Kwintas Ilang sigundo kong tinitigan si Israel sa labas ng bahay. Hindi ata talaga ito aamin na siya ang naglagay nito sa aking leeg kahit na halata namang siya iyon. Bumuntong ako ng hininga at pumasok muli sa bahay. Lumingon ako at nakita na ito sa may pinto. Nakasandal siya roon habang nakapamulsa. "Can I come in?" tanong niya sa akin nang magtama ang mga mata namin. "Uh... Hindi masyadong maganda ang bahay namin at baka mandiri—" Umangat ang kanyang kilay sa akin kaya natutop agad ang aking bibig. Ilang sandaling gumala ang aking paningin pero sa huli ay naibalik ko rin sa kanya. Ngumuso ako at walang nagawa kundi magtungo roon sa may lamesa. Yumuko ako at hinila palabas iyong dekahoy na upuan. Tumayo ulit ako ng tuwid saka ko iyon itinuro. "Dito ka lang oh..." Nilingon ko siya

