Chapter 27

1670 Words
MARGARETH POV “OUCH! “ daing n’ya ng diniinan ko ang pag lagay ng betadine sa kanyang labi. “Saan mo ba kasi nakuha yang pasa mo? “ tanong ko ulit sa kanya. Akalain mo nabangga daw sa pintuan ng sasakyan! Bwisit talaga siya! “I told you, I accidentally hit my face on the door's car, because I wanted to chase you. “ sagot sa akin na para bang siya pa ang galit! Aba! Sumosobra na yata siya hah! “So kasalanan ko? “ turo ko sa aking sarili, at tuloy parin ako sa pag gamot sa kanyang sugat. Hindi naman nakalusot sa akin ang kanyang pag lunok. Kaya sinamaan ko siya ng tingin! Kaya diinan ko ulit ang pag lagay ng bulak sa kanyang labi! Dahil mukhang umiiral na naman ang kamanyakan. Nakangisi pa ako ng masama niya akong tiningnan. Pero ngumisi naman kalaunan. “E’ bakit ang sama mong nakatingin sa akin? Pasalamat ka ginagamot pa kita! “ galit kong saad sa kanya. Pero ang totoo n’yan nakalimutan ko na ang galit ko sa kanya kanina sa resto. “Mas lalo naman akong nasasaktan sa ginagawa mo, akin na nga yang bulak! “ pasuplado pa nitong boses na mas lalo kong ikinatuwa! Nilayo ko pa ang isa kong braso sa kanya dahil gusto n’yang abutin ang bulak mula sa aking kamay. Nakaupo siya ngayon sa aking swivel chair. At nasa harapan ko naman siya. Pansin ko naman talaga na kanina pa siya titig na titig saakin, partikular sa aking cleavage, at nakabandera sa kanya ang malulusog kong dibdib. Pero binalewala ko lang. Mas lalo naman nakikita ang aking dibdib ng napa yuko ako sa kanya, dahil nasa labi lang naman ang kanyang sugat. Hindi naman ako nakaramdam ng asiwa sa kanya. Total naman hindi naman masama dahil boyfriend ko siya. Pero wag niyo ako gagayahin, 'yon eh kung sure na kayo kung ang lalaking pagpapakitaan niyo ay siya na hanggang huli. “Are you trying to seduce me baby? “ namamaos n’yang boses. Na kina tigil ko dahil iba ang dating ng kanyang boses saakin. Huli ng namalayan kong naka hawak na pala siya sa baywang ko. Napa lunok pa ako bago ako sumagot sa kanya. “Hoy! Ikaw matanda ka! Tumigil-tigil ka! Baka nakakalimutan mo nasa loob ka ng office ko! “ pabulyaw kong tugon sa kanya. Pero ang totoo, nilalabanan ko talaga ang aking sarili dahil baka mahalikan ko pa siya! Ngunit naalala ko ang tinawag ko sa kanya na gusto kong bawiin. Ngunit huli na dahil ako na ngayon ang pina-upo n’ya sa swivel chair ko ng hindi ko man lang namalayan. Bakit ang bilis niya naman? “Matanda pala huh! Sige tingnan natin kung sino ang sinasabi mong matanda baby… “Malandi n’yang boses, at ang lapit-lapit pa ng mukha niya sa aking mukha. Isang dangkal na lang at magdikit na ang aming mga labi, ng bigla kaming nabulabog sa biglang may pumasok sa aking office. Pero si Andrew hindi pa rin bumabalik sa westo niya. Dahil naka titig parin saakin na akala mo’y wala siyang paki-alam kung sino ang pumasok. “Hindi ba niya iniisip na baka si Daddy, o kaya naman si Brandon! O kaya naman isa sa mga board member? “ ito ang mga tumatakbo sa utak ko. Nang biglang may tumikhim! “Ehem! Pasensya na Miss B! Pero isturbuhin ko muna kayo. Tumawag po ang CEO at pinapa-uwi kayo. Ang totoo n’yan tumatawag daw sa inyong cellphone. Pati din sa inyo sir pogi. “ mahaba-habang litanya ni Joy saamin. At sa last na nabanggit niya napa-hagikhik pa ang gaga! Doon lang natauhan si Andrew at napa-tayo ng tuwid sabay tingin sa kanyang mobile-phone. “ tsk! I almost forget! “ bulong pa niya na umabot naman saaking pandinig. “Anong nakalimutan mo? “ tanong ko sa kanya, samantalang si Joy palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Meron ba silang pinag-usapan ni Dad na hindi ko alam? Kung sabagay ganyan naman sila para ngang mag-ama kung mag-usap lang. “Sabi ni Don Bernardo, umuwi daw tayo ng maaga dahil meron daw siyang gustong linawin. “ saad ni Andrew saakin. Bigla naman akong kinabahan. “W–Why? “ Medyo nanginginig ko pang sagot. “Hindi kaya, alam ni Dad na meron na tayong relasyon? “ tanong ko sa taong kaharap ko. Wala na din akong paki-alam kung na naririnig kami ng aking kaibigan. “Bakit anong masama do’n? “ pilosopo pa niyang sagot sa akin. Kaya ang aking kaibigan ayon, napa lakas ang tawa! Inirapan ko lang si pangit! At ito na nga palabas na siya. Ngunit napa tigil sa pag hakbang at sumulyap saakin. “I just want to remind you, I’m not old yet! I will make sure one day, I will prove it to you.” Pagkatapos ng katagang ‘yon lumabas na siya sa aking office. Napa tulala pa ako sa kawalan, actually dalawa kami ng aking kaibigan. “Besh! Anong sinabi n’ya? Bakit n’ya nasabi ‘yon? Ano daw? Hindi siya matanda? “ sunod-sunod na tanong ng aking kaibigan saakin, sabay tingin sa akin ng pataas-pababa. “Hmmp! I know it! “ nakangisi niyang sigunda. Doon lang ako natauhan! Dahil nakita pala niya ang itsura namin kanina bago siya pumasok. Kaya humarap ako sa aking kaibigan. “Anong alam mo? “ painocente ko naman tanong sa kanya. “Um! Naku besh! Lagot ka sa boyfriend mo! “ saad saakin at bigla-bigla nalang paalis, ng napatigil siya sa paglabas ng pintuan. “Besh! Si Pogi! Naghihintay! “ bulalas pa nang aking kaibigan. Ngayon ko lang naalala na pinapa-uwi kami ng Dad ko. Hindi talaga mawala sa akin ang kabahan. Baka may alam si Dad sa amin at pilit kaming paghiwalayin? Omg! “No Marga! Erase-erase! Wag kang ano-ano ang nasa isip mo! “ Para akong temang na kinakausap ko ang aking sarili. Kaya kinuha ko na ang aking bag at lumabas na ako sa aking office. At baka may masabi na naman si tanda saakin, ay este ang aking boyfriend! Napa bungisngis pa ako, ng maalala ko ang tawag ko sa kanya, ngunit bigla nalang kumabog ang aking dibdib ng bumalik saakin ang huling salitang pagbabanta n’ya kanina. “ I will make sure one day, I will prove it to you.” “Hindi! Erase-erase Marga! Hindi siguro “ kausap ko sa aking sarili at napa iling pa ako! Nagbalik ang aking diwa ng may kumatok sa aking pintuan. “Miss B! Si sir pogi kanina pa naghihintay. “ boses ni Joy ang nagbalik sa aking diwa at may ngising nakapaskil sa kanyang labi habang naka silip siya sa aking pintuan mula sa labas ng aking office. Kaya naman dali-dali akong lumabas, la-lampasan ko na sana ang aking kaibigan ng may sinabi ulit! “Miss B!? Enjoy your day! “ may kahulugan pang bulalas ng aking kaibigan saakin. Napailing nalang ako sa inaasta niya. “Sige pasensya kana Joy hah, alam ko naman maaga pa, pero siguro may sasab–" hindi ko pa natapos ang aking gustong sabihin sa aking kaibigan ng sumabat siya. “Naku miss B! Ok lang, I understand. Sige na lakad na. Mahirap pag hintayin ang boyfriend ng matagal sige ka! “ bulalas saakin. Napa kunot noo pa ako. “Anong sinasabi mo? “ naguguluhan kong tanong sa kanya, “Naku miss B! Malalaman mo mamaya dali na alis na! “ pag-tataboy pa saakin, sabay senyas sa kamay na pinapaalis ako. Gusto kong sabihin sa kanya na iba ang iniisip niya, ngunit ang ngiting naka paskil sa mukha ng aking kaibigan ay kakaiba. Kaya nag kibit balikat nalang ako. At tuluyan ko ng iniwan ang aking kaibigan na may kumukutitap sa kanyang mga mata! “Ang weird niya ngayon? “ kausap ko pa sa aking sarili. At nakita ko si pangit na nakikipag-usap sa mga staff ko? At pangiti-ngiti pa ang hinayupak! Kailan pa siya natutong ngumiti sa lahat? Pinaikutan ko siya ng aking mata, at hindi ko siya pinansin. Dahil kumulo agad ang aking dugo! Biruin mo sa sarili kong kumpanya nakikipag flirt! Bwisit siya! “Miss Bernardo wait! “ tawag pa saakin. See! Pati pag tawag sa pangalan ko nakaka inis! Kaya tuloy-tuloy lang ako sa paghakbang. At hindi ko talaga siya pinapansin! Hanggang sa nakarating ako sa tapat ng elevator. “ What’s your problem huh? “ parang galit pa niyang tanong sa akin. Hindi ko parin siya pinansin. “Hey! Seriously? You ignoring me? “ sigunda pa niya na parang wala ng pasensya! Pero ayaw ko parin pansinin! Sino ba siya sa akala niya! “Ano akala niya sa akin, sa loob pa talaga sa office ko siyang mambabae! “ nagngingitngit talaga ako sa galit! Kung pwede lang talaga sabunutan ko na ang mga staff ko! “easy Marga! Easy! “ kausap ko ulit sa aking sarili. Napa hinga pa ako ng malalim. “Baby, talk to me please. “ medyo mahina niyang boses. Pero hindi ko parin sinasagot. Narinig ko na lang na napahinga siya ng malalim. Hanggang sa may gustong sumabay sa amin sa elevator dahil bumukas na. “Dali sasabay tayo kay handsome! “ narinig kong bulalas ng isa sa mga empleyado sa kumpanya ko! Hindi ba nila alam na ako ang amo dito? Sinuot ko na ang tinted sunglasses ko na pina seryoso ko pa ang aking mukha. Pero wala parin akong imik at ako na ang unang pumasok sa elevator. Mukhang saka lang ako napansin ng mga empleyado, dahil na-tahimik silang lahat at napa tigil pa sila sa pag pasok. “Do you want to join us? I’m pressed for time! “ suplada kong saad sa kanila! Napa-atras naman sila dahil tinaasan ko pa sila ng kilay. Wala naman silang nagawa dahil sinarado na ni Andrew ang elevator. Narinig ko pa na napa smirk siya!! Ayon sa aking peripheral vision parang tuwang-tuwa ang mokong sa nakikita n’ya saakin! “Is that the face of a jealous baby? I like that! You’re cute. “ Maya’t maya saad n’ya saakin. Ano daw ako? Nagseselos! Kapal n’ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD