Chapter 23

2256 Words
MARGARETH POV Pagkatapos ang breakfast nagpaalam din si Dad na umalis. Hindi na ako nagtanong ganun naman palagi si Dad. Sumusulpot kapag gusto. Ngunit kanina nagtaka ako sa kanya. Kung makipag-usap kay pangit para lang silang mag-Ama? Nandito kami ngayon sa harden nakaupo at walang gustong bumasag sa katahimikan. Ngunit hindi ako nakatiis at ako na ang unang bumasag. “How are you? “ “Kamusta? “ Halos sabay pa namin na bigkas sa isa’t-isa at sabay kaming tumawa! “Just like new? “ nakangiti niyang sagot sa akin ng tumigil na ako sa pag-tawa. “Hays! “ malalim kong pag hinga. “Problem? “ Sigunda pa niya. Pero hindi ako sumagot. Dahil ang totoo gusto ko siyang yakapin ngunit nag pipigil ako. “I am sorry, medyo natagalan ako kasi meron akong ina—“ pagsisimula niya ngunit pinigil ko at baka masabi niya ang babae na gustong-gustong niya at masaktan ako. “Naku! Ok lang ikaw naman! Pinayagan ka nga ni Dad diba? Hindi naman ako ang amo mo anyway, “ Sabi ko sa kanya. Medyo malamig ang tono ng boses ko na nagtataka pa ata siya. Dahil nakita ko sa aking peripheral vision na napa kunot noo siya. Kalaunan sumagot naman. “I think so. “ matipid niyang sagot sa akin. At seryoso na ang kanyang mukha. “Do you want to go unwind? “ maya’t maya tanong niya saakin. Dahil hindi na ako nagsalita pa. Parang nakaramdam kasi ako ng awkwardness sa aming dalawa. “Nope! I don’t want to go out. I want to stay here. I just want to rest. If you don’t mind. May I excuse please? “ Paalam ko pa sa kanya. Nakita ko pa na para bang nasaktan siya. Pero bakit siya masasaktan? “ Ok, I’m sorry. If—“ Malalim pa niyang hinga, ngunit hindi ko na ulit siya pina–tapos ng pagsasalita dahil sinagot ko na agad. “Thanks! “ sagot ko at umalis na ako! Narinig ko pa ang malalim niyang pag hinga. “I’m sorry kung bastos ako. I want to take away my heart from you dahil may iba kanang gusto Andrew. “ bulong ko sa kawalan. Nakasalubong ko pa si Yaya na napa kunot noo sa akin sabay sulyap sa likod ko. Ni-lampasan ko rin siya. Na kinataka pa niya. “I am sorry too Yaya! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon. “ bulong ko ulit sa kawalan. “Ano nangyari doon Sir? “ rinig ko pang tanong niya sa aking bodyguard. Dahil si Andrew lang naman ang pwedeng pumasok sa bahay lalo na kapag wala si Daddy. Dumeretso na ako sa room ko at dumapa sa bed ko! Bakit parang gusto kong maiyak? “I hate you! I hate you! “ sigaw ko habang nakatakip ang aking mukha sa unan. Kaya hindi ko narinig na may pumasok sa loob ng aking kwarto. “Kaya ba hindi ka nagpakita at tumawag kasi nagkita kayo ng babaeng gusto mo! “ dagdag ko pa! Habang basa na sa luha ang aking unan. Hindi ko rin naramdaman ang umupo sa side ng bed ko dahil patuloy ako sa pag aalboroto ng aking damdamin! "Pahalik-halik kapa pangit ka! Alam mo ba na ikaw ang first kiss ko! “ sigaw ko ulit na parang bata na umiiyak at naagawan ng candy! “I know! “ Natigil ako sa pag aalboroto ng marinig ko ang matigas niyang boses. Kaya napabalikwas ako sa higaan ko. “Kaya mo ba ako hindi pinapansin dahil akala mo nakipag kita ako sa iba? “ seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako umimik. Hanggang sa lumuhod siya sa carpet para magpantay ang mukha namin at hinawakan pa ang kamay ko at pinag siklop. Nakatitig lang ako sa kanyang napakagwapong mukha. “Talk to me baby please. “ pagsusumamo pa niya sa akin. Pero hindi ko na mapigilan ang aking sarili dahil naiyak na ako ng hindi ko alam na dahilan basta nasasaktan ako dahil iniisip ko na nagkita sila nang babaeng gusto niya. Bigla siyang nataranta kaya sumampa siya sa kama at bigla akong binangon at niyakap. Ngunit mas lalo lang ako napa hagulhol sa iyak. “Hey, stop crying baby, anong problema tell me? “ nag-alala niyang tanong sa akin ngunit hindi pa rin ako matigil sa pag iyak. