Andrew Pov “Morning sir! Mukhang masaya tayo ngayon hah! “ bati ni Pepito sa akin, sabay nakangisi pa ang luko. “uh, Pepito! “ sagot ko sa kanya. Aaminin ko hindi ko talaga maiwasan ang hindi mapangiti sa nangyari kanina lang. Sinadya ko talaga siyang iwanan doon, dahil mahirap na at baka magalit pa ng kay aga-aga. Ibig sabihin lang, hindi niya talaga alam na magkatabi kaming natulog sa kanyang kwarto? Mga tumatakbo sa isip ko. “Ahm! Kakaiba ka talaga ngayon sir, anong ganap? “ bumalik ang aking diwa sa tanong ni Pepito sa akin. Kasabay ang paglabas ni Margareth mula sa malaking pintuan ng mansion. Naghintay ako dito sa labas dahil kailangan niyang pumasok ngayon sa kumpanya. Mamayang gabi alam kong lalabas na ang mga argumentong nakatago sa loob ng warehouse. Hindi ko na s

