LUCAS’ POV Tawa ako ng tawa habang nagmamaneho habang hindi na kayang idrawing ang mukha ni Kalix at ni Kuya Logan sa likod namin. “My gosh, Lucas! Wala na bang mas ibibilis to?” reklamo din ni Ayana. “Shhh. Bawal magreklamo, kayo ang nag sumiksik dito sa kotse ko eh. “Sana pala nangutang nalang ako ng pera pamasahe. f**k! Wag kang galaw ng galaw, Sancho!” galit na asik ni kuya Logan. Napahalakhak ako ulit dahil sa sinabi niya. “Teka lang naman! Akala niyo ba kayo lang ang nahihirapan ha?” reklamo din ni Sancho na kanina lang ay nakangiti. Pagkarating na pagkarating namin sa harap ng bahay ay agad na sinipa ni kuya Logan ang pintuan ng kotse at sabay silang lumabas ni Kalix sa magkabilang pintuan. “Aray ko! Tangina talaga!” reklamo ni Sancho dahil napasalampak siya sa loob ng

