MARGARETH POV
NAKARATING na kami sa mansion na wala parin akong imik. Hindi naman s’ya nangulit kanina dahil sinamaan ko siya ng tingin.
Pero hindi pa rin maiaalis ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi, na mas lalong nag aalboroto ako sa inis sa kanya! Parang tuwang-tuwa pa siya sa itsura ko, hinayupak talaga siya!
Hindi ko siya hinintay na pag buksan ako ng pintuan ng kotse at agad akong lumabas. Dumeretso ako sa loob ng mansion at iniwan ko siya.
“O’ anak, nasaan si Sir Andrew? “ bungad sa akin ni Yaya. Pero parang nagulat pa siya sa aking itsura, ako man din, hindi ko maintindihan ang aking sarili, para bang nagpupuyos ako sa galit! Urgh!
“Yaya! Saakin mo pa talaga hahanapin ang babaerong ‘yon? “ balik tanong ko naman sa aking Yaya. At mukhang nagtaka pa sa aking inasta.
“Babaero? “ balik tanong sa akin, at kinuha na ang aking bag, at binigay kay Elsa.
“Elsa, kunin mo ang bag ng ma’am Marga mo at I akyat sa taas. “ utos niya sa dalagitang kasama sa bahay. Nakita ko naman di Elsa na palapit na saamin.
“Opo Nanay Soledad. Andiyan na po. “ rinig ko naman na magalang na sagot ng dalaga. Habang parang nagmamadali pa.
Nang naibigay ni Yaya ang aking bag sa kasambahay namin, napa second look pa sa akin ang dalaga, mukhang pati siya nagtaka saakin. Ganun na ba ako ka obvious?
“Anak, bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba? “ nagbalik ang aking diwa sa tanong ni Yaya saakin.
“Yaya, mamaya na ako mag kwento, nasaan si Daddy? “ pag-iiba ko sa usapan. At mukhang nakalimutan pa yata ni Yaya. I wonder why na pagsabihan na ito ni Dad.
“Ay oo pala! Sabi pala ng Daddy mo anak, puntahan niyo daw siya sa kanyang library. Kanina pa pala ‘yon naghihintay sa inyo ni Sir Andrew. “ Mahaba-habang litanya ng aking yaya saakin. Sabi ko na ba at binilin siya ni Dad.
Kaya naman, pupuntahan ko na sana ang library ng magtanong ulit sakin ang aking Yaya.
“E’ saan ba si Sir Andrew anak? Bakit hindi mo kasabay? “ takang tanong pa saakin ng aking Yaya.
“Ay, ewan ko sa kanya Yaya! Kung saan-saan napupunta! Baka may ka tawagan! “ Nagngingitngit kong tugon sa aking Yaya! Wala pa naman alam si Yaya sa relasyon namin ni Pangit, pero duda ako dito sa matanda, mukhang may alam eh. Katulad ngayon tinignan na naman ako mula ulo hanggang paa, na para bang isang imbestigador!
Napansin pa yata ako ng matanda dahil napa kunot noo pa siya. Ngunit napa sulyap siya sa aking likud.
“Ay, andiyan na pala si Sir Andrew anak. “ maya’t maya saad ni Yaya saakin at nakatingin sa aking likud.
Mabilis naman akong umalis, at hindi ko na pinapansin ang tawag sa akin ni Yaya. Ayaw kong maka sabay ang babaerong ‘yon!
“Anong nangyari kay senyorita sir? “ rinig ko pang tanong n’ya kay Andrew. Hindi ko na narinig ang sagot ni Andrew dahil dumeretso na ako sa library.
Kumatok muna ako ng dalawang beses, bago ako pumasok sa loob.
“Tok-tok! “ katok ko sa pintuan.
“Come in please! “ rinig kong boses ni Dad! Kaya pumasok na ako.
Nadatnan ko si Dad na naka printing nakaupo sa kanyang swivel chair. Habang may hawak na tabaco sa kanyang kaliwang kamay. Hindi naman mabaho ang kanyang tabaco. Pero minsan naasiwa din ako sa usok.
Binaba ni Dad ang kanyang tabaco at naka ngiti s’ya saakin. Ngunit napa kunot noo siya, siguro dahil mag isa lang akong pumasok?
“Hi Dad! “Bati ko sa kanya at humalik na ako sa kanyang pisngi at yumakap. Gumanti naman ang aking ama sa aking yakap.
“Hija! Nasaan si An—“ hindi pa natapos ni Dad ang kanyang sinasabi ng may kumatok ulit sa pinto. And I know who’s that person.
“The womanizer! “ bulong ko sa hangin. Napatingin pa ang aking ama saakin. Bago pinapasok kung sino man ang kumakatok!
“Come in! “ boses ni Dad. And tama nga ako si Andrew ang pumasok. Pero hindi pa rin mawawala ang ngiti sa labi niya?
“Bwisit talaga siya! “ mga himutok ko sa kawalan.
Hindi ba alam ng pangit na ‘to na galit ako sa kanya! Tapos kung makangisi wagas! Bwisit talaga!
Kaya pinaikotan ko siya ng aking mata, kahit nandito pa ang aking ama.
“Young man! Anong ginawa mo sa anak ko? “ bigla naman akong na-tauhan sa boses ni Dad! Dahil kung maka tanong kay Andrew naman wagas!
Napa tayo pa ako ng tuwid, dahil hindi pa naman kami pinapa-upo ng aking ama sa couch.
“Nothing Don. Bernardo. Baka nga may gagawin palang ako, sa ngayon humihingi na ako sayo ng basbas. “ Sagot naman ni Pangit! Sabay sulyap sa akin.
Hindi ko nauunawaan ang pinagsasabi nilang dalawa, dahil si Dad nakatitig ng seryoso kay Andrew. Samantalang ang isa. Mukhang seryoso naman ang kanyang sinabi.
“Young man! Binabalaan kita, wag mo nang ituloy yan. “ banta naman ni Dad sa kanyang kaharap. Na akala mo, naiintindihan n’ya ang ibig sabihin ng aking ama.
Hindi ko naman narinig na sumagot si Andrew ngunit seryoso pa rin ang kanyang mukha! Kaya tumikhim na ako! Mukhang nakalimutan yata nila na andito ako! Hello!
‘Uhm! Excuse me! Ano pala ang sasabihin mo Dad? At bakit mo ako pina-uwi ng ganito kaaga? “ tanong ko sa aking ama.
Napa baling naman sa akin ang aking ama, ngunit may sinabi pa siya kay Andrew.
“I’m warning you, young man. “ may kahulugan na saad ni Dad sa kasama namin. Ngunit smirk lang ang sinukli ni pangit! Parang walang takot sa aking ama. At humarap na ang aking ama saakin. Sabay pina-upo na kami sa couch sa harap ng kanyang mesa.
“Anyway hija, pinatawag kita kasi may nag-reklamo ng mga kliyente sa ating kumpanya. Gusto kong ayusin mo ito. Aalis ako bukas ng maaga papuntang Europe dahil may gagawin akong importante do’n. “ mahaba-habang litanya ng aking ama. Pero ang naiwan lang sa aking utak ay ang sinabi niyang nagreklamo na kliyente? Pero diba inayos na ni Brandon ‘yon?
“Hindi kaya, may alam si Dad sa ginawa ni Brandon? “ kausap ko sa aking sarili.
“Marga hija! Are you with us? “ rinig kong bulalas ulit ni Dad. Kaya nag balik ang aking diwa.
“Yes Dad, of course! “ agad kong sagot ng nahimasmasan na ako.
“At sino ang kliyente ng nagreklamo Dad? “ sigunda ko pa. Nagtaka naman ako, dahil kahit wala si Dad sa kumpanya ay alam parin nito kung ano ang nangyayari.
Kung sabagay nga naman, siya ang CEO. Napailing nalang ako.
“The complainants were from Cebu and Davao, including Abroad. This is not the first time they have complained. It’s been a long time and I want to stop them. “ Pagsisimula ni Dad. Nagulat pa ako sa rebelasyon ng aking ama.
“Ano daw? Matagal nang ganito ang nangyari sa kumpanya namin? “ kausap ko sa aking sarili at napa sulyap pa ako kay Andrew, na ngayon nakatitig sa akin ng seryoso. Pero simaan ko siya ng tingin!
Hindi pa kasi nawawala ang galit ko sa kanya. At ang hinayupak, yung seryosong mukha niya kanina, ayon nakangisi na naman! Kaya pina-ikutan ko siya ng aking mga mata. Pero malutong lang na tawa ang sinagot! Hayop talaga siya!
Napatigil naman ako sa pagpupuyos ng galit ko sa kaharap ko ngayon ng nagsalita ulit ang aking ama.
“I'll go to our company in Europe. And you take care our company here. But I want to remind you hija, be extra careful and I won’t be here in the Philippines for a few days.” Sigunda ng aking ama. Mukhang seryoso ang aming pinag-uusapan. Sabay sulyap siya sa aking katabi. Wala naman imik si Andrew at nakikinig lang. Pero kung sa akin nakatingin para akong pinagtatawanan ang hinayupak.
Duda ako, kung narinig ni Dad ang malutong na tawa kanina ni Andrew. Kaya binalik ko na ang aking atensyon sa aking ama.
“Dad, matagal ka ba do’n sa Europa? “ Tanong ko sa aking ama.
“I don’t know hija, maybe yes or no, I just want to remind you, don’t trust anyone else. But trust what your heart says.” May gustong ipahiwatig sa akin ang aking ama, na medyo naguluhan ako.
Kakaiba ang aking ama ngayon. Mukhang balisa pa! Pinagpapawisan kahit malamig naman sa loob ng library.
“Dad are you ok? You look pale Dad. “ nag-alala ang aking boses na tanong sa aking ama.
Pati ang kanyang mga mata, may lungkot akong naaninag. Nakikita ko lang ang lungkot na ganun kapag naalala niya si Mommy.
Kaya tumayo na ako at niyakap siya. Dahil alam ko miss niya ang aking Ina.
“I’m ok hija! Don’t worry about me. “ nakangiti nitong bulalas sa akin. Pero hindi pa rin umabot sa kanyang mga mata ang kanyang ngiti parang may kulang parin.
“Anyway 'to lang ang gusto kong sabihin sayo anak, pwede ba hiramin ko muna ang PERSONAL BODYGUARD mo at kausapin ng masinsinan? “ maya’t maya tanong ng aking ama saakin. Nilakasan pa talaga ang salitang personal bodyguard sa akin, ngunit kay pangit naman naka tuon ang mata n’ya. At ang isa naman hindi natinag, kahit pa seryoso na ang aking ama. Pero hindi nakaligtas ang pagtaas-pagbaba ng adams apple niya. Dahil napalunok pa siya habang nakatingin sa akin.
“ You are his boss Dad. Talk to him as long as you want Dad. All right then, I’ll go up first.” Sagot ko sa aking ama, sabay paalam ko na din. Ngunit napatigil ako sa pag-hakbang patungo sa pintuan ng library. At sumulyap pa sa kanilang dalawa. Hindi naman naka ligtas ang ngisi ni Dad sa kaharap niya ngayon walang iba kundi si Pangit.
“Dad, you’re going to have dinner with me tonight, aren’t you? “ panini-guro ko pa sa aking ama, at baka aalis na naman kahit sinabi maaga bukas! Ganyan naman palagi s’ya aalis, at bigla-bigla nagpapakita.
“Yes of course. Sweetheart, I promise. I’ll join you for dinner. “ naka ngiti niyang sagot sa akin, kaya napa-hinga na ako ng maluwag at tuluyan ko ng nilisan ang library ng aking ama.
Sa totoo lang matagal-tagal ko din na hindi pumasok sa kanyang library. Magmula ng nagka-isip ako lalo nang nag-aral ako sa America, hindi na ako pumasok do’n. Isa pa laging wala si Dad.
Napangiti pa ako ng naalala ko nung bata ako doon ako nagtago, kasi nagtatampo ako noon sa aking ama.
Naghanap na sila kung saan-saan saakin, akala ni Dad noon ay nakidnap na ako! Hindi ko maipaliwanag ang itsura ng aking ama, sa araw na 'yon.
Noong nakita na nila ako sa loob ng kanyang library, biglang parang nabunutan ng tinik ang aking ama. Nagulat pa ako dahil ‘yun ang first time na galit siya ng husto, lalo na sa mga bodyguard na bantay sa mansion. Hindi rin nakaligtas noon ang aking Yaya sa bagsik ni Dad. Ang galit na galit na mukha ng aking ama noon ay biglang napalitan ng lungkot at pangungulila, na akala mo takot na takot akong mawala sa kanya ng makita ako.
At tumatak sa aking isip ang katagang kahit kailan hinding-hindi ko malilimutan. At isang napakalaking katanungan para sa akin.
“ I will never forgive myself. If I lose you too. I don’t want the same mistakes to be made again. You are the reason why I continue to live. And I will do anything to protect you, my princess… “
“May tinatago ka ba sa akin Dad? “ bulong ko sa kawalan.