linisin ng betadine. "Lite!" Sigaw ni Maximus. Napaigtad kami ni Inang sa madiing sigaw ni Maximus na kakarating lang. Nagtiim ang bagang niyang lumapit sa akin. "O andito ka na pala, Xim." "Doon tayo." He commanded. Hindi na niya inintay pa ang sagot ko, hinatak na niya ako palabas. Samantala, nag tinginan lang si Inang pati na rin yung dalawa sa amin, mga naka ngisi. "Hindi naman masakit, Maximus." Natatawang sabi ko. Sa likod bahay kami kung saan puno ng gumamela ang paligid. Nakaupo ako sa upuang bato at nakatayo lang siya sa harap ko. I lied when I said it didn't hurt. Masakit iyon at mahapdi! "I told you to sit still inside your room. Uuwi rin naman agad ako." He pouted his lips. Hawak niya ang kamay ko na kanina pa niya tinititigan yung hiwa. It's still bleeding though. I smiled softly as I stood up. "Eh gusto ko sila makilala at maka kwentuhan. I like it here." I said. Niyakap niya akong mahigpit at bahagyang inangat. Tumingkayad ako at yumakap din. Gusto ko pa mas makilala yung mga taong malalapit din sakanya. They're all good to me, pati ako ay napapalapit na rin ang loob sa kanila. "Do you wanna go to the plaza? May sagala at karakol mamaya." He said. "Meron sa bayan?" He chuckled a little. "Oo naman. Gusto mong pumunta? Sasamahan kita." "Talaga?" Kumalas ako sa yakap at tumitig sakanya. He nodded immediately. Nag asikaso na akong isusuot ko para mamaya. It's like a date! I can't stop smiling the whole time. Tinapat ko ang sarili sa salamin, tinitignan kung bagay ba ang suot ko sa akin. Palagi ko na siyang nakikita, basically, akin na siya pero hindi mawala-wala ang sarili ko sa alapaap tuwing maiisip ko kung paano ko siya pangarapin dati. Mula sa pag hulog ng love letters, pag stalk at pagiging kapitbahay niya tapos naging kami na. Saktong alas sais kami umalis patungong plaza. Hindi kami gumamit ng sasakyan at mas-stuck lang kami sa daan kung sakali. We did a great choice, wala pa man kami sa arko ng plaza, siksikan na ang mga taong makikidalo sa misa. Kalat din ang tindahang nilapag lang sa daan. Kahit na hirap, tuwang tuwa ako sa nakikita ko. Maraming tao, iba't ibang klase ng ilaw na naka dikit sa bawat poste, malayo pa ang pasko pero ganon ang pakiramdam ko. Buti na lang may napwestuhan pa kami ni Maximus sa loob ng simbahan. Malamig ang simoy ng hangin lalo na't gabi. Manipis lang ang floral dress na suot ko kaya pumapasok ang ginaw sa akin. Plain t-shirt at faded blue jeans lang naman suot ni Maximus pero takaw pansin pa rin siya. Bawat madaanan namin, may humahabol ng tingin. I hate it! Naiinis ako! "Ang selosa naman ng girlfriend ko." Nanunuyang ani Maximus. Humalukipkip ako at inirapan siya. Sa loob loob ko gusto kong sumigaw at tumalon. Kinikilig ako! Everytime he calls me his girlfriend I instantly melt. Damn! Hindi ako magsasawang marinig iyon. "Hindi naman maiiwasan mapatingin sa'yo eh. Ang gwapo mo kaya." I hissed. Iginiya niya ako sa parke sa likod ng simbahan kung saan hindi marami ang tao, batang naglalaro lang ang nandoon. Isang oras pa naman bago mag simula ang karakol at sagala. "What do you want? May nakita akong kakanin sa gilid ng simbahan. Nakain ka ba no'n?" He asked. Umupo ako sa swing, mahina lang yong tinutulak ni Maximus. Nakatingala ako sa langit, puno iyon ng bituin na bihira ko lang makita sa Manila dahil sa dami ng usok at polusyon. "Hmm, I think I want bibingka and gulaman or buko juice." I said, still thinking. He moved in front of me and bent down. He held both of my hands and kissed my forehead gently. "Dito ka lang, Lite. Bibili lang ako saglit." Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Totoo ba 'to?! Did he just kissed my forehead? Right now?! Pigil ang hininga kong napatango na lang. I couldn't think straight because of what he did.  "Just sit there, okay?" Aniya. Wala sa sariling tumango ulit ako at pinanuod siya paalis. Saktong pag alis niya ay pigil ang tili ko at nagpapadyak-padyak ng paa sa sobrang kilig! This is it! I know he loves me too! Mahal na niya ako! I can feel it! Ini-swing kong malakas ang sarili. I'm smiling from ear to ear while humming. Like what he said, I waited for him. Kaso bakit ang tagal? Isang oras na ang lumipas at wala pa rin siya. Gaano ba kahaba ang pila sa tindahan ng bibinka at inabot siyang isang oras? I'm starting to overthink and worry. Is he okay? Or... sinadya ba niyang iwan ako rito? Kung ano ano nang tumakbo sa isip ko. I hope he's okay. I waited for another thirty minutes and he's still not coming back. That's it! Hahanapin ko na lang siya. Lumakad na ako palabas ng parke, gaya kanina, marami pa ring tao at nasa gitna na sila ng plaza. Nag simula na kasi ang karakol. Baka natabunan lang ng mga tao si Maximus kaya hindi makarating? I sighed. I don't know where the hell did he go. Inisa-isa ko ang tindahan ng kakanin at wala siya roon. Ugh! Paano kung nandon na siya sa park at nagkasalisi lang kami? Ugh! Damn it! Pabalik na sana ako sa parke kaso lang natangay ako ng mga tao papunta sa gitna ng plaza. Siksikan, andoon na ako sa harap. Sinasayaw nila yung imahe ni San Miguel. Bahala na, andito na rin ako kaya enjoy-in ko na lang? "Amores?" Napatingin ako sa gilid ko kung saan nanggaling yung boses. I thought it's Maximus but it's Quincy! Napakurap kurap ako. "Qen! W-what are you doing here?" Gulat na sabi ko. Unti-unting lumapad ang ngiti siya sa akin. My eyebrows furrowed. "Sinusundan mo ba ako?" Paratang ko. He laughed as he shook his head. "No, Amores. Hindi. Hinahanap ko yung pinsan ko. Sabi ng private investigator namin, may nakakita raw sakanya rito." Paliwanag niya. I looked at him, puzzled. "Pinsan? Si Sir Marius ba?" "Yeah. Did you see him here?" He looked at me suspiciously. Iniisip ba niyang kasama ko siya? It seems like he suspects me or something. I sighed. "No. I haven't seen him here. In fact, hindi ko pa siya nakikita buong buhay ko. I swear." Giit ko. Lalo lang siyang nanghinala sa depensa ko. I couldn't help it! Kung paano ba naman kasi niya ako tignan sobrang nakaka-conscious. Nanliit muli ang mata niya sa akin, trying to figure me out. "Tell me, Amores. Sino ba yung boyfriend mo? Is it my cousin?" Prangkang tanong niya. Napanganga ako. I forgot how honest he is! Unbelievable, inisipan niya talaga akong ganon? "That's none of your business, Qen." "What are you doing here, then?" "Nagbabakasyon. Hindi ba obvious?" Sabay irap ko. Nag kibit lang siyang balikat, nilapitan ako. "Ang sabi ni Jimmy... wala kayong probinsya? Saan ka rito nakatira?" He raised a brow on me. I make a face. "I don't need to explain myself to you. Basta wala akong alam sa pinsan mo. Saka bakit niyo ba hinahanap yun? He's a bachelor already. Hindi naman yun teenager. Kaya na niya sarili niya." I said. "Oo nga naman." Agap niya. "Kaya lang... tinakbuhan niya yung fiance niya. Bago pa siya mahanap nung pamilya ng fiance niya, uunahan na namin sila. If you know what I mean." Nag iwas akong tingin. He probably doesn't want to get married to that girl. Isang malaking kahihiyan nga lang 'yon lalo na sa pamilya ng babae. Nawala sa isip kong nasa plaza pa rin kami, dagsa na naman ang mga tao sa parada. Bahagya akong naitulak ng katabi ko, agad naman akong inalalayan ni Quincy. "Maybe... we should go." He said then grabbed my arms. Nagpumiglas ako. I need to find Maximus first! Nagaalala na 'yun. Siniksik ako ng ibang tao palapit kay Quincy kaya wala na rin akong nagawa pa. "Sa parke tayo, Qen!" Sigaw ko, hatak pa rin niya ako. "Maraming tao papunta roon. Sa labas na tayo!" He yelled back para magkarinigan kami. I craned my neck to look around. Wala na akong makita pa bukod sa mga tao, pati ang daan ay puno. Pagkalabas, saka niya lang ako binitawan. Nakahinga akong maluwag. Sumandal siya sa sasakyan sa gilid, tingin ko ay sakanya iyon. "Sa loob na ta--" "Dito na lang, Qen." Sabay sandal ko sa harap ng sasakyan. He nodded and just stood beside me. Humalikipkip ako. I'll look for Maximus later when the crowd lessen. "Ang akala ko sa Boracay, Palawan o Siargao kita makikita. Nandito ka lang pala sa Bicol?" He laughed for a moment. Nag kibit-balikat akong nakatitig sa mga taong dumadaan. "Ano namang pumasok sa isip mo at naisip mong pupunta ako roon? I'm not into beaches. I like mountain, the smell of the earth. Mas peaceful." "Hmm, kaya pala hindi ka nag swimming sa beach noong company outing natin sa La Union?" "Yeah. Also, I'm scared of the ocean." "Really?" Nilingon niya ako, hindi makapaniwala. "Oo. Basta natatakot lang ako. No other reason. That's... just it. I'm scared." "You should try it next time! Tayong dalawa." Presinta niya. I shiftef my gaze to him, kunot ang noo. "Stop flirting with me, Qen. I have a boyfriend." Malamyang wika ko. He chuckled a bit. "Damn! Isang buwan kitang hindi nakita tapos tatarayan mo ako?" Sabay iling niya. Umirap ako't binalik ang titig sa daan. I sighed. Ang tagal naman umalis ng mga tao. I want to see Maximus! "But... I really missed you, my light." He added. Masama ko siyang tinignan. "Remember what I told you?" He asked. I tilted my head, thinking. "I'll make you fall for me, Amores." He smirked. I suddenly laughed. I remember! He's still conceited and confident as ever. I miss his annoying face, too. But I won't say it. Lalaki lalo ang ulo niya pag nagkataon. I heard him cleared his throat. I stare at him over my shoulder. "But that won't happen 'no? You're head over heels for that guy. Kung sino man 'yon, he's lucky. Pero kung... hindi kayo? May chance ba ako sa'yo?" Sinserong aniya. "Ah..." I breathe. "Wala! Walang kang chance sa akin 'no. Wag mo nga akong i-power trip." Tumawa na lang ako para mawala ang mabigat na hangin sa paligid namin. O ako lang yata ang nakakaramdam no'n. Ang seryoso niya kasi! He chuckled bitterly. "Sabi mo 'yan ha?" Ngumiti ako bilang tugon. Mariin akong pumikit at tumingala na lang sa langit. Pagmulat ko ay may shooting star na dumaan. Nanlaki ang mata ko nang may dumaan na naman. Nilingon ko si Quincy na kanina pa pala ako tinititigan. "May bulalakaw!" Masayang sambit ko. Tumaas ang gilid ng labi niya. Tila hindi naiintindihan ang sinabi ko. Tinampal ko ang balikat niya sabay turo sa langit. "Shooting star, Qen. Shooting star!" I repeated. Tumango siya saka tumingala. Tumingala rin ako, nagdadasal na sana may dumaan ulit. "Mag wish ka kapag may shooting star. Magkakatotoo raw!" Hindi ko na maitago ang saya sa tinig ko. Bumabalik ako sa pagbata, eh. "Totoo ba 'yun?" He asked hesitantly. I sighed. "Oo nga!" Niyugyog ko ang balikat niya. "Kumalma ka, Amores. Baka mahulog ka na sa'kin niyan." Humalakhak siya. Umasim ang mukha ko. "Manahimik ka, Qen! Saka lang ako magkaka gusto sa'yo kapag umulan na ng snow." Lumunok ako at muling tumingala. "Ayan! Meron na naman!" I exclaimed in excitement. Agad kong ipinikit ang mata ko at humiling na sana... Sana kami pa rin ni Maximus hanggang huli. Palagi ko rin naman iyon pinagdadasal. I clapped my hands twice and breathe heavily. "Tapos ka na?" Tanong niya. Halos tumirik na ang mata ko sa pagirap. "Yeah?" Nag kibit-balikat ako pag lingon sakanya. "E ikaw? Nag wish ka ba?" "Mmm." He nodded slowly. Tumaas ang dalawa kong kilay, nabigla. Akala ko ako lang mag isang nag wish. Gayunpaman, hindi naman siya mukhang naniniwala sa mga ganong bagay. "Anong wish mo?" Mataray na sabi ko at nagpamaywang. Nilihis niya ang tingin sa ibang direksyon, humalukipkip habang humingang malalim. I saw how his face softened. "Sana umulan na ng snow para mahalin mo na ako." He said softly, his gaze fixed on the sky. I instantly looked at him. "Qen..." Malungkot na sabi ko. Tumikhim siya. Pagharap ay hinaplos niyang marahan ang pisngi ko. "Mahal kita, Amores. At alam kong mamahalin mo rin ako." Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang tumindig naman si Quincy at marahang inangat ang mukha ko sakanya para halikan sa labi. Bago pa man niya ako mahalikan ay may malakas na pwersang humatak sa akin mula sa likod. Lumapat ang likod ko sa katawan na taas baba ang dibdib. Pag angat ko ng tingin ay si Maximus pala iyon, mariin ang pag tagis ng bagang at parehong nakakuyom ang palad. "f**k off, Benzon!" Mariing ani Maximus na madilim ang ekspresyon, sinugod niya si Quincy sabay suntok sa panga nito. Ginapangan ako ng kaba sa dibdib sa itsura niyang galit na galit, animo'y hayop na handang pumatay. Magkakilala rin sila? "Max!" Bulalas ko, napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkabigla. Tumakbo ako palapit sakanya at pumagitna. "Qen, I'm so sorry." Sabi ko. Tumayo siya habang pinunasan ng dugo sa gilid ng labi niya. Lalo lamang akong nakonsensya. Binalingan ko ng tingin si Maximus, handa na namang sumugod. "Maximus, k-kanina pa kita hinahanap." Pagiiba ko. Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin. I bit my lower lip and looked down. "Ako ang kanina pa naghahanap sa'yo, Lilou Nicolette!" Asik niya. "Wag mong sigawan si Amo--" "f**k you, Benzon! Nakita ko kung anong gagawin mo sa girlfriend ko." Maximus cut him off. Nagtagis ang panga ni Quincy sa inasal ni Maximus. Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Iginiya ko na si Maximus paalis pero nag pumiglas siya. "Wag na wag kang lalapit kay Lite. Alam mo kung anong kaya kong gawin sa'yo, Benzon! You know me very well, hindi mo gugustuhing banggain ako." Mahinahon pero may diing pagbabanta ni Maximus. Hinatak niya ako pabalik. Napatingin ako kay Quincy na nagtitimpi lang kay Maximus. Biglang hinawakan ni Maximus ang mukha ko't hinarap sakanya. Puno ng galit ang mata niya, natatakot ako. I haven't seen him like this before. Nanlalambot ang tuhod ko. "Let's ju--" Bago ko masabi iyon ay siniil niya ako ng halik sa harap ni Quincy. He kissed me scadalously. Napapikit ako sa ginawa niya, masuyo at mapanakop ang bawat halik niya at halos hindi ako makasabay. Apaw apaw ang emosyon ko na pati ako ay naguguluhan na. All I know is he's furious, but the sweetness of his kisses was still there. "She's mine." Malamig na wika ni Maximus kay Quincy. Umalis na kaming dalawa. Tahimik kami, parehas lutang sa pangyayari. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Kasalanan ko rin naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD