PALAKAD-LAKAD si Ysay sa gitna ng kanyang kuwarto habang nginangatngat ang kuko sa kanyang mga daliri. Ni-lock niya ang pinto dahil alam niyang susundan siya ni Miguel. Mabilis na mabilis rin ang kabog ng kanyang dibdib. Kaninang inalok siya ni Miguel para magpakasal dito ay gusto niyang umagot ng oo. Gustong-gusto niya. Pero bigla siyang sinaniban ng natakot. Bigla siyang inatake ng mga samut-saring negatibong bagay. Parang bumalik lahat sa kanya ang mga naging takot niya. Dapat ay mtuwa siya – pero natutuwa naman talaga siya – pero natatakot din siya. Nasa ganoon siya ng marinig ang sund-sunod na pagkatok sa pinto. Napasulyap siya roon. “Ate Ysay, si Tin ito. Buksan mo ang pinto.” Mabilis siyang kumilos upang tunguhin ang pinto. “Tin? Ikaw lang ba ang nandiyan?” nasa boses niya an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


