Chapter 6

2340 Words
CHAPTER 6:   "Aden" tawag ko sa kanya, agad din naman siyang lumingon. Nagdadalawang isip parin ako kung sasabihin ko ba o hindi pero nandito din kang naman ako kaya   "napapadalas na talaga ang pagsasama natin eh no?" panimula ko, now I got all of his attention. "Baka may biglang manghihila sa buhok ko at sabihing third party ako" I laughed para hindi masyadong nakaka intimidate ang atmosphere naming dalawa.   Matagal nadin akong nababahala eh, may girlfriend si Aden, baka mag selos yun.   "what do you mean?" nakakunot ang noo niya, seryosong seryoso.   "ayaw kung magselos yung girlfriend mo na si Avery? Avery right? I know na you're just being kind but I don't want her getting the wrong idea, gets mo?" gets niya siguro yan, matalino naman datingan niya eh.   " HAHAHA, it's okay I'm sure she wouldn't mind, let's go sa parking lot" so hindi selosa si Avery? yun siguro ang tipo niya. Hindi naman din ako selosa, I know when to step in if ever na may kababalaghang ginagawa ang jowa ko, which I don't have lol.   Nakasunod lang ako sa kanya but I can't help but think na may jowa na siya and I shouldn't be around him, respeto ko nalang yun sa kanilang dalawa. I wonder how many girls in his campus liked him and felt broken when they found out na may girlfriend na siya.   "Eesi!" tumakbo ako patungong kwarto para ilagay ang mga gamit na pinamili ko, or pinamili ni Aden? ah basta yun na yun.   "Eesiiiii!" kumatok ako sa kwarto niya, binuksan niya ang pintuan nilulugod pa ang mata. Natulog siguro siya.   "Ano? bakit?" pumasok ako sa kwarto niya, halos orange ang mga gamit niya, well that's her favorite color.   "I told Aden about what I thought about us being together constantly now"   "Omg! tinanong mo ba kung may jowa ba talaga o wala?"   "yun nga eh, sinabi ko na dapat di kami nagkikita baka magselos si Avery"   "theeenn???"   "sabi niya na hindi daw yun magseselos tapos okay lang daw yun sa kanya!" nagpuppy eyes ako sa kanya, bakas naman sa mukha niya ang pandidiri. "ano sa tingin mo ang ibig niyang sabihin dun?"   "hindi naman siya nag deny na wala siyang jowa" umayos siya ng pagkaupo kaya umayos din ako, mukha kasi siyang seryoso na eh "sa akin lang to ha, feeling ko na may jowa talaga siya tapos mabait" yun din naman iniisip ko.   "Pero dapat umiwas ka talaga sa kanya, you never heard from Avery about this. Mabait siguro yun, pero alam mo na napupuno din ang tao" I just sighed, nagiguilty ako. "Hey don't worry, I'm here." umakbay siya saakin "tutulungan kita" kumunot ang noo ko at binatukan siya.   "wow ha, coming from you? iniwan mo kaya ako kanina, you could've just told him na uuwi na tayo instead of just running away from me!" akala mo nakalimutan ko na ha? dahil sa lintik na earphones na yan ang dami kung napagdaanan ngayong araw!   Kinuha ko ang stuffed toy niya at hinampas hampas sa kanya, kinuha din niya ang unan niya at ginawang shield iyun.   "Hi girrllsss" excited na bati ni Xami saamin ni Eesi.   Nandito na pala siya sa school? ang aga naman ata.   "naks naman, most punctual nato Jus oh" tumawa kaming tatlo,   "hindi no, I just arrived and was about to go to the restroom and saw you two" ang hinhin talaga niya.   "I like your hair Xami" sabi ko habang sinisuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. Her brown curly hair is really outstanding, Eesi also have a brown hair pero I could say na dark brown yung sakanya.   "I love Eesi's skin tone though" sabi ni Xami, I look at Eesi and she smiled brightly at her.   I smiled too, I remember those times when she cried in front of me, saying things like 'I wish I am fair' . She hated her skin, may nag bubully din sa kanya dati, I keep on telling her that she's everything she needed to be.    I'm happy because finally, she get to embraced and be proud of her morena skin. She's so beautiful in my eyes, I wish she knew.   "masakit ba ang mag pa brace?" tanong ni Xami, madaldal pala to HAHAHA.    " masakit siya Oo pero bearable naman" casual na sagot ni Eesi.   "how did you keep your hair that straight Jus?" tinanong ako ni Xami.   "I don't really take care of it haha, it's just like that pero paminsan minsan pag di ako tinatamad nilalagyan ko ng essence oil" I have a long black hair, not that black tho.   "I really wanted to say this" tumingin kaming dalawa ni Eesi kay Xami. "I was intimidated by Justine at my first day, I slightly panicked when I found out that I'm sitting next to you" I get that a lot, since elementary palang ata, tinatawag akong maldita kahit wala naman akong ginagawa.   "She gets that a lot" si Eesi nalang ang sumagot. Eesi also told me that she doesn't want to be friends with me because I looked scary.    "I think it's because of your eyes, you have perfectly fine brows, long lashes and a pair of black eyes" lumapit pa siya sa akin while carefully describing my features. "It's so intimidating HHAHAH" I smiled at her.   We are just basically praising one another, Eesi have small eyes kaya nagbiro siya na sana lumaki ng konti para makita niya daw ang saysay ng sinasabi ng isang ka group namin kanina.   Nag groupings kasi kami tapos may binigay samin na topic ang prof , eh yung isang ka group namin nag suggest ng pwede daw naming maging title eh wala talagang connection sa topic namin kaya ayun hanggang ngayon na frufrustate parin si Eesi, siya kasi naatasang maging leader, ayaw daw niyang maka offend ng tao.   "Justine" sabay kaming tatlong lumingon sa taong tumawag sa akin. Si kuya June pala to eh, vice president namin sa room.   "Kuya bakit po?" tanong ko   "bat ka po hinihingal?" singit na tanong ni Xami.   "Okay lang ako, Jus okay lang ba na ikaw oh kaya kahit sino nalang sa inyo ang mag rerepresent sa department natin?" habol parin niya ang kanyang hininga kaya inabutan ko siya ng tubig at tinanggap niya naman yun.   "So as I was saying, kailangan natin ng candidate, may nagsabi kasi na marami daw makukuhang candidate sa class natin kaya napag desisyunan ng isa sa mga prof na yun nga" nagkatinginan kaming tatlo, di ko ata kaya pag maraming audience.   "Kuya di ako pwede eh, baka si Eesi at si Xami pwede" pagtanggi ko sa offer ni kuya June.   "Bat ka ba namamasa ha? ikaw kaya unang tinanong ni kuya, pagdepensa naman ni Eesi.   "ayaw ko kuya, di ko kaya yun, di ako sanay sa ganyang bagay" sabi ko ulit.   "parang awa niyo na" kitang kita namin na na sstress nadin si kuya "kailangan ko na ng ipasa ang list ng candidates tapos sa section nalang natin ang kulang" pag mamakaawa niya sa amin.   "Xami ikaw ba?" tanong ni Eesi,   "Oo nga si Xami nakang kuya" sabi ko rin, sorry Xami ikaw muna ang bait namin ngayon.   "Nononono" umiiling pa siya "I don't have any experience about those kinds of stuff po"   "At dahil dito mag kakaexperience kana" sabi pa ni kuya at inilista ang pangalan ni Xami, natulala nalang si Xami nang makaalis na si kuya.   "Ahh huy" winawagayway ni Eesi and kamay niya sa mukha ni Xami, I felt bad for her. Sabihin ko kaya kay kuya nag volunteer si Eesi? "Xamiii"    "Anong gagawin ko?" kinakabahang tanong ni Xami.   "ahh rarampa malamang" sarkastikong sagot ni Eesi, siniko ko naman siya.   "hey don't worry, nandito naman kami. Gagawan nalang natin yan ng paraan, I have a friend who knows about sa mga rampahan, I can ask him for help." Xami looked at me na tila bang may nakikita siyang pag-asa.   "really? akala ko mapapahiya na ako"   "we will never let that happen! you got us and you got this okay?" pag eencouraged ni Eesi.   I can tell that Xami wanted this, hindi siya nagalit or what, kinakabahan lang talaga siya that's all.   Everyone was busy the whole week, pero hindi naman yun nakakaapekto sa mga sessions kasi ang mga students na tutulong para sa competitions ay sinisiguradong walang klase na.    Tumutulong kami during noon time kasi morning session klase namin and we're free at those hours, noon session classes are assigned during night time to help and so on.   "Kala ko ba sa college wala ng mga ganituhan?" panay reklamo si Eesi, pinahakot kasi kami ng mga chairs eh malayo pa naman ang gymnasium.   "Meron pa no, pero not that frequent nga lang and not that splendid like high school" sagot ni Xami.   "Hindi splendid e bat may ganito pa?"   "amm para may maupuan ang mga nasa ground floor?"   Nakikinig lamang ako sa mga rants ni Eesi, si Xami naman panay sagot din sa mga nonsense ni Eesi.   "Huy Justine okay ka pa ba diyan?" tanong ni Cereese sa akin.   "no" sagot ko, iwan ko ba talaga bat ang weak ng arms ko. Tuwing pinapahakot kami ng kung ano ano sa high school Eesi would always help me, may nag ccount kasi kung ilang beses ka nakahakot. Si Eesi sasalo sa iba kung hakutan.   "akin na yang isa" huminto muna kami.   "wag na ang unfair naman ata nun" pantay lang kami, tag dadalawang chairs lang, kung ibibigay ko pa sakanya ang isa eh mabibigatan siya lalo. "Kaya ko naman, tara na gusto ko ng umuwi" sinabi ko sa kanya but kinuha niya parin ang isang plastic chair.   "Ang close niyo siguro no?" nilingon ko si Xami nang magsalita siya, I can see the sadness from her eyes. Napansin din siguro yun ni Eesi pero dedma lang siya.   "Ahh Oo since 6th grade pa kami mag best friend" sabi ko.   "ikaw ba Xam? may mga close friends ka din ba" sinamaan ko agad ng tingin si Eesi, kita mong malungkot ang tao tatanungin mo pa ng ganyan. Malamang may friendship issues siguro.   "No, they were amm, ano kasi-   "it's okay Xami" pagputol ko sa kanya "you don't have to tell us if hindi ka komportable" I smiled at her.   "bilisan na natin? Xami dun tayo sa may lechonan ng manok kakain. Okay lang ba?" pagbawi ni Eesi.   "yeah sure" sabi naman ni Xami, nakangiti na. Ewan ko if she's faking her expression, it seems natural to me, ang weird lang, she just shifted her emotions with a snap.   "di ka ba papagalitan?" kumakain na kami sa sinabing lugar ni Eesi, pano niya nalamang may lugar na ganito dito?   "hindi naman, magpapasundo lang ako dito pag katapos"    Mausok sa part na inuupuan namin, wala na kasing ibang bakante at mainit din.   Days went by papalapit na ang competition, naging busy din ang ibang prof namin. Medyo matagal tagal nadin yung huling kita namin ni Aden which is great, but thinking na may tsansa pa kaming magkita dahil hanggang ngayon nasa kanya parin jacket ko scares me, sineryoso kaya niya ang sinabi ko na pwedeng last year na niya isauli?   Nagkita naman kami nung sa mall ha, baka di niya nadala. Pero kung sa susunod na taon pa niya isasauli okay lang din, maybe by that time hiwalay na sila charr. Ano bang pinag iisip mo Justine?!   "Okay now slowly turn around, yeah like that slowly" nandito kami ngayon sa bahay nila Xami. I was shocked about how huge their house is.   I asked Mika to come over para nang makapag practice si Xami ng catwalk. Mika might be a photographer but he have competed to pageants before.   "Don't smile sweetie, hindi to pageantry runway lang" sinunod naman ni Xami ang mga sinasabi ni Mika sa kanya. Ang ganda ni Xami, lalo siyang tumangkad, well malamang nakaheels eh. "Mas magfofocus ang judge siya susuotin mo" dagdag niya.   Nag break muna kami at kinain ang hinanda ng yaya nila Xami.   "Ang yaman mo pala Xami no" sabi ni Eesi.   "Haha, hindi ako, yung parents ko lang" nakikita ko rin kay Xami na hindi siya nagwawaldas lang basta basta ng pera sa mga mamahaling bagay. Ang simply lang din niyang pumorma, yung purmahan ko lang dati ng high school. T shirt tapos jeans, hindi ko pa siya nakitang nka dress or skirt man lang.   "only child ka ba?" tanong ko naman.   "nope, may ate ako but nasa abroad siya nagtratrabaho". Nagsalin siya ng juice sa baso " kayo ba? may mga kapatid ba kayo?"   "Si Justine wala, ako may dalawang nakababantang kapatid" si Eesi na ang sumagot   "Oh last round na tayo, sige go rampa!" Hindi ko maiwasang humanga sa kanya, ang ganda niya pag nakabun ang buhok, not that she looks ugly pag nakalugay lang pero mas na eemphasized kasi ang mukha niya lalo, kulot kasi talaga siya eh.   After nung practice ay hinatid na kami ni Mika sa bahay namin, nagdala kasi siya ng sasakyan.   "Kalerke naman kayo, you did not informed me before hand" biglaan kasi namin siyang tinawagan para magpaturo eh, buti nalang pumayag.    "Haha sorry Miks ha for the short notice" I apologized.   "no worries JJ, I miss Aden too huhu, I remembered him kasi. He's the only one who call me Miks." shoot, Oo nga pala. "Busy sa school works eh, ganyan talaga ang life" busy din naman kami ha?   "I thought ba sumasali kayo sa mga pageants noon? o kaya sa mga runway type lang sa school ganun. Kayo nalang sana nag turo"    "nako Mika, run away lang ata nalalaman nitong si Eesi eh HAHAHAHAH" tumawa kami except Cereese.   "Oo nga Mika, si Justine nga walk out lang hindi catwalk" paghihiganti niya, tumawa din si Mika dun. Sinamaan ko siya ng tingin, ganun din siya sa akin.   "HAHA ewan ko sa inyo, nga pala, may shoot akong gagawin nag sponsor ang BSCO kayo kukunin kong dalawa ha? see yah"   "Byeeee" sabay kaming nagpaalam kay Mika.   "Ohoho Miks pala ha" inirapan ko nalang si Eesi at nauuna ng pumasok sa loob.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD