Margareth Pov “Hoy! Bakit ganyan ang face mo besh? May nangyari ba na hindi maganda? “ tanong ni Joy pagkapasok namin sa loob ng aking opisina. Napahawak pa ako sa aking sentido dahil sa kahihiyan ko kaninang umaga. Hayop kasi na pangit na 'yon! Sinadya ko talaga na hindi siya pansinin kanina, hindi dahil sa galit ako, kundi sa nahihiya ako sa nangyari! Alam ko din na nakahalata kanina ang aking ibang mga bodyguard. “Oh! Kitam, ngayon naman parang may kaaway ka! Sino Kaaway mo at sugurin natin! Bulalas ulit ng aking kaibigan. “Christine Karen Joy. “ bigkas ko sa buo niyang pangalan. Nakakunot noo pa siya dahil minsan ko lang talagang binabanggit ang buo nitong pangalan. Kapag ganito lang, medyo seryoso na ang aking dina-dalang kahihiyan. Nagdalawang isip pa ako, kung sabihin ko

