Gabi na nang makauwi siya sa kanila. As usual, wala pa rin si Francis. Si Noah naman ay nasa silid na raw at natutulog na. Napatingin siya sa ng orasan ng silid nila ni Francis. “Kakain pa ho ba kayo, Ma’am?” si Belen na sumunod pala sa kanya. “Hindi na, Belen.” Pagod na pagod na siya. Wala siyang ganang kumain. Paano, mula nang bumalik sila galing Lucena, ‘di niya napahindian si Rufus nang iliko nito ang sasakyan patungo sa Pamplona. Mali nga na pumayag siyang ito ang mag-drive. Bugbog na naman ang katawan niya. Para itong nagdiwang na maaari na nitong maglabas ng init sa kaibuturan niya. Ibang karanasan nga naman iyon para sa kanya. Feeling his release inside was mind blowing. Iba ang sarap. Mabuti na lang at may gig pa ito. Kung hindi ay baka nasa bahay pa rin siya nito hanggang sa n

