MALALALIM na paghinga ang binitawan ni Jayden. Sumandal siya sa swivel chair dahil pakiramdam niya nanakit ang buong kalamnan niya. Kakauwi pa lamang nila sa Pilipinas pero tambak na agad ang sunod sunod na meetings at newly-made project nila. Inunat niya ang leeg. Narelax kahit papano ang pakiramdam niya. "So that's the aim for our newly launched à la carte, what do you think, Mr. Aran?" Tanong ng isang nagpepresenta sa harap ng board meeting. Hinilot hilot niya ang magkabilang sentido dahil pakiramdam niya magkakamigraine siya sa sakit niyon. "Mr. Aran?" Ulit ng lalaki Wala pa rin siyang kamalay malay na tapos na ang presentation. Iniimagine niya pang minamasahe siya ng maganda niyang asawa habang nakasuot ito ng manipis na bestida at tila inaakit siya. Nakagat niya ang ibabang labi s

