Mula sa main highway ay lumiko ang sasakyan nila pakanan hanggang sa narating ang pakay. Isang kabubukas pa lang na OB-GYN clinic ang ipinunta nila sa lugar na ito. May OB siya, pero hindi pwedeng doon siya magpapaturok ng gusto niyang iturok sa katawan. Birth control was never an issue for her until Rufus came into the picture. Maingat siyang naghanap ng pwede niyang puntahan naa malayo sa sirkulo ng pamilya. Kailangan niyang maging maingat. Maliit lang ang clinic na pinuntahan nila pero halatang makabago ang mga gamit. Bagong bukas lang din iyon. Katunayan, kasalukuyan pang nila-landscape ang hardin. “Magaling ako diyan.” Sa landscaper nakatingin si Rufus. “Bukod sa pagiging pintor at musician, kaya mo rin ‘yan?” Namulsa ito. Umangat ang dalawang balikat at sinabing, “Sort of. Nal

