Chapter 32

2784 Words
Unknown POV “AY!! “ Hindi naiwasan ni Margaeth ng hindi mapasigaw dahil sa pusang gala! Ito lang naman ang gumawa ng ingay kanina, dahil sa naka packed ng mga kagamitan sa loob ng warehouse. Sa madaling salita, ready nang isakay sa loob ng truck. Dahil bukas ng madaling araw, ang lakad ng mga sindikato. Hindi nakaligtas kay Captain Falcon ang isang suchet na may laman na powder, galing sa box. At kumuha ito ng sample at pasimple n’yang tinakpan ang iba gamit ang kanyang mga paa. Nang hindi nagpa-halata sa dalawa nitong kasama. “Sa tingin ko ma’am, wala naman problema dito, ayos naman lahat. “ pretending ni Captain Falcon sa girlfriend n’yang kasama. Sinamaan pa nitong tingin, ngunit sumenyas ang binata na meron silang kasama, hindi pwedeng malaman ng lahat na may relasyon silang dalawa, lalo pa at hindi pa tapos ang kanyang mission. Baka mas lalong mapanganib ang buhay ng dalaga. Sa isip-isip ng kapitan, babalikan niya mamaya ang warehouse. Tama ang kanyang hinala na nasa warehouse lahat ang ebidensya. Ngunit hindi pa pwedeng ipa huli ngayon. Dahil gusto ng kapitan na mismo ang lider ng sindikato ang magbayad sa batas. Para matapos na ang kanyang mission. “Malapit na ang araw mo.. “ bulong ni kapitan sa kawalan. “Sa tingin ko ma’am, umuwi na tayo, umaga na ho. “ paalala ng binata sa dalaga. Masamang tinignan naman ng dalaga ang binata dahil sa ibang kinikilos nito. “Sige po, mang Berto, mauna na kami. Pasensya na po sa istorbo. Kung maari lang po sana, wag niyo na din sabihin na dumaan ako dito. “ paalam ng dalaga sa guard. “Naku ma’am! Talagang hindi ko ho sasabihin dahil kabilin-bilinan ni Sir Brandon na wag daw ako magpa pasok dito kahit sino pa. Tinanong ko nga ho ma’am kung pati kayo ay hindi pwede. Ang sabi ho ay, kahit daw sino kundi siya lang at ang kanyang mga tauhan. “ mahabang litanya ng guard sa dalaga. Nagtaka ang dalaga kung bakit ganun ang sinabi ni Brandon. Naisip tuloy ng dalaga kung may kinalaman ba si Brandon sa panimulang pangyayari sa kanilang kumpanya. Sa kabilang banda, busy si Brandon sa kanyang mga schedule. Hindi pa siya pumasok sa kumpanya nila dahil hands-on siya sa nga argamentong at mga shabu na I deliver sa Davao at Cebu. Kailangan siyang sumama dahil puro nalang bulilyaso ang mga lakad ng kanyang mga tauhan. Pati ang pera na pambayad sana sa mga delivery truck ay kinuha n’ya, at ‘yon ang binigay niya sa bigboss. Papalitan naman nito pagkatapos ng lakad nila, dahil kulang-kulang 200 million ang halaga ng mga epektos. Kaya kailangan siya ang sumama sa delivery. Bukas ng madaling araw luluwas sila sa Manila ang walong truck na magdadala ng mga items at mga ipinagbabawal na gamot at mga baril. Ang limang truck ay naglalaman ng mga argumento. Samantalang ang iba naman ay mga items galing sa kumpanya ngunit doon nakalagay ang mga droga. Ang ginawa ng mga tauhan nito, ay binubuksan ang mga maniquin at doon sa loob nito inilagay ang mga cocaine drugs, para hindi mahalata ang mga alagad ng batas. Ang ibang mga baril naman ay nakalagay sa pinaka ilalim ng mga boxes items. Kulang-kulang 200 million ang halaga ng lahat ang mga kargamento. Kaya hindi pwedeng hindi kasama si Brandon sa lakad nilang ito. Tinawagan ng binata kanina ang kanyang mga tauhan sa warehouse, at pina-alala nito na kahit na sino wag na wag siyang mag papasok, even Marga! Pinapauwi din nito ang kanyang mga tauhan pagsapit ng madaling-araw, ‘yong alam n’yang ni kahit isang staff sa kumpanya ay naka uwi na. Kundi ang isang matandang guard ang naiiwan sa warehouse. At dalawa pa nitong kasama. Lingid sa kaalaman ni Brandon na napasok na sila ng magaling na agent sa kanyang tiretoryo. Ang totoo, madaling hulihin si Brandon dahil, sa sandamakmak na ebidensya. Ngunit may plano ang kapitan sa kanya. Isa pa hindi pa nahuhuli, kung sino ang totoong mastermind ng gustong patayin si Margareth. Ayon sa pag-iimbestiga ng FBI hindi ang mga sindikato ang may kagagawan sa kidnaping at attempted murder sa dalaga. Madami ng tauhan ang mastermind na nahuli nila, ngunit lahat takot sa kanilang amo. Ang dahilan ng mga gangs ay papatayin daw ang kanilang pamilya. Kaya gumagawa ng hakbang ang mga FBI upang matulungan ang pamilya ng mga gangs. Walang kaalam-alam si Margareth ang lahat ng nangyayari sa kumpanya nito. Basta ang alam ng dalaga, may anomalya sa delivery ng mga items nila sa mga kliyente. Pagkagaling sa warehouse, ay umuwi na si Captain Falcon at Margareth, hinatid muna ang binata sa kwarto ng dalaga. Mukhang napagud naman ang dalaga, kaya hindi na ito nagsalita pa. Ngunit lingid sa kaalaman ni Captain Falcon nagdududa na sa kanya ang girlfriend dahil sa kinikilos nito. Hindi lang nagtatanong ang dalaga dahil wala pa siyang sapat na ebidensya. Naisip ni Margareth, kung totoo man na may nililihim ang kanyang boyfriend sa kanya! Tinanong din nito sa kanyang sarili kung matatanggap ba niya 'to? Napapansin ni Margareth na iba minsan ang kinikilos ng kanyang boyfriend lalo na sa loob ng kanilang kumpanya. Minsan din napansin niya ito na bigla-bigla nalang nawawala, ngunit hindi nito binigyan pansin. Ngayon lang ito nag sink sa utak nito. Isa pa sa warehouse kanina. Kung bakit bigla-bigla nalang nag-aya ang binata sa kanya na umuwi. Hindi nga ba ang binata pa ang nag-aya sa kanya na pasukin nila ang warehouse? Isa pa, nag kunwari lang siya ng tulog kanina. Nakita din n’ya ang ginawa ng boyfriend niya. Parang hindi basta-basta bodyguard. Naisip tuloy ng dalaga, hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit may tiwala ang ama nito sa kanyang personal bodyguard dahil sa mabilis na kilos. Sa kabilang banda, tinawagan ni Captain Falcon ang kanilang Hepe upang sabihin ang kanyang nakuhang ebidensya. Agad naman na sumagot sa kabilang linya ang Hepe kahit pa madaling araw na. Nahiya man si Falcon dahil madaling-araw na ngunit wala naman siyang magawa dahil sa ganitong oras naman siya tumawag sa kanilang officer. At naiintindihan naman nito. Isa pa, ganun talaga ang mga secret agent kailangan nila mag doble ingat. “Hello Captain? Anong meron? “ tanong ng officer kay Capt. Falcon. “Sir! Positive, nasa warehouse lahat ng ebidensya. Kumuha din ako ng sample. Babalikan ko bukas, mukhang bukas pa nila ilabas ang mga kargamento. “ deretsong sagot ni Capt. Falcon sa kanyang officer. “Good Job Capt. Mag-ingat ka d’yan. Sigurado ako na hindi ka nila titigilan kung matunugan ka nila. Kaya as soon as possible, dapat mahuli na ang utak ng lahat ng ito! “ paalala ni Hepe kay Capt. Falcon. Isa pa hindi na itinuturing ng iba si Hepe si Falcon. Dahil kaibigan dati nito ang ama. 'Yon ang alam ni kapitan. Isang kernel noon ang ama ni Capt. Falcon ngunit namatay sa hindi malaman na dahilan. Pati ang Ina nito. Isa ito sa dahilan kung bakit pinasok ni Capt. Falcon ang pagiging isang secret agent, dahil gusto n’ya siya mismo ang gagawa ng paraan para mahuli kung sino ang pumatay sa kanyang mga magulang. Katorse anyos ng nawala ang Ina ni Falcon. May mga ala-ala siyang nawala sa kanyang pagka-bata ng hindi nito malaman ang dahilan. Pagkatapos ng isang taon mawala ang mommy nito. Natagpuan nalang na sumabog ang sinasakyang kotse ng ama niya! Ang sabi ng iba accident ang nangyari! Ngunit ang iba naman ang sabi sinadya. Hindi lang siya na bibigyan ng pagkakataon na imbestigahan ang lahat, dahil sa sunod-sunod ng mission na binibigay ng kanyang ninong. Oo, ninong n’ya ang kanyang officer, ngunit lingid ito sa lahat. Ang hepe ang tumulong kay Capt. Falcon kung bakit nasa part siya ngayon ng FBI Agent. Pero hindi madali ang pinagdaanan niyang training nong nagsisimula palang siya. Masyadong pridado ang buhay ni Capt. Falcon. Isa din siya sa mga investor at matatawag na elite sa business world. Maliban sa pagiging isang secret agent. Walang sinasanto si Capt. Falcon kahit pa kaibigan ka niya, kung nagkasala ka sa batas, kailangan mong pagbayaran. Ang malaking katanungan sa kanyang isip. Makakaya ba niyang ipakulong ang ama ng babaeng mahal n’ya kung mapatunayan itong nagkasala sa batas? Pinatay na ang tawag ni Capt. at bumalik s’ya sa kwarto ng dalaga. Nakaka-pasok ang binata sa kwarto ng dalaga, dahil may bas-bas ito ni Don. Bernardo. Basta ang kabilin-bilinan lang ni Don. Bernardo sa binata, wag siyang gagawa ng hindi maganda sa anak nito. Nangako naman ang binata na hindi n’ya dudungisan ang tiwala ng matanda sa kanya. At pangako ng binata sa kanyang sarili, na kung gagawa man ng hindi maganda sa dalaga siguraduhin niyang hindi ito masasaktan. Hindi rin biro sa binata ang laging pag iwas sa tukso. Katulad na lang ngayon, nakita nyang manipis ang suot na pantulog ng kanyang girlfriend habang masarap na natutulog sa malambot na kama. Mag alas-tres na rin ng madaling-araw at hindi na niya nagawa ng bumalik pa sa warehouse. Kaya nagpasya na lang siyang pumunta sa headquarters nila kung saan doon nakakulong ang mga taong nag tangkang kunin ang babaeng ngayon tinititigan n’ya. Inayos na nito ang kumot sa kanya, dahil iba na ang nararamdaman ng binata lalo pa ang kanyang alaga. Bago pa s’ya makagawa ng isang kasalanan. Nagpaalam na ito at hinagkan sa noo ng girlfriend. Pagka labas ng binata sa kwarto ng dalaga, napa hinga naman si Margareth. Dahil ang totoo nagising s’ya ng naramdaman n’yang may naka titig sa kanya. Ngunit hindi lang nagpa halata. Kalaunan nakatulog din agad na may ngiti sa labi. Mabilis na nilisan ni Capt. Falcon ang mansion ng mga Bernardo. Binilin n’ya muna si Pepito bago umalis. Si Pepito lang naman ang nakakaalam sa totoong pagkatao ni Capt. Falcon, at si Pepito din ang dahilan kung bakit mabilis na nakapasok bilang bodyguard si Andrew. Lahat ng nangyari mula umpisa ay kasama sa plano. Pwera lang sa panganib ng buhay ng dalaga. Dahil noong nagkita si Capt. Falcon at Pepito sa event ng anak ng kasamahan n’ya sa trabaho, ay nag palitan sila ng cellphone number. Dahil una palang magkaibigan na ang dalawa. Alam din ni Capt. Falcon na may panganib ang buhay ng dalaga. Kaya sinundan niya ito ng pauwi na sila. Hindi nga nagkamali ang Captain, dahil totoo ang kanyang hinala. Tinawagan ito ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at sa kabutihang palad, hindi napa-hamak ang dalaga. Agad na nakarating si Capt. Falcon sa headquarters at ang bihag agad ang kanyang pinuntahan. Hindi kasi pwedeng magtagal ang binata sa labas, at baka mahahalata ang dalaga sa kanya. Iyon naman ang lingid sa kaalaman ni Capt. Falcon dahil nagsisimula nang magduda sa kanya ang kanyang girlfriend. “Capt. Falcon sir! “ bati sa kanya ng kanyang kasamahan at nag saludo lahat kay Captain. Nagsaludo din si Capt. Falcon bilang tugon at respeto sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. “Nasaan ang mga bihag? “ tanong agad ni Capt. sa naka bantay sa mga bihag. Agad naman siyang sinamahan ito. Bawat rehas, isa ang nakakulong doon. At magkakalayo pa sila bawat isa. Sinadya ng FBI ang bagay na’yon dahil ayaw nila nay may masasaktan sa mga naka kulong. Pinuntahan niya ang lider ng mga gangs. Dahil alam ng Capt. Kung sino ang amo ng mga ito! Hawak-hawak ni Capt. Falcon ang isang kalibre-45 at susi ng pintuan ng rehas kung saan nakakulong ang lider ng gangs. Kung tutuusin, madali lang niya itong mapaamin. Ngunit hindi s’ya nabibigyan ng pagkakataon. Dahil naka focus si Capt. Falcon sa lider ng mga sindikato. “Hoy! Gising! “ malamig na boses ni Capt. Falcon sa natutulog na gangs. Akalain mong hindi mamatay tao ang nakahiga sa manipis na foam na inilatag sa floor. “S-Sir… “ medyo takot pang bulalas ng kagigising lang ng lider nang gangs ng makita nito ang itsura ni Captain Falcon na akala mo kakain ng tao. Walang kahit emosyon na makikita sa kanyang mukha, kundi ang nagliliyab n’yang kulay asul na mga mata. At kung mali ang isasagot mo, isang putok lang naman ng bala ang ibabaon sa katawan mo. “Kumusta, Mr. Jaime Robredo? “ Seryosong saad ni Captain sa taong lider ng gangs. Nanginig naman ang lalaki dahil paano n’ya nalaman ang tunay nitong pagkatao? Hindi naman hinihintay ni Captain Falcon na sumagot ang kaharap nito at nagsalita ulit. “Nasa safe na ang pamilya mo, dinala ko na sila sa hindi nila mahanap na lugar. Kaya kung mahal mo pa ang buhay mo, at mahalaga ang pamilya mo, ngayon palang magsalita ka na! Kung sino ang amo mo. “ matigas na saad ni Captain sa kanyang kausap. Kasabay ng isang kasa ang ginawa n’ya sa kanyang kalibre-45. “T-Tinatakot mo ba ako Sir? “ nanginginig naman na tanong ng lider ng gang kay Captain. “Hindi kita tinatakot, sinasabi lang nito, kung saan ang aabutin mo" tugon ni Captain sabay taas sa kanyang kalibre-45 "Kung mamatay ka! Wala nang maghahanap sayo. Dahil ang pagkakaalam ko, ayaw sayo ng pamilya mo. Tama ba ako Mr. Robredo? “ Hindi ugali ni Capt. Falcon ang mahabang linyahan, pero sa kaharap n’ya ngayon, napakahaba na ang kanyang sinabi. Naramdaman ni Capt. Sa kaharap nito na may pagsisisi siyang ginawa. At alam din ni Captain Kung bakit nagawa nito ang ganun klase ng trabaho. “Magsasabi ako ng totoo sir, pero siguraduhin mong ligtas ang pamilya ko sir. Kahit man lang ‘yon ang huli kong maibigay sa kanila. “ Maya’t maya malumanay na sagot ng lider ng gang. Halatang nagsisi sa kanyang ginawa. “Makakaasa ka. Kaya simulan mo na, at makita mo pa ang ‘iyong pamilya. “ hindi rin napigilan na sagot ni Captain Falcon sa kaharap nito. Dahil may awa siyang naramdaman sa kausap Ayon sa imbestigasyon, nasama lang si Jaime Robredo sa isang gangs, at nagkataon na siya ang ginawang lider. Ngunit may pusong mamon naman ang isa. Ang alam lang nila no’n ay kukunin lang ang dalaga at ipa ransom sa ama nito. ‘Yon ang utos ng kanilang amo sa kanya. Kapalit ng isang million halaga. Hindi alam ng mga gangs na isa palang anak Billionaryo ang dalaga. Kaya pala isang kanda-makmak ang bodyguard nito. Kaya pala lahat nalang ng lakad ng mga gangs ay nabi bulilyaso. Nakapag isip-isip na ang lider ng gangs at sasabihin na nito kung sino ang amo nila. Ngunit paano ba niya sasabihin, dahil ang totoo boses lang ang alam nila. Ni minsan hindi pa nila ito nakikita. “Sir. Ang totoo yan, boses lang ang alam ko. Kasi ni minsan hindi pa siya nagpapakita sa amin. “ pagsisimula ng lider ng gangs. Tinitigan ni Captain. Falcon ang kausap at mukhang nagsasabi naman ng totoo. At nagpatuloy ang lalaki sa pagpapaliwanag. “Pero sigurado ako Captain, babae yung amo namin. Parang may galit sa s’ya sa babaeng gusto niyang ipakuha sa amin. “ dagdag ng Gangs sa sinabi nito. “Paano kayo binabayaran? “ Tanong ni Capt. Falcon sa kausap. “May transaction kami Sir. Iniiwan n’ya sa lugar ng aming pinag-usapan. At doon namin kinukuha. “Paliwanag ng gangs. Naniwala si Captain Falcon sa kausap kaya may plano si Captain para mahuli na ang sino man ang lapastangan na may nag tatangka sa buhay ng kanyang minamahal. Tumayo na si Capt., at uuwi na rin s’ya dahil pa umaga na. Baka gising na ang kanyang girlfriend. Napangiti pa si Captain sa kanyang naisip. Ngunit nagsalita ang kanyang kaharap. “Captain. Hindi ako natatakot na mamatay, pero parang-awa mo na, wag mong pababayaan ang pamilya ko. Handa kong isugal ang aking buhay, basta sigurado lang ang kaligtasan nila. “ Naiiyak na tugon ng kausap ni Captain. Falcon. Tinapik ni Captain Falcon ang kausap tanda ito ng maayos nilang pag-uusap. Kung hindi nagkakamali sa tantya ni kapitan sa kausap, ay baka magka-edad sila. Ngunit magkaiba ang katawan. Ang gangs ay parang kulang sa bitamina at exercise, samantalang si kapitan ay halatang alaga sa gym ang katawan. “Bibigyan kita ng pagkakataon para itama lahat ng mali mo. Isang araw kailangan kita. Sana totoo ang sinabi mo, at siguraduhin ko sayo. Makikita at makakasama mo ang ‘iyong pamilya. “ Pagkatapos ng katagang ‘yon ni Captain. Falcon sa kausap niya ay umalis na siya sa headquarters. Nakaramdam naman ng ginhawa ng lider ng gangs, at pinangako nito sa kanyang sarili na gagawin n’ya ang lahat para makasama na nito ang kanyang pamilya. Malaki din ang pasasalamat n’ya sa lalaking na nakahuli sa kanila, dahil hindi sila nito pinatay. Ngunit hindi pa rin mawala sa kanya ang pangamba, lalo pa at alam n’ya walang sinasanto ang kanilang amo. Napatunayan na nila ito noon, bigla nalang inutos na patayin ang isa sa kanyang kasamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD