I love you too How can I say no to Lori? She's my weakness, alright. Kahit na pumayag akong manatili rito sa bahay ni Maximus, mabigat pa rin ang loob ko. "Gaano ka katagal nag stay here, Mommy?" Nasa hapag kami nang magtanong si Lori. Tapos na akong kumain dahil wala na rin akong gana. Nagluto si Maximus ng adobong manok, masarap naman... pwede na. Noon pa man ay may talent na siya sa pagluluto kumpara sa akin. Si Maximus ang una kong binalingan na nasa tabi ni Lori, ngiting-ngiti na para bang praktisado na nila ito. Hindi ko siya mairapan dahil nasa harapan ko ang anak ko. Kinakabahan pa ako at medyo naiilang. We really do look like a real family. Napabuntong hininga ako sa naisip. Hindi kami pamilya. Hindi parte si Maximus ng aming pamilya! Tumikhim ako at binalingan na si Lori. "

