Chapter 29

2115 Words
Unknown Pov “Ano? Na-bulilyaso na naman kayo! Mga inutil! “ Isang malakas na boses ang umalingawngaw sa loob ng hideout ng mga sindikato. Sa isang liblib na lugar kung saan walang kahit sino man ang nakaka-alam na hideout iyon ng mga illegal drugs. Sila ang tinatawag na sindikato na nagpalaganap ng droga sa buong bansa. Dahil sa sunod-sunod na pagkahuli ng mga argumentong delivery sana papuntang Davao at Cebu. Nahuli sila ng mga alagad ng batas. Hindi sila nakalusot dahil, ang nakahuli sa kanila ay ang mga tapat sa serbisyo. Hindi katulad ng ibang alagad ng batas na laging nakakahuli sa kanila ay tinatapatan lang ng pera. Kung sabagay hindi masisi ng mga kapulisan kung bakit walang tiwala sa kanila ang ibang tao, dahil karamihan talaga sa kanila ay nababayaran ang serbisyo. Mabuti nalang at ibang alagad ng batas ang nakahuli sa mga sindikatong 'to. Dahil magaling at tapat ang pinuno nila. Hindi alam ng sindikato na ang mismong Captain ng FBI ay nakapasok na sa teritoryo ng mga drug lord. “Sino ang hudas na kumakalaban sa akin? “ sigaw ulit ng kanilang lider! “Boss! Hindi ho namin alam. “ May takot naman na sumagot ang isa sa kanyang mga tauhan! Dahil alam nila kung gaano walang awa ang kanilang amo. Lalo pa at takot ito sa mas nakakataas sa kanila! “Mga gong-gong! 100 Million ang nawala sa atin! Saan ako kukuha ng pang abono ko? Mga tarantado ba kayo hah! “ sigaw ulit ng lider ng sindikato! Dahil alam nito, na hindi tumatanggap ang pinakamataas sa kanila ng rason. Hindi alam ang gagawin ng lider nila, dahil may takot sila sa kanilang nakakataas sa kanya. “Boss! Bakit hindi na lang natin kidnapp'n si Bernardo? Mukhang tiba-tiba tayo sa kanya. “ nakangising suggest ng isa mga tauhan ng lider. Ngunit isang batok lang ang napala nito mula sa kanyang kasamahan! “Tanga ka ba talaga Borcio? Eh sangka damakmak nga ang bodyguard ng matandang ‘yon! Gusto mo ba talaga matiguk ng maaga hah! “ bulyaw ng isang kasamahan nila. Napakamot naman ang nag-ngangalang Borcio dahil mukhang hindi siya naunawaan ang ibig sabihin, kaya nagsalita siya ulit. “ Tomas, hindi naman ang matanda ang sinasabi ko, kundi yung anak! Iisa lang ang bodyguard ‘yon, kaya madali natin makuha. “ bulalas ulit ni Borcio. Totoo ang sinasabi ni Borcio, dahil nag-iisa lang ang laging kasama ng dalaga. Ngunit ang hindi alam ng mga sindikato ay isang kapitan mula sa FBI at mabangis na tulad nito ng isang tigre! Bigla naman na-tahimik ang lahat, naisip ang boss nila na may point si Borcio dahil matagal na nilang minamanmanan ang anak ni Don. Bernardo. Dahil ang utos ng amo nila ay wag gagalawin si Margareth. Ngunit sa pagkakataon ito ay biglang natahimik ang kanyang boss. Mukhang gustong sumang-ayon sa sinasabi ng kanyang mga tauhan. Lalo pa at napapansin n’yang mas lalong lumayo ang loob ng dalaga sa kanya. “Ano boss payag ba kayo na kidnapin nalang natin ang anak? Tiba-tiba tayo doon bossing, saka yung bodyguard n’ya madali namin madis-patsa ‘yon boss! “ mayabang na saad ni Tomas sa kanyang amo. Si Tomas ang kanan kamay ng lider nila. Wala din sinasanto ang isa, dahil kahit sino walang awang pumatay lalo na kapag nakikita ang ginagawa niya. Dahil sila ang walang awang pumapatay sa mga taong, binabayaran nila upang magtulak ng droga. At kung marami ng alam ang mga ito, walang awa nitong pinapatay! Sa pamamagitan ng pag baril at tinatapon nalang kung saan-saan ang katawan. “Sige, pag-isipan ko. Kung sabagay may tama kayo! Kung hindi nga ako ang makinabang sa babaeng ‘yon, mas maganda pa siguro pagsawaan ko muna ang anak ni Don. Bernardo! “ naka ngising sagot ng lider ng sindikato. “Hindi ang pesteng bodyguard na 'yon ang makikinabang sa babaeng matagal ko ng gustong matikman. “ sa isip-isip ng lider, dahil gustong-gusto din niyang patayin ang bantay ng dalaga. “Boss? Pwede ba kapag tapos kana kami naman? “ walang kagatol-gatol na tanong ni Tomas sa kanyang amo! Ngunit isang kalibre-45 ang tumapat sa kanyang mukha! “Binabalaan kita Tomas! Ni katiting sa daliri ni Margareth wag na wag mong pakiki-alaman dahil akin lang siya! Maliwanag! “ bulyaw ng lider sa kanyang kanang kamay. Natakot naman ang isa at tanging tango lang ang sinagot nito sa kanilang lider. Mabuti nalang at hindi kinalabit ang boss nila ang gatilyo! Dahil kilala nila ito lalo na kung nakatikim na ang nasabing ipinagbabawal na gamot. Natapos na ang meeting ng mga sindikato at nag usap-usap ang mga tauhan nito! Nang maka-alis na ang kanilang boss. “Kahit kailan talaga si boss, paiba-iba ang plano! Kung no’n pa sana at pumayag siya na kunin natin ang anak ng matanda, e di sana tapos na ang problema! “ himutok ng isa sa mga tauhan. Sa kabilan banda, hindi alam ng mga sindikato na may nakamasid sa kanilang taga labas. At narinig lahat ng kanilang pinag-usapan. Siya ang Spy ng isa sa mga alagad ng batas ng walang nakakaalam. Lumabas siya sa hideout nila, at tinawagan ang kanyang amo, at binalita ang kanyang narinig. “Hello bossing! Magkikita tayo sa tagpuan. “ saad niya dito sa kanyang amo. Alam ng tinawag niyang bossing kung saan ang tagpuan nilang dalawa. At agad ng umalis sa loob at sini-siguro nitong walang nakahalata sa kanya. Agad ng nilisan ang Spy ang hideout ng kanyang kasamahan, kung saan makikipag kita siya sa tinawag nitong boss. Nakaalis ang Spy ng hindi siya natunugan ng mga kasamahan nito, dahil masaya ang mga ito ng nag-iinuman at naglalaro sa braha. Ganito ang gawain nila kapag wala ang kanilang pinuno. Sa kabilang banda, nakipag kita ang lider ng mga sindikato sa mas nakakataas sa kanya. Aminado siyang hindi lang galit ang matitikman nito sa kanilang Bigboss. Kung malaman nito ang kapalpakan ng kanyang mga tauhan. Dahil hindi biro ang isang-daang libong million piso na halaga. Pagkapasok palang n’ya sa mansion ay kakaibang amoy na ang kanyang nalanghap. Amoy usok ng sigarilyo at iba’t ibang amoy ng alak, hindi na siya nagtaka pa, palibhasa sila ang pinuno ng mga droga. “ Hijo! “ Masiglang tawag sa kanya ng kanilang pinuno. Masaya pa ang mukha nito, ibig sabihin wala pa itong alam sa mga bolilyasong lakad ng kanyang mga tauhan. Sa isip-isip nito. “Papa! “ bati nito sa kanyang ama. Oo, ama niya ang pinuno nila! Walang alam din ng mga tauhan nila na ama ng kanilang boss ang pinuno ng mga sindikato. Dahil masyadong madulas at laging nakaka lusot sa batas ang Bigboss ng sindikato. Nagtataka din ang anak nito kung paano 'to nakakawala ng patong-patong na kaso, lalo na sa ipinagbabawal na gamot. “Kumusta ang negosyo? “ tanong agad ng ama nito sa kanya. “Ok naman Papa! Darating ang pera sa ikalawang araw. “ pagsisinungaling nito sa kanyang ama. “Ikalawang araw? Ngayon lang yata na delay ang lakad mo hijo? May problema ba? “ takang tanong ng ama nito sa kanya. Hindi nagpa-halata ang isa dahil ayaw nitong makialam ang ama sa kanyang plano. “Hindi naman Papa, actually pinag-isipan kong mabuti, alam mo naman mainit tayo sa Batas! “ rason ng anak nito. Ngumisi naman ang ama nito at parang naiintindihan siya. Naisip ang Bigboss na may tiwala siya sa kanyang anak. Dahil balang araw ipapamana nito ang kanyang trono! Ngunit hindi pa sa ngayon dahil marami pa siyang gustong gawin. “Balita ko lumalambot ang puso mo sa anak ni Don. Bernardo? “ maya’t maya tanong ng kanyang ama sa kanya. Napa-ubo pa ang binata sa tanong ng ama nito, ngunit kalaunan sinagot din nito. “Nagkakamali ka Papa, wala akong gusto sa anak ni Don. Bernardo. Trabaho lang ang ginagawa ko. “ pagsisinungaling nito sa kanyang ama. Pero ang totoo unti-unti ng nahuhulog ang damdamin ng binata para sa dalaga. “Bakit hindi mo totohanin? I mean, mas madali natin gawin ang plano natin kung magiging asawa mo siya. Isa pa wala naman nakakaalam na anak kita. Lalo na ang ama niya na hanggang ngayon sunod-sunuran pa rin saakin. “ nakangising litanya ng bigboss sa kanyang anak. “Hindi nga ba Papa, Ikaw ang nagsabi sa akin na wag kung pakialaman ang anak niya? “ balik tanong ng anak nito sa Bigboss. Dahil una palang, kabilin-bilinan na ito sa kanya na wag gagalawin ang anak ni Don. Bernardo. Kaya nga hindi niya ito pinapa-galaw sa kanyang mga tauhan. Ngunit parang nagbago yata ang kanyang ama na pinag taka pa nito. Nagsalita ulit ang Lider at nakinig naman ang anak nito. Naka-upo sila ngayon sa isang mini bar sa loob ng mansion kung saan dito mo makikita ang lahat ng klase ng alak pati ang iba’t ibang klase ng droga. Ang lider ng sindikato ay may edad nang 65 year-old ngunit kakaiba pa rin ang tikas ng katawan. Hindi mo akalain na matanda na siya, dahil alaga ito sa katawan. At siguro dahil na rin sa mga bawal na gamot na minsan ini-inom nito. Dahil parang nasa 40’s siya kung titignan mo. “Iba na ngayon! Kailangan natin madaliin lahat at ilipat ang mga epektos! Mainit na tayo sa batas! O’ baka naman kaya nadelay dahil nahuli? Hijo! Kapag hindi mo na kaya, sabihin mo sa akin at mga tauhan ko na ang gagawa. “ pakiramdam ng anak nito ay may alam ng kanyang ama. Hindi kaya nag pretend lang ama nito na walang alam sa nangyayaring bulilyaso sa kanilang lakad? “No Papa! Let me do it! Patunayan ko sayo! Sa ikalawang araw! Darating ang pera. “ sigurado na sagot naman ang anak ng bigboss! “Sige hijo? Yan ang sabi mo! May tiwala naman ako sayo. “ natutuwang bulalas ng kanyang ama. At nagpaalam na ito dahil ang mansion ng ama niya ay isang impyerno para sa kanya. Bata palang siya, kahit kailan hindi siya nakaramdam ng pagmamahal sa kanyang ama. Noong namatay ang kanyang Ina nagbago ang lahat sa kanya. Minulat siya sa katotohanan na walang maibibigay ang malambot na puso. Naging matigas din siya at walang awang kung pumatay. Ngunit ang hindi alam ng lahat may malambot din siyang kalooban. Dahil sa isang babaeng matagal n’yang gusto, ngunit ni katiting sa dalaga ay hindi n’ya ito masuklian. Mas lalo ng dumating ang personal bodyguard nito. “Balang araw magiging akin ka Margareth! Akin kalang! “ paulit-ulit n’yang bigkas habang nakatitig ito sa litrato ng dalaga. Pina-andar na nito ang kanyang kotse, at kailangan nitong makausap ang taong alam niyang makakatulong sa kanyang plano. Dumeretso ito sa isang exclusive-bar kung saan doon namalagi ang kanyang kikitain. Nag park muna siya ng kanyang kotse. Lingid sa kanyang kaalaman na meron nakasunod sa kanya ng hindi nito namamalayan. Sa kabilang banda, nakamasid ang nakasunod sa kanya, ng hindi nito namamalayan. Mula sa hindi kalayuan, kitang-kita ng isang binata ang pagtatagpo ng dalawang kulang na lang ay pagbabarilin na niya ang mga 'to. Lumapit siya sa dalawa, at nakinig sa pinag-uusapan na hindi nila ito napansin. Sa kabilang banda, nakangiti ang pinuno ng sindikato dahil nakita niya agad ang kanyang pakay. “Hi! “ bati n’ya sa taong sadya ng binata. Nagulat pa ang isa dahil hindi n’ya inaasahan na makikita siya nito. Isa pa dalawang araw na rin ang nakalipas. “Naligaw ka yata? “ pilosopong sagot ng kaharap nito. “I really mean you, and I also know what your true color is. I need to get Margareth as soon as possible. “ Diretsong saad ng binata sa kaharap nito. “I don’t know what you are talking about! “ pagalit naman na sagot ng kaharap nito. “Look! Wag na tayong naglolokohan. Alam ko naman na ikaw ang may kagagawan sa panganib n’yang buhay. Ano kaya ang gagawin ng ama n’ya sayo kapag nalaman n’yang ikaw ang master mind? “ naka ngising tugon ng binata sa kausap nito! Namutla ang kausap nito dahil paano niya nalaman ang bagay na ‘yon. Samantala ang taong nakamasid sa kanila ay nagngingitngit na sa galit. Kung pwede lang sana ay barilin nalang n’ya ang mga ‘to o di kaya naman ay ipakulong na lang agad. Umalis ito sa lugar kung saan nag-uusap ang dalawang may plano para makuha si Margareth. “Hindi pa ‘to ang oras niyong dalawa. Dahil sisiguraduhin kong, may kalalagyan kayo. “ Bulong nito sa kawalan at linisan na nito ang lugar. Isang sulyap pa ang ginawa nito sa dalawa bago lumabas sa bar. Patuloy naman ang pag-uusap ng dalawa. “Tell me, what should I do? “ tanong ng kausap ng binata. Ngumisi naman ang isa. At nag plano sila kung paano pabagsakin ang mag-amang Bernardo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD