Chapter 26

1996 Words
MARGARETH POV Si Cara ang dumating na hindi ko inaasahan. Nagkataon daw na nandito sila ng kanyang manager at may kausap ng ibang brand ng kanyang imo-model. Pansin ko sa aking ama na parang wala naman pakialam sa presensya ng aking bestfriend. Kaya naman, tumayo na ako at inimbitahan ko na siya sa aming table. Total hindi naman siya iba saakin. “Congrats Carl! I’m happy for you! “ pag basag ko sa katahimikan namin lahat. Dahil ang tahimik nila, pati si Brandon hindi naman nagsasalita, ngunit pansin ko ang sama ng tinginan nilang dalawa ni pangit. “Thanks best friend. By next week, we fly again going to Paris. “ Napa tigil ako sa pag o-obserba sa dalawang lalaki na magkaharap dahil sa sagot ni Cara saakin. Ang dami niyang lakad, no'ng nasa bar kami, ang sabi London. Pero binalewala ko na lang. Dahil sa mga kasama ko ang aking atensyon. Samantalang si Dad naman parang walang pakialam sa nangyayari. Ngunit bigla siyang nagsalita. “ I’ll go ahead, thanks for the lunch Brandon. “ paalam ni Dad sa amin, partikular kay Brandon. Nagkatinginan lang naman sila ni pangit na walang boses ang umutawi, na para bang pagkakaunawaan sa kanilang titigan. Ah, kanina pala pagdating namin sa mesa, ayaw paupuin ni Brandon si pangit dahil daw personal bodyguard ko siya, dapat daw magbantay. Si Daddy ang nagsabing makijoin si pangit saamin at walang nagawa si Brandon. Kaya ngayon masama ang tinginan nilang dalawa. “ I have to go my princess, takecare ok. “ malamyos na paalam ni Dad saakin. Nakipag beso pa si Cara kay Daddy bago tuluyan umalis. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag-ikot ng mata ng aking kaibigan. Ngunit hindi ko nalang binigyan ng malisya. Kung sabagay ganyan naman siya minsan. “Ahm! “ tikhim ni pangit, ay Andrew pala. Minsan talaga napapadalas na ang pag tawag ko sa kanya ng pangit, E’ kasi naman hindi siya nag re-reklamo! Alam na daw niya kasi sa kanyang sarili na magandang lalaki siya! O' diba ang yabang? Sa totoo lang, kulang naman talaga ang salitang gwapo sa kanya kung ako ang tatanungin niyo. Para siyang isang greek God na bumaba mula sa langit. Ang kanyang tindig ng katawan talo pa ang isang modelo. Napailing pa ako dahil kung saan-saan na nakarating ang aking iniisip. Nararamdaman ko nalang na apat na pares ng mga mata ng nakatitig sa akin. Kaya naman napa-angat ako ng tingin. At ang dalawang lalaki lang naman sa aking tabi ng nakatingin sa akin. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag smirk ng aking bestfriend. Kaya napa sulyap pa ako sa kanya. Sabay taas n’ya sa wine bago ininom. Nginitian ko na lang siya bilang sagot. Isa pa ayaw kong uminom dahil masyado pang maaga. Natigil ako sa muni-muni ng magsalita ang aking boyfriend. “ Tapos na ang lunch! Hindi paba kayo babalik sa kumpanya? “ Parang boss kung magsalita ang aking boyfriend at kay Brandon siya nakatingin. Samantalang si Cara naman hindi ulit nakaligtas sakin ang kanyang pag smirk! Mukhang may galit talaga ang aking matalik na kaibigan sa boyfriend ko. Hindi ba dapat masaya siya sa akin? Parang kasi mabigat ang loob ng aking kaibigan sa boyfriend ko. Aaminin ko nasasaktan ako sa pinapakita niya ngayon. Ngunit ramdam ko naman na bale-wala sa aking boyfriend ang pinakita ng aking kaibigan sa kanya. Dahil kay Brandon nakatuon ang kanyang atensyon. “ Asshole! “ smirk ni Brandon! Nagngitngit naman ng galit si pangit na akala mo susugod sa suntukan. Kaya bago pa may mag-away sa harapan namin umawat na ako, total tapos na kaming kumain ng lunch. Pero nakita ko sa plato ni pangit hindi naman nabawasan ang laman ‘yon. “Damn you! “ Sagot din ni pangit kay Brandon. Kaya tumayo na ako dahil pakiramdam ko mag-aaway na sila na para bang mga bata na nag aagawan sa candy! My god! “Uhm, Brandon, I think we need to get back to the company, thanks for the lunch.” Paalam at pasasalamat ko kay Brandon. At tumayo na ako. Ngunit sabay pa silang tumayo ni pangit. Mas lalo tuloy natawa si Cara. Ah, oo, pala andito pala si Cara muntik ko ng nakalimutan ang kaibigan ko dahil sa dalawang lalaking ang sama ng tingin sa isa’t isa! “Sumabay ka na lang sa akin Marga, total isang kumpanya lang naman ang pupuntahan natin. “ Saad ni Brandon saakin. Ngunit biglang sumabat si pangit. “She will not go with you, because she's going with me. Let’s go Ma’am Margareth. “ Mapag-utos na bulalas ni Andrew. Napa nganga pa ako at agad na siyang umalis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung susunod ba ako sa aking personal bodyguard na boyfriend ko na? O' sa taong nagtataka kung bakit ganun kung umasta ang aking (PB) personal bodyguard. Ngunit nagbalik ang aking diwa ng magsalita si Cara. “It’s ok Margs, sundan mo na siya. Right Brandon? “ maarte ang boses ni Cara kay Brandon. Parang may kakaiba sa dalawa. Ngunit hindi ko na binigyan ng kahulugan. “I’m sorry guys. Baka magsumbong siya kay Daddy. “ pag si-sinungaling ko sa kanila. Pero ramdam ko na alam ni Cara ang ibig kong sabihin dahil siya lang naman ang nakakaalam sa totoong relasyon namin ni Andrew. Sana lang hindi niya sasabihin kay Brandon. At malaking pasasalamat ko na rin dahil hindi niya sinabi kay Daddy kanina. Dahil aminin ko nakaramdam talaga ako kanina ng kaba. Lalo pa’t iba kung maka tingin si Cara saaking boyfriend? Isa pa, hindi ako sure kung maintindihan ako ng aking ama. Dahil aminin ko, masyadong mabilis ang pangyayari. Kung tutuusin isang linggo palang kami na magka kilala ni Andrew. Ni hindi ko nga alam ang back-round niya. Kundi ang kanyang pangalan lang aking alam. “Haist!” bumalik lang aking diwa sa malalim na hinga ni Brandon. “Ok Marga, you can go first. “ sa wakas naibulalas na ni Brandon. Kaya umalis na din ako. Meron pa siyang sinabi ngunit hindi ko na binigyan ng pansin. At dali-dali ko ng tinungo ang pintuan palabas ng resto. Paglabas ko, naka prente ng naka upo si Andrew sa loob ng kotse! Napa-hinga pa ako ng malalim bago ko tinungo ang sasakyan. Ni hindi man lang lumabas! Kung sabagay naka bukas na ang pinto, pero kahit ganun nakaramdam ako ng galit sa kanya! “ I thought you had no intention of leaving them there? “ Nagulat pa ako sa tono ng boses at tanong niya. Ano daw? Lumanghap muna ako ng hangin para mapigilan ko ang hindi magalit sa katabi ko ngayon. Na para bang may nagawa akong kasalanan! Tiningnan ko lang siya ng masama, at walang lumabas na boses sa aking bibig. Buti naman at pina-andar na ang kotse. Nakarating na kami sa kumpanya na walang imik sa isa’t isa. Iniwan ko siya sa parking lot kanina kahit pa ilang beses pa akong tawagin sa aking pangalan. “Oh! Ano yang mukha mo? “ bulalas ni Joy saakin. Tinignan ko lang siya at nilampasan. Ngunit sinundan ako ng aking secretary. “Something wrong, Miss B? “ seryoso ang tanong sa akin. Napa-hinga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. “Bakit ganun siya? Masyadong aroganti? “ naibulalas ko. Napa tutop pa ang kamay ni Joy sa kanyang bibig. “Omg! Sino? Oh wait! I guest, Lq kayo? “ malaking mata na tanong ni Joy saakin. “Siya naman ang pagpasok ni pangit na may pasa sa mukha? “May pasa sa mukha? “ naibulalas ko pa! At napa second look pa ako sa kanya at ganun na lang ang aking gulat dahil may pasa nga! ANDREW POV “Damn it! “ sipa ko sa gulong ng aking kotse! Nang biglang lumabas ang limang kalalakihan at naglalakihang katawan mula sa itim na sasakyan. Napangisi pa ako dahil alam ko kung ano ang pakay nila saakin. Kanina ko pa kasi napapansin na naka sunod sila saamin. “Simulan n’yo na! “ Sigaw ng isang lalaki at gusto akong umbagan ng suntok. Umilag ako at siya ang aking sinuntok at sinipa! Wala akong sinayang na oras, dahil kanina pa ako nagtitimpi! Wag nila akong susubukan dahil mainit ang ulo ko! Napa-aray pa ang lalaki dahil sinadya ko talagang puruan ang balls nito! Ayon namimilipit ng sakit. Sumunod ang isa at may hawak pang balisong, nakipagsuntukan ako sa kanya ng binigyan ako ng pagkakataon, mabilis ang aking kilos at kinuha ko ang balisong nito at isinaksak ko sa kanyang tuhod! Ayon bagsak at namimilipit din ng sakit! Meron pang tatlo! At pinaikutan nila ako, na akala mo naman kaya nila akong patumbahin! “Bibigyan ko pa kayo ng pagkakataon, umamin na kayo dito at dalhin ang mga kasama niyo, at sabihin sa akin kung sino ang nag-utos sa inyo na gawin ‘to saakin. “ mahinahon kong saad sa kanila. Ngunit ang lider nila ngumisi lang saakin. Samantalang ang dalawa medyo gusto ng umatras. “Boss, alis na tayo! Mukhang nagkamali tayo ng binangga. “ narinig kong bulalas ng isa. Ngunit isang batok sa ulo nito ang tumama sa tinawag nitong boss. “Tarantado! Tayo ang malalagot sa boss gago kaba! “ bulyaw ng pinaka lider nila. Kaya tama ang hinala ko! May nag utos sa kanila. Nilabas ko na ang aking baril, at tinutok sa kanila! Mukhang lalaban pa ang isa, kaya pinaputukan ko siya ng baril! Pero bago ‘yon binaril ko muna ang cctv sa parking lot. Dahil ayaw kong may makita sila sa akin. “Sabihin n’yo saakin kung sino ang amo n’yo! Kung ayaw n’yo ang bungo n’yo ang babasagin ko! Mag bilang ako ng dalawa kapag hindi n’yo pa sinabi! Wala akong pakialam kung dito kayo paglamayan! “ bulyaw ko sa kanila. Nakita ko pa ang takot sa kani-kanilang mukha. Kung hindi ako nagkakamali, mga gang ito sa labas! At pipityugin lang. “Isa at kalahati! “ pagsisimula kong magbilang at kinasa ko na ang aking baril, hanggang sa sabay-sabay pa silang napaluhod sa harapan ko. Kaya napa ngisi ako, mukhang takot ang mga gong-gong “Boss! Magsasalita na kami! Si Mr. Agustin ho! Inutusan kami para turuan ka ng leksyon. “ pag-amin ng pinaka lider nila. Nagngingitngit ako sa galit! Alam ko naman na masama talaga ang dugo ng unggoy na iyon sa akin. “Umalis na kayo sa harap ko, at wag na wag kayong magpapakita sa akin! Naiintindihan niyo ba? “ bulyaw ko sa kanila at mabilis silang umalis sa harapan ko, pati kasama nila binuhat na. Dali-dali akong pumunta sa office ng VP dahil alam ko naman na sumunod siya sa amin kanina. Diretso lang ako sa paglakad at agad akong pumasok sa office niya, kahit ang secretary nito ay takot sa akin, dahil hindi man lang ako pinagbawalan na pumasok sa office ng kanyang boss. Hindi ba niya naisip na baka mapatay ko ang Vp nila? “What are you do—“ hindi ko na siya pina-tapos ang sinasabi ng biglang kong sinuntok ang kanyang mukha! “Sa susunod na ipa-bugbog mo ako, pumili ka ng mahusay-husay at hindi ka nila ikakanta agad gago! “ bulyaw ko sa kanya. Paalis na sana ako ng kulyuhan ako at sinuntok din ako sa mukha! Napa-hawak pa ako sa aking labi, dahil hindi ko inaasaahan ang ginawa niya sa akin. “You bastard! Who you are, para pagbintangan mo ako ng ganyan? Kaya kitang burain sa mundo asshole! “ sigaw niya sa akin. Hindi ako nagpatalo sa kanya, at sinalubong ko ang nagbabaga nitong mga mata. “Do it, don’t say it! Because I’ll make sure you have a place in your stupidity! “ nagngingitngit kong sagot sa kanya. At tinanggal ko na ang kamay niya na nakahawak sa damit ko, sabay tulak sa kanya, napa-upo pa ang gago sa floor. Nginisihan ko siya, hindi rin nakaligtas sa akin ang paggalaw ng kanyang panga. Lumabas na ako at sinara ko pa ng malakas ang kanyang pintuan, nang ikinagulat ng kanyang secretary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD