LUMIPAS ang mga sumunod na araw na tinupad ni Miguel ang pangako sa kanya. Walang araw na hindi ito tumatawag. Minsan sa umaga pero mas madalas ay sa gabi. Kadalasan sa umaga ay sinasabi lang nito ang magiging aktibidades sa araw na iyon pagkatapos ay matatapos na rin ang usapan nila. Sa gabi ay mas matagal ang pag-uusap nila. Hindi niya alintana kung nagigising siya sa hating-gabi para lang makausap ang nobyo. Sa araw naman ay hindi ito makakalimot na i-message siya. Madalas din silang mag-video call kaya kahit papaano ay naiibsan ang lungkot at pagka-miss niya sa binata. May mga pagkakataong nagvi-video call sila na nasa ospital ito. Minsan naman ay nakauwi na ito sa apartment na nalaman niyang pag-aari mismo ng nobyo. Lihim siyang nagpasalamat dahil hindi ito nakituloy kina

