Label Maagang umuwi si Mama sa araw ng noche buena. Kahit si Kuya ay walang trabaho noon kaya kompleto kaming tatlo sa bahay. "Ang dami mong pinamili, Ma!" Nagugulat kong pinagtitingnan ang mga cellophane niyang dala. "Syempre... Noche buena mamaya... At pasko na bukas. Dapat may handa tayo," sabi niya sa maliwanag na mukha habang hinuhubad ang suot na maliit na slingbag kung saan niya madalas nilalagay ang kanyang kita. "Ang kuya mo?" Iginala niya ang tingin sa aming bahay. Hinila ko ang upuang nasa loob ng lamesa at lumuhod ako roon saka inilabas ang mga pinagbibili niya at maluto na namin. "Nagpaalam iyong lumabas sandali, Mama... Baka mayamaya nandito na 'yon," sagot ko. Nagkasalubong agad ang kanyang kilay at nagawa pang lingunin ang may pinto. Nailing ito. "Pumunta na nama

