Children's party Now I know why he's always here. Wala na kasi siyang Tori at baka umaasa na magpagamit ulit ako tulad dati. "Hinahanap niyo po ba Ma'am si Sir?" Nagulat ako sa biglaang sulpot ni Liezel sa harapan ko. "H-hindi ah!" She chuckled, "Nagpakipot ka pa kasi Ma'am, eh. Ang gwapo gwapo pa naman ni Sir. 'Di ba siya 'yung bagong may-ari nung Rizaldo Empire? Nagtrabaho kasi ako dati sa isa sa mga restaurants nila. Pero ngayon ko lang siya natitigang matagal. Kung kasing ganda lang kita, Ma'am, kakagatin ko na agad 'yang si Sir sa leeg para 'di na makawala." Kumunot ang noo ko. Kaswal na ang pakikitungo ng mga katrabaho ko sa akin. Si Liezel ang pinaka nakagaanan kong loob. Bukod sa magka-edad kami, single mom din siya. Meron siyang tatlong anak. Hindi nga lang halata sa maliit

