ANDREW POV
“What? Wag niyo siyang pakawalan! Hintayin mo ako bukas! “
Hindi ko mapigilan na hindi mapa-sigaw ang aking boses dahil sa aking nararamdaman. Hindi pwedeng mapa kawalan ang mga nahuli namin na may gustong gawin masama sa babaeng kasama ko ngayon.
Muntik ko ng makalimutan na kasama ko siya ngayon. Demment!
“Who’s that? “ tanong n’ya saakin habang naka titig saaking mukha.
“Ahm! “ tikhim ko muna, dahil baka hindi ako makapag timpi, magkasala pa ako sa ama niya.
Pero bakit nga ba ako nangangamba, I’m not scared of anyone. But I respect the father of the woman in front of me, who appears to be attempting to read my thoughts.
“But you don’t need to know my true identity, baby, you'll know and understand when the time comes.“
Sa isip-isip ko at pina-seryoso na ang aking mukha.
“Yong nag-nakaw daw ng kalabaw na kapitbahay namin, gustong maki areglo, “ pagsisinungaling ko sa kanya. Sana naman maniwala sa akin.
“Hah! Anong nangyari? “ balik tanong pa n’ya saakin. Napangiti pa ako dahil mukhang seryoso sa kanyang tanong.
Kanina lang, alam ko na nagseselos siya sa mga staff niya. Na sinasadya ko naman. Gustong-gusto kong nakikita na nagseselos siya ang cute niya sa tuwing naka-pout ang labi niyang namumula na para bang, lagi akong niyayang halikan siya. Katulad ulit ngayon. Gusto ko siyang halikan ulit.
“ Ahm! Gusto daw magbayad, pero ayaw ko! Kailangan pagbayaran niya ang kasalanan nito at baka maka ulit na naman. “ seryoso kong tugon sa kanya. Pero ang totoo nakatitig ako sa kanyang mukha.
Napa ngiti pa ako, pero hindi ko lang pina halata, dahil nakatitig siya saakin. Pero parang nang-aakit ng dating. Napalunok pa ako.
“Don’t stare me like that baby, baka pagsisihan mo, “ pagbabanta ko pa sa kanya, pero pinaikutan lang ako ng kanyang mga mata. Na-ikinatuwa ko.
“Masama bang tumingin sayo? “ suplada pa nitong sagot sa akin.
“Ito na naman! Hindi na talaga mawawala ang kanyang kagandahan! “ bulong ko sa hangin at napa-iling nalang ako. Dahil sa tuwing pinapaikotan niya ako ng kanyang mata, I don't know why, she's more beautiful when she did that into my eyes.
“Anong binubulong mo d’yan? “ nagulat pa ako dahil nasa tabi ko na siya. At nakatingala pa sa akin? Hindi ba niya alam na inaakit niya ako sa lagay na 'to? Baka mamaya hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.
"Relax buddy. " pagtitimpi ko sa aking sarili.
“I said, 'eat the dinner, we're being late! “ medyo napalakas ko pang boses, dahil baka talaga hindi ako makapag timpi, lalo pa at alam ko kanina pa nagsi-uwian ang mga empleyado niya.
“Galit kaba? Naninigaw kana! “ maktol n’ya saakin sabay pout sa kanyang labi. Napangiti ako.
“No baby, bakit naman kita si-sigawan. Halika na, kumain kana dahil baka malate tayo ng uwi. C’mon! “ aya ko sa kanya pero naka halukipkip siya at nakatayo lang sa gilid.
“Ayts! “ malalim ko pang pag hinga. Ang hirap pa naman suyuin. Pero ayos lang naman sa akin.
Minsan kinakantyawan na din ako sa headquarters namin, dahil ‘to lang daw ang mission kong umabot-abot na ng ilang linggo.
Pero sabi ni Hepe, ok lang daw kung dito ko na daw ba mahahanap ang pakakasalan ko. Napa ngiti pa ako sa mga kalokohan nila, pati ang Hepe namin nakiki biro na din! Basta ang kabilin-bilinan ni Hepe kailangan mahuli ang lider ng sindikato. Kaya kailangan ko ng tapusin ang mission ko sa madaling panahon.
Pero ang babaeng kasama ko, ayon! Nag aalboroto na! At nakaupo lang naman sa kanyang swivel chair, at masama ang tingin sa akin
Tumayo na ako at humakbang papunta sa kanya, inayos ko muna ang mga pagkain, bago ko siya ayain. Kung sabagay madami-dami naman ang aking inorder, sinadya ko talaga na para sa aming dalawa 'to.
Inutusan ko na din ang aking mga kasamahan na magmanman sa labas ng building. Mahirap na at baka nandiyan lang sa tabi-tabi ang aming kalaban. Kahit kilala ko na ang suspect. Iba parin ang may sapat na ebidensya. At kabilin-bilinan ng ama ni Margareth, kung pwede wag ko daw hahayaan na mawala sa paningin ko. Iyon naman talaga ang ginagawa ko.
Duda din ako sa ama ni Margareth parang kilala ang totoo kong pagkatao.
Pero kung ganun man, bakit hindi siya nagsusumbong sa mga sindikato na pinasok ko na ang kanilang kumpanya? Hindi kaya wala din alam si Don Bernardo sa nangyayari?
Madami din katanungan sa aking isip. Pati ang tinawagan kong detective, hanggang ngayon wala pa rin siyang lead sa pina i-imbestigahan ko.
Pina-imbestigahan ko si Margareth about her past. Pakiramdam ko meron tinatago ang kanyang ama sa kanya. Sana nga lang nagkamali ako. Dahil hindi ko matatanggap sa aking sarili kung makita ko siyang nasasaktan.
Nagbalik ang aking diwa ng tumikhim ang babaeng laman ng isip ko.
“Uhm! “
“Akala ko ba kakain na tayo? Ang layo naman yata ng iniisip mo? Siguro babae noh! Umamin ka! “ galit niyang litanya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ewan!
Gusto ko man sakyan ang sinasabi niya or hinala saakin, pero mahirap na! Gabi pa man din! Baka aalis na naman na hindi ako ang kasama.
Pakiramdam niya kasi may iba akong nagugustuhan. Gusto ko man sabihin sa kanya na s’ya yung babaeng nakita ko no’n, ngunit hindi pa sa ngayon. Masaya ako na nakakaramdam siya ng selos. Ewan ko ba sa aking sarili. Napa ngiti pa ako sa tuwing nakikita ko siyang nagseselos.
“Masaya ka hah! “ rinig ko pang maktol n’ya!
“Ahm! “ napa tikhim pa ako bago ko siya sinagot.
“Yes of course baby, I’m happy to be with you. “ malambing kong tugon sa kanya. Pero irap lang ang sinagot saakin. Kaya napa-tawa ako ng medyo malakas!
“Kapag talaga nalaman kong may babae ka! Sinasabi ko sayo hihiwal—“ pinigil ko ang gusto niyang sabihin dahil kahit ni panaginip hindi pumasok sa isip ko na hihiwalayan niya ako. Kaya hinalikan ko na siya. Natahimik pa at nabigla.
Smack lang naman dapat ang halik ko sa kanya, para hindi na siya mag-isip kung ano-ano pa, hanggang sa palalim na ng palalim lalo pa’t naramdaman ko na ang kanyang mga braso na yumakap sa aking leeg.
“Baby….. “ bulong ko sa kanyang tainga, habang pareho kaming hingal na hingal sa isa’t isa.
“We need to stop this, baka magkasala pa ako sa daddy mo… “ bulong ko ulit sa kanya. Ilang beses ko na din nilalabanan ang tukso sa kanya dahil ayaw ko, sa ganitong paraan ko siyang angkinin. Kahit alam ko naman pareho kami ang nararamdaman.
“I u-understand… “ nauutal pa niyang sagot saakin. At napa-yuko pa siya. Kaya inangat ko ang kayang mukha para magpantay kami.
“Wag kang mag-isip kung ano-ano baby, ayaw kong nasasaktan ka. Kung ako lang ang masusunod, baka dito, gagawin ko na ang dapat matagal ko ng ginawa sayo. “ naka ngiti kong saad sa kanya.
Nung una, medyo hindi yata niya naunawaan ang ibig kong sabihin. Hanggang sa napansin ko nalang na namumula na ang kanyang mukha, at pinag hahampas ako!
“Hayop ka talaga! Kung ano-ano ang ano ang nasa isip mo pangit ka! “ nang gigigil pang bulalas n’ya saakin. Mukhang bumabalik na ang kanyang diwa!
Hinayaan ko lang naman na hampasin ako, hanggang sa tumigil na siya.
“Are you ok now? So, we can start to eat? Remember? It’s been late baby… “ bulong ko sa kanya, napansin ko pa na napa lunok siya, kalaunan tumango naman.
Napa ngiti naman ako, sa inaasta ng babaeng alam ko siya na ang magiging ina ng mga anak namin. Napa-iling pa ako dahil ang layo na ang nasa isip ko. Pero hindi ko babawiin ang sinabi ko.
Yes, she is the only woman who will bear my future child, and she will be the mother of my children.
“Uhm! “ narinig kong boses ng katabi ko, kaya nag balik ako sa realidad.
“Kumain kana! Saka yang mga titig mo hah! Wala akong tiwala diyan” reklamo n’ya saakin. Nakatitig lang naman ako sa kanya habang kumakain siya.
“Baby do you know how beautiful you are? “ Bigla kong naibulalas sa kanya. Habang kumakain kaming dalawa.
“Alam ko! Magtataka sana ako, kung sasabihin mong, ang pangit ko! “ sagot niya sa akin.
Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili at napatawa pa ako ng malakas!
“Absolutely! “ tugon ko naman, at ituloy ko nalang ang kumain. Mukhang hindi siya magpapatalo saakin.
Nakita ko pa sa aking peripheral vision nana papa-iling siya saakin. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapa ngiti. Kaya sumabay na ako sa kanyang kumain, para matapos na kami.
Andito na kami ngayon sa labas ng warehouse at maraming tao sa paligid. Medyo nagtaka pa si Margareth dahil sa maraming bantay.
Supposed to be, dapat daw ay tatlong guard lang ang andito. Kaya hindi na ako nag salita pa. Alam ko naman na kung ano ang nangyayari sa warehouse. Pero kailangan ko pa rin kumuha ng ebidensya.
Alam kong, delikado na isama ko siya sa lakad kong 'to, pero mas delikado kong umuwi siya na hindi ako kasama. Mas maganda na ang sigurado. Bilang isang agent, alam ko ang galawan ng mga kalaban. Kaya kung maaari lang sana ay isama ko pa siya kahit saan ako magpunta, ngunit hindi pwede.
Hindi muna kami bumaba sa loob ng aking kotse.
Tinawagan ko ang naka kotang magbantay sa warehouse. Kung sabagay nga naman. Masyado pang maaga dahil alas nueve palang ng gabi.
“Hindi paba tayo pumasok? Anong ginagawa natin dito? “ nagtataka sa kanyang mukha na tanong sa akin ni Margareth.
“Wait baby, we stay here a while. “ sagot ko sa kanya, ngunit ang aking atensyons ay nasa labas ng warehouse.
“Do you scared of theme? Pwede ko silang kausapin, I told them na ikaw ang personal bodyguard ko, papasukin nila ako dahil alam nila na ako anak ng CEO. “ Tugon niya saakin, kaya napa sulyap ako sa kanya. Dahil mukhang akala niya takot ako sa bantay sa warehouse.
“Baby, Is not about that. Mas maganda kapag walang nakakaalam na papasok tayo sa loob. Para makita natin ang problema. Do you understand what I mean? “ mahinahon kong tugon sa kanya. Sana naman at wala nang tanong. Dahil may duda talaga akong anumalya sa bodega.
Dahil lahat ng inutusan ko sa pabrika, walang nakita. Malamang nasa warehouse lahat. Kung bakit naisipan ko pa siyang isama, s**t! Pero sabi ko nga, mas mabuti na 'to. Wala naman siyang imik.
Pinaikot ko ang aking sasakyan sa warehouse, at binilang lahat kung ilan ang bantay. Kaya bumalik kami ulit sa aming tambayan kanina. Hindi ko naman narinig na nagreklamo ang katabi ko.
Lumipas pa ang ilang oras at palalim na din ang gabi, nakatulog na din si Margareth, at hinayaan ko lang.
Naramdaman ko nang masarap ang tulog ni Margareth, kaya nagpasya akong lumabas sa aking kotse at magmanman sa kanilang lahat. Narinig ko pa ang maraming truck na pumasok sa loob. At kung hindi ako nagkakamali kulang-kulang na sampo ang mga truck na pumasok. Lumapit ako sa kanila ng hindi nila ako namamalayan. Bawat kilos ko ay mabilis na parang kidlat.
“Hello boss, andito na ang mga truck, ilagay naba namin lahat ng epektos? “ rinig kong tugon ng isa sa mga bantay at may hawak na cellphone, mukhang may kausap sa kabilang linya.
Kaya lumapit pa ako, mabuti na lang din nakasuot ako ng black leather jacket. At nasa madilim akong parti.
“Sige boss! Walang katao-tao dito bossing. Umalis na din lahat. “ Segunda pa nito sa kanyang kausap, sabay tingin sa paligid.
“Sige boss, iiwan na lang namin muna dito. Oho wala naman kahina-hinala sa paligid. Nakabantay kaming maigi boss. Sige boss bye! “ tugon ng lalaki at pinatay na ang tawag.
Bumalik na ako sa aking kotse, at salamat naman dahil tulog pa si Margareth. Mag-alas dose na din ng madaling araw.
Umalis na din ang mga bantay kanina. Mukhang pinapa uwi nilang lahat ang mga empleyado bago nila iniiwan ang warehouse. Kaya ginising ko na si Margareth dahil ito na ang pagkakataon ko.
Gusto ko sana hindi na siya madamay pa sa gulong ito, pero hindi pwedeng hindi ko siya kasama. Kahit pang sabihin ko mapagkakatiwalaan ang mga kasamahan kong bodyguard. Mas maganda na ang sigurado.
“Baby, wake up!” gising ko sa kanya.
“Hmmp…. I want more sleep… “ inaantok n’yang tugon sa akin.
“Baby.. Wake up, we need to go inside now. “ bulong ko sa kanya. Napa kurap pa siya, at sinilip ang paligid. Mukhang naka limutan n’ya kung bakit andito kami ngayon.
“Nasaan tayo? “ takang tanong pa saakin, sabay sulyap sa labas ng kotse.
“Ah, nakatulog pala ako sorry. “ kalaunan saad n’ya.
Wala na din akong sinayang pa na pagkakataon. Inutusan ko na rin na umuwi ang aking mga kasama, at plinano ko talaga na palitan ang aming sasakyan. Dahil alam kong may nakamanman bawat galaw namin. Mabuti nalang din at magaling ang aking mga kasamahan bilang agent.
Pumasok na kami sa loob at isang guard ang nagbukas sa amin.
“Magandang gabi Miss Bernardo. “ bati ng guard sa kasama ko. Sabay sulyap sa akin.
“Magandang gabi din po Sir! “ bati din n’ya saakin tinanguan ko lang ang medyo matandang guard sa warehouse. Siya yung tinawagan ko kanina, ngunit tinanguan ko lang, nakuha naman ang guard ang ibig kong sabihin.
“Miss Bernardo, gabing-gabi na po, anong ginagawa niyo sa ganitong oras dito?” Kunwaring tanong ng guard kay Margareth. Sinabihan ko na kasi kanina. Para hindi maka halata ang dalaga saakin.
“Meron lang akong gustong kunin sa loob mang Berto, “ magalang naman na sagot ni Margareth sa guard.
Pinapasok kami, at tumingin pa sa paligid. At saakin. Sumenyas naman ako na ok na ang lahat. Pansin ko aligaga din siya. Malamang takot na mahuli ng mga sindikato.
“May problema ba mang Berto? “ tanong ng kasama ko sa guard, habang nakikinig ako sa kanila at nakamasid sa paligid.
“Ho! Wala naman Miss Bernardo, medyo nagulat lang ako ho, dahil madaling araw na. “ tapat naman na sagot ang guard.
“Mang Berto? Bakit ang daming delivery truck sa labas ng warehouse? “ tanong ni Marga sa guard.
“Ah, ‘yon ma’am! Mga deliver bukas mga ‘yon ma’am. Ang pagkakaalam ko kasama ata si Sir Brandon bukas. “ bulalas ng guard.
“Bukas? “ pag-uulit ni Marga sa guard.
“Ah, oho ma’am! Ayaw na ayaw nga ni Sir Brandon na ipa-hawak sa iba ang mga truck, at baka daw masira, kaya tumatawag pa siya sa taga ibang labas ma’am. “ tugon ng guard.
“What do you mean by that mang Berto? “ tanong ni Marga sa guard. Habang patuloy kami sa paghakbang pag-pasok sa loob at tingnan ang mga naka-box na items.
“Naku, ma’am! Si Sir Brandon ho ang lahat ng in charge dito, yung mga staff ho, pina pauwi n’ya ng maaga. At taga labas ho ang pinapa empake ni Sir Brandon. “ mahaba-habang litanya ng guard saamin.
“Bakit ho, pina-pauwi ang mga empleyado? “ takang tanong naman ni Marga, ngunit nagkibit balikat na lang ang guard.
Inisa-isa namin ang mga box, at binuksan. Ngunit wala kaming nakitang kahit isang sira!
Hanggang sa may biglang ingay sa may madilim na lugar! Natakot pa si Margareth kaya biglang lumapit saakin.
Gamit ang flashlight ng guard, pumunta kami kung saan ang pinangyarihan ng ingay. Dahil walang ilaw doon.
“Ay!! “
Gukat na sigaw ni Margareth ng makita n’ya kung sino ang may kagagawan ng ingay.