CHAPTER 7:
"Girls" tawag samin ni Xami, ngayon na ang competition and she's shaking really bad
"Wag kang mangamba, Xami you're the most beautiful girl in here, just be you okay?" I said, sa totoo lang din hindi sa nanglalait ako pero mukhang ganun na nga. Xami is the only pretty girl here, siguro yung iba ang gaganda ng katawan pero yung mukha ayaw ko nalang talagang magsalita, nadadagdagan lalo ang kasalanan ko eh.
"Oo nga Xami! ikaw lang maganda dito!" tinakpan ko naman ang bibig ni Eesi baka kasi may makarinig at makahanap pa ng away.
"Wag ka ngang bitter Cereese!"
"hindi ako bitter no?! che" tinalikuran niya ako at humarap siya kay Xami.
Di daw bitter, balita sa buong campus na may girlfriend daw si Jette na senior at nandito yung jowa niya ngayon, representative sa department nila.
I know that's one of the reason bakit siya nag volunteer para mag alalay kay Xami dito sa backstage para din siguro malait niya ng husto sa utak niya yung gf nung crush niya. Isa lang din per contestant ang mag aassist at bababa din ako maya-maya.
Nang malapit ng mag umpisa ay bumaba na ako at naupo na sa bench. I told Chester to save a seat for me and I was surprised when I saw Callus. Nag aacept kasi ang school ng guests, binibigyan lang sila ng name tag na may nakalagay na guest sa ibaba.
"Hi Jus, we meet again"
"hi Callus" umupo na ako sa tabi niya at dinungaw ko naman si Chester "Hi Ches" bati ko sa kanya, busy siya sa pagkuha ng pictures.
"Hi Jus, I invited him over" turo niya kay Cal.
Nag simula na ang pagpapakilala sa mga judges at lumaki ang mga mata ko ng tinawag ng mc si Mika! Omg he's one of the judges?
Somehow I felt scared kasi siya ang nagturo kay Xami eh, I know that the competition will be fair and square but I don't think everybody would think that way if they find out na close si Xami sa isa sa mga judges. Baka isipin din nila na may dayaan na nangyayari if ever manalo man si Xami.
Nawala ang mga iniisip ko nang magsilabasan ang mga contestants, Xami's number is 7. Ang first category is creative school uniform made from our school uniform mismo.
"From BSBA department Xanthe Michelle Samson!" ang daming tao ang naghiyawan, tumayo ang nasa harapan namin waving their banners kaya tumayo nadin kaming tatlo.
"Go Xamiiii whooooo" I shouted, ganda ganda ng kaibigan ko! "friend ko yan! ang ganda no?" kinalabit ko si Cal para sabihin yun sa kanya. Proud friend here!
Sigaw lang ako ng sigaw everytime lalabas si Xami sa every category. May 4 categories at feeling ko mapapaos ako bukas pero okay lang yun.
Nag announced na ang mc ng limang contestants na pasok sa top 5 at sila na ang pagpipilian kung sino ang winner, 1st, 2nd and so on. And of course, I'm stating the obvious here, Xami is still up for the running winner.
"For our second runner up" all smiles ang mc ha, nakakatawa lol "Is from the Architecture Department" nagpalak pakan ang mga tao, I also applauded, she actually did great earlier.
Medyo walang thrill naman to, halatang halata na kung sinong mananalo e.
"And now I'll be announcing the most beautiful girl tonight and our grand winner" I can hear the crowds shouting Xami's name. "And the winner is, Miss BSBA! Congratulations"
Even though expected na na mananalo siya It still give me goosebumps, I jump and shouted. Nakisabay din ako sa chant ng ibang students.
"Bro una na ako ha? may gagawin pa ako" nilingon ko si Callus "thanks for inviting me" bumaling naman siya saakin "ingat ka Jus" ginulo niya ang buhok ko at tuluyan na ngang umalis.
Nandito parin ako sa bench hinihintay kung kailan wala na masyadong tao sa stage. Ang dami naman kasing nagpapicture kay Xami eh. Nung wala na masyadong tao ay hinila ko si Chester pababa sa bleachers at patungong stage.
"Justine dahan dahan naman" reklamo ni Chester pero nakangiti parin siya.
"ay sorry, excited lang"
Pag akyat ko sa stage ay nandun na si Eesi katabi si Xami kaya tinakbo ko nalang ang distansiya namin.
"Ches ayusin mo ha?" sabi ni Eesi.
"Sure ako pa" pumwesto na ako sa tabi ni Xami, pinagitnaan namin siya ni Eesi at kinuhanan kami ng picture ni Ches. Marami yun kasi ayaw paawat ni Eesi haha.
"ay dala ko pala ang instax ko" kinuha niya ang bag niya na daladala ni Eesi kanina. "can you take a photo of us again?" saad ni Xami kay Chester.
"Ahh s-sure, akin na" pumwesto ulit kami at nag pose.
Gabi na 10:00 PM na ata, hinintay lang namin si Xami matapos kasi nagbihis pa siya, wala na masyadong tao dito sa school, malayo layo pa naman din ang main gate.
"Finished" Xami said nang makalabas siya sa dressing room.
Pauwi na kami, nakaabot na kami sa oval pero may humarang sa amin na mga grupo ng babae. It's Kayla and 4 others, siya yung girlfriend kuno ni Jette. Tinignan ko naman si Eesi at ang laki ng ngisi niya, katakot.
"I heard na binayaran niyo yung beking judge kanina" is she talking about Mika?
"ikaw ba? binayaran mo ba ng maayos yung makeup artist mo? nagmukha kang bakla" sabi ni Eesi, I just smirked, mukhang magandang labanan to ah.
Magsasalita sana si Xami but I stopped her and whispered "don't worry chill ka lang diyan"
"Oh really?" sabi nung girl number 1, I don't know them and I don't need nor want to.
"Yeah really, di mo rin madeny no?" nakisali nadin ako, hinawakan ni Xami ang braso ko. Kawawa naman tung si Xanthe, di ata sanay sa ganito eh.
"tss, dinaya niyo ang contest!" sabi ni Kayla.
"are you even looking at yourself? di na kailangan dayain pasok talaga si Xami no! baka siguro kung ikaw ang mangdadaya matatanggap ko pa" hinayaan ko si Eesi, moment niya to.
"bat ka ba sabat ng sabat? ikaw ba kinakausap ko?"
"bat mo ba pinipilit na may dayaan? di naba madadala ng boobs mo yung runway?" HAHAHAHHA tumawa ako, malaki nga naman tung hinaharap ni Kayla.
"how dare you!" sinugod niya si Eesi, naka ponytail ang buhok ni Eesi at nakalugay naman yung kang kayla, lugi si kayla.
Humigpit ang hawak ni Xami sa braso I gave her a comforting smile, susugod din sana yung isa sa mga alalay ni kayla kay Eesi at kaso naunahan kung hablutin ang wrist niya.
"Alam mo ikaw ang hilig mong makialam no?" she grab my hair at napaimpit naman ako sa sakit so I kicked her legs enough para mapabitaw siya. I pinned her to the ground.
"Noooo" I heard Xami screamed and right before I get a chance na lingunin siya may bumagsak na akap ang pack bag ko. Mabigat pa naman yun dahil nandun ang libro naming dalawa ni Eesi.
"Omaygad I'm sorry I didn't mean to, patayuin mo siya" said Xami at inalalayan ang babaeng nakasalampak sa semento, yun din ginawa ng isa pang kaibigan ni kayla.
"Bitiwan mo ako plssss" nilingon ko naman ang gawi ni Eesi at nang laki ang mata ko na hawak hawak na niya ang buhok ni Kayla habang tinutulak niya eto gamit ang isa niyang paa!
I got up at inawat na si Eesi, baka mabalian si Kayla sa ginagawa niya eh.
"Anong kaguluhan toooo? OMGiiiiiii" agad naman kaming umayos ng tayo, nandito ang President sa student council namin si Ate Angelie.
"Kayla!? ano to?!"
"Angel hindi kami ang nagsimula, siya ouh" tinuro pa niya si Eesi, ate Angelie's shift to Eesi.
"Do you think I can do that?" mataray niyang sagot "at ikaw" tinuro niya si Kayla " wag mo kong susubukan, you don't know who you're missing with, don't forget you're a senior baka dika na makagraduate" pagbabanta ni Eesi.
"Hey don't talk to your senior like that miss" awat ni ate Angelie
"then tell her to earn the respect! and start acting like a senior" natahimik ang lahat including ate Angelie.
" Uuwi na po kami sorry po ako pong may kasalan-
"Xami sila ang nauna! we won't go down at their level, it's not your fault. Di lang talaga sila makatanggap ng pagkatalo" I said.
"anong sinabi m-
"Kayla enough! this isn't good for you, you're graduating" sabi ni ate Angelie
"Tara na nga! huy akin na yang bag" agad din namang binigay nung babae ang bag ko kay Eesi, siya kasi ang nagdala.
Naglakad na kami papuntang main gate, Xami offer us a ride and keeps on apologizing. Nang makarating kami sa bahay we offer Xami a coffee giniginaw kasi siya eh and she said yes. Inaya din namin si manong driver nila kaso ayaw daw niya.
"I'm so sorry, napahamak at napaaway pa talaga kayo dahil sa akin" mangiyak ngiyak na sabi ni Xami sa min nakaupo kami dito sa sala.
"HAHHA are you kidding, I have fun! suit her well" sabi ni Eesi, she must be so happy na nakaawat niya jowa ni Jette, honestly she's too old for him. Age doesn't matter pero nag iinit din ang dugo ko sa kanya so hindi sila bagay.
"We're used with that Xami don't worry, ikaw ang iniisip ko eh, are you okay? we were worried" sabi ko na sinang ayunan naman kaagad ni Eesi. Umiyak si Xami at nagpanick kaming dalawa, kumuha ako ng tubig, kumuha din si Eesi ng panyo at sabay na ibinigay yun sa kanya.
Nag angat naman siya ng tingin at biglang ngumiti.
"haha I was just thankful, thank you for defending me" I hugged her, Eesi hugged the both of us too.
"you got us Xami, no matter what" Eesi said.
hinatid na namin si Xami sa may gate, at nagpaalam nadin kalaunan, both Eesi and I went to bed narin after doing the things we usually do before going to bed.
Kinabukasan may tumawag sa phone ko, I looked at who the caller is and saw Mika's name.
"Hi Mika, Good morning" bungad ko
"Hi JJ, free kayo mamaya? yung sinasabi ko sa inyong shoot? mamaya sana yun" yun sigurong nag sponsor daw ang BSCO clothing line? I think weeks narin before niya yun sinabi. Akala ko nga di na matutuloy.
"Ahh Oo free kami the whole day ngayon" it's Saturday, "titignan ko if free din si Eesi"
"okay great, update me okay? sa bahay lang ang venue babusshh"
"okay Miks, Mika rather ha ha" I end the call, I should really be more careful about calling her.
"Eesi?" kumatok ako sa pintuan niya "Eesi?" I try opening her door to see if nag lock siya, naopen yun kaya "papasok ako ha" when I got in nilibot ng mata ko ang kwarto niya only to find out na wala pala siya dito.
I checked the bathrooms, the kitchen, the living room, I also checked the room na ginawa naming guest room. No sign of her so I decided to call her, lumabas ba siya? o maypinuntahan? bat di siya nagpaalam.
When she answered the call I immediately asked her kung saan siya.
"I'm at this coffee shop that's not that far sa house, bagong bukas to, do you want some cake?" sagot niya saakin.
"no thank you, I'm just calling to inform you na may shoot tayo mamaya, yung sinabi ni Mika?"
"yun ba yung para sa isang clothing line?"
"Oo yun, ano? makakapunta ka?"
"okay, Oo naman no. This will be our first shoot together after a long time. I'll be there Jus, uuwi ako mamaya"
"okay sige, bye ingat ka diyan" she ended the call immediately, I just shrugged at naligo na.
I was brushing my hair and narinig ko ang pintuan ni Eesi sa kabila na bumukas at sarado. She must be here, she's just right on time.
Pagkalabas ko ng kwarto ay binuksan ko ang kwarto ni Eesi and saw knotting her shoelaces. She's wearing a tie die colored bodycon dress. Pag naka bodycon si Eesi yan lol, I'm also wearing a dress but a maxy sleeveless one with a mint green color para mabilis lang ang pag bibihis. Inilugay ko lang ang buhok ko, Eesi braided hers.
"How do I look Jus?" she asked me, I act like as if I' scanning her.
"You look normal" bigla namang natanggal ang ngiti niya. "tara na kaya? Mika texted me a while ago, inaayos padaw ang set pero baka tapos nayun by now"
"okay, tara na?"
Nag taxi kami patungong bahay nila hindi naman malayo pero hindi din malapit, yung sakto lang ang distance.
When we arrived busy silang lahat sa mga individual task nila, Mika saw us at nag beso sa amin. She guided us kung saan kami magbibihis and when we entered the room may apat na outfit na nakasabit sa cabinets. May name din kung kanino iyon.
May pumasok na babae and nagpakilala siyang stylist daw, at sinabihan kami kung aking outfit ang una naming susuotin hanggang sa huli. Actually same lang kami ng style ni Eesi, nag ddiffer lang talaga kami sa kulay.
For our first outfit it is an off shoulder romper, I got the dark brown, Eesi is wearing a beige one.
lumabas kami and Mika took a lot of shots, Eesi and I have done this before kaya alam namin ang mga poses and positions para sa shoot. After that bumalik kami agad agad sa kwarto at magbihis ng isang loose dress. We were running kasi we're chasing time. After some doing some shots balik agad kami sa kwarto para magbihis, mag retouch ng konti and do it all over again hanggang sa matapos.
Di man halata pero pagod na pagod ako, feeling ko hindi ako nakaupo ng maayos buong araw, I'm sure ganun din si Eesi.
"Girls thank you so much ha, we'll be using the photos for their online store at may commissions din kayo" sabi niya while looking at his phone.
May nag notify naman din sa phone ko at sa phone ni Eesi, I didn't check it, I know yun yung fee namin.
"Thank you Mika" I said
"Thanks Mika, sa susunod ulit?" sabi din ni Eesi.
"Yeah sure, sainyo lang ako haha. O siya baka magabihan kayo masyado ha ingat"
We said our goodbyes at nag grab na ng taxi, pagkarating namin sa bahay ay wala ni isang nagplanong kumain. Uminom lamang ako ng tubig at ibinagsak na ang katawan sa kama.