Chapter 22

2211 Words
MARGARETH POV Kinabukasan maaga akong gumising. Hindi ko na rin hinintay na may kumatok pa saakin. Actually It’s early 5:30 in the morning. Araw ng sabado ngayon at walang pasok sa work. Dahil yong dalawang araw na paalam ni pangit ay naging isang linggo. Winaksi ko na ang tumatakbo sa utak ko, dahil ayaw ko siyang isipin siguro masaya siya sa babaeng mahal n’ya. Gagawin ko na lang ulit ang routine ko every morning! Yun nga lang dito lang sa bakuran namin. Dahil hindi ako pwedeng lumayo. According to my dad! My life was in danger! Lalo pa at wala pa rin si pangit. “Namis mo na noh? “ sigaw ng kontrabida kong utak! “Hindi noh! “ pasigaw kong sagot na akala mo naman kaharap ko lang ang aking kausap. Napailing nalang ako. Kay aga-aga kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Pag-baba ko sa hagdan, nakita kong busy lahat ng mga kasambahay. Pero hindi ko makita si Yaya. Sabagay masyado pang maaga. “Good morning girls! “ ako na unang bumati sa kanila dahil nasa sala naman lahat! “Wow senyoreta ang ganda-ganda niyo naman po at ang sexy pa! “ kumikinang pa nang mga mata ni Elsa na nagsabi sa akin, mukhang hindi naman nambobola ang bagong ampon ni dad. Nakasuot lang naman ako ng leggings at toper. Kita ang aking flat na tiyan. ‘Thanks Elsa! “ sagot ko naman sa kanya. “Si Yaya tulog paba? “ tanong ko pa sa kanya, “Anyways, bakit ang aga niyong gumising lahat? It’s all your holliday right? “ tugon ko pa sa kanila. Hindi kasi mahigpit si Dad sa kanila. Basta wag lang daw sila pagabi sa labas. “Nakow senyoreta wala po daw d’off ngayon araw, kasi po eh meron daw konting handaan hihi. “ hagikgik pa ni Elsa na sagot sa akin. Pero napa tigil ako sa sinabi niyang handaan. Anong meron sa araw na ito? “May handaan? Anong meron? “ takang tanong ko sa kanya. Dahil ako walang alam. “Naku senyoreta, kasi daw ito ang araw na andito kayo sa mansion. “ hagikgik niya ulit. Napailing nalang ako sa bata namin kasambahay. “Ikaw talaga! Sige na nga! Ba-bye! Diyan lang ako sa labas hah! Kapag nagising si Yaya sabihin mo diyan lang ako! “ paalam ko pa sa kanila. At tuluyan ko na silang iniwan. 16 year-old palang ni Elsa pero masasabi kong maganda siyang dalaga. May hugis din ang katawan. Ngunit may kaliitan pero bagay naman sa kanya. Andito na ako sa harden namin at napa pikit pa ako dahil sa nalanghap kong malamig at sariwang hangin. Totoo ang sinabi ni Elsa, 'to lang ang araw na hindi ako nag unwind. Isang linggo na ngayon ni pangit na wala. Kaya isang linggo na din akong naka kulong sa mansion. Hindi naman masasabi na kulong. Basta ayaw ko lang lumabas. “Sus! Kasi wala si pogi? “ sigaw ulit ng aking utak. “kanina kapa! Tumigil ka! “ maktol ko. Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Nagsimula na akong mag exercise dito sa labas ng bahay. Dito rin lang naman sa bakuran namin. Sa taas ng bakod walang sino man na nagtangkang umakyat lalo pa at pinalagyan ni Dad ang automatic electricity. Kung sino man ang magkamali na nakatapak sa bakod ay maku-kuryente. Matagal-tagal din ako sa labas. Kaya nagpasya na akong bumalik sa loob. Mangilan-ilan lang naman ang nakikita kong nakabantay sa paligid. Yong naka rota ni ayaw akong tignan dahil naka yuko pa sila kung magsalita. Ang weird nila minsan. Not like before yong mga bodyguard ko na kahit malayo pa ako nakatitig na sila lahat sa akin. Hindi ko maiwasan noon ang hindi maasiwa sa kanila. Pero ang mga ito parang hiyang-hiya sila lalo na kapag meron si pangit. Yon ay pansin ko lang naman. Pag pasok ko sa mansion gising na ang Yaya ko. Kaya binati ko na siya. Binati din naman ako. Aakyat na sa ako ng nagsalita siya. “Anak, hindi kaba mag almusal? “ tanong sa akin. Tiningnan ko pa ang oras sa suot kong wrist watch, it was 7am. “No Yaya. Maybe later, hindi pa kasi ako gutom, milk just fine. “ nakangiti kong sagot sa kanya. “Sige anak. I akyat ko na lang hah, “ nakangiti pang sagot ni Yaya saakin. Alam niya kasi na kapag nag e-exercise ako hindi talaga ako kumakain. “Thanks Yaya, akyat na po ako. “ paalam ko pa sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil pakiramdam ko ang lagkit na ng buong katawan ko dahil sa pawis. Nag punas muna ako ng pawis ko at tiningnan ang aking cellphone kung may tawag si Joy. Pero wala naman. Nakapagtataka din, dahil puro lang kilala ni Dad at ako ang naka phonebook sa aking new phone. Nagkibit balikat nalang ako. Pati si Cara nakalimutan ko pa pala na tinawagan ulit noon. “Baka nagtatampo na sakin 'yon” kausap ko sa sarili ko. Kaya tawagan ko muna siya. Pero mamaya na lang pala at maligo na muna ako. Pumasok na ako sa loob ng aking banyo. Gustong-gusto ko talaga ang magbabad sa tubig. Napa pikit pa ako ng naalala ko ang nangyari sa amin ni pangit sa beach noon. Namula tuloy ang aking mukha. “Ano kaba Marga, hinay-hinay ka! Hindi mo nga alam kung nasaan na siya eh! “ kausap ko sa sarili ko. Kaya nag fucos na ako sa pag ligo ko. Narinig ko pang parang may pumasok sa loob ng kwarto ko, hindi na ako nagsalita dahil alam ko naman si Yaya lang iyon siguro dinala ang gatas na inumin ko. Hindi na ako nag abala pa na magsalita. Basta nag e-enjoy ako sa pag laro sa mga bubbles na para ba akong bata! Napa-pahahikgik pa ako sa loob ng banyo lalo na kapag pumuputok ang pinapa–lobo ko mula sa aking kamay na bubbles. “hays! Ang daya! “ parang kaaway ko tuloy ang mga bubbles eh! Napapagod na ako sa kakalaro ng bubble at nagsawa na din ako! Tiningnan ko pa ang orasan at alas nuebe na pala ng umaga? “Omg! Ang tagal ko na pala sa banyo! Baka malamig na ang gatas na bigay ni Yaya sakin? “ bulalas ko pa! Kaya naman tumayo na ako sa bathtub at pumunta na ako sa shower, para magbanlaw na sa aking katawan na puro ng bubbles. Pagkatapos kong nag shower nag tapis lang ako ng tuwalya dahil wala ang robe ko sa loob. Hangang legs ko lang ang iksi ng towel ko. Kung yumuko ako makikita na ang hindi dapat makita. Kung sabagay, wala naman sigurong herodes na pumasok ng basta-basta sa kwarto ko. Dahil kahit sa loob ng mansion si Pangit lang ang pinapayagan ni Dad na pumasok. Also Pepito. Pansin ko din kay Dad malapit din ang loob niya kay Pepito. Pakanta-kanta pa ako bago lumabas ng banyo, nang bigla na lang akong parang na istatwa sa aking kinatatayuan. Dahil ang lalaki kanina na laman ng utak ko at sabihin nalang natin na kahit minsan hindi nawala sa isip ko ay nandito ngayon sa loob ng kwarto ko at naka-upo sa paanan ng aking bed na presenting naka de-kwatro pa? Ang mga mata niya ay nakatuon lang saakin. At hindi rin nakaligtas ang kanyang paglunok. Habang ako nanginginig na ang mga tuhod dahil pakiramdam ko nilalamig na ako sa kanyang mga titig. Hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan dahil pakiramdam ko namamanhid na ang buo kong katawan. Paano siya pinayagan ni Daddy na pumasok ang pangit na ito sa kwarto ko? Mga katanungan sa utak ko. Hanggang sa napakislot pa ako sa kinatatayuan ko ng bigla nalang siyang tumayo at OMG! Papunta sa aking kinaroroonan? Pero bago pa siya maka lapit sa akin nagising na ang diwa ko! Bigla nalang ako tumakbo at pumasok sa dressing room ko! “Wag kang lalapit manyak ka! “ sigaw ko pa sa kanya nung bumalik na ang boses ko. Bigla kong sinara ang pintuan ng aking dressing room at nilock! Habol-habol ko ang aking hininga sabay hawak sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog. Hindi naman ako napagod na tumakbo ngunit daig ko pa ang malayo ng pinanggalingan. “Anong ginagawa niya sa room ko? Saka andito na siya? “ Mga katanungan sa utak ko. Ngunit sa kabilang banda ay masaya ako dahil naka balik na siya. Pero nalungkot ako ulit dahil pakiramdam ko baka kasama niya ang babaeng pantasya niya. “Hays! Kalma Marga. Wag kang ano-ano ang iniisip mo! “ kastigo ko sa aking sarili. Napaigtad pa ako ng may kumatok sa pinto ng aking dressing room. “S-Sino yan? “ Medyo nanginig ko pang boses. “Anak ako ito. Pinapasabi ng Daddy lumabas kana daw dahil handa na ang almusal. “ boses ni Yaya kaya napa hinga ako ng maluwag. Ibig sabihin nakita niya si pangit sa loob? Omg! “Yaya wait stay there! Don’t go! “ ganting sigaw ko sa kanya. Hindi ko narinig na sumagot si Yaya kaya inulit kong tinawag siya. “Yaya are you there? “ Sigaw ko sa kanya. “Oo anak nandito ako. Sige hintayin kita. “ sagot niya sakin kaya nakahinga ako ng maluwag. Kaya binilisan ko na ang aking galaw. Nakalabas na ako sa dressing room ko at nadatnan ko si Yaya na nakatitig sa aking gatas. “Anak hindi mo ininom? “ tanong sa akin habang nakatingin sa gatas. “No, Yaya I’m sorry po, nasarapan kasi ako sa banyo kanina. “ hinging paumanhin ko sa Yaya ko. “Naku anak. Wag ka saakin mag sorry doon sa kay Sir Andrew alam mo ba na limang beses pabalik-balik sa baba para palitan ang gatas mo dahil malamig daw. “ “Kaya nga nagtaka pa ang Daddy mo eh, kaya ang Daddy mo ang umakyat kanina. Ngunit matagal ka pa rin yata. Kaya inutusan na lang niya si Sir Andrew. “ mahaba-habang litanya ni Yaya saakin. Dahilan para mapa ngiwi pa ako. Ibig sabihin pala kanina pa sila nandito? “Yaya, ibig mong sabihin hindi ikaw ang naghatid sa gatas ko? “ pag uulit ko pa na tanong sa kanya. Tumango naman ang matanda. “Teka nga anak, bakit pala parang takot na takot ka? “ Tanong sa akin ni Yaya. Ibig sabihin nahalata pala niya ang boses ko kanina. “Pero iba ang ngiti ni Sir Andrew kanina anak, umamin ka nga. May nangyari ba anak? “ May pag-tatakang tanong ni Yaya sa akin. “A–Anong aaminin ko Yaya? “ Medyo nahiya ko pang sagot sa kanya. Alangan naman na sabihin ko na muntik na makita lahat ni pangit ang hindi dapat makita. Bwisit kasi yon! Pero bakit pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. Hays! “Wala naman anak. Sandali nga! May sakit kaba? Bakit ang pula yang mukha mo oh? “ turo pa sa aking mukha. Kaya napahawak pa ako. “Hah, siguro dahil mainit Yaya, oo mainit tama-tama Yaya! “ hindi magkandaugaga kong sagot sa kanya. Buti naman at hindi na siya nagsalita at nagtanong saakin. Naka hinga pa akong maluwag. “Yaya, n–nandoon ba si pangit sa baba? “ medyo nahiya ko pang tanong sa Yaya ko. “Oo anak, kasama siya ng Daddy mo. Nung paakyat ka kanina siguro wala pang limang minuto dumating na sila. Kaya nung nakita ako na nagtitimpla ako ng gatas at nalaman na para sayo nag presente na kung pwede siya na lang ang magdala. Wala naman naging problema sa Daddy mo dahil sa kanya siya nagpaalam. Pero alam mo anak, naku! Ang daming bilin ng Daddy mo sa kanya bago siya umakyat lalo nung sinabi ko naliligo ka. “ Mahabang paliwanag ni Yaya saakin. Pero napa bungisngis ang matanda sa sinabi niyang madaming bilin si Daddy kay pangit. Naguluhan naman ako sa matanda. At sa wakas andito na kami sa dining. Nakita ko pa si pangit na naka ngiti na may kahulugan mukhang meron pinag uusapan ang dalawa. “Umh! “ tikhim ko para maagaw ko ang atensyon nilang dalawa. Mukha naman nakuha ko dahil pareho pa silang na-pasulyap sa akin. Si Daddy matamis ang ngiti ng makita ako. Samantalang si pangit napalunok na naman! Tinignan ko ang aking suot ok naman, hindi daring maliban sa puson kong naka bandira at syempre sa legs kong mapuputi. Dito lang naman ako sa bahay eh! Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kahit namis ko siya! Charot! Kalma self! “Hi Dad! Good morning! “ bati ko sa kanya at hinalikan ko na sa pisngi. “Good morning may princess, how’s your days? “ ganting bati naman sa akin ni Dad. “Well, going fine Dad, “ Nakangiti kong sagot sa kanya. Gusto kong sabihin about sa kumpanya ngunit wag muna dahil bukas ang deadline na binigay ko kay Brandon. Dahil ang dalawang araw na sinabi sa akin ay nauwi sa limang araw. “That’s good anak. Well let’s eat? “ aya na sa amin. Hindi ko na din tinignan pa si pangit dahil alam ko nakatingin siya sa akin, ramdam ko ang mainit niyang mga titig. “You two, hindi ba kayo magka mustahan?” Napatigil ako sa tanong ni Dad saaming dalawa ni pangit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD