Chapter 37

2180 Words

SA mga unang linggo ay walang palya si Miguel sa pakikipag-usap sa kanya pero malapit ng mag-isang buwan ng magkaroon na ng pagitan ang mga araw na hindi niya nakakausap ang nobyo. At kung kausapin siya nito ay palagi nalang itong nagmamadali. Kapag nagtatanong siya sa kung ano ang nangyayari ay mas lumala raw kasi ang sakit ni Elise at mas matindi ang ginagawang panggagamot dito. Inakala niyang magdidire-diretso na ang ganoong set-up na palagi silang nag-uusap pero nagkamali siya. Ayon sa binata ay sinimulan na raw ang chemotherapy para sa dalaga lalo at tumalon na sa stage 4 ang cancer nito. Sinabi rin nitong mas mababa na ang tsansang mabuhay ito ng matagal at ilang porsiyento lang ng mga ganitong may cancer ang nabubuhay ng ilang taon. Sinabi rind aw ng mga doctor na maaring wala ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD