MARGARETH POV
“REALLY! He is your boyfriend? I mean your first boyfriend is a bodyguard? Omg! “ pairap pa nitong tanong ni Cara sa akin.
Ilang beses ba niyang tanong sakin kanina pa siya sa mansion hanggang dito sa bar 'yon pa rin ang bulalas niya.
Parang gusto ko nang masaktan sa bestfriend ko. Hindi naman siya dating mapang mata. Bakit parang ang babaw ng tingin niya sa boyfriend ko.
“You know what, Cara E’ ano naman ngayon kung bodyguard si Pogi? Bakit meron ba sa batas na bawal magmahalan ang bodyguard at amo? “ Supalpal naman ni Joy kay Cara. Mabuti nalang sumama ang kaibigan kong ito dahil habang nag uusap kami kanina ni Cara bigla siyang tumawag at tinanong lang naman si Pepito.
“Whatever! “ maarte na sagot ni Cara.
Andito kami ngayon sa isang exclusive-bar dito sa Taguig. Ewan ko ba sa kaibigan ko at dito niya kami dinala. Hindi pa sana pumayag si Andrew kanina ngunit walang nagawa dahil dinaan ko lang naman sa lambing at halik. Napa-ngiti pa ako sa aking naalala.
Kaya lang as usual pinagpalit niya ulit ako ng damit hays! Napaka istrikto ng boyfriend ko pero gusto ko naman. Feeling ko pinoprotektahan niya ako.
“Hoy! Margs are you with us? “ nagbalik ang diwa ko ng siniko ako ni Joy, ngunit ang nagsalita ay si Cara.
“Hah? “ medyo sabog kong sagot. Si Cara medyo dismayado. Samantalang si Joy napa bungisngis.
“Hay naku Carl! Wag mo nang pansinin ang kaibigan natin ganyan talaga kapag inlove! Pag bigyan nalang natin, ok? “ natatawang bulalas ni Joy kay Cara.
“Yeah! Do I have a choices? “ maarte pa rin niyang sagot kay Joy. Dance tayo besh! Dali na wag ka nang Kj d’yan! “ aya saakin sabay hila sa kamay ko. Wala na akong nagawa kundi nagpahila nalang sa kanya. Kung sabagay nandito naman si pangit wala naman sigurong mangyari na masama saakin.
“Si Cara parang bangag na sa kakasayaw dahil sumisigaw pa! Nakikisama din naman si Joy. At ako wala ayon ang atensyon ko sa lalaking nanonood saakin.
Yeah, nasa akin ang mga atensyon niya. Kaya naman may naisip 'kong kapilyuhan.
“Watch me. “ bulong ko pa, alam ko nabasa niya ang lumabas sa labi ko. Dahil medyo napa taas pa ang labi niya at kilay. Na animoy natuwa sa sinabi ko.
Unti-unti akong sumasabay sa togtog mula sa sa musika. Hanggang sa nakuha ko na ang step. Para akong isang sexy star kung tutuusin dahil sa aking paggiling. Napalunok pa siya at para bang may sinasabi? Dahil ang nakangiti niyang mukha kanina ay napalitan ng nagbabagang titig na may-pagbabanta? Medyo naguluhan pa ako. At binasa ko ang bawat galaw sa labi niya.
“Stop what are you doing now! Or else you’ll pay it! “ Basa ko sa labi niya pero embis na tumigil ako mas lalo ko pang ginalingan ang gumiling hanggang sa napatigil lahat dahil namatay ang music.
“ Nag-singhapan at reklamo ang maririnig mo sa loob ng bar! Pati si Cara at Joy ay nagulat din! Of course I do too!
“What happened? “ si Cara
“Anong nangyari? “ si Joy
Halos sabay pa nilang bigkas. Nag kibit balikat lang ako dahil wala naman akong alam.
Pero ng tumingin ako sa gawi ni pangit ay biglang nawala?
“Saan siya nag punta? “ kausap ko pa sa aking sarili. Si Pepito lang kasi ang nakikita ko pero kay Joy din ang atensyon, ngunit hindi rin nakaligtas sa akin ang pag ngitngit ng panga niya. Bakit ba parang pareho sila ni pangit na parang galit?
“ I’m sorry Ladies and Gentleman! Meron lang aberya pero saglit lang 'to! “ biglang announcement ng DJ sa bar.
“Let’s go girls, may problema yata sa sound system nila inom nalang tayo? “ aya saamin ni Cara, kaya sabay-sabay na kaming bumalik sa table namin.
Masasabi kong ok naman ang table namin. Dahil si Andrew ang pumili. Walang sinumang maangas na lumapit sa amin. Katulad na lang kanina pag pasok namin ay agad meron siga-siga na gustong nakipag kilala pero agad na pinahiya ni Andrew. Wala din naman nagawa ang isang grupo dahil mukhang takot naman sila sa boyfriend ko.
“Waiter! “ Tawag ni Cara sa waiter. Parang sanay na sanay kung sabagay nga naman gawain namin dati pa.
“Three drinks please, yung matapang! “ sabi pa niya magrereklamo pa sana ako kaso inunahan niya ako.
“Ops! Bawal ang kj! “ bulalas niya.
“It’s ok Miss B. andiyan naman si fafa pogi eh! “ pabiro naman na bulalas ni Joy.
“Hay naku! Do I have a choice? " Sagot ko, magrereklamo pa sana ako e'
“Besh! Ngayon lang naman to pagbigyan mo na ako. Babalik na naman ako sa London by next week. “ paawa effect pa ni Cara sa akin. Kaya wala na akong nagawa. Hinintay lang namin ang order niya.
Hindi naman kami nag–hintay ng matagal dahil bumalik agad ang waiter ngunit iba na ang mukha. Hindi na ang inutusan kanina ni Cara.
“Ma’am, here’s your order. “ sabi sabay lapag sa mga drinks.
Ngunit masama ang mukha ni Cara sa waiter,
“Excuse me? Nasaan ang inutusan ko kanina? And what is this? Hindi ito ang order ko! “ medyo galit na reklamo ni Cara sa waiter, dahil malakas pa ang boses.
“Cara, calm down! Baka may makarinig sayo! “ awat ni Joy sa kanya.
“I don’t care! “ sigaw ni Cara. Na para bang may nagawang mali ang waiter eh iba lang naman ang alak na binigay pwede naman palitan.
“Cara! “ awat ko sa kanya. Tinignan ako ng masama, ngunit panandalian lang. Nagulat pa ako sa inaasta ng aking bestfriend.
“I’am sorry girls. Maybe I was tired. “ mahinahon na niyang boses saamin. Samantala ang waiter naka tayo lang sa tabi namin. Kaya tinanong ko siya.
“Tss! Pagod ka pala bakit hindi ka na lang umuwi? “ sagot naman ni Joy mukhang mag-aaway nga ang dalawa. Kaya hinawakan ko na ang kamay ni Joy sa ilalim ng mesa para pakalmahin. Buti naman nakinig saakin dahil nag-usap kami mata sa mata.
“Excuse me, hindi ito ang order namin. Pwede bang palitan please. “ pakiusap ko sa waiter. Ako na ang nakiusap dahil iba na ang pinakita ni Cara na pinagtataka ko. Siguro pagod nga siya sa trabaho?
“Sorry ma’am. Pero utos po ni Sir na iyan daw ang ibigay kong inumin niyo. Lalo na po sa inyo. “ magalang na sagot ng waiter sa akin. Medyo bata pa ang waiter boy.
“Duh! Pakialamero! “ may sinasabi si Cara ngunit hindi ko narinig. Dahil halos bulong lang, isa pa ang lakas ng sound sa loob ng bar.
“At ma’am, yung waiter kanina. Nag paalam na umuwi dahil sumakit ang tiyan. “ dagdag pa ng waiter.
Narinig ko pang napamura si Cara ngunit binalewala ko nalang. Samantalang si Joy may sariling mundo.
“Ang higpit pala ng boyfriend mo ano? A simple bodyguard! “ Medyo nakaka insulto na boses ni Cara lalo na sa last part na sinabi niya. Gusto ko siyang supalpalan ngunit nagtitimpi ako.
“Hoy Cara! Wag kang mangmata ng tao! E’ ano ngayon kung bodyguard siya? Bakit kung mayaman ba siya pasok na sa taste mo? Ikaw ba mayaman? “ deretsong sagot ni Joy mukhang mag aaway na ang dalawa dahil sa matalim na titigan nila kaya pumagitna na ako!
“ You two stop! Hindi tayo nandito para mag away ok! “Awat ko sa kanila. At bumaling ako sa waiter dahil hindi naman siya umalis.
“Excuse me! Give us whiskey! Ops! I don’t take a No answer! Sabihin mo rin sa lalaking yon na ako ang may sabi! “Bilin ko sa waiter sabay turo sa gawi ni Pangit. Napa kamot pa sa batok ang waiter.
Samantalang ang dalawang kaharap ko naka nganga ngayon.
“Oh what? “ tanong ko sa kanila.
“Nothing! “ sabay pa nilang bulalas na dalawa saakin.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko nag igting ang panga si Pangit, nakatingin sa akin at napailing. Ganun din naman si Pepito kay Joy at nag peace sign lang kaibigan ko. Samantalang si Cara parang ang sama ng tingin saakin ng napasulyap ako sa gawi niya. Napa second-look pa ako. Pero naka ngiti naman. Hindi pa naman ako lasing pero kung ano-ano na ang nakikita ko at napapansin.
Hindi naman nagtagal ay dumating din ang order ko. At mabuti naman at tama na ang nilapag. Ngunit ang mukha ni Cara ay parang dismayado parin.
“Are you ok Cara? “ tanong ko sa kanya.
“Hah! Y-Yeah I’m ok don’t mind me. Iniisip ko lang ang mga project ko. “ sagot sa akin. Pero ramdam ko she hide something. Kaya tinanong ko siya.
“Pagod kanaba sa work mo? Sabi ko naman kasi sayo mag trabaho kana sa kumpanya. “ Tanong ko dahil mukhang may problema ang bestfriend ko.
“Thanks Margs, but no thanks. Nasa pag mo-model talaga ang buhay ko. Carry ko pa naman! “ Sagot niya sa akin. Sabay simsim sa whiskey.
“Ikaw bahala, basta welcome ka anytime, “ sabi ko sa kanya.
“By the way, I’am sorry kung namatay ang tawag mo noon, kasi yung phone ko, nahulog sa tubig. “ pagsisinungaling ko sa kanya. Yon kasi ang bilin ni Pangit saakin. Even Joy ganun din ang sinabi ko sa kanya.
“Oh I see! That’s why! Hindi kita makontak alam mo ba nagtampo talaga ako sayo, kaya lang hindi kita matiis. Kaya nga su-surpresain sana kita kaso ako pa ang nasurpresa. “ pag da-drama n’ya saakin. Ganyan naman siya wala parin pinag bago ang bilis magbago ang expression ng mukha. Minsan, galit minsan malambing. Kaya siguro nakagaanan ko siya ng loob. Dahil pareho kami ng ugali. Moody!
“Kaya wag kanang magtampo. I’ll try to call you naman kaso busy sa kumpanya you know! “ Sagot ko naman.
“Tss! Ang sabihin mo, busy ka sa new boyfriend mo! Anyway forget it just enjoy the night! “ Sabi pa niya sa akin at sumigaw pa siya na para bang nagpapansin! Napa-iling na lang kami ni Joy.
Siguro kong walang asawa si Trizia malamang kasama din namin ang isang iyon.
Lasing na si Cara, dahil halos siya ang naka ubos sa Whiskey na inorder ko. Halos hindi na nga s’ya nga makatayo eh!
Si Joy medyo hindi na rin ok. Kaya duda ako dito! Mamaya duduwal na yan! Kaya senenyasan ko na si Pepito na kunin na si Joy pero yong driver ang lumapit. Ngayon ko lang din nakita ang bagong driver ni Joy. Parang hindi rin driver eh. Ang kisig din ng katawan.
Pero napansin ko umigting ang panga ni Pepito, sa driver ni Joy, na para bang gusto niyang kainin ng buhay ang bagong driver ng kaibigan ko?
Pati yata ako lasing na din. Kung ano-ano na ang napapansin ko.
“H-Hoy! Ayow kow sayow! Tsupey! “ boses ni Joy na halatang lasing na. Dahil hindi na buo ang boses niya.
Dahil kahit pa pagbigkas nga ayaw ko sayo ay hindi na malinaw.
“Sha ang gusto ko, nakita mow sha? Ang gwapo niya diva? “ dagdag pa niya sabay hagikgik. Ang sinasabi niya ay si Pepito.
“Uwi na tayo ma’am. Tumawag na ang ama mo. Kung hindi ka daw uuwi baka ipasara niya ang bar na ito pang habang buhay. “ sagot ng driver ni Joy. Magalang din naman pala ang driver ng aking kaibigan.
Kung sabagay halatang hindi nagbibiro ang driver ni Joy dahil sabi ko nga. Isa din sa elite sa business word ang ama ng aking kaibigan.
“I don’t care! “ sagot naman ni Joy.
Samantalang si Cara iba ang sagot!
“Alam niyo ang yayaman niyo pero ang dami n’yong problema! Look at me! I don’t have! “ natatawa n’yang bulalas napailing nalang ako. Dahil akala ko tulog na.
Mag aalas dos na rin ng umaga. At lumapit na ang boyfriend ko sakin. Napangiti pa ako.
“Speaking of boyfriend! “ bulalas ni Cara.
“Hoy! Mahal mo ba ang kaibigan ko? “ tanong niya kay Andrew. Nabigla pa ako sa tanong ni Cara kaya inawat ko ngunit huli na dahil sumagot na si Andrew at pinatulan talaga ang lasing?
Hindi ko kasi namalayan na andito na rin sa tabi namin ang boyfriend ko.
“Yes I love her. “ Omg! Nag-daragundong ang puso ko sa sagot niya. Totoo ba yung sinabi niya he loves me?
“Korne! “ May pait na sagot ni Cara na lumabas sa bibig niya samantala si Joy na akala ko tulog na biglang nagbunghalit ng tawa!
“Inggit kalang girl kasi wala kang boyfriend! “ kantyaw pa niya kay Cara. Ang isa naman biglang tumahimik.
At tuluyan na ngang nagkasagutan ang dalawang lasing!
Matapos ng mahabang bangayan ng dalawang lasing ito kami ngayon pauwi palang kami dahil hinatid muna namin si Cara sa condominium niya.
Samantalang si Joy syempre hinatid siya ng driver niya. Wala naman nagawa si Pepito.
Nagtaka pa ako dahil tahimik si Andrew. Pero kung sumulyap naman sa akin ngumingiti naman.
“Ok ka lang? “ nag alala ko kong tanong sa kanya. Baka kasi kung ano-ano na ang sinabi ni Cara sa kanya. Siya kasi ang naghatid sa taas naiwan kami sa baba. Ang demanding kasi ni Cara dahil si Andrew ang gustong maghatid sa taas kaya hinayaan ko na. Baka meron sinabi ni Cara sa kanya na nakakasakit sa damdamin ng boyfriend ko, kaya tahimik?
“Yes I'm fine baby. Don’t worry. How about you? You’re enjoying dancing on the floor huh! “ Bulalas niya sa akin. Napa pikit pa ako bago ako sumagot. Akala ko limot na niya ang nangyari kanina.
“A-Ano kasi—umh" “ hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nahiya ako. Kaya napa kagat nalang ako sa ibaba ng labi ko.
“Don’t bite your lips baby, “ bulalas pa niya akala ko naka-tuon sa labas ang atensyon, kasi nag da-drive siya. Pati pala mga ginagawa ko napapansin niya.
“ Wag mo na uulitin ang ginawa mo kanina, muntik ko nang pinagbabaril lahat ng lalaking nanonood sayo, “ sabi niya sa akin. Nagulat pa ako sa sinabi niya.
“Nanonood sa akin? “ pag uulit ko. Kasi sa kanya lang naman ako nakatingin. Ay oo, pala s**t bar pala 'yon! Kaya napa-kagat ulit ako ng aking labi.
At ganun nalang ang gulat ko ng biglang nag-preno si pangit! Nakakabinging tunog ng gulong ang nagpa kaba saakin.