CHAPTER 5:
It's Sunday, ang aga aga nagpuputak natong si Cereese nawawala daw earphones niya at eto siya ngayon sa kwarto ko hindi ako tinitigalan, magpapasama daw siya sa mall bumili.
"Justine naman alam mong importante sa akin yung pinapanood ko, di ko yun mafefeel pag wala earphones ko huhu" kadramahan niya.
"Ugok ka talaga sabi ng hindi pa bukas ang mall eh, 10 AM pa bukas nun 8 palang oh" turo ko sa wall clock ko.
"Pano na to?" dramatiko siyang nahiga sa kama ko "Jus huhu, hanap nalang tayo ng ibang bibilhan yung bukas na."
"Ayaw ko Eesi nakakapagod yun, mainit pa naman. Okay sana kung may sasakyan tayo" bumangon ako at kinuha ang earphones kong nasa drawer at tinapon sa tabi niya " yan gamitin mo muna".
"Noooo, gusto ko yung akin. Di talaga ako kakalma pag di moko sasamahan" she looks like a kid that's been throwing tantrums.
"ayaw ko nga mag hanap sa mga stores eh, mamaya nalang pag bukas ng mall" sabi ko, kinuha ko narin tuwalya ko. "hindi ka pa nga naliligo eh" may sinabi pa siya pero lumabas na ako ng kwarto at pumasok sa banyo para maligo.
Pag labas ko I saw Eesi siting at my bed, nakabihis na, nakahalukipkip at masama akong timigignan. Ano na namang ginawa ko? tanga tanga kasi eh pang ilang earphones niya na yan.
"ano!?" suplada kong tanong sa kanya, nakabihis narin ako kaso I have to blow dry my hair pa.
"10:01 na!" I just rolled my eyes and start applying lotion and perfume. I'm wearing a flowy beige colored dress. Eesi's wearing a fitted red top and shorts not her usual go to outfit, halatang nagmamadali eh.
e pplug ko sana ang blower ko kaso kinuha yun ni Eesi at kinaladkad ako pababa. Nagprotesta ako, she didn't even let me get my wallet and phone!
"Eesi suntukan nalang oh!" hatak hatak niya ako, bat ang lakas niya ngayon? Naka bonakid ata to siya nung bata.
"Nandiyan na ang grab, mahiya ka naman di ka vip!" kumuha siya ng grab?
when she opened the door nakita ko ang isang taxi na prenteng nakapark at naghihintay sa labas ng bahay. Kumuha pa talaga siya ng grab ha, she could just at least tell me para alam ko.
Ako ang una niyang pinasakay, sumunod naman siya.
"Sa mall po" sabi niya sa driver, ang bait ng pagkasabi ah? parang di nagwala kanina.
Hindi naman gaanong malayo ang mall sa bahay na tinitirhan namin kaso traffic na agad! Weekend na weekend tapos traffic?
nakanguso lang ako hanggang sa makarating kami sa mall. My hair is still wet tapos di ko pa nadala wallet!
"Ikaw magbabayad sa fair kasi wala akong dala!" sabi ko kay Eesi.
"Oo nga! heto na nga!" nakita kong tumingin ang driver saamin, pero umiwas din.
Nandito kami sa isang gadget store, tumitingin si Eesi sa mga laptop kaya nilapitan ko na siya.
"Huy earphones sadya mo dito ah" baka kasi nakalimutan niya, naglabas na naman ng bagong model ng laptop ang isang sales lady para matignan yun ni Eesi.
"Bibili nalang ako ng bagong laptop" mayaman sila Cereese, her dad passed away when she was little tapos may mga natanggap silang yaman galing dun. Her mom's at Hawaii at the moment.
"ano? diba may laptop ka pa naman?"
"Oo pero last last year payun Jus, gusto ko ng bago" she said, tumingin siya sa akin at sinigkitan ko siya ng mata.
"I want a new one too!" sabi ko sa kanya, medyo mahina kasi kumuha ng signal ang laptop na gamit ko eh.
"edi bumila ka! eto ouh kulay neon pink" I don't like neon pink, I don't hate it either,
"you know it's your fault na wala akong dala ngayon besides sa sarili ko"
"yeah I know"
Nakabili na siya ng bagong laptop at bagong earphones, dalawa ang binili niyang earphones at isang headset.
"Tara kain tayo sa Mcdo" sabi niya, sumunod lang ako.
"Jus about kay Jette" naka order na kami and while we're at the middle of eating bigla niyang inungkat si Jette.
"What about him?"
"I'm not sure about him pa but I just want you to know" na ano? "I like him, pero he's not that into me" Eesi looks sad. I don't know anything about Jette, di ko siya naging block mate or anything.
"It's only been a couple of weeks Eesi, baka he's still on the getting to know you more stage" I said cheering her up.
"baka nga, or baka di niya lang ako type. He never even told me he like me, nagkikita lang kami ganun. Nakikipagkita lang din siguro siya as a respect"
"what do you mean as a respect? He have feelings for you, I'm just not certain how deep it is." palagi silang nagkikita I know that. "give him time, like I said, it's only been a couple of weeks. Malay mo di mo din pala siya ganun ka gusto" she just shrugged her shoulders.
lumabas na kami sa Mcdo and bigla kong naalala na kailangan ko pala ng highlighter, sana pala bumili nalang ako nung huwebes.
"Eesi pahiram muna ng pera, may bibilhin akong art materials tara" I intertwined our fingers, ganun kami maglakad kahit nung una pa.
Actually nung 9th grade namin sa high school we were so different with each other. She's the girly type, she wears dresses, off-shoulder tops, floral skirts and more. While me? I wear pants, jogger, oversized shirts, sumusuot din ako ng mga clothes that would hug my body pero paminsan minsan lang. Napagkakamalan tuloy kaming magjowa lol.
Nang makapasok kami sa store dito sa small for arts and crafts, kumuha na ako ng mga kinakailangan ko and yung hindi ko din kailangan haha, wala lang ang cute kasi, magagamit ko naman siguro yun someday. I look at Eesi and saw her at the notebook area kaya pinagpatuloy ko lang din ang pamimili ko.
Pumila na ako para mabayaran ko na ang mga kinuha kong art supplies. Wala namang masyadong tao kaya mabilis lang akong nakatungo sa cashier, wala ding nakasunod sa akin para mag bayad.
"593 po lahat" sabi nung cashier, I forgot na wala pala akong perang dala.
"ahh wait lang ha?" the cashier just nodded. Nilingon ko naman si Eesi kung saan ko siya huling nakita and wala siya don! I'm getting nervous baka lumabas siya ng store saglit, wala pa naman akong dalang phone!
"hi, it's on me" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses, no it can't be! I looked at him at nakita kung nag abot siya ng credit card.
napa face palm nalang ako, kakalbuhin ko talaga si Cereese pag nagkita kami. Ano kayang masasabi ni Aden? bibili ako ng gamit tapos wala akong perang pang bayad? nakakahiya naman yun.
I just bit my nails waiting for the packer to finish packing my stuff, isinauli narin ng cashier ang credit card ni Aden. I know he's looking at me pero I'm too embarrassed to even look at him!
"eto na po miss" tinignan ko ang lalaking nag papack at nilapitan eto para kunin ang plastic bag. Nang iabot niya sakin I almost drop it to the ground. I didn't expect it would be that heavy, may binili din pala akong mga paint.
"ay miss okay kalang?" tinulungan akong hawakan nung lalaki ang plastic bag and since nakahawak din ako dito, nahawakan niya din kamay ko.
"let me" di ko namalayang nakalapit na pala si Aden sa gawi namin, agad niyang tinabig at pinaalis ang kamay ng lalaki sa kamay ko. Ang harsh naman ata nung pagtabig niya.
"salamat, di ko alam na mabigat pala" di ko parin siya tinitignan, nahihiya parin ako, siya pa talaga nagbayad siya din ang nagdala huhu.
"kumakain ka ba? you look so skinny and pale" sabi ni Aden, doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob para tignan siya, he looked so pissed. Am I getting into his nerves? di ko naman sinabing bayaran niya ha!
"Ako na ang magdadala" mahinahon kung sabi, kukunin ko sana ang plastic bag kaso iniwas niya iyon sa kamay ko at tinignan niya lang akong masama. Nauna siyang naglakad palabas at sumunod ako sa kanya, nakakatakot naman tung si Aden babayaran ko naman siya eh.
"I'll pay you back" humabol ako sa kanya, hindi siya nagsalita "ano bang gcash account mo para ma transfer ko mamaya pagkauwi" now he's walking faster kaya nag jog nalang ako, his legs are long lugi ako. " may gcash ka ba?" para na akong sira dito kakatanong, wala namang sumasagot.
May taong nakatingin na din sa amin, kinikilig pa yung iba. Nang hindi na ako makatiis ay hinawakan ko ang wrist niya and with just that tumigil siya, he looked at me, he don't looked pissed na.
"ano? may gcash ka ba o wala?" ulit ko.
"wala" he plainly answered, suplado!
"I'll pay cash nalang wala ng G haha" he looked so confused, g@go ang corny ko, ayaw ko na sa earth! Eto na ba yung nababasa ko sa mga libro na sana kainin nalang ako ng lupa? ╥﹏╥
"I told you that's on me, you don't have to pay it back"
"ayaw ko! gusto kong magbayad or at least make it up for you" angal ko sa suhestiyon niya.
"then take care of yourself more, you can't even carry this" sabi niya while raising the plastic bag.
"my arms are just weak pero I'm healthy okay?!" healthy naman talaga ako! or maybe, basta!
"and can you take actions if may humahawak sayo? you're just letting boys touch you like that" he looks calm but his voice sounds otherwise. Did he mean yung paghawak nung packer sa kamay ko kanina?
"he was just helping! and kamay lang naman yun, you sound like he's touching me inappropriately"
he sighed and started walking again. Nakita ko naman si Eesi na papalapit at tumatakbo patungo sa direksiyon namin, may dalang ice cream!
Agad din akong tumakbo sa kanya, Cereese! ikaw talaga may kasalanan nito. When she saw me running towards her, huminto siya and welcomed me with open arms like she's waiting for a hug. Nope Eesi itutulak kita sa escalator.
I grab a handful of her hair and pulled it lightly, baka masaktan tung babae nato. She just laughed at nilingon ang lalaking nakasunod sa akin, nasa tabi ko na si Aden ngayon, looking bored, mukhang walang pake at nakapamulsa ang isang kamay.
I look at Eesi and saw her lips form an O. She's teasing me again.
"I think I should go, okay naman siguro ang lagay mo. Cge bye darling, see yah at home" Tumakbo siya palayo!
After what we've talked about Aden hindi niya talaga ako tutulungan para maiwasan ko siya? Ang bait niya atang kaibigan, wala ng mas hihigit pa sa kaniya.
Gusto ko din sanang tumakbo at sundan si Eesi but naalala ko na nasa kay Aden pala gamit ko. Hindi ba pwedeng magtakbuhan nalang kami?
"kumain kana?" tanong ni Aden, nakatingin parin ako kung saan tumakbo si Eesi, what if tumakbo nalang din ako kanina? "hey are you listening?"
"ha? yes! I mean Oo kumain na ako" both of us went silent for a while, nakatayo parin kami dito sa gitna ng daanan, preoccupied ang mga tao kaya wala lang kami sa kanila.
"you won't ask me if I've eaten?" ahh kailangan bayun?
"ayy ikaw ba kumain ka n-
"hindi pa" he didn't let me finished. Ang weird naman bat kailangan pa ganito usapan?
"kain ka na" sinabi ko nalang, hindi ako sanay sa mga ganito! magsusugest ba ako ng makakainan niya?
"samahan mo ko" naglakad na naman siyang hindi ako hinihintay, palagi nalang niya akong iniiwan! Sasamahan ko na nga lang, ayaw niyang magpabayad eh.
"what do you want?" nasa isang kainan kami dito sa mall, bagong bukas ata.
"kumain na ako, ikaw nalang" sabi ko, kakakain ko lang sa Mcdo, ano kakain na naman ako?
"at least order something" patuloy parin siya sa pagpili ng kakainin niya sa menu.
"t-tubig nalang" he lift his head and look at me. "Joke juice nalang"
"ma'am libre lang po ang juice namin" sabi nung waitress.
"pick something else Justine" si Aden
"spaghetti nalang tapos isang bottled water" yun yung pinkamura sa menu, affordable naman lahat but I already owe him 500 plus.
"you sure about that?" he asked, tumango lamang ako.
Sinabi niya na kay ate waitress ang order namin, while waiting nagpa linga linga ako hoping to find a wall clock, I'm not wearing any accessories with me including my wrist watch kaya I'm not aware of the time.
"you okay?" napansin siguro ni Aden na may hinahanap ako. "the restroom's that way"
"ahh no haha, I was just looking for a wall clock, what time is it?" he looked at his wrist watch
"1:00 PM sharp" tumango lang ako
"may lakad ka ba?"
"wala naman, I was just wondering what time is it already. As you noticed I came empty handed yung kaibigan ko kasi, and she just ditched me off like this!" dahan-dahan ko siyang tinignan and saw him leaning at his chair just listening to me ranting.
We started eating, panay siya ng tingin sa akin. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa kanya!
"may gusto ka bang sabihin panay tingin ka eh" sinabi ko talaga sa kanya yun, naiilang ako sa mga titig niya.
"wala naman, don't you like what you order?"
"ahh hindi kasi ako gutom kaya konti lang kinain ko" he looked at my plate kaya tumingin din ako doon. Nag-init ang tenga ko nang makita ang plato ko na wala ng laman, naubos ko na pala. Gusto ko nalang maiyak sa kahihiyan ( ˃̣̣̣̣o˂̣̣̣̣ ) pag si Aden kasama ko nawawala poise ko eh.
tumikim at sumimsim siya sa iced tea niya, uminom din ako ng tubig. Without looking at me he gave me a tissue.
"aanhin?" ang bobo mo naman Justine! malamang ipapahid! He also gave me his phone and gestured na tignan ko ang sarili ko dun.
Nanlaki ang mata ko na makitang my spaghetti sauce pala ako sa ilong! kinuha ko agad ang tissue at pinunasan iyon, sana di nalang ako kumain talaga.
"If you're done and have nothing to do ihahatid na kita"
I just gave up, ayaw ko ng umangal wala din naman akong pera pang taxi di naman din kaya ng pride ko na manghiram ng pera sa kanya hayyss.
May gusto akong sabihin sa kanya, feel ko kang na dapat talaga niyang malaman ang mga dinadamdam ko eh.