KABANATA 17

2593 Words
Surprised Nanatili pa rin siyang walang imik hanggang makauwi. Tinatago ko pa ang mukha ko kasi napapangiti ako. I feel sorry for Quincy, guilty in fact. I just... I'm happy knowing he truly cares for me. I don't know... is he being possesive of me? I wish! I need to say sorry to Quincy. Kaya nga lang, nagbago na akong number at hindi ko rin naman alam ang kanya. Inalalayan muna akong makababa ni Maximus ng tricycle bago umunang pumasok sa loob. I pursed my lips, stoping myself to smile. Huminga akong malalim bago sumunod. Sa salas, patapos na mag ligpit sila Inang at Gela ng pinagkainan ng bisita. Oo nga pala! We were supposed to be here after mass! Dismayado akong napailing sa sarili. How can I forget that! May mga bisita pa naman si Maximus at naubos ang oras niya kakahanap sa akin. Now I feel responsible again for everything. "Umakyat na si Maximus, Lite. Nagtalo ba kayo?" Alalang tanong ni Inang nang mapansing kanina pa ako nakatayo sa tapat ng hagdan. Bumalik ako sa huwisyo at binalingan ng tingin si Inang. Ngumiti lang ako. Malalim ang buntong hininga niya, nilapag ang bitbit na dalawang baso at lumapit sa akin. "Ngayon ko lang nakitang nagalit ang batang iyon. Kung ano man ang pinagawayan niyo, dapat ayusin niyo agad para hindi na lumaki." Payo niya. Iginiya ako niya ako paupo sa sofa at hinawakan ang magkabila kong kamay, ngumiti akong kaonti. "Salamat po, Nang. Kasalanan ko naman, eh. Hindi kasi ako nakinig sakanya kaya nagkahiwalay kami sa plaza kanina kaya... Ayun! Hinanap niya ako." "Nawa'y magkaayos na kayo. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain." "Hindi pa nga po, eh." "Halika sa kusina para makakain ka. Masarap ang mga niluto ko." Masayang aniya. Kaonti lamang ang nakain ko sa inihandang pagkain ni Inang para sa akin. All I could think of is him. Naiinis ako sa sarili ko. Wala sana kaming problema kung nakinig lang ako, eh. Nadamay pa pati si Quincy. Nabigla akong makita siya kanina sa plaza pero sana ay mahanap na niya ang pinsan niya. Nagpahinga na ako sa kwarto pagkabihis kong pamalit. Ilang beses kong kinatok ang pintuan ng kwarto ni Maximus pero hindi naman niya ako pinagbuksan. Ikaw kasi, Lite! You're so stupid! Nagising ako sa mahihinang apak sa kahoy na sahig ng kwarto at ilang kaluskos. I arched my back then got up. Nagkatitigan pa kami ni Andoy na maingat ang hakbang papalabas sa kwarto. "What are you doing here?" Tanong ko, pikit pa ang isang mata ko. Kumurap kurap siya at diretsong tumindig. Lumihis ang tingin ko sa orasan at muling binalik sa naguguluhang si Andoy. 7 AM pa lang at nandito na agad siya sa kwarto ko? "I'm asking you, what are you doing here? Where's Maximus?" Nakatulala pa rin siya sa akin. "Andoy?" Nagkamot ulo siya. "Ate... hindi ko naintindihan sinabi mo. 'Di ako marunong mag english, eh." "Ah, akala ko naman kung ano. Sabi ko, anong ginagawa mo rito? Saka sa'n si Maximus?" Tumango siya, sumilay ang ngiti sa labi at umupo sa paanan ng kama. "Akala ko pinapagalitan mo ako, eh! Naghahanap kasi akong ballpen kaso wala ka naman palang ganon. Si kuya Maximus pala nasa sakahan kasama si lolo." Nanlaki ang mata ko. "Sakahan? Magsasaka si Maximus?" "Ah... kaya nga siya sumama, eh. Siguro?" Sarkastikong aniya. Napatawa ako. Oo nga naman! Sadyang nabigla lang ako na gagawin niya talaga 'yon. Agad din umalis si Andoy pagkaabot ko sakanya ng ballpen. Nag asikaso na ako ng sarili, kumain lang ng tinapay pagkatapos ay nag tungo na sa sakahan na pinuntahan ni Maximus. Naka tsinelas, maong shorts at t shirt lang ako, mali pa ata ang desisyon ko, dapat siguro nag sapatos ako. Malubak at masakit sa paa ang daanan. Saglit na lakaran pagbaba ko sa tricycle at nadungaw ko na ang malawak na sakahan. Wala pang tanghali pero tirik at mahapdi na sa balat ang sikat ng araw. Sumilong ako sa lilim ng puno ng mangga. Nahagip agad ng mata ko si Maximus na nag-aararo! Takip ang buo niyang mukha, naka sombrero at t shirt na puno na ng putik. Tumakbo ako papalapit sa pahingahan nila. My eyes could not believe what I was seeing. He knew very well how to do it! "Lite! Andiyan ka pala. Kanina ka pa ba?" Pasigaw na sabi ni Papay George nang makita ako. Kumaway ako. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Maximus. Galit pa rin? Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa kinatatayuan niya. Nagtinginan pa ang ibang kasamahan ni Papay George sa akin, pilit akong pinapabalik. Isang hakbang ko pa lang sa lupa ay lumubog na iyon. I should've wear boots! Kahit sapatos ay walang ubra dito! Gayunpaman, binalewala ko na ang putik at hirap sa pag angat ng paa tuwing hahakbang ako. "Dios ko! Bakit ka nandito, Lite?" Problemadong ani Papay George pag lingon sa akin. Nasa lupa lang ang mata ko. Napahilot ng batok si Papay George sa pagmamasid sa akin. Sa bandang dulo si Maximus kaya't wala siyang ideya na papalapit na ako. "M-Maximus.." Dinatnan na ako ng hingal. Nanlaki ang mata niya nang kalabitin ko siya't hinarap ako. Mabilis niya inalis ang telang nakabalot sa mukha niya, ang mata ko ay direktang nakatitig lang sa mapula niyang labi. "What the hell, Lite!" He growled. Madilim ang mukha niya pag angat ko roon. "Go back there!" "Ayoko!" Protesta ko. Nag agting ang panga niya. "What!? Bumalik ka roon, Lilou!" Tumikhim ako. "Ayoko nga sabi! Hindi mo ako pinapansin, eh. And I need to say sorry to you, Maximus. I'm sorry..." I sighed. "Tsk! You can say sorry to me later. Bumalik ka na don, Lite. Mainit dito." Malamig na aniya. Ngumuso ako at tumitig sakanya. "But you're not there. Dito lang ako. Hindi ako naiinitan." Marahas ang pinakawalan niyang hangin. Nagmatigas pa rin ako, nagpamaywang. Inalis niya ang kanyang sombrero sabay isinuot sa akin. Yumuko ako at napangiti sa ginawa niya.  "Liar. Pawis na pawis ka na o. Tsk!"  Nagiwas akong tingin at napakagat labi, hindi 'to ang tamang oras para kiligin! "So... bati na tayo?" I smiled. Pinandilatan niya akong mata. Hindi ako nagpatinag kaya napailing siya. "Sige, bati na. Basta bumalik ka na roon." I shook my head aggressively. "No. Tutulong ako sainyo." I said. Muli na namang dumilim ang mukha niya at paulit ulit ang pagtiim bagang. "Are you kidding me? Tignan mo nga ang itsura mo!" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Naka shorts ka pa! Mapapagod ka lang." "Ano naman kung naka shorts? Ikaw nga nakatupi ang pantalon, eh." Katwiran ko. Napahilot siya ng sentido sa konsumisyon. "Lite... please. Sige na, buma--" Inalisan ko siya bago pa man niya matapos ang sasabihin, kumuha akong palay at sinimulan ang paglagay no'n sa lupa, tulad ng ginagawa nila Papay George. "Ang kulit mo!" Asik niya. Hinatak niya ako sa braso at pilit na pinapaalis. "Ano bang problema? Gusto ko lang naman tumulong sa inyo." Nagpaawa ako. Binitawan niya ang braso ko at binalingan. "Hindi ka dapat napapagod. Kaya na namin 'to." "Kaya ko rin naman, eh. Ikaw nga na anak ng bilyonaryo, kaya. Ako pa ba?" Nanliit ang mata niya sa akin. "Anong kinalaman no'n?" Napangiti ako. "Well, you're just amazing. Your family owns airlines, hotels and restaurants, casino, hospital, lahat na ata ng business meron ang pamilya niyo tapos magaling ka magsaka? I want to learn too." Natahimik siya saglit, nagiisip. Buong buo ang pagasa ko habang nakatitig sakanya. He cleared his throat then smiled. "No." Payak na aniya. Umasim agad ang mukha ko at tinalikuran siya. Why would I listen to him this time? Panuodin niya na lang ako kung gusto niya pero hindi ako aalis. I bent down and continue what I was doing.  "Lite, makinig ka na lang kay Maximus. Maiinitan ka lang." Ani Papay George sa di kalayuan. "Kaya ko naman po." Sagot ko. "That's it. Tama na 'yan." Ma-awtoridad na ani Maximus.  Hinatak niya ulit ako patayo. Pilit akong nagpumiglas, bahagya niya akong nabitawan kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak.  "Ayan na nga ba ang sinasabi ko!"  Napapikit ako sa singhal niya. Puno ng putik ang kaliwang bahagi ng katawan ko. Pinunasan ko ang putik sa leeg ko. Kaso nga lang ay mas lalo lang iyon nadagdagan.  Nilahad ni Maximus ang kamay niya sa akin. Napangisi ako. Humawak ako sa kamay niya at malakas siyang hinatak pabagsak sa putikan. Malakas ang tawanan nila Papay George sa itsura ni Maximus sa tabi ko.  "Buti nga sa'yo." Nanunuyang wika ko sakanya at dumila.  Marahas ang paghinga niya, nag igting ang panga sa pagtitig sa akin. Humalakhak lamang ako. Ngayon ay natutuwa na akong inisin siya. He still looks so fine even if he's covered with mud. Gusto ko siyang yakapin sa oras na ito. 'Di ko mapigilan sarili kong humanga. Maingat akong tumayo. Halos sabay lang din kami ng galaw. Di alintana sa akin ang putik sa katawan, natuyot agad ang ibang putik lalo sa leeg ko.  "Iuuwi na kita!" Deklara niya.  Napalingon ako, kunot ang noo. I bit my lower lip after I saw his dark expression. Hindi na siya nagbibiro. Pahakbang pa lang siyang papunta sa akin ay kumaripas na akong takbo. Nagkataong lumubong na naman ang isa kong paa dahilan sa pagsalampak ko sa putik. Paharap ang bagsak ko, hindi ko na maidilat ang mata ko sa daming putik noon. Natatakot akong baka pumasok sa mata ko.  Nanatili lang ako nakaupo roon habang inaalis ang putik sa mukha. Naalis na yung sombrerong soot ko kaya naman direkta ang sikat ng araw sa akin. Naramdaman ko na lang ang pagalalay ni Maximus sa akin upang maitayo ako. Tahimik na lang siya sa harap ko. Saka ko lang nagawang dumilat nang punasan niya ang mukha ko ng tuyong tela.  Wala siyang binitawang salita. Sa halip, hinatak niya ako paalis at sumama na ako. Tama na siguro ang ginawa kong pangungulit. Tuyot na tuyot na ang putik sa katawan hanggang paguwi namin sa bahay.  "Anong nangyari sa inyo, kuya? Naglaro ba kayo ng agawang bola sa putikan?" Bungad ni Andoy sa amin na abala sa pagaaral dito sa hardin. Binuksan ni Maximus ang gripo at tinutok ang hose sa akin.  "Hindi ka ba talaga marunong makinig sa akin?" Aniya. "A-ang lakas masyado!" Tumalikod ako sakanya, lalo pa niyang nilakasan ang tubig.  "Sali ako!" Ani Andoy. Binuksan din niya ang isang gripo at tinutok ang hose sa akin. Napaatras ako sa lakas ng tubig.  Pinagtutulungan talaga nila ako! Nagtawanan pa ang dalawa, inaasinta nila ang mukha ko. Nagtakip ako ng mukha tumakbo kay Maximus at kinuha ang hose sa kamay niya.  "Andoy siya naman!" Sabi ko sabay tutok no'n kay Maximus. Tuwang tuwa akong pinagmamasdan siya. Nilihis ko rin iyon para si Andoy naman ang basain.  "Hala ate! Naligo na ako!" Reklamo niya.  Puno ng saya ang puso ko. Ang makita lang siyang nakangiting ganito ay sapat na. This is the first time I saw him smile like that. Ngumingiti siya at tumatawa pero hindi ganito. Never! I want to cherish this moment forever.  Tumakbo siya papalapit sa akin, walang kahirap hirap niyang naagaw ang hose, niyakap ako at binasa. Wala na ang putik sa katawan namin, mantsa na lang sa damit ang meron. Tumingkayad ako at yumakap din sakanya.  "Mom!" He exclaimed.  Napabalikwas ako ng kapit sakanya at humarap sa tinitignan niya. It was his mom and his brother Matrix! I am surprised! This is her mom's property but what is she doing here? Pati si Maximus, halatang hindi inaasahan ang pagdating ng mama niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat at hiya. Unang beses ko pa lang siya makita. May kung anong insekto ang nagwawala sa tiyan ko at hindi ako mapakali.  Humingang malalim ang mama niya sabay baling sa akin. Nakatayo lamang siya roon, pero napakabigat ng presensiya niya. She removed her cat eye sunglasses, even her stare almost made me faint! Walang emosyon ang kanyang mukha na mas nagpakaba sa akin. Ganon lang. Matapos niya akong tignan panandalian ay tumalikod na siya at umalis. Nakapamulsa naman si Matrix na ilang saglit ay sumunod din.  I looked at Maximus, I can't read him at all. Ako lang yata ang nakakaramdam nito? Of course, they know what each one of them are thinking! They're family!  "Magbihis ka na, Lite. Baka sumama pa pakiramdam mo." Sabi niya na hindi ako tinitignan.  "Max." Bakas sa tinig ko ang pangamba. Binalingan na akong tingin, naka ngiti. "Don't worry. She isn't mad." He assured me.  I sighed. Pumasok na ako sa back door kasama si Andoy at dumiretso na sa kwarto. Sinabi niyang hindi galit ang mama niya pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Nagpaikot-ikot akong lakad sa kwarto. Kanina pa sila sa baba, gusto kong malaman kung ano ba talaga ang pinaguusapan nila. Does she hate me? Ugh! Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko, nakita ko si Matrix na may kausap sa phone. I bit my lower lip. Hindi pa naman ako nagugutom kahit wala pa akong matinong nakakain mula kanina. Dahan-dahan pa akong bumaba, kung sakaling makita nila ako, idadahilan ko na lang ang gutom. "I'm so disappointed on you, Maximus. Alam mo namang ayaw kong ipagalaw ang bahay 'di ba? You know my reasons pero pinakealaman mo pa rin?" Galit ang tono ng mama ni Maximus. Malayo ang agwat ng salas sa hagdan ngunit dinig ko pa rin ang lakas ng boses niya. Lumakad pa ako pababa hanggang sa marating ang baba. Bahagyang humina ang usapan nila. Ipinilig ko ang ulo ko sa pader. "And that girl? Hindi sa ayaw ko sakanya o ano, pero alam naman natin kung ano ang totoo 'di ba? That girl loves you. Anak kita pero babae rin ako, Maximus. At kung hindi mo naman siya kayang mahalin, iwanan mo na." "Mom!" Unti-unting nadudurog ang kalooban ko sa narinig ko. Alam ko namang hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila. Saan nga ba ako mas nasasaktan? Wow. Even her mom see right through me. "What? You left because of Tori, right? Ngayon ba, hindi mo na ba siya mahal? 'Yang babaeng kasama mo na ba ang mahal mo?" Tanong niya.  Nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Ang pagkabasag ng puso ko lamang ang tanging naririnig ko. Dammit! Pinigilan ko ang sarili kong dungawin sila, tiyak mas lalo akong masasaktan. "You can't answer my simple question, anak. You can fool her, but not me. Wag mo naman siyang kawawain ng ganito." Tumakbo ako palabas ng bahay. Matrix was still standing outside, I look down and wiped away my tears so he wouldn't notice. Patakbo na ang lakad kong nilagpasan siya. "Hey!" He called me. I ignored him and walked even faster. "Are you my brother's girlfriend?" Napaigtad ako nang lingunin siya na nasa tabi ko.  I shifted my eyes and held back my tears. "Hey.." Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta gusto ko lang mapag-isa. Funny, how can I do that if this boy's keep following me?! Kulit! "Hahanapin ka ni kuya." He said. I sighed heavily, annoyed. Mas madaling isipin na kaparehas niya ng ugali si Quincy kumpara kay Maximus. "No. He won't." I said bitterly. He smirked. "Did something happen inside the house? Ano?" Napairap ako. Ang kulit! "Ano nga?" He asked. "Wala! Chismoso.." Asik ko. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Pansin talaga ang pinagkaiba nilang magkapatid. Maximus is calm and matured. But this Matrix... he's stubborn and nosy! Hindi ako tinatantanan hangga't hindi niya naririnig ang sagot. Ugh! Ang alam ko ay may isa pa silang kapatid. Si Maxell Rizaldo. Ano kayang ugali niya? I'm curious. "You're exactly kuya Maximus's type." Tumango-tango siya. "Talaga lang ha?" Mapaklang sabi ko. Tumawa na naman siya na akala mo'y bata. Obviously, he's not aware about his brother and Tori. I remember Shaun Rizaldo. Kung nandito siya, malamang tinatawanan ako no'n. That man is a Tori fanatic. "Sinabi ba ni Mama na ayaw niya sa'yo? Pihikan kasi 'yon pag dating kay kuya. Pero sa amin naman ni kuya Maxell, hindi." May kung ano ano pang binabanggit si Matrix sa tabi ko. Parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig yung sinabi ng Mama niya. It hurts so bad! And Maximus silence hurts me more. Buong akala ko maganda na ang patutunguhan namin. May dulo pala talaga ang langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD