KANINA pa pabalik balik si Denise sa sala. Aligaga, hindi mapakali. Pakiramdam niya ay sinisilihan ang pang-upo niya. Nakakunot-noo ang Ama niya na nagsalita. "Kung hindi lang kita anak at kung hindi ko lang alam na hindi mo na mahal si Tyler, iisipin ko mahal mo na baliw kana sa asawa mo." Natatawang saadnito Mabilis na nilingon niya ito. "Papa!" Malakas na saway niya. Natatawang tumayo ito. "Hindi ka naman mabiro. Hindi ko na mahihintay pa ang asawa mo, anak. Uuwi na ako't baka gabihin ako sa biyahe. Dadalaw dalaw naman ako dito kaya makapagkuwentuhan pa kami ng asawa mo next time." Anito. This time, tuwing binabanggit nito ang asawa niya, hindi na siya nagseselos o nai-inggit. Alam niya nang magkaibigan ang turingan ng dalawa. Gagawin niya ang mga tinuro ng Ina niya noong nabubuhay p

