Andrew Pov Nandito ako ngayon sa labas ng kanyang office. At seryoso ang aking mukha. Sabay sulyap sa gawi ng secretary ni Margareth. At biglang may pumasok sa aking isip. Hindi pwede magsolo ang dalawa doon. May tiwala ako sa aking girlfriend ngunit sa kasama wala akong tiwala. “ Bakit mo iniwan Captain?” tanong ng utak ko. “ Kailangan.” Sagot ko sa sarili kong katanungan. Pasulyap tuloy sa akin si Joy sa akin. Kaya kinausap ko na siya. “Joy pumasok ka daw sa loob kailangan ka ni Margareth.” Bigla kong saad sa kanyang secretary. Hindi ko na tinawag na ma’am ang aking girlfriend kapag ang kanyang secretary ang aking kausap. Isa pa alam naman nito kung ano ang relasyon namin ng kanyang kaibigan. “ Sinabi ba niya sir?” Balik tanong sa akin, Hindi naman nakaligtas sa aking ang nakakaloko

