Already Taken Kahit anong iwas ko sa aking mga mata at kahit saan ko man iyon ituon ay may nahuhuli talaga akong mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko matukoy ang iilan. May namamangha, may nagkakasalubong ang kilay at meron namang blangko lamang na tumititig. Sinabi ko na sa tatlo na mananatili nalang ako sa loob at hindi naman ako gutom pero nagpumilit parin silang hilain ako palabas para magrecess. "Kung ako ikaw, rarampa talaga ako sa buong eskwelahan!" sabi ni Cecille sa akin habang naglalakad kami patungo sa canteen. "Alam mo naman iyang si Tracey, Cecille! May pagka loner at tahimik pa!" sagot naman ni Rose sa kanya. Hawak hawak ni Rinka ang aking braso na sinisiguradong hindi ako tatakas kahit hindi naman. Naiilang lang talaga ako sa mga paninitig nila sa akin. Nakakapaniba