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi sa labi ko. Wala na akong nagawa kundi magpatangay sa mga halik niya. Hanggang sa pareho kaming habol ang hinga ng magkahiwalay ang aming labi. Pagkatapos pinag dikit niya ang aming noo sa isa’t-isa. Mabibigat ang bawat hingang binibitawan niya ng tuma-tama sa aking mukha. Hanggang sa nagsalita siya at inangat ang aking mukha, hanggang sa nagkakatitigan kaming dalawa. “Tell me baby, what’s wrong? “ tanong niya sa akin ng ramdam niya na ok na ako. “Tell me hmmmp, please. “ nakikiusap ang kanyang mga mata na tanong sa akin. “K-Kasi uhm—“ hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil natatakot ako na baka mareject ako ulit? “Tell me, go on baby. “ malambing niyang sagot saakin. “Kaya mo to self! Kailangan mong malaman ang totoo! “ pagpa–pakalma ko sa aking sarili. “Kasi nakipag kita ka sa babaeng gusto mo! “ sa wakas nasabi ko na. Napa kagat pa ako sa labi ko. Pero nung tumingin ako sa kanya ang kanina nag-alala na mukha ngayon may pa kislap-kislap pa ang mga mata! Totoo nga nakipag kita siya babaeng yon. Tumayo na sana ako ng pinigil niya ako. Ang labas bumagsak ako sa lap niya. “Wait, argh! “ napa ungol pa siya dahil sa bigla kong pagbagsak sa lap niya. Meron pa akong nararamdaman na matigas doon dahil sa manipis lang ang aking suot na short. “Leave me alone! “ naka pout kong reklamo sa kanya. Ngunit tumawa lang siya ng mahina. “Natagalan ako dahil meron utos sa akin ang Daddy mo baby, but it’s confidential. I’ll tell you when the right time ok?” pagsisimula niyang paliwanag. Hindi ko naman sinabing magpaliwanag? “And secondly, I don’t have any girl except you, “ dagdag pa niya. Parang tumigil ang mundo sa inamin niya. Ano daw? Gusto niya ako? Kaya humarap ako sa kanya. Hindi ko pinansin ang matigas sa gitna niya na tumatama sa butt ko. “G-Gusto mo ako? “ medyo nauutal ko pang tanong sa kanya, at ngumiti lang siya ng pagka tamis-tamis. “Hindi ba obvious? “ parang nang-aasar pa niyang sagot sa akin kaya nakasimangot ulit ako. Kaya tumayo na sana ako ng pigilan niya ulit. Ang labas pabagsak ulit ako sa lap niya. Dahil pinigilan ako. “ohh! “ Napa paos pa n’yang boses. Parang iba ang dating sa pandinig ko. “Baby, dahan-dahan naman baka mabasag mo, “ napapaos pa n’yang boses saakin. Kaya nakakunot noo pa ako. “Alin ang mabasag? “ inocente kong tanong sa kanya. “Innocent huh, “ naka ngiti niyang sagot saakin. Ngunit seryoso siya ulit. “Hindi kaba naniniwala na gusto kita? “ seryoso niyang pahayag saakin. Masaya ako na umamin na gusto niya ako. Pero hindi ba magka iba ang gusto sa mahal? Naguguluhan ako. Ngunit ok lang at least nagtapat na siya. At sinabi niya na gusto ako. “Totoo? “ hindi ako makapaniwala na inamin niya sa akin. “Totoong-totoo. “ matigas niyang boses na akala mo walang makakabale kahit sino. “Yung babaeng nagustuhan mo paano siya? “ tanong ko sa kanya. “For now. Just forget about her. Please? “ may pagsusumamo pa n’yang pakiusap sa akin. Kaya naman tumango na ako. “So, t-tayo naba? I mean were officially together? “ tanong ko pa sa kanya. Parang may mali! Bakit parang ako naman yata ang nagtapat sa kanya? Pero ang hayop tumawa lang! Kaya naka pout ulit ang labi ko. “Cute! “ bulalas pa niya sabay halik sa labi ko. Wala na akong nagawa at pinulupot ko na ang aking mga kamay sa kanyang leeg hanggang sa nararamdaman ko nang palalim ng pa-lalim ang aming halik na dalawa. Naramdaman ko pa kung saan-saan na din siya napa-pahawak sa katawan ko. Pakiramdam ko nag-iinit na ang buo kong katawan sa mga haplos niya sa akin, at naramdaman ko na lang ang malambot na kama mula sa aking likod. “Ohh.. Andrew.. ” hindi ko mapigilan lumabas sa bibig ko dahil nasa ilalim na niya ako at nararamdaman ko na ang mga labi niya sa leeg ko pababa sa aking dibdib. Hanggang sa nabulabog kami sa malakas na katok mula sa labas ang aking kwarto! “Marga, anak! May bisita ka! “ boses ni Yaya ang gumimbal sa amin ni Andrew. Samantalang ang kasama ko hingal na hingal at nakadagan pa saakin. “O–Opo Y–Yaya lalabas na po ako! “ medyo utal ko pang sigaw sa Yaya ko mula sa labas. Nang hindi ko man lang tinanong kung sino ang aking bisita. Narinig ko na rin na umalis na ang Yaya ko dahil sa yabag niyang palayo. “S-Sandali m-may bisita daw, “ para akong pagod na pagod sa aking boses. Hinalikan pa niya ako ng isang beses sa labi at bumangon na siya pati ako binangon na rin niya. “Mabuti pa nga, baka kung ano pa ang magagawa ko sayo, “ bulong pa niya sa akin. “Hah ano yon? “ tanong ko sa kanya dahil halos bulong lang naman ang sinabi niya. “Ang sabi ko, magpalit ka ng damit mo. May bisita ka hindi dapat ganyan ang suot mo! “ medyo galit niyang sagot sa akin. Napanganga pa ako sa sinabi niya. “Ano daw? Omg! Ganito ba ka-higpit ang boyfriend ko? “ tanong ko sa kawalan. “Yes Sir! Ano pa? “ Tanong ko sa kanya. Pero ngumiti lang ang gag* kaya iniwan ko na siya sa at pumasok na ako sa dressing room ko. Ngunit sumunod pala siya. “Ops! Diyan ka lang! Wag kang susunod! “ stop ko sa kanya. Pero tumawa lang siya. Pero tumigil naman. Buti naman at nakinig. “Ok pero bilisan mo, kung hindi pasukin kita! “ banta pa saakin. Hindi naman ako na offend sa sinabi niya. Medyo kinilig pa ako! “Ay lumalandi kana girl! “ sigaw ng kontrabida kong utak. “Ok Sir! “ sagot ko at tumakbo pa ako papuntang dressing room ko. Narinig ko pa siyang humalakhak. Tapos na akong magbihis at nang makuntento na ako ay lumabas na din ako sa aking dressing room. Pagbukas ko ng pintuan naka abang na si pangit at napanganga pa ng makita ako. Naka suot lang naman ako ng dress na hanggang taas ng tuhod ko at may ekis sa likod ko ngunit nakalugay naman ang mahaba kong kulot na buhok. Naglagay lang ako ng konting blush-on sa aking mukha at lip-gloss saakin labi. Nakita ko pa na napalunok siya sa aking itsura kaya napangiti ako ng matamis sa kanya. “Let’s go? “ aya ko pa sa kanya. Para na siyang na engkanto sa kanyang kinatatayuan dahil hindi na siya makagalaw. “Hoy! “ napa pitik pa ako sa harapan niya dahil hindi na siya naka imik! “Wow! You’re so Gorgeous baby. “ paos pa niyang boses saakin. Napalunok pa ako kaya naman pinigil ko na ang sarili ko at baka saan ulit kami mapunta. Dahil iba na ang nararamdaman ko kanina pa lalo at naramdaman ko na naman ang matigas sa gitna niya. Pakiramdam ko nagkakasala na ang inosente kong utak. “I know I’am! “ medyo mayabang ko pang sagot sa kanya. Tumawa pa siya ng mahina. Hindi naman nakakainsulto ang tawa niya. Para ngang proud na proud pa siya. Tapos ang sarap sa tainga. “Ok let’s go baby, baka kanina pa naghihintay ang sinasabi ni manang na bisita mo, “ siya na ang nagpaalala sa akin sa bisita ko. Ngunit bago pa kami tuluyan na lumabas sa kwarto isang mainit muna ba halik ang aming pinagsaluhan. Hawak kamay kaming dalawa na bumaba sa hagdan. Kakausapin nalang namin si Dad pagdating niya. Meron din kayabangan itong kasama ko. Dahil sabi pa, siya na daw ang bahala! Natawa tuloy ako sa kanya. Matamis ang ngiti namin pababa at nakatitig lang ako sa kanya. Alam ko naman kasi na hindi niya ako hahayaan na mahulog sa hagdan dahil nakahawak na siya sa baywang ko ng mahigpit. “Look at the stairs, I know I'm a handsome baby“ Mayabang niyang bulalas at nakangiti pa siya kaya lumabas na ang pantay-pantay niyang ngipin. “Ang yabang! “ natatawa kong sagot sa kanya. Natigil lang ako ng may tumikhim sa harapan namin. Dahil hindi ko naramdaman na andito na pala kami sa baba. Kasi naman kay pangit ang atensyon ko. “Ehem! Kaya pala ang tagal sa taas dahil? “ Medyo pabitin na bulalas ng boses na babae ang nasa harapan ko na matagal ko nang hindi nakita. Kaya bumaling na ang mukha ko sa harapan. At ganun nalang ang gulat ko dahil ang mis na mis kong kaibigan ay nandito na ngayon sa harapan ko? Medyo nagulat pa ako at hindi ako nakagalaw agad. Nagbalik lang ang diwa ko sa pagpisil ni pangit sa baywang ko dahil sa mahigpit niyang hawak sa akin. “So, mag titigan lang ba tayo best friend? “ hindi parin siya nagbabago maarte pa rin ang boses. Pero bagay naman sa kanya. “Cara! Omg! Bestfriend! “ Gulat kong bulalas sa aking bisita. Sabay takbo at niyakap ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD