GABING-GABI na pero gising pa rin si Ysay. Inaantok na ang mga mata niya at gustong-gusto na niyang magpahinga. Pero ang isip niya ay gising na gising pa rin. Sa tuwing susubukan niyang matulog at ipipikit ang mga mata ay hindi nakikisama ang diwa niya. Gising na gising pa rin iyon at tila hindi napapagod sa pag-iisip. Masakit na masakit na rin ang kanyang ulo. Kaninang ay ang ina na niya ang nagtawag sa kanya para sana sa hapunan subalit sinabi lang niyang hindi siya nagugutumon. Alam niyang gusto lang siyang kausapin ng pamilya pero wala pa siya sa mood para makipag-usap sa kahit na kanino. Isang tao lang ang gusto niyang makausap ngayon. Si Miguel. Isa pa ay hindi rin naman niya alam ang sasabihin sa kanyang pamilya kapag nagtanong ang mga ito. Wala pa naman talaga kasing kaliwanagan a

